Mga Bahagi ng Pahayagan

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Road Safety for Children
Advertisements

Ang mga Batas Panteritoryo at Pangkalikasan
Ano ang RABIES ? Ito ay isang sakit na nakamamatay. Ito ay sanhi ng rabies virus. Naaapektuhan nito ang utak at walang lunas. Naisasalin ito sa iba sa.
Teorya at Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa
Pagkamamamayang Pilipino
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo
Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino
Panahon ng Komonwelt.
PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA
1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang
KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016
Click to edit Master title style Ang Sining ng Pakikipanay am.
Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya
Pangngalan Linda Reyes.
FILIPINO 2 Research Paper.
Halina’t, panoorin, pakinggan at suriin ang video…
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Modyul 15. LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND
Web Quest Project sa Kasaysayan ng Asya para sa Ikalawang Antas
KARAPATANG PANTAO.
Pamilihan at pamahalaan
TAGAYTAY CITY.
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
Mga Elemento ng Isang Maikling Kuwento
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
Kahulugan Uri Istruktura Pamahalaan Kahulugan Uri Istruktura.
ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO
PEACE TALKS 101 Introduksyon sa Usapang Pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP Inihanda ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)
Filipino BAHAGI NG AKLAT.
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO
Aralin 1 Dumi ng Tao at Pagtatapon ng Basura
Ang pagsasagawa ng wudo
FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos.
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Ang Pagbabago ng Presyo
Pandarayuhan.
PAGKAMAMAMAYAN.
Ang Kasaysayan at Iba pang Agham Panlipunan
Smile HAT Button BALLONS Hands Hair color Fork and spoon Napkin on neck Pocket meat.
MODYUL 16: PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG PAMUMUHAY
ANG PINAGMULAN NG WIKA GENESIS 11:1 Sa simula 'y iisa at magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig.
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
BUWAN NG WUIKA.
✽Paraan kung Papaano kumuha ng sample sa sariling Ihi✽
Lipunang Pang-ekonomiya
na makapagpasaya na makatulong na maglingkod mula sa isang karanasan
Kataga ng Buhay Marso 2009.
Kahulugan At Kahalagahan Ng Pagbasa
1. Ano ang situwasiyon na maaaring maganap kasunod ng pagtatapon ng isang pasahero ng basura? Bakit ito ang iyong naisip?
Gawain Bilang 1 Loop a Word
Kataga ng Buhay Mayo 2011.
Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)
Written Works for 2nd Quarter
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Summer Enrichment Program
ANYONG LUPA By:Mary Jane A.Cudal.
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Pamilyar at Di-Kilalang mga Salita
( For our eyes only) Ano-ano ang mga ahensiyang nagtatanggol sa teritoryo ng bansa? Ang mga sundalo o militar lang ba ang may pananagutan sa teritoryo.
Aralin 5: Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
Filipino 4 – Aralin 1_ Ikalimang Araw
EsP5P – Iia – 22 DAY 1.
Kataga ng Buhay Setyembre 2009.
Presentation transcript:

Mga Bahagi ng Pahayagan FILIPINO Mga Bahagi ng Pahayagan

Bantay-basa Isang gabi ay ginising si Adela ng kanyang ina. Nang idilat ni Adela ang kanyang mga mata ay biglang siyang napasigaw. Nakita niya ang kanyang ina na nanginginig ang buong katawan satakot. Nasa likuran niya ang isang lalaking hindi niya kilala. Kinuha niya ang baso ng tubig sa mesa at mabilis na ininom.

Mga tanong: Sino ang mga tauhan ng talata? Ano ang nakita ni Adela sa likod ng kanyang ina? Bakit kya natatakot ang knyang ina? Ibigay ang iyong palagay.

mga bahagi ng pahayagan: 1. Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita editoryal 2. Editoryal o Pangulong Tudling 3. Balitang Pandaigdig/Pambansa 4. Balitang Pampamayanan 5. Pitak Pantahanan 6. Balitang Panlipunan 7. Panlibangan 8. Patalastas sa Pagkamatay o Obitwaryo 9. Anunsyo Klasipikado 10. Palakasan

Balita Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari

Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita Ito ay ang balitang nakaimprenta nang malaki sa harap ng pahayagan upang makatawag pansin sa mga mambabasa. Ito ang bahaging naglalaman ng pangunahing balita para sa araw ng labas ng pahayagan

Pangmukhang Balita o Pangunahing Balita

Editoryal Ito ay mahalaga sa anumang pahayagan. Ito ay paglalahad ng pangunahing tayo ng publikasyon ukol sa isang mahalagang isyu. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago. Tinataglay ng bahaging ito ang opinyon ng patnugot tungkol sa mahahalagang isyu. Makikita rin sa pahinang kinasusulatan nito ang kartung editoryal.

Editorial cartoon

Balitang Pandaigdig/Pambansa Naglalaman ang bahaging ito ng mga balita mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Balitang Pampamayanan Naglalaman ito ng mga balita tungkol sa mga pangyayari o mga proyekto sa iba’t ibang dako ng bansa.

Pitak Pantahanan Nagtataglay ito ng mga resipe at iba pang mga tulong sa pag-aayos ng tahanan o paglutas ng mga suliraning pantahanan.

Balitang Panlipunan Nababasa dito ang tungkol sa mahahalagang salu-salo na kinabibilangan ng tanyag na mga mamamayan lalo na iyong mga nabibilang sa mataas na lipunan.

Panlibangan Dito nakikita ang talatakdaan ng mga palabas sa telebisyon, sinehan, at mga teatro at pitak artista.

Patalastas sa Pagkamatay o Obitwaryo Nababasa rito ang anunsyo ng pagkamatay ng isang tao na ibig ipagbigay-alam sa kanyang mga kamag-anak o mga kaibigan.

Anunsyo Klasipikado Dito mababasa ang mga kalakal na ipinagbibili, mga pinauupahan, talaan ng mga espesyalista, o pagkakataon sa pagtatrabaho.

Palakasan Naglalaman ang bahaging ito ng mga balitang may kinalaman sa larangan ng palakasan maging sa loob o sa labas ng bansa.

Ang balangkas ng editoryal ay naglalaman ng tatlong bahagi: a.) Panimula. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari na kung tatawagin ay news peg. b.) Katawan. Ang katawan ay sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan. c.) Pangwakas. Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng awtor.

Opinyon Paglalahad ng sariling saloobin at paninindigan tungkol sa isang isyu

Lathalain (Feature Story) Ito ay sulatin o artikulo sa isang pahayagan na naglalayong tumuon sa isang natatanging isyu sa paraang hindi nagbabalita. Ito ay maaaring nagmumula sa sariling pananaw ng may-akda nito. Ito ay hindi kinakailangang laging nagsasaad ng isang katatapos na pangyayari lamang. Marahil ay pinakamalayang bahagi ng pahayagan. Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar, kaganapan o anumang kaiga-igayang bagay. Karaniwan, ang iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng lifestyle, society, tourism, reviews, entertainment at culture pages ay nasa anyong lathalain.

Sabihin kung saang bahagi ng pahayagan ang mga sumusunod: 1. Kuwento o pagsasalaysay ng isang katatapos na pangyayari . 2. Ito ang bahaging naglalaman ng pangunahing balita para sa araw ng labas ng pahayagan. 3. Tinataglay ng bahaging ito ang opinyon ng patnugot tungkol sa mahahalagang isyu. Makikita rin sa pahinang kinasusulatan nito ang kartung editoryal. 4. Naglalaman ang bahaging ito ng mga balita mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. 5. Ito ay maaaring patungkol sa isang personalidad, lugar, kaganapan o anumang kaiga-igayang bagay. Karaniwan, ang iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng lifestyle, society, tourism,

Isulat kung anong bahagi ng pahayagan ang ipinakikita sa larawan. 1. 2. 3. 4. 5