1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang 1. Sino ang pinag-uusapan sa talata? 2. Ano ang mga magagandang katangian ni Rizal? 3. Dapat ba nating tularan si Rizal? Bakit?
1. Kuya, panalo na naman si Paeng. Nepomuceno. 2 1. Kuya, panalo na naman si Paeng Nepomuceno! 2. Nais kong pasalamatan ang aking ama. 3. Tinuruan ng bowling si Paeng ng kanyang ama noong bata pa siya. 4. Sa Adamson University nagtapos si Paeng. 5. Itinuro kay Paeng ang wastong paghahagis ng bola. 6. Ehersisyo ang kailangan ng tao upang lumusog ang katawan at isipan.
Simuno Ito ang pinag-uusapan o paksa ng pangungusap. Halimbawa: Naninirahan ang mga Mangyan sa lalawigan ng Mindoro.
Panaguri Ito ang nagsasabi tungkol sa simuno. Halimbawa: Manok ang paborito niyang ulam.
Layon ng Pandiwa Ito ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa. Ito ay karaniwang pinangungunahan ng panandang ng. Halimbawa: Maraming tao ang bumili ng pulot.
Di-Tuwirang Layon Ito ang nagsasabi ng pangngalang pinaglalaanan ng kilos. Karaniwan itong pinangungunahan ng salitang para sa, para sa mga, para kay at para kina. Halimbawa: Marami kaming dapat baguhin para sa kaunlaran.
Tukuyin ang gamit ng pangngalan Tukuyin ang gamit ng pangngalan. Isulat ang S kung simuno, P kung panaguri, L kung layon ng pandiwa at DTL kung di-tuwirang layon. 1. Hinuhuli ni Matias ang mga hayop sa pamamagitan ng pana at sibat. 2. Kumuha siya ng mga itlog sa pugad para sa kanilang mag-ina. 3. Nakabili siya ng ilang lata ng sardinas. 4. Mabilis na natuto si Matias ng kanilang aralin. 5. Kahang-hanga ang kanyang mga ginawa para sa mg Mangyan.
Gawaing-Bahay 1. Nagkasakit at namatay ang nanay ni Matias. 2 Gawaing-Bahay 1. Nagkasakit at namatay ang nanay ni Matias. 2. Edukasyon ang susi sa pag-unlad ng buhay. 3. Tinuruan ng mga doktor at nars ng kalinisan ang mga Mangyan. 4. Dakilang gawain ang pagmamalasakit sa kapwa. 5. Ang ginawa ni Matias ay hindi lamang para sa kanyang sarili.