Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017 SINO ANG TAO SA ROMA 7?
Basahin ang Roma 7:1-6 Kung nais nating maunawaan nang maayos ang pagkukumpara, kailangan nating alalahanin ang konteksto ng sulat ni Pablo sa mga taga-Roma. Ang nakonberteng mga Hudyo ay naniniwala na ito ay kinakailangan upang mapanatili ang moral at seremonial na kautusan upang maligtas. Itinuturo nila iyon sa ilang mga iglesia. Nauunawaan ni Pablo na ang lumang tao ay nagsusumikap na magkaroon ng kaligtasan sa pamamagitan ng istriktong pagsunod sa kautusan. Ang bagong tao ay tumatanggap sa sakripisyo ni Cristo bilang rason ng kaligtasan. Nais niyang pigilan ang mga Hentil mula sa pagtanggap ng konseptong kaligtasan sa pamamagitan ng kautusan.
PAGBABAGO MULA SA KAUTUSAN PATUNGONG BIYAYA Ang “lumang tao” ay ang unang asawang lalaki. Ang pagkakapako ng “lumang tao” (chap. 6:6) ay ang kamatayan ng asawang lalaking iyon. Ang muling pagkabuhay sa isang bagong buhay (chap. 6:5, 11) ay ang bagong pag-aasawa. Ang pangkatapusang resulta ay ang pabubunga ng bunga para sa Diyos; ang bunga ng isang nabagong buhay. Ang unang asawang lalaki Ang asawang lalaki ay “ang kautusan” (ang lumang tao na nagsisikap na maligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan). Hanggang sa tayo ay kasal sa kautusan, tayo ay napasasailalim ng mga hinihingi nito. Isang bagong pag-aasawa Kamatayan ng unang asawang lalaki Tayo ay isinilang na muli sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa oras na tayo ay makiisa sa nabuhay na mag-uling Tagapagligtas; mula noon, hindi na natin pa pinaglilingkuran ang Diyos dahil sa takot, ngunit dahil tayo ay mayroon nang bagong espiritu ng kalayaan at pag-ibig. Nang tayo ay ipinako na kay Cristo, ang lumang sarili ay namamatay at tayo ay malaya mula sa sumpa at mula sa kontrol ng kasalanan at kautusan.
KARANASAN NI PABLO Basahin ang Roma 7:7-11 Ang Kautusan ay hindi kasalanan. Ang kasalanan ay nasa tao, at ang kautusan ang siyang naghahayag dito. Si Pablo ay isang dating Fariseo na namuhay sa pinaka istriktong mga alituntunin ng sektang iyon. Sa pamamagitan ng eksternal na pagsunod, siya ay walang kapagurang nagsikap upang maabot ang mga hinihingi ng isang banal na kautusan na sumusuri sa puso. Nang maunawaan ni Pablo ang espirituwal na likas ng kautusan, ang bagong kaalamang iyon ay humatol sa kaniya ng paglabag at inihayag ang kaniyang mga masamang hangarin (talatang 8). Pagkatapos ay kaniyang naunawaan na ang kautusan ay hindi nagliligtas bagkus kumukondena sa atin. Kaya naman kaniyang naunawaan na ang katapusan ng mga makasalanan ay ang walang hanggang kamatayan (talatang 11).
ESPIRITUWAL AT KARNAL Basahin ang Roma 7:12-14 Espirituwal: Ang Kautusan Karnal: Kasalanan Ang kautusan ng Diyos ay ang rebelasyon ng Kaniyang karakter at isang ekspresiyon ng Kniyang pag- iisip at kalooban. Ito ay ibinigay para sa ating pakinabang, at ito ay banal, matuwid at mabuti. Tanging silang isinilang sa Espiritu ang mayroong bunga ng Espiritu at makasusunod sa kautusan. Ating isinusuko ang ating mga sarili sa kasalanan kapag tayo ay namumuhay ayon sa laman. Kahit ang pinaka banal na tao ay karnal kumpara sa espirituwalidad ng kautusan. Ang permanenteng layunin ng kautusan ay upang ihayag ang katuwiran, upang hatulan ang kasalanan at upang ipakita ang pangangailangan ng isang Tagapagligtas. Kung walang kautusan na hahatol sa atin sa kasalanan, ang Ebanghelyo ay magiging walang kapangyarihan; kung ang isang makasalanan ay hindi mapatunayang may sala sa kaniyang kasalanan, hindi niya malalaman ang pangangailangan sa pagsisisi at hindi siya magkakaroon ng pananampalataya kay Cristo.
“Sapagka't ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: sapagka't ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa't ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.” (Roma 7:15) “Habang Siya (ang Kristiyano) ay nakakakita ng mga dating hangarin at mga damdamin, na kung saan ay kaniyang hindi inaaprubahan at kinamumuhian, araw araw ay sumisigaw upang igiit ang kaniyang kapangyarihan sa ibabaw niya, ang Kristiyano ay nakikipagbuno laban sa kanilang impluwensiya, at nananabik na mapuspos ng lahat ng mga bunga ng Espiritu ng Diyos. Ngunit nakikita niya na alin man sa kaniyang sarili o sa pamamagitan ng ng tulong ng kautusan makakaya niyang apektuhan ang kaniyang kalayaan mula sa mga bagay na kinamumuhian niya, o magtagumpay sa pagsasagawa ng mga gawain na kaniyang inaaprubahan at ninanais na gawin. Bawa’t gabi ay sumasaksi sa kaniyang nagsisising pag-amin ng kawalang kakayanan, at kaniyang nananabik na pagnanais para sa tulong mula sa itaas.” (SDA Bible Commentary, ed. 1980, on Romans 7:15) “Bawa’t araw panibagong pagsisikap sa pagpigil at pagtanggi sa sarili ang kinakailangan. Bawa’t araw mayroong mga bagong digmaan ang kailangang labanan at pagtatagumpay na kailangang matamo. Bawa’t araw ang kaluluwa ay nararapat na tawagin sa masidhing pagmamakaawa sa Diyos para sa dakilang mga pagtatagumpay ng krus.” E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 4, No. 29, “Duty of Parents to the College”, p. 429)
ANG PANLOOB NA PAKIKIPAGPUNYAGI Basahin ang Roma 7:16-20 “Narito ang gawa para gawin ng tao. Kailangan niyang humarap sa salamin, ang kautusan ng Diyos, suriin ang mga depekto sa kaniyang moral na karakter, at itapon ang kaniyang mga kasalanan, hinuhugasan ang kaniyang balabal ng karakter sa dugo ng kordero. Inggit, pagmamataas, malisya, pandaraya, hidwaan, at krimen ay malilinis mula sa puso nang isang tagatanggap ng pag-ibig ni Cristo at nagpapahalaga sa pag-asa ng pagiging gawa katulad Niya kapag nakikita natin Siya bilang siya. Ang relihiyon ni Cristo ay nagpapapuro at nagbibigay-dangal sa nagtataglay nito, anoman ang kaniyang mga asosasyon o maging ang kaniyang estado sa buhay. Mga taong naging mga Kristiyanong naliwanagan tumatayong mataas sa lebel ng kanilang dating karakter patungo sa mas dakilang mental at moral na kalakasan. Silang nalugmok at pinababa sa pamamagitan ng kasalanan at krimen ay maaari, sa pamamagitan ng mga merito ng Tagapagligtas, ay itaas sa isang posisyon ngunit mababang konti sa mga anghel.” Ano ang magagawa natin sa panloob na pakikipagpunyaging iyon? E.G.W. (God’s amazing grace, August 12)
DALAWANG KAUTUSAN SA LOOB NG TAO Basahin ang Roma 7:21-25 Makakamit lamang natin ang pagtatagumpay sa pamamagitan ni JESU-CRISTO ANG KAUTUSAN SA AKING ISIP Ito ay pag-alam sa kalooban ng Diyos, na siyang inihayag sa tao Ito ay ang kautusan ng Diyos, na siyang nauunawaan at tinatanggap sa pamamagitan ng isip Ito ay nagtuturo patungo kay Jesu-Cristo, na Siyang nagpapalaya sa kasalanan ANG KAUTUSAN SA AKING MGA MIYEMBRO Ito ay ang masamang pwersa na bumubuo ng mga problema sa ating mga buhay Ito ay nananamantala sa bawa’t bugso ng makasalanang laman Ito ang umaalipin sa atin sa kasalanan Ang pagpupunyagi sa pagitan ng dalawang kautusang ito ay isang labanan sa kamatayan.
Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin!” (Roman 7:24-25) “Ito ang rurok tungo sa kung saan tumutumbok ang pangangatuwiran ni Pablo. Hindi sapat na makonbinse sa kahusayan ng kautusan o kilalanin ang karunungan at katarungan ng mga obligasyon nito. Hindi sapat na pumayag dito bilang mabuti o kahit na matuwa sa mga utos nito. Walang dami ng masidhing pagsisikap para sa pagsunod ang makatutumbas laban sa kautusan ng kasalanan sa mga miyembro, hanggang ang nakikipagpunyaging makasalanan ay sumuko sa pananampalataya kay Cristo. Pagkatapos ang pagsuko sa isang persona ay kumukuha sa lugar ng legalistikong pagsunod sa isang kautusan. At dahil ito ay isinuko sa isang personang pinaka mamahal, ito ay nararamdaman bilang isang perpektong kalayaan.” SDA Bible Commentary, ed. 1980, on Romans 7:25