Iba’t ibang terminolohiya sa pagtuturo at pagkatuto

Slides:



Advertisements
Similar presentations
DepEd Order No.31, s Policy GUIDELINES on the implementation OF GRADES 7 TO 10 OF THE K TO 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM (BEC) EFFECTIVE SCHOOL.
Advertisements

Teorya at Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa
Pagkamamamayang Pilipino
Mga Bahagi ng Pahayagan
Mga Estratehiya sa Pagtuturo
MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SHS
Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo
Pagtataya ng Natutuhan
Panahon ng Komonwelt.
Edukasyon sa pagpapakatao
Ano nga ba talaga ang wika?
Kasanayan sa Pagsulat.
PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA
1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang
Click to edit Master title style Ang Sining ng Pakikipanay am.
Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya
Filipino sa Unang Baitang
Ang pagkonsumo at ang mamimili
FILIPINO 2 Research Paper.
ANG PHS AY…………. P- Pandayan ng karunungan at kagandahang-asal
Inihanda ni Mary Krystine P
Halina’t, panoorin, pakinggan at suriin ang video…
MODYUL 2: Talento MO: Tuklasin, kilalanin at paunlarin
2nd International Conference on Filipino as a Global Language
Modyul 15. LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND
Web Quest Project sa Kasaysayan ng Asya para sa Ikalawang Antas
KARAPATANG PANTAO.
MGA TANONG-SAGOT SA PAGTATAYANG PANGKLASRUM
Understanding By Design in Social Studies
PAKIKINIG.
Emma A. Basco Departamento ng Filipino
Ano ang ginagawa mo sa iyong libreng oras?
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
Mga Elemento ng Isang Maikling Kuwento
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Ano ang ginagawa mo sa iyong libreng oras?
Araling Panlipunan I Heograpiya at Kasaysayan
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
Faycan, Joy F. Mabanta, Rosemarie Gaile C.
PEACE TALKS 101 Introduksyon sa Usapang Pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP Inihanda ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)
Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Halimbawa: Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Ito ang barayti ng wikang.
Filipino BAHAGI NG AKLAT.
Internal na Kalagayan ng Guro: Ilang Dayagnostikong Pagtuklas
Magandang Umaga!.
Mga Estratehiya sa Pagtuturo
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
PAMBANSANG SEMINAR 2016 Departamento ng Filipino
PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO
Teoryang Humanismo.
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Ang Pagbabago ng Presyo
Ang Kasaysayan at Iba pang Agham Panlipunan
MODYUL 16: PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG PAMUMUHAY
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 3
Assessment and Rating of Learning Outcomes
BUWAN NG WUIKA.
Lipunang Pang-ekonomiya
Kahulugan At Kahalagahan Ng Pagbasa
Gawain Bilang 1 Loop a Word
Kataga ng Buhay Mayo 2011.
Written Works for 2nd Quarter
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Pamilyar at Di-Kilalang mga Salita
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Lesson 4 : Scope and Sequence of Makabayan
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
Filipino 4 – Aralin 1_ Ikalimang Araw
Presentation transcript:

Iba’t ibang terminolohiya sa pagtuturo at pagkatuto

Pagdulog nosyonal/functional Estratehiyang komunikatibo > tunay na paggamit ng wika sa tulong lamang ng mga kaalaman at tuntuning pambalarila, ayon sa konteksto ng hangarin, sitwasyon at pangangailangan. > learner-centered

Komunikatibo ang dulog kapag nalilinang ang apat na makrong kasanayan ( isama ang panonood). PAGBASA: pag-unawa sa istruktura at kahulugan ng pangungusap at talata PAGSULAT:lawak ng talasalitaan PASALITA: Ponolohiya at Wastong pagbigkas PAKIKINIG: Wastong pagsunod sa panuto at pag-unawa sa napakinggang teksto

Spiral progression o binalangkas na papaunlad maingat na binalangkas ang pagtuturo ng panitikan upang magkaroon ng lubusang kasanayan (mastery) sa iba’t ibang anyo/uri ng panitikan (pagtuturo ng panitikan ayon sa bawat panahon, panitikang panrehiyon, uri o anyo)

Domeyn pangkabatiran/kognitib Nakatuon sa paglilipat o transmisyon ng kabatiran at kasanayan. Pagkatuto ng batayang kabatiran, konsepto, paglalahat at mga teorya bago ang manipulasyon at proseso sa paggamit ng kabatiran sa mga sitwasyong lumulunas ng suliranin.

EBALWASYON/PAGTATAYA/ PAGLILINAW /SINTESIS /PAGBUBUO ANIM NA ANTAS KOGNITIB PAG-ALALA PAG-UNAWA APLIKASYON O PAGGAMIT PAGSUSURI EBALWASYON/PAGTATAYA/ PAGLALAPAT PAGLILINAW /SINTESIS /PAGBUBUO

Orihinal Binago Ebalwasyon Sintesis Pagsusuri Paglalapat Pag-unawa Kaalaman Pagbubuo Paglalapat Pagsusuri Aplikasyon Pag-unawa Pag-alala (Based on Pohl, 2000, Learning to Think, Thinking to Learn, p. 8)

Taksonomi ni B. S. Bloom (1956) Rebisa ni Anderson Level 1 Pag-alala Level 2 Pag-unawa Level 3 Aplikasyon Level 4 Analisis Level 5 Ebalwasyon Level 6 Pagbubuo

dating kaalaman s/p pagbabalik – alaala sa katotohanan, termino, Level 1 : Pag-alala dating kaalaman s/p pagbabalik – alaala sa katotohanan, termino, basikong konsepto at sagot Sa pag-alam ng antas ng kaalaman: Ano kalian Saan Sino

Level 2 : Pag-unawa Pag-unawa sa mga katotohanan at ideya s/p pagsasaayos, paghahambing, pagsasalin, interpreting, pagbibigay-deskripsyon, paglalahad ng pangunahing ideya. Sa pag-alam ng antas: paghambingin interpret ipakita pagkontrast ipaliwanag maghinuha ipakita palawakin balangkasin rephrase buuin isalin klasipikahin

Level 3: Aplikasyon Paglutas ng problema s/p pagkapit ng natutuhang kaalaman, katotohanan, teknik at tuntunin sa ibang paraan Gamit ang mga termino: ikapit magdebelop organisahin bumuo mag-interbyu mag-ekperimento pumili gamitin ang - magplano piliin lutasin imodelo

Level 4: Analisis Pag-eksamen at paghahati-hati sa bahagi ng impormasyon s/p pagkilala ng motibo o sanhi; paggawa ng hinuha at paghanap ng ebidensya sa suportang paglalahat. Termino sa pag-ases ng level g komprehensyon: suriin kategoryahin paghambingin kontrast diskubrehin paghatiin eksaminin simplikahin magsarbey lumahok sa dissect

Level 5: Ebalwasyon/Paglalapat pagharap at pagtatanggol ng opinyon s/p paggawa ng pasya o hatol tungkol sa impormasyon, validiti ng ideya o kalidad ng gawa batay sa set ng kraytirya Keywords: igawad pagpasyahan sukatin piliin pagtalunan paghambingin buuin evalweytin markahan paunahin pangatwiranan magrekomenda bigyang interpretasyon ipaliwanag tutulan tasahin bigyang priyoridad

Level 6: Sintesis/Pagbubuo Pagsasama-sama ng impormasyon sa iba’t ibang paraan tungo sa bagong pardon o alternatibong solusyon; paglikha ng bago o orihinal Keywords: bumuo (build, compose) mungkahi lutasin piliin magdebelop talakayin pagsamahin mag-imbento baguhin magdisenyo magplano tanggalin gumawa ng teorya baguhin pabutihin bumalangkas (formulate) subukin (test)

Level ng Komprehensyon Level ng Kognisyon Literal - Kaalaman Intepretative - Komprehensyon Applied - Aplikasyon Analisis Sintesis Evalwasyon

DOMEYN NA PANDAMDAMIN Nahihinggil sa mga saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahalaga Pumapasok ang pagpapahalagang pangkatauhan

LIMANG KATEGORYA PAGTANGGAP(RECEIVING) PAGTUGON(RESPONDING) PAGPAPAHALAGA (VALUING) PAG-ORGANISA (ORGANIZATION) KARAKTERISASYON (CHARACTERIZATION)

Pumapasok ang inaasahang pagganap DOMEYN NA SAYKOMOTOR Ito’y mga kasanayang motor at manipulado na nangangailangan ng koordinasyong neuromascular. Pumapasok ang inaasahang pagganap

PAMAMARAAN Walang isang pamamaraan lamang na masasabing sadyang mabisa sa lahat ng uri ng paksang-aralino isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon.

PABUOD O INDUCTIVE Tinatawag din itong “Herbatian method”; nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi pa alam; nagsisimula sa halimbawa patungo sa tuntunin.

5 pormal na hakbang PAGHAHANDA(PREPARATION) PAGLALAHAD(PRESENTATION) PAGHAHAMBING AT PAGHALAW(COMPARISON AND ABSTRACTION) PAGLALAHAT(GENERALIZATION) PAGGAMIT(APPLICATION)

PASAKLAW O DEDUCTIVE Nagsisimula sa pagbubuo ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Tinawag din itong “ruleg”o rule example. PANIMULA PAGBIBIGAY-TUNTUNIN PAGPAPALIWANAG HALIMBAWA PAGSUBOK

PABALAK (PROJECT) Nilalayong magsagawa ng proyekto PAGLALAYON (PURPOSING) PAGBABALAK(PLANNING) PAGSASAGAWA(EXECUTING) PAGPAPASIYA(EVALUATING/JUDGING)

PATUKLAS (DISCOVERY) Aktibong kasangkot ang mag-aaral sa pagtuklas ng karunungan; ang guro ay tagasubaybay lamang.

PAGDULOG KONSEPTWAL Pagdulog pangkaisipang ginagamit sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Nakatutulong sa pagbubuo at pagkakatuto kung paano matututo (learning how to learn) Tinatawag din itong concept-centered at spiral curriculum(payak patungo sa masalimuot na kaisipan) Ang paraan ng pagbuo o interdisciplinary o multidisciplinary heograpiya, kasaysayan, pamahalaan,antropolohiya,sosyolohiya at ekonomiks.

Pagdulog sa Pagtuturo ng Panitikan Pormalistiko: kasiningan- banghay,tema,tagpuan,tauhan at paglikha Moralistiko Sosyolohikal Sikolohikal

Dulog sa Pagtuturo ng Wika Sa akronim na SPEAKING ni Dell Hymes Kakakayahang Komunikatibo: kabatiran sa kayarian ng wika at tuntuning gramatikal at paggamit ng angkop na pahayag sa sitwasyon, at salik sosyo- kultural.

COMPETENCE vs PERFORMANCE Competence: nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao Performance: kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan

DULOG MICROWAVE Pagpapaunawang pasalita tulad ng pamaraang padula-dulaan o “dialogue conversation”. Gumagamit ng mga siklo o cycles

halimbawa M-1 Para kanino ang pulang laso? Para saan ang pulang laso? M-2 Para kay Mari Para sa iyo. Para sa buhok.

HAKBANG Ilahad ang siklo sa isang sitwasyon Bigkasin ng tatlong ulit at ipagaya sa mag- aaral Ibigay ang pagsasanay na ginagamitan ng mga kayariang pambalarila bago sanayin sa pagtatanong Magsimula sa payak na tanong at sagot hanggang sa masalimuot na pag-uusap Magkakaroon ng tanong-sagot na pagsasanay na sisimulan ng guro hagnggang sa ang lahat ng mag-aaral ay makapagtanong at makasagot.

PANGALAWANG WIKA Alinmang wikang natutuhan matapos maunawaan at magamit ang kanyang sariling wika o unang wika.

PAGSULAT PANIMULANG PAGSULAT- brainstorming, clustering,outlining DRAFTING (BURADOR)-ideya,impormasyon,format PAGREREBISA: muling pagsulat,pagtataya sa banghay ng ieya at nilalaman EDITING: pagwawasto ng kamalian sa gramatika, kabuuang teknikal at format PINAL NA DOKUMENTO

Mga Uri ng Pagsulat Masining: mang-aliw at magpahayag Akademiko: dumaan sa proseso at kritikal na pagsusuri Jornalistik: repleksyon mula sa sariling karanasan Referensyal: ulat,tesis,disertasyon,ensayklopedia,diksyunaryo Komposisyon: pagsasanay ng baguhan Propesyonal: eksklusiv na pagsulat sa isang tiyak na propesyon Suring-basa o suring pelikula

URI NG SULATIN Personal : tala, diary, jornal, liham, pagbati, talambuhay Transaksyunal: liham- pangangalakal, panuto, memo, plano, proposal, ulat, advertisement Malikhain: anyo o uri ng panitikan

PAGKUHA NG KAHULUGAN A. Pahiwatig na kontekstwal (Context Clues) ang isang salita ay hindi iisa ang kahulugan. Nababatay mangyari pa, ang kahulugan sa konteksto o gamit nito sa isang pahayag. Mula dito, ang pahiwatig na kontekstwal ay anyong:   1. Depinisyon: Ang kahulugan ay mababasa rin sa ibang bahagi ng pangungusap. Hal: Hindi niya masikmura at nakakababa ng pagkatao ang mahahayap na salitang binigkas ng kanyang kaaway sa pulitika.

2. Salungatan : Bukod sa kasingkahulugan, higit na mabuting malaman din naman ang kahulugan sa pamamagitan ng kasalungat nito. Hal: Ang kabuktutan ay hindi dapat na magkubli sa anino ang kabayanihan  3. Pagsusuri : Lubhang kailangan sa paraang ito ang kakayahang linggwistika upang ganap na masuri ang salitang binabasa Hal: Pamanhikan – pamanhik + a n (bakit hindi panhik?) Bakuran – bakod + an (bakit hindi bakud at bakit naging r ang d?)

B. Kolokasyon : Iniisip muna rito ang pangunahing kahulugan ng isang salita bago pa ang ilang subordineyt na kahulugan. Hal: Tiyak na mauuna munang mabibigyang-kahulugan ang “malalim na hukay” bago ang “malalim na paghinga” malalim na pagkukuro” at “malalim na ang gabi”

Hal : paghanga pagsuyo pagsinta pagmamahal pag-ibig pagsamba C. Cline : Nababatay ang kahulugan ng salita sa intensidad ng kahulugan nito sa pahayag. Hal : paghanga pagsuyo pagsinta pagmamahal pag-ibig pagsamba

D. Denotasyon at Konotasyon : Denotasyon ang tawag sa kahulugang hinango sa diksyunari, gayong ang konotasyon naman ay umaangkop sa gamit sa isang pahayag. Hal: Mabango ang bulaklak ng rosa. (bahagi ng halaman – denotasyon) Tulad mo’y isang magandang bulaklak sa halamanan. (dalaga – Konotasyon) Mabulaklak ang iyong dila, kaibigan! (mambobola – konotasyon

PAGLILISTA NG MGA DETALYE SIKWENSYAL: serye ng mga pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa KRONOLOHIKAL: anumang bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon,posisyon, bilang, dami, atbp PROSIJURAL: serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang resulta o hangganan

PRESENTASYONG BISWAL MAPA: pinangyarihan ng aksyon TALAHANAYAN O TABLE: ipinapakita ang mga paksa at bilang TSART: itinatala ang mga impormasyon sa balangkas na paraan.

MGA URI NG TSART O GRAP FLOW: proseso mula umpisa hanggang wakas PIE: sumusukat at naghahambing sa pamamagitan ng paghahati-hati nito BAR: sumusukat ng datos na patayo o pahalang laban sa pamantayang nagpapakita ng halaga, bilang, panahon, o dami LINE: ginagamit sa pagsukat ng pagbabago o pag-unlad PICTOGRAPH: inilalarawan ang halaga o bilang ng aytem para sa paghahambing

LUBUSANG PAGKATUTO Estratehiyang nagdudulot sa mag-aaral ng matagumpay at lubos na pagkabatid sa araling inilalahad sa isang maayos at lohikal na pagkakabuo

Ang mga Teorya sa Pagbasa Teoryang Bottom-up ( Baba-Pataas) Ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa. Bunga ito ng influwensya ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay-fokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon (response). Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos, 2000).

Teoryang Top-Down Tinatawag din ito itong teoryang inside-out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o informasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dati nang kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

Teoryang Iskima Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong informasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima, ayon sa teoryang ito. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa niya na lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa. Tatlong Yugtong Estratehiya sa Pagbasa 1. Bago Bumasa 2. Pinatnubayang Pagbasa 3. Pagkatapos Bumasa  

Teoryang Interaktiv Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor- mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.

PANGKSYUNAL NA PAGBABASA Ito’y pagbabasa sa iba-ibang larangan ng kabatiran tulad ng literatura, musika, sining, agham, matematika,agham panlipunan, at teknolohiya. Tinatawag din itong pagbasa para sa tanging layon kung saan nalilinang ang paggamit ng talaan ng nilalaman, indeks at glosari, almanak at iba pa.

PANLUNAS NA PAGBABASA(Corrective/Remedial teaching) Ito ay laan sa mga mababagal bumasa, hindi makabasa o may mga depekto sa pagbabasa.

PANG-ALIWAN O PANGKASIYAHAN Empasis sa kasiyahan o kaaliwan gaya ng malikhaing pagkukuwento, sabayang bigkasan, chamber Theater, at Reader’s Theater.

PAGSUSULIT LAYUNIN: > TUKLASIN ANG KAHUSAYAN O KAHINAAN TIYAKIN ANG KAHANDAAN TUKUYIN ANG KASANAYAN AT KAALAMAN

Uri ng Pagsusulit ayon sa pamamaraan AYON SA DAMI DISCRETE-POINT: isa lamang kasanayan ang sinusukat ng bawat aytem INTEGRATIBO: sinusubok ang pangkalahatang kasanayan sa asignatura

AYON SA LAYUNIN DIAGNOSTIC: panuring pagsusulit PROFICIENCY: naglalayong malaman ang kakayahan sa isang partikular na larangan ACHIEVEMENT : naglalayong malaman kung sino ang natutong ganap, di-gaanong natuto, o walang natutunan. APTITUDE: mabatid kung ang isang mag-aaral ay may iwing kakayahan o kawilihan sa isang partikular na kurso o career o vocation

AYON SA GAMIT NG KINALABASAN NG PAGSUSULIT CRITERION-REFERENCED: may itinakdang pamantayang maabot ang mag-aaral upang masabing naipasa niya ang pagsusulit NORM-REFERENCED: inihahambing ang bawat mag-aaral sa kapwa mag-aaral

PINALATUNTUNANG KAGAMITAN SLK (SARILING LINANGANG KIT) o KSP (KIT SA SARILING PAG-AARAL) > nagtuturo ng sarilinan, kahit walang guro, kahit sa labas ng paaralan > ayon sa bilis ng pagkatuto at pag-unlad

MODYUL PAMPAGTUTURO Isang kagamitan sa panariling pag-aaral ng mga aralin; buo at ganap sa kanyang sarili na ang pokus ay matamo ang mga tunguhin sa aralin.

BANGHAY NG PAGTUTURO Balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang na sunud-sunod na isasagawa sa pagsasakatuparan ng layunin o ikapagtatamo ng mga inaasahang bunga.

SILABUS NG KURSO Isang balangkas ng mga tunguhin sa kurso, mga layuning nais matamo, mga inaasahang bunga, nilalaman, mga pagdulog at pamaraang isasagawa sa pagtuturo, gawaing pampagkatuto, paraan ng pagtataya at mga aklat sanggunian.