PANANALIKSIK
Pananaliksik: Kahulugan,Layunin,Katangian at Uri
Kahulugan May iba’t-ibang paraan ng pagpapakahulugan sa pananliksik. Good (1963) - Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito. Aquino (1974) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Manuel at Medel (1976) - Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. Parel (1966) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. E. Trece at J.W Trece (1973) - Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon. Calderon at Gonzales (1993) - Formulated in more comprehensive form, research may be defined as a purposive, systematic and scientific process of gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting and interpreting data for the solution of a problem, for prediction, for invention, for the discovery of truth, or for the expansion or verification of existing knowledge, all for the preservation and improvement of the quality of human life.
Layunin Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila Good at Scates (1972). The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.
Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagatala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina. Halimbawa: Ang alkohol ay isa nang batid na penomina at sa pamamagitan ng pananaliksik, maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasolina. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa pamamagitan ng mga intensib at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring malunasan na sa hinaharap. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto. Sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa komunikasyon at teknolohiya, napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang mga makabagong kagamitan tulad ng komputer, cell phone, fax machine at iba pa. inaasahan na bunga ng patuloy na pananaliksik sa larangan nabanggit, higit sa sopistikado at episynte ang mga kagamitang maiimbento at gagamitin natin sa hinaharap.
Matuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. Halimbawa: Dati-dati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t dalawang (92) elements, ngunit bunga ng pananaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100). Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements. Bunga ng pananaliksik, napag-paalam ang mga negatibong epekto ng metemphetamine hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang ideklara itong isang ipinagbabawal na gamot. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. Hailmbawa: Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hyskul ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa mga iskolarling diskurso. Ito ang naging isa sa dahilan upang ipasya ng Departamento ng Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa batayang edukasyon kung kaya’t sa kasalukuya’y ipinatutupad ang Basic Education Curriculum o BEC. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik. Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng kanyang kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakaimbento ng tinatawg na incubator.
Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman. Halimbawa: Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring ma-verify ng mga mananaliksik ang mga kaalamang una nang natuklasan ng mga naunang pananaliksik o di kaya nama’y maaari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman hingil sa mga katangian at kalikasan ng mga isda na maaaring pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal at maging ng mga mamimili.
Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik Mula pa lamang sa mga depinisyong inilahad na sa unang bahagi ng liksyon ito ay mahahango na natin ang mga sumusuno na katangian ng mabuting pananaliksik na binigyan ng sapat na pagpapaliwanag sa mga kasunod na talataan: 1. Ang pananaliksik ay sistematik - May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik. 2. Ang pananaliksik ay kontrolado - Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura sa pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga eksperimental na pananliksik.
3. Ang pananaliksik ay empirikal - Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatuwid, ang bilang ng tao ay isang datos na empirikal. Ngunit kapag sinabing may limang multo sa loob ng isang silid, maaaring sang-ayunan iyon ng isa o dalawa. Ibig sabihin, ang iba ay maaaring tumutol at sabihing wala namang multo o kaya’y hindi naman lima ang multo kundi ibang bilang. Ito ay sa kadahilanang ang mga multo ay halimbawa ng mga di-empirikal na datos. 4. Ang pananaliksik ay mapunuri - Sa pananaliksik, ang mga datos na naklap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalsan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pangestadistika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
5. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwatiteytib o istatistikal na metodo - Ang mga datos ay dapt mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri ang kanilang pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan. Halimbawa, ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (porsyento), isa sa sampung mag-aaral (ratio) at limang tanong bawat respontente (distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng kwantiteytib na datos, kumpara sa mga pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang malinaw na istatistikal na halaga. 6. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda - Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand. 7. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskribsyon - Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Samakatuwid, lahat ng konklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.
8. Ang pananliksik ay matiyaga at hindi minamadali - Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minamadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat. 9. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan - Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay. 10. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang - kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding maasi siyang dumanas ng di-pagsng-ayon ng publiko at lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik. 11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat - Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pagsulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik (halimbawa: pamanahong-papel, tisis at disertasyon) para sa angkop o ang tinatawag na oral presentation o defense.