Paghahanda ng mga sitwasyon o cue cards, na gagamitin sa role-play ng mga mag-aaral.

Slides:



Advertisements
Similar presentations
DEFINING COURSE OBJECTIVES
Advertisements

DepEd Order No.31, s Policy GUIDELINES on the implementation OF GRADES 7 TO 10 OF THE K TO 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM (BEC) EFFECTIVE SCHOOL.
Teorya at Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa
Pagkamamamayang Pilipino
Mga Bahagi ng Pahayagan
Mga Bahagi ng Talumpati
MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SHS
Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo
Cyrus I Imperyong Persiano. Cyrus I Imperyong Persiano.
Pagtataya ng Natutuhan
Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino
Edukasyon sa pagpapakatao
Ang Mga Pagpapahalagang Pilipino
1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang
Click to edit Master title style Ang Sining ng Pakikipanay am.
Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya
Iba’t ibang terminolohiya sa pagtuturo at pagkatuto
MGA LAYUNIN Nakapaglalahad ng batayang kaalaman ukol sa wika;
Filipino sa Unang Baitang
Ang pagkonsumo at ang mamimili
FILIPINO 2 Research Paper.
ANG PHS AY…………. P- Pandayan ng karunungan at kagandahang-asal
Halina’t, panoorin, pakinggan at suriin ang video…
MODYUL 2: Talento MO: Tuklasin, kilalanin at paunlarin
2nd International Conference on Filipino as a Global Language
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Modyul 15. LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND
MGA TANONG-SAGOT SA PAGTATAYANG PANGKLASRUM
TAGAYTAY CITY.
Emma A. Basco Departamento ng Filipino
S.
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
Mga Elemento ng Isang Maikling Kuwento
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Araling Panlipunan I Heograpiya at Kasaysayan
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
Ni Galcoso C. Alburo EPS, SDO-Marikina City Ang Kasarian sa Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon tungo sa Pagtuturo Gamit ang Panitikang Gender-Based.
Faycan, Joy F. Mabanta, Rosemarie Gaile C.
Kahulugan Uri Istruktura Pamahalaan Kahulugan Uri Istruktura.
Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Halimbawa: Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Ito ang barayti ng wikang.
Filipino BAHAGI NG AKLAT.
Magandang Umaga!.
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
PAMBANSANG SEMINAR 2016 Departamento ng Filipino
FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos.
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Barangay at Pulisya laban sa Ilegal na Droga
Pandarayuhan.
Ang Kasaysayan at Iba pang Agham Panlipunan
MODYUL 16: PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG PAMUMUHAY
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 3
BUWAN NG WUIKA.
Lipunang Pang-ekonomiya
Module 9 pastoral leadership
na makapagpasaya na makatulong na maglingkod mula sa isang karanasan
Kahulugan At Kahalagahan Ng Pagbasa
1. Ano ang situwasiyon na maaaring maganap kasunod ng pagtatapon ng isang pasahero ng basura? Bakit ito ang iyong naisip?
Gawain Bilang 1 Loop a Word
Welcome Aming Huwarang Gawain TUNGO SA BAYANG MAGILIW - 13
Written Works for 2nd Quarter
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 4
( For our eyes only) Ano-ano ang mga ahensiyang nagtatanggol sa teritoryo ng bansa? Ang mga sundalo o militar lang ba ang may pananagutan sa teritoryo.
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Meeting ng mga Community Volunteers (____petsa____)
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
Filipino 4 – Aralin 1_ Ikalimang Araw
EsP5P – Iia – 22 DAY 1.
Presentation transcript:

Mga Gawaing Maaring Ihanda ng Guro ayon sa mga Simulain ng Pagdulog na Komunikatibo

Paghahanda ng mga sitwasyon o cue cards, na gagamitin sa role-play ng mga mag-aaral. Halimbawa: Paksa: Pagsali sa club o samahan Gamit ng Wika: Paghikayat, pagtanggi Kayariang gagamitin: Pandiwa, pang-abay Sitwasyon: Dalawang mag-aaral ang nag-ussap Isang mag-aaral ang nanghihikayat sa kaklase o kaibigan na sumali sa club. Sasabihin niya ang ang kahalagahan ng pagsali sa club, kung kailan at saan sila magmimiting, at mga ginagawa. Ang kaklase naman ay tatanggi at ipaliliwanag kung bakit ayaw niyang sumali.

Sa pagbibigay ng mga sitwasyon na isasagawa ng mga mag-aaral, maaring dalawang paraan ang gawin. 1. Una, sitwasyon na may cue na ilalagay na cue cards ng mga mag-aaral ang sasabihin nila. Halimbawa: Paksa: Panonood ng sine Gamit ng wika: Pagtatanong, pagpili, paghikayat Kayarian ng wika: Mga pananong na Sino, Ano, Alin, Bakit Sitwasyon: Magkamag-aral na nasa lugar ng mga sinehan. Nais nilang manood ng sine. Bawat isa ay may gustong panoorin.

Mag-aaral A Itanong kung aling sine ang gustong panoorin. Magmumungkahi ng gustong panoorin. Hihikayatin ang kausap na gustong panoorin. Itatanong kung anong pagkain ang dadalhin sa loob ng sinehan. Sasang-ayon sa kausap.

Mag-aaral B Sasabihing hindi pa alam kung ano. Hindi sasayong-ayon sa sinabi ng kausap at sasabihin ang dahilan. Sasang-ayon din sa kausap. Pipili ng pagkain at itatanong sa kausap kung gusto rin ito.

2. Ikalawa, maaring sitwasyon na may impormasyon sa mga mag-aaral ngunit malaya sila sa pagbuo ng usapan ayon sa hinihingi sa sitwasyon. Halimbawa: Paksa: Pagpapaalam para sumama sa field trip Gamit ng wika: Pamamaalam, panghihikayat, pagpapaalala Kayariang gagamitin: Mga pangungusap na nakikiusap, nagpapaliwanag, mga magagaling na ekspresyon tulad ng maari po ba, sige na po, at mag-ingat ka.

Kard ng Mag-aaral A Galing ka sa eskwela. Sinalubong ka ng nanay mo. Nagmano ka. Sinabi mo na may field trip kayo sa darating na Sabado. Nagpapaalam ka sa kanya. Hihikayatin mo siya na payagan kang sumama at magbigay ka ng dahilan. Magpapasalamat ka sa pagpayag ng ina at hihingi ka rin ng pera pambayad sa bus at pambili ng baon.

Kard ng Mag-aaral B Tatanungin mo ang dahilan kung bakit may field trip, saan, sino, ang mga kasama, gaano katagal ito gagawin. Papayagan ang anak matapos marinig ang paliwanag. Magpapaalam sa anak. Bibigyan ng pera ang anak para sa field trip.

1. Pagsasagawa ng eleksyon ng pamunuan ng klase. B. Paghahanda ng mga gawaing aktwal na ginagawa sa loob at labas ng paaralan (simulation) Ito ay masasabing simplikasyon ng mga tunay na sitwasyon sa buhay. Ang mga halimbawa ng ganitong gawain ay ang sumusunod: 1. Pagsasagawa ng eleksyon ng pamunuan ng klase. 2. Pagpupulong ng club o samahan

3. Pagpupulong ng klase tungkol sa field trip Pakikipanayam sa bisita sa klase. Pagtatalo ng mga paksa ng nauuol sa kasalukuyang mga isyu sa bansa. Pagsasagawa ng pag-aaral sa paaralan tungkol sa pagkaing binibili ng mga mag-aaral at tungkol sa mga gawi sa pag-aaral (study habits).

Paghahanda ng mga sitwasyon na isasadula ng mga mag-aaral nang daglian o unscripted play Maari namang mula sa mga kuwento na binasa sa aklat sa pagbasa o panitikan ay makabuo ng script ang mga mag-aaral na isasadula sa klase.

Pagtitipon ng mga biswal tulad ng mga poster, anunsyo, mapa, tsart, grap, karikatura, movie page, at TV programs na pagkukunan ng impormasyon at pag-uusapan sa klase. Ang halimbawa ng ganitong biswal ay ang karikatura tungkol sa pagputol ng mga kahoy sa kagubatan. Maaring pag-usapan sa klase ang mga epekto nito, ang mga paraan na dapat gawin upang maiwasan ang pagkakalbo ng kagubatan, atbp.

E. Paghahanda ng mga larong pangwika Iba’t ibang larong pangwika ang maihanda ng guro na magsasanay sa mga mag-aaral upang mahasa sa pagpapahayag. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1. Dugtungan Mo Ito ay isang dugtungang pagkukuwento. Sisimulan ng guro o isang mag-aaral ang kuwento at ito ay durugtungan ng iba pang mag-aaral sa bawat pangkat.

Ihatid Mo Sa larong ito, papangkatin ng guro ang mag-aaral. Bibigyan ng guro ng mensahe ang lider ng bawat pangkat at sasabihin naman ng lider ang mensahe nang pabulong sa isa sa kanyang kapangkat hanggang makarating ito sa kahuli-hulihang kasapi. Ang huling mag-aaral ay siyang mag-uulat ng mensahe sa klase. Ang pangkat na makapag-ulat ng buo at malinaw na mensahe ay may puntos.

Magbugtungan Tayo Ilalarawan ng mga mag-aaral ang mga bagay, tao, hayo o lugar at pahuhulaan ito sa mga kaklase.

Ituloy Mo Bubunot o kukuha sa kahon ang mga mag-aaral ng kapirasong papel na may nakasulat na pahayag na hindi tapos. Itutuloy nila ang mga pahayag ayon sa kanilang palagay o pananaw. Halimbawa: Nababahala ako sa mga… Marami na ngayong nangyayari…

Paghahanda ng mga gawaing transcoding Ito ay isang paraan ng pagsasalin mula sa isang anyo ng pagpapahayag tungo sa iba pang anyo. Ang mga halimbawa ng ganitong gawain ay ang mga sumusunod: 1. Isang patalastas o anunsyo na isasalin sa anyong tuluyan. 2. Isang pagpapahayag na gagawing anyong telegrama 3. Isang tala o impormasyong nabasa na gagawing balita 4. Kuwento na gagawing dula-dulaan 5. Mapa ng isang lugar na ilalahad sa isang talata

B. Ang Mga Kagamitan ay gamit ng mga guro at mag-aaral upang maisakatuparan ang mga gawaing instruksyunal.

Mga Gabay na Tanong sa Pagsasaayos ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010

Pamantayang Pangnilalaman Masasalamin ba sa Pamantayang Pangnilalaman ang resulta o inaasahang bunga? Ang mahalagang ideya, isyu, prinsipyo o konsepto na dapat matutuhan ng mag-aaral sa bawat asignatura na magagamit niya maging sa labas ng paaralan? Masusukat at matatamo ba ng mag-aaral ang mga binuong pamantayan?

Pamantayang Pagganap Masasalamin ba sa Pamantayan sa Pagganap ang mga kraytirya kung paano tatayain ang produkto o pagganap ng mag-aaral? Masasagot ba nito ang tanong na: Ano ang inaasahang magagawa ng mag-aaral?

Pamantayang Pag-unawa Ito ba ang malalaki at mahahalagang konsepto na nais maipaunawa sa mag-aaral? Masasailalim ba dito ang mga manginahing suliranin, isyu na dapat malaman ng mag-aaral?

Mahahalagang Tanong Nakatuon ba ang mga tanong sa mahahalagang isyu o suliranin? Ang mga tanong ba ay masasagot ng Kakailanganing Pag-unawa? Ang mga tanong ba ay may kabuluhan sa buhay ng mag-aaral? Sa lipunan? Ang mga tanong ba ay kaagad na masasagot ng mag-aaral? Akma ba ang tanong sa kawilihan, edad at kakayahan ng mag-aaral?

Narito ang mga Katangian ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 nakatuon sa mahahalagang konsepto at kakailanganing pag-unawa mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan) – tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at ang antas ng pagganap ng mag-aaral mapanghamon- gumagamit ng mga angkop na istratehiya upang malinang ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral inihahanda ang mag-aaral tungo sa paghahanapbuhay kung di man makapagpapatuloy sa kolehiyo tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay magagamit sa buhay.

Batayang Konseptwal ng Filipino (Deskripsyon) Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapakipakinabang ng Lietrasi para sa lahat (Functional Literacy For All) na ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015).

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literasi ng mga mag-aaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang limang kasanayan – pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng iba’t ibang dulog at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBN) ng iba’t ibang tekstong literari (rehiyunal, pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa tulong ng iba’t ibang Teksto (PGRT).

Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration) sa pag-aaral at pagsusuri ng iba’t ibang tekstong literari. Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan, masuri at magamit ang iba’t-ibang teorya sa pagkatuto at paggamit ng wika, at pagsusuring literasi, inaasahang matatamo ng mga guro ng Filipino ang mga layuning nabanggit batay sa inilarawan sa batayang konseptwal.

Maraming Salamat po!