2nd International Conference on Filipino as a Global Language

Slides:



Advertisements
Similar presentations
DEFINING COURSE OBJECTIVES
Advertisements

DepEd Order No.31, s Policy GUIDELINES on the implementation OF GRADES 7 TO 10 OF THE K TO 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM (BEC) EFFECTIVE SCHOOL.
Teorya at Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
Mga Bahagi ng Pahayagan
Mga Estratehiya sa Pagtuturo
MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SHS
Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo
Pagtataya ng Natutuhan
Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino
Kasanayan sa Pagsulat.
PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA
Click to edit Master title style Ang Sining ng Pakikipanay am.
Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng Pagtuturo sa Sekondarya
Iba’t ibang terminolohiya sa pagtuturo at pagkatuto
Filipino sa Unang Baitang
Ang pagkonsumo at ang mamimili
FILIPINO 2 Research Paper.
ANG PHS AY…………. P- Pandayan ng karunungan at kagandahang-asal
Inihanda ni Mary Krystine P
Halina’t, panoorin, pakinggan at suriin ang video…
MODYUL 2: Talento MO: Tuklasin, kilalanin at paunlarin
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Modyul 15. LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND
Pagsulat ng Pinal na Sipi
PANANALIKSIK Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit.
Web Quest Project sa Kasaysayan ng Asya para sa Ikalawang Antas
KARAPATANG PANTAO.
MGA TANONG-SAGOT SA PAGTATAYANG PANGKLASRUM
Understanding By Design in Social Studies
Emma A. Basco Departamento ng Filipino
Ano ang ginagawa mo sa iyong libreng oras?
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
Mga Elemento ng Isang Maikling Kuwento
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
Faycan, Joy F. Mabanta, Rosemarie Gaile C.
”Inspirasyon Ko; Kuwento ng Buhay Mo”
Kahulugan Uri Istruktura Pamahalaan Kahulugan Uri Istruktura.
Filipino BAHAGI NG AKLAT.
Internal na Kalagayan ng Guro: Ilang Dayagnostikong Pagtuklas
BAHAGINAN Takdang-Aralin.
Mga Estratehiya sa Pagtuturo
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
PAMBANSANG SEMINAR 2016 Departamento ng Filipino
PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO
Ang pagsasagawa ng wudo
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Ang Pagbabago ng Presyo
Ang Kasaysayan at Iba pang Agham Panlipunan
MODYUL 16: PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG PAMUMUHAY
ANG PINAGMULAN NG WIKA GENESIS 11:1 Sa simula 'y iisa at magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig.
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 3
BUWAN NG WUIKA.
Lipunang Pang-ekonomiya
Module 9 pastoral leadership
na makapagpasaya na makatulong na maglingkod mula sa isang karanasan
Kahulugan At Kahalagahan Ng Pagbasa
Gawain Bilang 1 Loop a Word
Welcome Aming Huwarang Gawain TUNGO SA BAYANG MAGILIW - 13
Written Works for 2nd Quarter
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Pamilyar at Di-Kilalang mga Salita
( For our eyes only) Ano-ano ang mga ahensiyang nagtatanggol sa teritoryo ng bansa? Ang mga sundalo o militar lang ba ang may pananagutan sa teritoryo.
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
Layunin: 1.Nalalaman ang mga motibo ng pananakop ng Hapon sa bansa 2.Napapahalagahan ang ginawa ng mga Pilipino para maiwasan ang mga motibo na ito.
Filipino 4 – Aralin 1_ Ikalimang Araw
Presentation transcript:

2nd International Conference on Filipino as a Global Language Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo Dr. Ester T. Rada 2nd International Conference on Filipino as a Global Language San Diego, CA, USA Jan 15-18,2010

Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin ng pag-aaral ang makabuo ng instrumento upang matanto ang kognitibong akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyante sa kolehiyo   Tiyak na mga layunin ng pag-aaral ang mga sumusunod: Matukoy ang mga batayan sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyanteng nasa Una at Ikalawang Taon sa Kolehiyo ng San Beda Mailarawan ang proseso ng pagbibigay-bisa ng mga eksperto sa tulong ng mga batayan tulad ng organisasyon ng mga pagsusulit sa instrumento, aspektong tekstwal nito, nilalaman o kognitibong aspekto at sa kabuuan, maisa-isa ang sukatan ng pagiging katanggap-tanggap (acceptability), kapaki-pakinabang (usefulness), komprehensibo ng instrumento, at iba pa Matukoy kung anong aytem sa instrumento ang dapat baguhin o tanggalin batay sa item analysis; Makabuo ng talatuntunang may kinalaman sa katumpakan at kahusayan (validity and reliability indices Maipasagot ang instrumento sa maliit na bilang o populasyon ng mga estudyanteng nasa kolehiyo bilang paunang pagsubok (pilot test)

Mga Batayan sa Pagbuo ng Instrumento BICS/CALP Cognitive Academic Language Learning Approach Language for Specific Purposes Curriculum Development System Process Writing Approach Iskalang Analiktik/Diederich Scale

Kaligiran ng Pag-aaral

Banghay ng Pag-aaral

Pagbuo ng Instrumento - CALLA Academic Language Function (Apendiks B) Student Uses Language to: Examples Quality Thinking Skill (Apendiks D) Seek Information observe and explore the environment, acquire information inquire, describe information Use who, what, when, where, and how to gather information Knowledge (Kaalaman) Inform identify, report Recount information presented by teacher or text, retell a story or personal experience Comprehension (Pag-unawa), Infer make inferences; predict implications; hypothesize, Describe reasoning process(inductive or deductive)or generate hypothesis to suggest causes or outcomes Comprehension Relate Use of facts, rules, principles Give an example of in relation to the ideas presented, give the significance of an idea, situation Application (Paglalapat) Compare describe similarities and differences in objects or ideas Make/explain a graphic organizer to show similarities and contrasts Analysis (Pagsusuri) Order sequence objects, ideas, or events Describe/make a timeline, continuum, cycle, or narrative sequence Analysis Classify group objects or ideas according to their characteristics Describe organizing principle(s), explain why A is an example and B is not Application, Analyze separate whole into parts; identify relationships and patterns Describe parts, features, or main idea of information presented by teacher or text Solve Problems define and represent a problem; determine solution Describe problem-solving procedures; apply to real life problems and describe Synthesis (Pagbubuod) Synthesize combine or integrate ideas to form a new whole Summarize information cohesively; incorporate new information into prior knowledge Synthesis Justify and Persuade give reasons for an action, decision, point of view; convince others Tell why A is important and give evidence in support of a position Evaluation (Pagtataya) Evaluate assess and verify the worth of an object, idea or decision Identify criteria, explain priorities, indicate reasons for judgment, confirm truth Evaluation

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/ Gamit ng Wika Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng Pagmamarka I. Kaalamang Panggramatika Mataya ang batayang kaalaman sa talasalitaan, ponolohiya at morpolohiya II. Kaalamang Tekstwal/Kognitibo Masukat ang antas ng kaalaman sa pagsagot sa literal na mga tanong na inilahad sa akda. Makatukoy o makapaglarawan ng impormasyong inilahad sa akda Kaalaman Paghahanap ng Impormasyon May pagpipiliang titik ng sagot (Multiple choice) Sanaysay (Essay) 80 3 sanaysay (100 puntos bawat isa) 10 puntos bawat sanaysay 50% 5% 3. Makapaglahad muli ng mga detalye mula sa akda sa sariling pananalita 4. Matukoy ang pangunahing diwa ng akda 5. Matukoy ang natatagong detalye sa akda na hindi tuwirang inilalahad dito Pag-unawa Pagbibigay-kaalaman Paghihinuha Pangangatwiran

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/ Gamit ng Wika Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng Pagmamarka 6. Makabuo ng matalinong paghihinuha sa prosesong deduktibo o induktibo sa maaaring kinalabasan ng mga pangyayari Pag-unawa Pagbibigay-kaalaman Paghihinuha Pangangatwiran 10 puntos bawat sanaysay 5% 7. Makapagbigay ng opinyon batay sa umiiral na katotohanan, panuntunan, prinsipyo batay sa pinaniniwalaang gawi (behavior) at sa sitwasyon 8. Maiuugnay ang sitwasyon sa akda bilang halimbawa ng pangyayari, prinsipyo, katotohanan, atbp. 9. Mailalahad ang kaisipan mula sa akda Paglalapat Pag-uugnay

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/ Gamit ng Wika Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng Pagmamarka 10. Makapagpaliwanag sa pamamagitan ng paghahambing o pagtataliwas ng mga ideya o bagay kaugnay sa inilahad sa akda 11. Mapagsunud-sunod ang mga ideya o pangyayari 12. Mapag-uuri-uri ang mga ideya ayon sa mga katangian nito 13. Mailarawan ang bahagi, katangian o pangunahing ideya sa akda at kaugnayan ng mga ito sa kabuuan 14. Makabubuo ng balangkas, dayagram, ugnayan (web) ng mga kaisipang inilahad sa akda at mga patunay rito Pagsusuri Paghahambing Pagsusunud-sunod Pag-iisa-isa/Paggugrupo 20 puntos bawat sanaysay 10%

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/ Gamit ng Wika Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng Pagmamarka 15. Makapagbigay ng dahilan sa pasya, pananaw o aksyong ginawa o gagawin batay sa iminumungkahi sa akda 16. Makapagmungkahi ng solusyon sa hinaharap na suliranin 17. Makabuo ng buod ng mga impormasyong inilahad sa akda batay sa dating kaalaman Pagbubuod Pagbibigay-solusyon 20 puntos bawat sanaysay 10% 18. Matukoy ang mga pamantayan o prayoridad sa pagpapasya o pinaniniwalang katotohanan 19. Makabuo ng pansariling paghuhusga batay sa pagpapahalaga, katotohanan, umiiral na panuntunan o prinsipyo o katarungan 20. Makapagbibigay ng patunay o ebidensya ng aksyong gagawin, desisyon, pananaw at makapaghikayat sa kahalagahan ng desisyong nabuo o paninindigan o prayoridad Pagtataya Pagbibigay ng mga kadahilanan sa aksyon, desisyon, pananaw at paghihikayat 30 puntos bawat sanaysay 15% Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS

Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon – LSP Ang layunin ng pag-aaral Ang pagsusulit ay bahagi ng pananaliksik ukol sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga Estudyante na nasa Una at Ikalawang Antas sa Kolehiyo ng San Beda. Limitasyon ng pagsusulit: Tatagal ang pagsusulit ng isa at kalahating oras. Tig-iisang seksyon lamang bawat kurso ang bibigyan ng pagsusulit mula sa una at ikalawang antas at tanging yaon lamang estudyante na kumukuha o nakapasa na sa Filipino 1 hanggang Filipino 3. Tatayain ang kakayahang pangwika sa Filipino ng mga estudyante base sa binuong pagmamarka. Ang sitwasyon at ang gawain Naglalaman ang pagsusulit ayon sa silabus sa Filipino na may kinalaman sa retorika. Isasagawa ang pagsusulit sa kalagitnaan ng semestre sa oras ng kanilang klase sa Filipino. Binubuo ang pagsusulit ng 80 aytem sa multiple- choice at hiwalay na puntos para sa sanaysay batay sa talahanayan ng ispesipikasyon sa itaas. Katangian ng kukuha ng pagsusulit Ang mga estudyanteng nasa “A” na seksyon sa Una at Ikalawang Antas sa bawat departamento ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham sa Kolehiyo ng San Beda ang kukuha ng pagsusulit: AEC (Economics), AIT (Information Technology), AMC (Marketing), ABE (Entrepreneurship), ALM (Legal Management), AFM (Financial Management), APH (Philosophy), at APS (Psychology) na nakapasa sa Filipino 1 hanggang Filipino 3 o kasalukuyang kumukuha ng Filipino 2 at Filipino 3 sa panahon ng pagsusulit. Mga kakayahang tatayain Nakatuon sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga estudyante batay at paglalapat nito sa kasanayang pagsulat. Tunghayan ang mga batayan sa pagtataya:   Kakayahang Panggramatika Ponolohiya – ang paraan ng pag-aaral ng mga makabuluhang tunog ng isang wika. Morpolohiya – pag-aaral ng mga morpema o ang pinakamaliit na bahagi ng salita na nagtataglay ng sariling kahulugan, na hindi maaaring bawasan o hatiin pa. Talasalitaan – pag-aaral ng kahulugan ng salita Kaalamang tekstwal – kohesyon at retorika Retorika – mabisang pagpapahayag Paglalarawan – isang paraan ng pagpapahayag na layuning makabuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig na gumagamit ng pandama, pang-amoy, panlasa, pandinig at panalat. Pagsasalaysay - maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari at may layuning magkuwento. Sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, at Paano. Paglalahad – isang pamaraan sa pakikipagtalastasan na naglalayong magpaliwanag, magbigay kaalaman o tumugon sa pangangailangang pangkarunungan. Enumerasyon – pag-iisa ng mga detalye sa malinaw na pagkakaayos ayon sa bahagi o mula una hanggang huli ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari Paghahambing at Pagtataliwas – pamamaraang angkop gamitin sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba atbp. Pangangatwiran - isang paraan ng pagbibigay at pagdudulog ng sapat na katibayan sa anumang talakay na nais patunayan para maging kapani-paniwala ang isang kontrobersiyal na isyu o paksa para sa iba Kaalamang punksyonal – pagbuo ng mga ideya, katatasan sa wika/manipulasyon, pangangatwiran, imahinasyon o kakayahang pampanitikan Kaalamang sosyolingwistika – paggamit ng wika batay sa sitwasyon Antas ng Wika – pampanitikan, kolokyal, panlalawigan, pabalbal, pambansa Rehistro – mga teknikal na termino batay sa larangan Nilalaman ng pagsusulit Isa itong criterion-referenced test na susukat sa kakayahan ng indibidwal na estudyante at walang kinalaman sa kaalaman o pagkatuto ng iba pang kaklase o kurso. Bagama’t maaaring tingnan kung anong kurso ang nagtala ng mas mataas na kakayahang pangwika. Talasalitaan Wastong gamit Ponolohiya at Morpolohiya Retorika/ Sanaysay paglalarawan/ pagsasalaysay paglalahad pangangatwiran

Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon – LSP/Iskalang Analitik-Diederich scale (binago) Pamantayan sa pagmamarka Kawastuhan ng mga sagot para sa mga aytem sa A. – C. at iskalang analitik sa Sanaysay. Scantron ang gagamitin sa mga aytem A. – C at maglalaan ng hiwalay na papel para sa sanaysay. Tunghayan ang iskala sa ibaba batay sa Diederich scale:

Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon – LSP Karagdagan nito ang ilang tanong bilang gabay sa pagmamarka sa iskala:   Panimula – Nakapukaw ba sa interes ng mambabasa? Gitna – Lohikal ba ang ayos ng mga impormasyon at aksyon? Katapusan – Nabuo ba sa katapusan ang kabuuan ng sulatin o hindi ba bitin ang katapusan? Istruktura ng mga pangungusap – Buo ba ang mga pangungusap o hindi putul-putol ang mga ideya? May “sense” ba ang mga pangungusap? Talasalitaan – Angkop ba ang mga salitang ginamit o eksakto ba sa layunin ng nagsusulat? Halimbawang paksa: Personal na Pagpapahalaga, Syensya at Kalikasan, at Pulitika at Nasyonalismo Plano sa pagsukat sa katangian ng instrumento: Reliability – pangkalahatang kakayahan ng pagsusulit na masukat ang kognitibong kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyo Validity – may kinalaman sa iterpretasyon ng iskor at pormat ng pagsusulit kung nakamit ang layunin ng pag-aaral Situational authenticity – naaangkop ang pagsusulit sa layunin nito dahil ginamit ang silabus sa Filipino na naaayon sa pagtataya sa kakayahang pangwika Interactional authenticity – napapanahon ang mga akda na batay sa kultura at isyung pangwika at lipunang Pilipino Dating (Impact)/Kahihinatnan (Consequences) - ang kinalabasan ng pagsusulit ay inaasahang magiging batayan sa pagpapayabong ng pagkatuto at pagtuturo ng wikang Filipino Praktikalidad - kayang gawin ang pagsusulit ayon sa kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyo at wala pang nabuong pagsusulit batay sa silabus sa Filipino maging sa KWF na pangunahing institusyon sa pag-aaral sa wika Rubrik – napapaloob dito kung paano gagawin ang pagsusulit, panuto, tagal ng oras, pagmamarka, pagsasagawa ng pagsusulit Input – prompt – tagpuan, kalahok, layunin, anyo/nilalaman, tono (magaan pero pang-akademiko), wika (Filipino), gawi, uri (multiple-choice/essay) Input data Pormat – 75 aytem ng multiple-choice (scantron) at 100% sa sanaysay Paano gagawin – pasulat Haba – isang oras at kalahati Inaasahang tugon Pasulat Sakop ng pagsusulit – silabus sa Filipino 1 hanggang Filipino 3 Pamantayan ng pagmamarka – kawastuhan ng sagot at iskalang analitik

Pagmamarka – SBC/IETLS Napakagaling (Excellent) – 81%-100% Magaling (Good) – 61% - 80% Katamtamang Galing – 41% - 60% (Average) Mahina (Weak) – 21% -40% Napakahina (Poor) – 0% -20%   Paglalarawan sa pagmamarka (Descriptive bands): Napakagaling – Mahusay ang kognitibong kakayahang pangwika sa lahat ng antas nito – kaalaman, pag-unawa, paglalapat, pagsusuri, pagbubuod at pagtataya. May hustong kaalaman din sa talasalitaan, wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, kaalamang tekswal, punksyonal, sosyolinggwistika, antas ng wika at rehistro. Magaling – May sapat na kaalaman sa aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan, wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika at mataas ang kognitibong kakayahang pangwika (antas ng pagsusuri at mas mataas pa). Mahusay ang organisasyon, daloy o kohirens ng mga ideya, istilo at nasunod ang mekaniks ng wastong pagsulat. Katamtamang Galing – Masasabing nababatid ang aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan, wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, sapat ang antas na kognitibo ngunit sa mababang antas ng kahusayang pangwika at hindi pa gaanong tumataas sa antas ng malalim na pag-iisip. May sapat na kaalaman sa wastong pagsulat tulad ng organisasyon, kohirens, istilo at mekaniks. Mahina – Nahihirapang maalala ang dating alam sa aspektong pangwika at nasa mababang antas na kognitibo. Hindi gaanong binigyang-tuon ang mekaniks ng pagsulat. Napakahina – Di man lang nakapasa sa anumang aspektong pangwika maging sa kognitibong kakayahang pangwika.

Proseso ng Pagbibigay-bisa ng mga Eksperto TALATANUNGAN (Bihasang Tagasuri) Pangalan _________________________ Pamantasan/Kolehiyo ________________________________ Katungkulan _________________________________ Bilang/Haba ng Taon sa Propesyon _________________________________ Natapos na Kursong Gradwado_________________________ Pamantasan na Pinagtapusan _________________________________ Mga larangang bihasa o may mga ginawang pag-aaral ________________________

Mga Batayan ng Pagsusuri sa Instrumento Oo Bahagya Hindi Hindi Angkop Komento/ Paliwanag Organisasyon Tekstwal Nilalaman/ Kognitibo D. Kabuuan

Organisasyon 1. Mula sa madali patungo sa mahirap ang mga aytem? 2. Sa pagsulat ng panuto: a. tiyak? b. malinaw? c. maikli? d. nauunawaan? B. Tekstwal 1. Angkop ang mga talasalitaan/ mga salitang ginamit? 2. Tama lamang ang haba ng mga salita/talasalitaan? 3. Tama lamang ang haba ng mga pangungusap? 4. Angkop ang tipo ng mga letra? 5. Malinaw ang mga detalye?

C. Nilalaman/Kognitibo 1. Sapat ang mga tanong upang masukat ang dimensyon batay sa kognitibong domeyn: a. kaalaman? b. pagkaunawa? c. paglalapat? d. pagsusuri? e. pagbubuod? f. pagtatasa? 2. Sapat ang seleksyon sa pagtatamo ng layunin ng pagsusulit? D. Kabuuan 1. Mahirap ba ang pagsusulit? 2. Natalakay ba ang lahat ng aytem sa pagsusulit? 3. May pag-uulit ba sa mga konsepto sa pagsusulit? 4. May mahahalaga bang paksang nakaligtaan o hindi nabigyang-diin? 5. Balanse ba ang mga kasanayan at konseptong sinusukat sa pagsusulit? 6. Natugunan ba ng pagsusulit ang layunin nito? 7. Malinaw at sapat ba ang mga panuto? 8. Sapat ba ang haba at kalidad (mahirap o madali) sa tagal ng itinakdang oras para masagutan ang pagsusulit? 9. Angkop ba sa kakayahan ng estudyante ang nililinang na kasanayan at gawain sa pagsusulit? 10. Madali bang basahin ang mga seleksyon at teksto sa kabuuan? 11. Kapaki-pakinabang ba ang ginawang pagsusulit sa pagkatuto?  

Talatuntunan ng katumpakan at kahusayan (validity and reliability indices) validity – pagsukat ito sa natutunan ng mag-aaral batay sa itinuro ng guro. Ang validity ang pinagtutuunang-pansin sa isang criterion-referenced test. May kinalaman ang validity sa layunin ng pag-aaral, kung natugunan ng pagsusulit ang sinusukat ng pag-aaral. Ang test items ay dapat kaugnay sa hangarin ng pagtuturo. May kinalaman din ito sa kawastuhan (accuracy) ng mga hinuha (inferences) mula sa marka o iskor sa pagsusulit ng mga kumuha nito. Dapat sinusuri ng pagsusulit ang gamit (usefulness) ng instrumento bilang batayan ng ilang baryabol (variable) bilang sukatan (predictor) ng gawi/kasanayang tinataya. May mga uri ng validity: Criterion-related validity, content validity, construct validity, face validity, at consequential validity

criterion-related validity, sinusukat nito ang kahusayan ng indibidwal batay sa criterion, hal. katatasan sa wika ng partikular na kurso ng mag-aaral ayon sa iskor sa pagsusulit. Sinusukat nito, halimbawa ang istratehiya sa pagtuturo, kurikulum at iba pa. content validity, pinagtutuunan ang domeyn o kasanayan at personalidad, halimbawa, kahusayan sa wika partikular sa kasanayang pagsulat. Nasusukat dito ang bunga ng pagkatuto (outcome of learning), tiyak na mga layunin, at kung ang pagsusulit ay wastong repleksyon ng itinakdang layunin ng pag-aaral. Dito kinakailangan ang pagsusuri ng mga bihasa sa larangan ng pag-aaral sa mga aytem sa pagsusulit. face validity ay ang kaanyuan lamang ng pagsusulit kung katanggap-tanggap sa gagamit nito.

construct validity - batay ito sa serye ng pag-aaral construct validity - batay ito sa serye ng pag-aaral. Layunin nitong mailarawan ang katangiang sinusukat sa pag-aaral kaya hindi maaring batayan nito ang minsang pagsusulit lamang. Sa kabuuan, ang construct validity ay kalipunan ng mga ebidensya ukol sa katangiang tinataya ayon sa iba’t ibang sitwasyon. Dahil pilot test lamang ang pag-aaral at mula lamang sa San Beda College ang sampol ng populasyon hindi pa nabuo ang talatuntunang ito. consequential validity sinusukat dito ang magiging bunga (consequences) nito sa kumukuha ng pagsusulit. Magagawa lamang ito kung ilalapat ang kaugnay na mga pagbabago sa istratehiya at kontent ng pagtuturo at silabus batay sa iskor sa pagsusulit ng kakayahan ng mga estudyante.

reliability – nasusukat nito ang konsistensi ng layon ng pagsusulit o nang ibig mataya batay sa item analysis na isang statistical tool. Gayundin, nasusukat ito kung magiging pareho ang resulta kapag ibinigay sa parehong grupo sa ibang pagkakataon o sa ibang grupo na may pareho ring katangian ng naunang grupo. Dapat konsistent at “dependable” o magagamit muli sa hinaharap May mga uri ng reliability: reliability coefficient at coefficient of equivalence. Ang reliability coefficient ay ang pag-uugnay ng iskor ng sampol na populasyon sa dalawang set ng parehong instrumento. Nakaaapekto rito ang kondisyon ng administrasyon ng pagsusulit, sampling ng test items at sa kumukuha mismo ng pagsusulit na maaaring magkaroon ng tinatawag na error sa iskor. Namamayaning tanong naman sa coefficient of equivalence ay: Makakukuha kaya ang test taker ng parehong iskor sa dalawa o higit pang sampol sa aytem mula sa parehong domeyn?.

Ang Instrumento Kaalamang panggramatika (multiple choice) – Talasalitaan: Halimbawa: May tila bahaw na alingawngaw sa kanyang dibdib. a. Mahinang tinig b. di mawari c. malamig na pakiramdam d. kaba Wastong gamit: Hatiin natin ang bibingkang binili ng nanay. a b c d Hatian mo naman ako ng mga bayabas na mapipitas mo. a b c d Ponolohiya, morpolohiya: Silidan mo ng tubig ang balde at maliligo ako. Sarisari ang kulay ng mga banderitas tuwing pista sa nayon.

CALP Layunin Kognitibong domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika Tanong /Gawain mula sa Instrumento Masukat ang antas ng kaalaman sa pagsagot sa literal na mga tanong na inilahad sa akda. Matukoy ang pangunahing diwa ng akda Makapagbigay ng opinyon batay sa umiiral na katotohanan, panuntunan, prinsipyo batay sa pinaniniwalaang gawi (behavior) at sa sitwasyon Kaalaman Pag-unawa Paglalapat Paghahanap ng Impormasyon Paghihinuha Pangangatwiran Pag-uugnay Ano ang tinutukoy ng dalawang mukha ng syensya? Tukuyin ang pangunahing diwa ng akda. Anong bahagi ng akda ang nagbigay ng “clue” sa pangunahing diwa nito? Maglahad ng karanasang maihahalintulad sa mga lalaking Indostan sa tula. Nangyayari ba sa tunay na buhay ang pangyayari sa akda? Bakit mo nasabi?

CALP Layunin Kognitibong domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika Tanong/Gawain mula sa Instrumento Makabubuo ng balangkas, dayagram, ugnayan (web) ng mga kaisipang inilahad sa akda at mga patunay rito Makapagmungkahi ng solusyon sa hinaharap na suliranin Makabuo ng pansariling paghuhusga batay sa pagpapahalaga, katotohanan, umiiral na panuntunan o prinsipyo o katarungan Pagsusuri Pagbubuod Pagtataya Pag-iisa-isa/Paggugrupo Pagbibigay-solusyon Pagbibigay ng mga kadahilanan sa aksyon, desisyon, pananaw at paghihikayat Gumawa ng dayagram o web ng sanhi at bunga ng dalawang mukha ng syensya at ipaliwanag ang ginawang dayagram. Anong suliranin ang inilahad sa akda? May solusyon ba? Pangatwiranan. May magagawa ba ang tao upang maiwasan ang masamang dulot ng syensya?

Sanaysay - Prompt Pansinin ang mga naunang tanong. Sagutin ang mga tanong na ito sa pagsulat ng sanaysay na hindi kukulangin sa 200 salita. Hindi kasama sa bilang ng mga salita ang mga pang-ugnay tulad ng pang-ukol, pang-angkop, atbp. Hindi dapat limitahan ang pagsulat sa pagsagot lamang ng mga tanong. Kailangang sundin ang panuntunan sa pagsulat ng sanaysay tulad ng pagkakaroon ng simula, gitna, at wakas. Tatayahin ang nilalaman at organisasyon, istilo, at mekaniks sa pagsulat tulad ng wastong baybay, gamit, bantas, kahulugan, atbp. Inaasahang makasusulat ng wastong gamit ng mga salita sa Filipino, may kohirens, kohesyon sa mga pangungusap at talata at angkop na rehistro batay sa larangan o disiplinang tinatalakay. Nilalayon nitong mataya ang kognitibong kasanayan sa pagsulat ng kumukuha ng pagsusulit na ito.