MGA TANONG-SAGOT SA PAGTATAYANG PANGKLASRUM
ANO ANG PAGTATAYANG PANGKLASRUM? Ito ay ang pangangalap, interpretasyon at paggamit ng mga impormasyon upang matulungan ang mga guro na makagawa ng mabuting desisyon para sa mga kaukulang interbensyon upang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto.
ANO ANG PAGKAKAIBA NG PAGTATAYA NOON AT NGAYON? NOON: Hanay ng mag-aaral, tahimik na nakaupo;pagsagot sa mga tanong ng inihandang pagsusulit NGAYON: Ang pagtataya ay bunga ng maraming pagtatanong gaya ng: →Ano ang aking tatayain? →Anu-ano ba ang mga uri ng pagtataya/assessment?
→ Ano ba ang pinakakomprehensibong paraan ng pagtataya para sa aking klase? → Paano ko ihahanda ang aking mag-aaral sa pagtataya?
ANU-ANO ANG MGA LAYUNIN NG PAGTATAYA? DI-TRADISYUNAL → upang matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang sariling pagtatamo ng pagkatuto →upang makapaglaan ng kapaki-pakinabang at positibong pidbak
→ upang matunton ang pagsulong at pag-unlad ng bawat mag-aaral → upang maganyak ang mag-aaral para sa sariling pagkatuto →upang maipabatid sa mga mag-aaral at magulang ang inaasahang pagkatuto →upang mataya hindi lamang ang dami kundi pati na rin ang lawak,lalim, at kalidad ng kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral.
ANU-ANO ANG MGA BATAYANG SANGKAP NG ISANG PAGTATAYANG PANGKLASRUM? TRADISYUNAL →upang mataya kung ano ang natutuhan →upang magamit sa pagmamarka 4.1 LAYUNIN-Bakit ko ginagawa ang pagtatayang ito? 4.2 PANUKAT-Anong teknik ang aking gagamitin upang makakalap ng impormasyon?
4. 3 Ebalwasyon- Paano ko bibigyang kahulugan ang bunga ng pagtataya 4.3 Ebalwasyon- Paano ko bibigyang kahulugan ang bunga ng pagtataya?Anong mga pamantayan sa paggawa at mga krayterya ang aking gagamitin? 4.4 Gamitin-Paano ko gagamitin ang mga bunga/datos na nakalap?
PAGTATAPAT NG MGA TARGET SA PAGKATUTO SA MGA METODO NG PAGTATAYA Target/Metodo ng Pagtataya Objective Test Essay Test Performance Based Oral Test Observation Self-report Kaalaman 5 4 3 2 Pangangatwiran Mga Kasanayan 1 Produkto Pandamdamin
TANDAAN: Walang bisa ang anumang pagtataya kung hindi ito maglulundo sa pagpapabuti ng proseso ng pagtuturo-pagkatuto.
PAGHAHANDA PARA SA PAGTATAYA Anu-ano ang mga uri ng pagtataya? Pagtatayang Pormal(Tanong:Ano na ang alam mo?) 1.1 Mga Pormat a. Tama-mali b. MCQ(maraming pagpipiliang tanong) c. Pagtatapat-tapat d. Paglalahad(sanaysay) e. Standardized f. Norm-referenced d. Criterion-referenced
1.2 Mga Layunin A. Sumusukat sa natatamong kaalaman ng mga mag-aaral at inihambing ang natamong ito sa kapwa mag-aaral at sa iba pang mag-aaral sa district,division,rehiyon o bansa. B. Ulat sa natamo ng mga mag-aaral para sa mga magulang at administrador. C. Ang resulta ng pagsusulit ay ginagamit para sa pagbuo ng mga polisi at paggawa ng mga desisyon sa pagtuturo at pagkatuto.
2. ALTERNATIBONG PAGTATAYA (Tanong: Ano ang magagawa mo?) 2.1 MGA GAWAIN A. awtentiko (tuwirang pagtataya sa mga gawaing mag-aaral na malapit sa mga tunay na karanasan) B. product o performance C. proseso D. portfolio
2.2 Mga Layunin Ang mga gawain ay halos malapit sa aktwal na mga sitwasyon ng buhay;nakatutulong sa mga guro upang: a.makabuo ng isang komprehensibong paglalarawan ng bawat mag-aaral bilang problem solver,critical thinker at acquirer of knowledge. b. mataya ang pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob ng isang panahong itinakda(isang araw o linggo o di kaya nama’y ilang buwan).
Anu-ano ang mga pormat ng alternatibong pagtataya? Ang pagtatayang product at performance -Inaasahan na makabubuo/makapaglalahad ang mga mag-aaral ng isang totoo o tunay na produkto o di kaya ay pagsasagawa sa mga kasanayan o konseptong nililinang. -Nakapokus sa natapos na produkto sa halip na sa mga proseso, gawi o istratehiya na ginamit sa pagbuo nito.
MGA URI NG EVALUATION CRITERIA na ginagamit sa Alternatibong Pagtataya Ang pagtataya ay nakabatay sa paghuhusga at obserbasyon gamit ang ilang pamantayan o krayterya. MGA URI NG EVALUATION CRITERIA na ginagamit sa Alternatibong Pagtataya Rubric Iskala Tseklist Peer at self-evaluation
MGA HALIMBAWA NG PRODUCT AT PERFORMANCE na maipapagawa sa klase -scripts -audiotapes, videotapes -charts, maps, graphs -games, puzzles -puppet show -plays, skits, talent shows -interviews, debates -role playing -dances -mock trials -cooking or sports demonstrations -recipes, menus -slideshows -children’s books -exhibits -research papers -book or movies reviews -questionaires,surveys -print or TV ads -poems, riddles, jokes, songs -murals, collages -scale, model, dioramas -terrarium -scrapbook -speech
PAGTIYAK UPANG MAPAGTAGUMPAYAN ANG GAWAIN Maglaan ng tala ng mga opsyunal na mga product at performance Turuan ang mga mag-aaral na gumawa ng proposal para maging pokus ang gawain. Paghandain ang mga mag-aaral ng action plans at task sheets. Hayaang pumili ang mga mag-aaral ng kanilang sistema ng paggawa.
PAGTATAYA NG PAG-UNLAD NG MGA GAWAIN Hingan ang mga estudyante ng proress report. Bumuo ng mga pamantayan/krayterya sa pagtataya gaya ng rubric. Isama ang peer review bilang bahagi ng proseso sa pagtataya. Pagawain sila ng self-assessment sa bawat yugto ng proseso ng pagtataya.
2. Process Assessment: Pagmamasid habang isinasagawa ang pagkatuto Pagmamasid habang ginagawa ang pagkatuto Pagmamasid kung paano ginagawa ang pag-iisip Pagmamasid habang gingawa ang task o gawain Inaasahan na magpapakita o ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga kilos, gawi, istratehiya, mapanuring pag-iisip habang inuunawa ang nalilinang na mga kasanayan at konsepto. Nakapokus nag atensyon ng guro sa proseso, kilos o gawi, at mga istratehiya sa halip na bunga ng pagkatuto. Batay sa paghuhusga at pagmamasid sa tulong ng mga pamantayan at krayterya.
MGA URI NG EVALUATION CRITERIA NA MAAARING GAMITIN Rubrics Pormal na mga iskala at tseklist Mga talang anecdotal Pagmamasid Pagtatayang pansarili Pagtataya ng kaklase
MGA HALIMBAWA NG PROSESO Inilahad sa ibaba ang ilang proseso na maaaring bigyang pansin ng guro habang nagmamasid sa kakanyahan ng mga mag-aaral na mailapat ang HOTS: mga istratehiya sa pagbasa na gamit ng mag-aaral sa pagpapakahulugan ng teksto. Kilos o gawi kung may peer review Mga patunay ng mga inilaan oras sa gawain Kakayahan sa pakikilahok sa mga pangkatang gawain Mga draft habang gumagawa ng sulatin /komposisyon Pakikilahok sa talakayang pangklase Pagsangguni upang mapabuti ang gawain Bumuo ng personal na krayterya o pamantayan
3. PAGTATAYANG PORTFOLIO Isang may layuning kalipunan/koleksyon ng mga gawa ng isang mag-aaral at nagpapakita ng kanyang panlahat na sigasig, pag-unlad, at mga natutuhan sa loob ng isang panahon Isang magandang paglalarawan ng pag-iisa ng pagtuturo at pagtataya. Makikita sa koleksyong ito ang paano at ano ng pagkatuto ng isang mag-aaral. Ito’ymasusing pinili at hindi lahatan o catch all ng mga gawa ng mag-aaral Ito’y kombinasyon ng process at product assessment na may ibayong diin sa ebalwasyong pansarili at ebalwasyon ng kapwa mag-aaral.
MGA URI NG EVALUATION CRITERIA GAMIT SA PAGTATAYANG PORTFOLIO Imbentaryo Tala ng mga komperensya Rubrics Iskala at tseklist Talang anecdotal Obserbasyon Peer evaluation
MGA MAAARING NILALAMAN NG ISANG PORTFOLIO Photographs Dyornal Suring basa at iba pa Sketch/Drawing Ulat Mga sulatin/ Komposisyon
MGA URI NG PORTFOLIO 1. Ang Working Portfolio Layunin: Naipakikita ang tala/koleksyon ng mga ginawa ng mag-aaral sa isang partikular na klase Ang working portfolio ay naglalaman ng koleksiyon ng mga produkto, performance at resulta ng mga pagsusulit sa loob ng isang takdang panahon. Kadalasan, ang working portfolio ay hanguan para sa isang showcase portfolio.
2. Ang Showcase Portfolio o Best Work Layunin: Naipakikita ang pinakatampok na gawa ng mag-aaral. ang showcase portfolio ay kalipunan ng pinakamagagaling na gawa ng isang mag-aaral, kasama na ang mga produkto at performance na maaaring labas sa mga pagsusumikap sa mga pagsusulit na lapis at papel. Kadalasan na ang mga nakapaloob dito ay tumutugon sa mga inilatag na mga layunin sa pagkatuto at mga kraytirya.
3. Ang Process Portfolio Layunin: Naipapakita ang gawa/ produkto ng mag-aaral sa iba’t ibang yugto ng pagbuo nito. Sa isang process portfolio ay nag koleksiyon ng lahat ng impormasyon tungkol sa isang patuloy isinasagawang proyekto, maaaring kasama sa koleksiyon ang mga dokumento sa pagpaplano, mga draft, resulta ng mga konsultasyon, mga repliksiyon sa mga yugto ng pagbuo ng gawain at ang pinal na produkto o performance.
4 . Ang Cummulative Portfolio o Archival Layunin: Naipakikita ang pinakatampok na mga gawa ng mag-aaral sa loob ng mahabanag panahon. Ang cummulative portfolio o archival ay pagpapakita ng pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob ng isang mahabang panahon. Karaniwang nakapaloob dito ang mga halimbawang hinugot mula sa isang showcase portfolio. Kailangan din sa ganitong portfolio ang panapanahong pagtanaw sa mga koleksiyon upang hindi ito sumabog.
PAANO KO MAIHAHANDA ANG AKING MAG-AARAL SA GANITONG URI NG PAGTATAYA? bumuo ng isang kaligirang nakaugat sa pagtitiwala. Ipadama sa mga mag-aaral ang kabutihan ng repleksyon at pagtatayang pansarili pagkatapos ng isang gawain. Patnubayan ang mga mag-aaral na mag-set ng sariling tunguhin at gumawa ng pangako Akayin ang mag-aaral sa pagtanaw sa kabutihan ng mga alternatibong pagtataya.
Hikayatin ang mga mag-aaral na matanto ang kahalagahan ng peer review. Tulungan ang mga mag-aaral ng gumawa at matuto sa kanyang sariling pagpupunyagi. Pagbutihin pang lalo ang iyong mga gamit sa pagtataya.
Ang Pagtataya At Ang Rubric Rubric – isang patnubay sa pagmamarka na nagtataglay ng mga patunay o ebidensya hinggil sa kung anong lapit at padpoproseso ang ginagawa ng isang mag-aaral para sa pagsasagawa ng isang task. Isa ito sa mga evaluation criteria na gamit sa pagtataya.
Ang isang rubric ay karaniwang binubuo ng apat na label: Katangi-tangi (Exceptional) Ganap (Thorough) Kasiya-siya (Adequate) Hindi sapat (Inadequate)
Narito ang ilang halimbawang mga salitang palarawan para sa bawat lebel: Katangi-tangi Malikhain/gumamit ng imahinasyon Gumamit ng kritika na pag-iisip Lumagpas sa inaasahan May tamang sakop at lalim Ganap Buo at maayos ang paglalahad Malinaw na naitanghal Nailalapat ang natutuhan Naipakita ang tamang ugnayan
Kasiya-siya Naisaalang-alang ang pinakamababang kailanganin Walang orihonalidad Panlahat na impormasyon lamang ang inilahad Hindi-Sapat Walang nailahad na bagong kaalaman Watak-watak ang paglalahad Mababaw ang talakay Hindi nailapat ang anumang pagkatuto
Mga Uri ng Rubric Holistic Rubric. Naglalarawan ng kabuuang kalidad ng isang performance o produkto. Analytic Rubric. Naglalarawan ng kalidad ng isang performance o product na may kaugnayan sa isang tiyak na kraytiryon. Scoring Rubric (Analytic)
Antas ng Kasanayan K1 Kalinawan ng Impormasyong Ipinahahayag sa Mapa (30%) 3 Malinaw ang lahat ng mga impormasyong nakapaloob sa mapa 2 Di-malinaw ang isang impormasyong nakapaloob sa mapa. 1 Di-malinaw ang 2 o higit pang impormasyong nakapaloob sa mapa. K2 Uri ng Kagamitang Ginagamit (15%) 3 Tatlo o higit pa ang uri ng bagay na ginamit (papel, dahon, istik). 2 Dalawa ang uri ng bagay na ginamit. 1 Isang uri ng bagay lamang ang ginamit. K3 Kalinisan ng Gawain (15%) 3 Napakilinis ng buong mapa. 2 Medyo marumi ang 1-2 bahagi mapa. 1 Marumi ang 3 o higit pang bahagi ng mapa. K4 Gamit ng Mapa sa Pagsagot sa Tanong (40%) 3 Lahat ng tanong ay nasagot na gamit ang mapa. 2 Isa sa mga tanong ay nasagot na gamit ang mapa. 1 2 o higit pang tanong ay di nasagot na gamit ang mapa.