Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) Karapatang Pantao: Mga Konsepto, Prinsipyo, Obligasyon ng Estado at Paglabag Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)
Ano ang tao? Ano ang esensya ng pagiging tao?
ESENSYA NG Tao May mga batayang pangangailangan kailangang matugunan, e.g. pagkain, damit, tirahan, kalusugan, edukasyon, pahinga’t rekriyasasyon, atbp. Rasyunal – may kakayahang mag-isip, magtimbang ng mga bagay, magsuri’t gumawa ng desisyon Kalayaan sa pag-iisip, pagkilos Sosyal na nilalang
Esensya ng Tao DIGNIDAD NG TAO – Pundasyon ng karapatang pantao Lahat ng tao ay ipinanganak na may dignidad. Ang dignidad ng tao ay inherent at inborn, di mahihiwalay sa kanya. Ang dignidad ng tao ay ang kabuuan ng lahat ng karapatang pantao na siyang nagtatakda ng pagiging buo ng tao.
Karapatang Pantao: Modernong Konsepto Guarantee Entitlements or birthrights protective devices legal entitlements or legal claims Normative standards/guideposts Natural Social contract
Karapatang Pantao: Modernong Konsepto Mga naggagarantiyang nabubuhay ang tao ng marapat para sa tao at bilang rasyunal na nilalang Entitlements o birthrights na dapat taglayin at matamasa ng tao dahil siya ay tao; nagsisilbing batayan o pundasyon sa buhay na may dignidad
Karapatang Pantao: Modernong Konsepto Mga protective devices na nabuo para protektahan ang mga indibidwal laban sa karahasan at pagpapabaya ng Estado Mga legal entitlements o legal na pag-angkin (legal claims) na taglay ng mga indibidwal --- dahil sa kanilang pagiging TAO --- laban sa Estado
Karapatang Pantao: Modernong Konsepto Natural dahil bawat tao ay nagmamay-ari nito at di nakabatay sa partikular na sistema ng batas, relihiyon o pulitika Mga normative standards/guideposts na dapat gumabay sa mga Estado sa pagtrato’t pakikipag-ugnayan sa kanilang mamamayan; tumutukoy sa ugnayan / relasyon sa pagitan ng Estado at mamamayan
Karapatang Pantao: Modernong Konsepto Tumatayong kontrata sa pagitan ng mamamayan at Estado, na nagbibigay ng sosyal na karakter sa karapatang pantao.
Karapatang Pantao: Modernong Konsepto 2 Katangian ng Komitment ng mga Partidong sa KP RIGHTS HOLDERS DUTY BEARERS
Relasyon ng RH at DB Pag-angkon sa Pagrespeto Katungod Pagprotekta Rights Holders Duty Bearers Pag-angkon sa Pagrespeto Katungod Pagprotekta Pagpatuman OBLIGASYON sa KP
Karapatang Pantao: Prinsipyo Universal Inalienable Interdependent Indivisible Equal and non-discriminatory Accountability Participatory
Karapatang Pantao: Prinsipyo Universility (Universality – equality at walang diskriminsasyon), Malangkubon Lahat ng KP ay taglay-taglay ng bawat tao na walang pagsasaalang-alang sa kasarian, edad, pang-ekonomikong katayuan, etnisidad, relihiyon, atbp. Bawat tao ay entitled sa mga parehong karapatan.
Karapatang Pantao: Prinsipyo Inalienable – Dili mawala/makanunayon Lahat ng tao ay ipinanganak na may parehong KP (natural) Hindi maaalis, mawawala, masusurender ang KP kahit ano pa ang ginagawa ng tao o kahit sino pa siya.
Karapatang Pantao: Prinsipyo Indivisibility (Tibuok, dili matunga-tunga) Lahat ng KP – sibil, pulitikal, sosyal, ekonomiko, kultural – ay pantay-pantay, magkakasinghalaga Walang hierarchy ng karapatan; walang KP mas mahalaga kaysa sa iba Mga entitlements sa kabuuan ng mga bagay na kailangang taglayin/angkinin para maging TAO at samakatwid, hindi nahahati sa mga bahagi.
Karapatang Pantao: Prinsipyo Interrelatedness at Interdependence (managkauban/managsama) Mga KP ay mutually dependent at magkakaugnay sa bawat isa; may reciprocal na relasyon ang mga KP sa puntong ang pagtamasa ng isang karapatan, kadalasan ay nakasalalay sa pagtamasa ng ibang karapatan; ang paglabag sa isang karapatan, kadalasan ay humahantong sa paglabag ng iba pang karapatan.
Karapatang Pantao: Prinsipyo Accountability (Tulubagon, Obligasyon) Ang Estado bilang Duty-Bearer ay may obligasyong patungkol sa KP Ang Estado ay may tungkuling tupadin ang kanyang mga obligasyon sa KP
Karapatang Pantao: Prinsipyo Participation (Partisipasyon) Pagkilala sa halaga ng aktibo, malaya’t makabuluhang partisipasyon ng mga rights- holders o mamamayan sa pag-angkin ng kanilang mga KP na hahantong sa kanilang empowerment.
Legal na Batayan ng KP: Internasyunal 1. International Bill of Human Rights (IBHR) – binubuo ng mga sumusunod: Universal Declaration of Human Rights (UDHR), December 10, 1948 Unang dokumento noong dekada 20 na nag- internationalize sa KP Tinuturing ng mga nasyon bilang batayang minimum na istandard kung paano dapat itrato ng mga gobyerno ang kanilang mga mamamayan.
CORE INTERNATIONAL HUMAN RIGHTS INTRUMENTS
Legal na Batayan ng KP: Nasyunal 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Nasyunal/Domestik na Batas Labor Code RA 8371: Indigenous People’s Rights Act of 1997 RA 7160: The Local Government Code of the Philippines of 1991 RA 9710: Magna Carta of Women
Kategorya ng KP Ayon sa Tumatanggap/Umaangkin 1. Individual Rights Karapatang taglay ng bawat indibidwal tulad ng karapatan sa buhay, edukasyon, kalusugan, bumoto, kalayaan sa ekspresyon, sa tortyur, karapatan sa mabilis na paglilitis, atbp. 2. Collective Rights Kilala rin bilang karapatan ng mamamayan (people’s rights or solidarity rights) na tinatamasa ng mga grupo ng tao o kapag nakapaloob sa grupo
Katangian/Antas ng Obligasyon ng Estado 3 kategorya ng Obligasyon ng Estado sa KP Obligation to Respect Hindi pagsasagawa ng anumang aksyong lumalabag sa integridad ng indibidwal o ng kanyang kalayaan sa pagkilos Pigilan ang pagsagka sa pagtamasa ng karapatan
Katangian/Antas ng Obligasyon ng Estado Obligation to Protect Hadlangan ang ibang tao, grupo o ikatlong partido tulad ng mga TNC, pribadong korporasyon, sa paglabag sa integridad, kalayaan sa pagkilos o iba pang KP ng indibidwal Hal. Pagbabawal sa mga kumpanya ng pagmimina sa pagwasak ng lupaing ninuno; pagkilos para mapigil ang summary executions ng mga aktibista, taong media; pagpigil sa mga hired goons ng haciendero sa pagpapaalis sa mga magsasaka; proteksyon sa mga bata laban sa pornograpiya, trafficking
Katangian/Antas ng Obligasyon ng Estado Obligation to Fulfill Nangangailangan ng pagkilos (lehislatibo, administratibo, budgetary, judicial at iba pang hakbanging tungo sa buong realisasyon ng karapatan Hal. Pagbuo ng mga batas at patakaran, paglaan ng pundo at resources para sa mga programa’t serbisyo ng gobyerno
Paglabag sa KP: Aksyon ng Estado 1. Omission – hindi pagkilos o di pagpigil ng Estado sa isang sitwasyong nangangailangan ng aksyon para marespeto, maprotektahan o maitaguyod ang KP ng mamamayan; hindi pagbuo ng mga batas para maprotektahan ang KP Hal. Hindi pagkilos laban sa sex trafficking ng kababaihan at bata, laban sa ilegal na pagtotroso, pagtapon ng mga industrial wastes o mine tailings sa mga katawan ng tubig
Paglabag sa KP: Aksyon ng Estado 2. Commission/Breach – anumang aksyon ng gobyernong lumalabag sa anumang covenant o instrumento sa KP na niratipika ng Senado Hal. Pagrekrut ng CAFGU/AFP ng mga bata sa hukbo, paghalo ng mga batang/menor de edad na lumabag sa batas sa mga matatandang bilanggo, militarisasyon sa mga komunidad ng pagmimina, paggamit ng tortyur ng militar sa detenido/bilanggo
Paglabag sa KP: Aksyon ng Estado Arbitrary Derogation – paglabag sanhi ng arbitraryong suspensyon ng kalayaan, hal. Emergency rule, martial law, authoritarian regime/state)
DAGHANG SALAMAT