Parokya ng Our Lady of Fatima Pasay City March 29, 2014 BEC Awareness Parokya ng Our Lady of Fatima Pasay City March 29, 2014
Ang Batayang Pag-unawa sa BEC Layunin: Banggitin ang ipaliwanag ang kahulugan ng BEC Tukuyin ang mga katangian at pagkakakilanlan ng BEC Ipaliwanag ang BEC at ang Misyon ng Simbahan Talakayin ang Iba’t ibang anyo at antas ng BEC Ilarawan ang buhay at pagkilos ng mga BEC
Buhay – Patay - - hinto – simula – simulang muli – tagumpay - kabiguan Pangkaraniwang tukoy na dahilan Mabilis na pagpapalit ng pari Hindi prioridad/sumusuporta ang kura paroko, Hindi programa ng diyosesis Mungkahing pagnilayang dahilan Malabong pananaw Maling pag-unawa Malambot na paninindigan Hindi naging gawi ng buhay Kaya’t ang bunga Mabuway na pagkakabuklod at di wastong pagkilos at pagsasabuhay nito
Kalagayan at panawagan Matagal na ang panawagan upang isulong ang BEC bilang paraan at tunguhin ng pinagpanibagong simbahan Vatican II 4th Synod of Manila. Second Plenary Council of the Philippines, Second Provincial Council of the Philippines, at marami pang partikular na panawagan)
Kalagayan at panawagan Ganito rin ang nilalaman sa Art. 4 ng PCM II. Isulong ang BEC bilang daan at lugar sa epektibo at napapanahong ebanghelisasyon. Epektibong daan sa pagpapalahok ng mga layko sa gawaing ebanghelisasyon Magandang simula at pagkakataon sa pagmumulat ng mga mananamplataya
Kalagayan at panawagan Sa resulta ng pagtatasa pagkatapos ng 10 taong pagpapatupad ng PCP II, muling inulit ang panawagan na buklurin at patatagin ang mga BEC tungo sa: pagsasakapangyarihan ng layko, pagkakataon para sa pagmumulat at pagpapakilos ng mga mananampalataya at maging akmang lugar para sa ebanghelisasyon.
Renewal of Christian Faith Restructuring of the Church Aggiornamento Keeping the Church Up to date Vat. II 1962-1965 Renewal of Christian Faith Restructuring of the Church
Malay Pag papa niba go Pagkilos Buklod Relasyon Tulungan Pananagutan Pananaw (PCP II) Pag-unawa Malay Pag papa niba go Paniniwala Layunin Pagkilos Paraan Gawain Buklod Relasyon Tulungan Pananagutan
Sa ating parokya, marami tayong narinig, nadama at nakitang mga pagbabago at pagpapanibago sa anyo ng mga paglilingkod at pagkilos, porma ng pagkakabuklod at umiiral sa mga kamalayan. Hal. Mga bagong ministry PREX bagong programa tipanan sa Panginoon buhay katiwala BEC atbp.
Gabay na Tanong: Para sa akin ano ang: Diyos Tao Simbahan Kasalanan Kaligtasan Daigdig
Bahaginan ng mga maliliit na pulutong (5 grupo) Sa loob ng 30 minuto, magbabahaginan ang mga maliliit na pulutong sa kanilang itinakdang lugar. Pumili ng isang tagapagpadaloy at isang tagatala Sikapin na ang bawat isa ay nakapaghayag ng kanilang pinapangarap na simbahan. Gumawa ng isang pagsasadula ng bunga ng kanilang isinagawang bahaginan Bibigyan ang bawat grupo ng tig 10 minuto para sa kanilang pag-uulat Hindi na kailangang ipakilala pa ang mga kaanib ng grupo, makatutulong kung idirecho na agad sa pag-uulat Gabay na tanong: Naitala natin at naipahayag ang mga suliraning kinahaharap ng ating bansa, lipunan, parokya at kahit na sa kapitbahayan. Narinig natin ang panawagan at nilalaman ng pagpapanibago. Mula dito; Ano ang ating pinapangarap na simbahan?
Gw. 2:42-47 Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipirapiraso ng tinapay at sa pananalangin. Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa kanilang tahanan at nagsasalu-salong masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.
Gw.4:33-35 Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng sumasampalataya at di tinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay at ang pinagbilhan ay ibinigibay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa
Mangyayari ang mga ito kung kikilos tayo bilang : Simbahan ng: Pakikilahok Pakikipagkaisa Misyon makahari makapari makapropetang pananagutan Simbahan ng mga Dukha Nakatatagpo ng pahiwatig sa pagkilos na simbahan, sa pagsusulong ng BEC PCP II - 137
Kahulugan ng BEC
Ayon sa pagkakasunod-sunod ng kataga (Nomenclature) Bilang Basic Batayan Pangunahin Simula Ugat Munti maliit Lugar sa lipunan
Ecclesial – Pagiging Simbahan Gw. 2:42-47 Gw. 4:33-35
Nanatiling tapat sa turo ng mga Apostol relasyon Pag-ibig Masayang Panalangin at Pagdiriwang ng buhay Pag-asa Nakasentro kay Kristo ang kanilang buhay
Ang simbahan sa panahon ng mga apostol Ito ang larawang binabalik-balikan, ang pundasyon at pamantayan. Ito ang modelong pinagbabatayan. Sampuso, sandiwa. nagkakapatiran, nagpapahayag, nagdiriwang at naglilingkod. Apat na mahalagang katangian na nagpapatunay na buhay ang simbahan ito.
Community Pamayanan = Isang tukoy na lugar kung saan naninirahan at itinataguyod ang buhay ng nilalang kapitbahayan
Ang mga BEC ay Maliliit na pulutong ng organisadong Pamilyang magkakapitbahay na nagsisikap magsabuhay ng pagiging simbahan.
Nanatiling tapat sa turo ng mga Apostol relasyon Naglilingkod Gw. 2:42-47 Gw. 4:33-35 Nagdiriwang Nagpapahayag Nakasentro kay Kristo ang kanilang buhay, nagkaisa ang kanilang damdamin at isipan
Basic Ecclesial Communities Organisadong Magkakapitbahay Pamilyang Nakasentro sa Salita ng Diyos at Eukaristiya Kapatiran Malasakit Bahaginan Communities Kumikilos batay sa kanilang pangangailangan Kaisa ng kura paroko at ng buong simbahan Panalangin
Bagong Paraan ng Pagiging Simbahan. Ang mga BEC Wastong Lugar at pagkakataon sa ebanghelisasyon. Binhi sa pagpapanibago ng Lipunan.
Mula sa PCP II #138, 139 Maliit na pulutong Pamilya Magkakapitbahay Magkakakilala ang mga kasapi Pinamumunuan ng Layko Kaisa ng kura paroko 7. Regular na natitipon sa gitna ng Salita ng Diyos at ng Eukaristiya 8. Nagbabahaginan hindi lamang spiritual kundi maging materyal na alalahanin
9. Pinapag-iisa ang pang-araw araw na pamumuhay at ang pananampalataya Mula sa PCP II #138, 139 9. Pinapag-iisa ang pang-araw araw na pamumuhay at ang pananampalataya 10. Patuloy na tumataas ang kamalayan dahil sa regular na katesismo na nagsisilbi nilang gabay Mayroon silang matinding pagdama sa pagiging kabilang at sa pananagutan sa isa’t isa Sama-samang kumikilos para sa katarungan at tungo sa isang masiglang pagdiriwang ng buhay at liturhiya.
Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap tungo sa pagpapanibago, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.
Layunin sa pagbubuklod ng mga BEC na: Lumikha ng pagkakataon upang: Ipamuhay ng makahulugan at makabuluhan ang kanilang pananampalataya (Diyos, Tao, Simbahan, Kasalanan, Kaligtasan at Daigdig)(Vision) Magkaroon ng daan ang sama-samang pagkilos at malalim na pagsasamahan ng mga kaanib. (Misyon)
Layunin sa pagbubuklod ng mga Munting Pamayanang Kristiyano Magbukas ng daan tungo sa pagtutulugan at pagmamalasakitan sa loob at labas ang organisadong pulutong Sama-samang pamamahala at pagpapaunlad ng simbahan sa kanyang paglalakbay Linawin ang hamon sa mas malaking pakikilahok sa pagtugon upang tulungan ang lipunan sa kanyang pagpapalakas at pagpapanibago Pagsasabuhay o pagsasakongkreto ng misyon
Ang ating pagsisikap na panibaguhin ang simbahan ay handog sa atin ng Diyos Ito ang pangarap sa atin ng Diyos Ito ay pagpapahayag ng Kanyang patuloy na pagkilos sa ating buhay, mga pamayanan at daigdig Sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesukristo, kung saan nakasentro ang ating mga BEC, ipinakilala niya sa atin ang : bagong pakikipagrelasyon sa Diyos, ang bagong paraan ng pagiging pamayanan at bagong paraan ng pakikipagkapwa at pagpapakatao
Sa pagtahak natin sa landas ng pagpapanibago, sa pagsusulong ng mga BEC, kailangang bukas tayo, kahit mangahulugan ito ng: Pagtalikod sa ating luma at nakagisnang paraan. Pagkamatay ng ating dating sarili At magtaglay ng maalab na katapangan upang tahakin ang mga bagong malay, bagong paraan ng pagkilos/paglilingkod at bagong relasyon bilang mga anak ng Diyos.
Pag-iibigan. Ipamuhay ang Salita ng Diyos Ang ating bokasyon bilang mga tagapagsulong at tagapagsabuhay ng BEC Ipamuhay ang Salita ng Diyos Mabuting Balita ng Panginoon Kaligtasan, paglaya at kaginhawahan Pag-iibigan.
nais nating ipamuhay ang bagong paraan ng pagiging simbahan Hindi tayo lumalahok sa BEC upang makahanap ng pagkakaabalahan, o pumapel sa kura paroko, sa halip: nais nating ipamuhay ang bagong paraan ng pagiging simbahan sa ating panahon
Papurihan ang Panginoon. Ang ating buhay sa buong maghapon sa kapitbahayan ay nagbibigay ng pagkakataon upang kongkretong isabuhay ang bagong paraang ito, at Papurihan ang Panginoon.
Ang pagsasabuhay ng BEC ay nagbibigay diin sa pagpapaunlad ng:
A. Bagong Pagpapahalaga – Pagtatangi at pagmamahal sa mga dukha, pakikipagkaisa sa kanila, paggalang at mahusay na pakikipag-ugnayan sa kapwa at lahat ng nilikha. B. Bagong Kasanayan – Kakayahang maglingkod sa mga dukha. Balik-balikan ang pananampalataya pakikinig sa Espiritu, at basahin ang mga palatandaan ng panahon at kakayahang maging kritikal sa pag-iisip
C. Mga bagong kaalaman – Katuruan ng simbahan, bagong paglalapat ng pananampalataya sa kasalukuyang panahon. D. Bagong pamamaraan – pakikipagkapwa, , pakikipagkaisa, pakikilahok at at sama-samang pagpupuri (nagbibigay ng pahalaga sa pamayanan o kapitbahayan) E. Bagong pamumuno - mapampalahok, malikhain, humaharap sa hamon ng panahon at laging tumatanaw sa hinaharap.
Ilang mungkahi at paalala Pagtuunan natin ang pagsusulong at paglulunsad ng mga gawaing pag-aaral, pagsasanay at paghuhubog para sa pamunuan at kasapian ng ating mga BEC Buksan ang ating puso at patuluyin ang diterminasyong isabuhay ang pagpapanibago at pagsasapanahon bilang simbahan - ang mga BEC Dalisay at tuloy tuloy na pagsasabuhay (witnessing) at sumasaksi sa pagiging tunay na simbahang hinulma mula sa inspirasyong ng mga unang mananampalataya.
Ang aking kagyat namungkahi at paalala Pagnilayan natin at pahalagahan ang patuloy na pakikipaglakbay at pagkilos ng Diyos sa ating kasaysayan. Patuloy tayong magpuri sa kabutihan ng Diyos at magmakaawa na tayo’y Kanyang gabayan sa ating muling pagtatalaga at pag-angkin sa pagpapanibago sa pamamagitan ng mga BEC.
BEC (Basic Ecclesial Communities) Sa kabila ng ating mga kahinaan, patuloy tayong magpanibago Nadama at nadarama natin ang gabay ng Diyos sa mga kasalukuyang pagkilos ng ating simbahan upang ito ay maging tunay na Simbahan ng mga Dukha at Pamayanan ng mga Tagasunod ni Jesus. Pangatawanan natin ang pagiging simbahang nakikinig at nagpapahayag ng Mabuting Balita - ang mga BEC (Basic Ecclesial Communities)
Maraming Salamat Mabuhay kayong lahat
Iba’t ibang anyo ng BEC Liturgical BEC Ang mga BEC na ito ay nagbibigay ng tuon sa mga gawaing pangliturhiya, tulad ng: Block rosary,Bible sharing, prusisyon Mga napapanahong pagdiriwang ng mga okasyong tulad ng panahon ng kwaresma , adbiyento at iba pang mga selebrasyong katoliko Pagpapanibago at pagsasapanahon ng mga pagdiriwang ng misa at pagsasagawa ng iba pang sakramento Kadalasan umiinog ang buhay ng mga BEC sa mga gawaing pangsimbahan Pagpapalahok sa mga layko sa mga paglilingkod ng parokya
Developmental BEC Iba’t ibang anyo ng BEC Binibigyan ng pansin ang kaunlarang pang-ekonomiya ng mga mananampalataya. Halimbawa dito ang: pagtatayo ng ibat ibang uri ng kooperatiba Pagtutulungan para sa pagpapadaloy ng patubig Pagtutulungan para sa pagbili ng kanilang bangka at iba pang gamit pangkabuhayan. Binibigyan pansin ang mga ito, ngunit higit na pinahahalagahan nila ang kanilang pagkakabuklod upang tugunan ang kanilang magkakatulad na interes Ngunit dahil ito ay pagiging simbahan, hindi nalilimutan ng mga organisadong grupong ito na salaminin ang kanilang pagkilos sa liwanag ng mga Salita ng Diyos
Liberational BEC Iba’t ibang anyo ng BEC Ito ang mga BEC na nagbibigay na kiling sa mga usaping kinahaharap ng lipunan o lokal na kalagayan. Ilan sa mga binbigyan pansin ng mga ganitong uri ng BEC ay ang mga sumusunod a. Pakikilahok sa mga pagkilos ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang sektor b. Pagbubuklod upang ipaglaban ang karapatan, tulad ng paninirahan c. Pakikiisa sa mga adbokasiya ng mga kaalyadong organisasyon. Tulad ng mga naunang tipo ng BEC. Pinahahalagahan din ang mga pagkkilos ayon sa liwanag ng Salita ng Diyos
Ang mga BEC ay: Pamayanang kinakikitahan ng aktibong pakikilahok at pagsasabuhay ng misyon Pamayanan ng pananalig, pagmamahalan Pamayanan ng misyon na nakabatay sa gawi ng mga apostol
Nagbibigay ng pagkakataon upang sama-samang makibahagi at magsabuhay ng pagkilos at katangian ng pagiging simbahan Nagbibigay ng pagkakataon upang ang mga maralita, mahihina at walang kapangyarihan ay madama ang kanilang pagiging bahagi ng simbahan Kongkretong pagpapatotoo ng pagtitipong liturhikal
Pamayanang nakikinig at nagpapahayag ng mabuting balita Sentro ng pagpapahayag ng Mabuting Balita Isang permanenteng pamayanan at hindi binuklod upang tumugon lamang sa mga pansamantalang pangangailangan.
D. Pamayanang modelo ng simbahan bilang isang angkan Angkan ng Diyos – kapatiran ng lahat Relasyon bilang isang malaking pamilya sa pamayanan Talikuran ang pagiging mapagkunwari at makasariling katangian Pagsisikap namaging misyunero para sa iba
Ang mga Hindi BEC 1. Hindi simpleng pagtitipon upang magdaos ng pulong o pagtitipon, mag-usap, manalangin at gumawa. Ang pinakadiwa nito ay pagsasanib lakas nito at pakikibahagi sa buhay ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagkakapatiran.
2. Hindi lamang protest group 3. Hindi tanging grupong tagapagligtas o messianic group 4. Hindi simpleng discussion group, prayer meeting group, o support group. 5. Hindi organisasyong paglilingkod o samahang nagpapabanal
Ang mga Hindi BEC Ang BEC ay hindi himala upang bakahin ang lahat ng mga kasamaan sa lipunan at simbahan. Mayroong limitasyon at mga pagkukulang Hindi ligtas sa pagkakamali at mga kasalanan. Dapat na laging nagsusuri at nagpapanibago
Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.
Tatlong pangunahing SULIRANIN sa pagsusulong ng BEC 1. Hindi gagap ng tagapagsulong (layko man o pari) ang katuturan ng BEC at ang papel nito sa pangkalahatang misyon ng Simbahan.
Katuturan ng BEC Bagong paraan ng pagiging Simbahan Binhi sa pagpapanibago ng lipunan Wastong lugar para sa ebanghelisasyon Patikim ng paghahari ng Diyos
Daluyan ng kolektibong kamalayan ng pagiging simbahan Pagkakataon upang isulong ang pakikilahok ng mga mananampalataya sa gawain at paglilingkod ng Simbahan Pagkakataon upang ipahayag ang kongkretong katangian ng pagiging tagasunod ni Kristo – ang pag-iibigan.
2. Hindi alam kung paano. sisimulan ang gawaing. pagbubuklod, kung 2. Hindi alam kung paano sisimulan ang gawaing pagbubuklod, kung paano pamamahalaan at pauunlarin ang mga BEC.
Ang mga pamamaraan Maraming naririnig na paraan ng pagsusulong hal.: paraan sa rural, mga pamamaraan ng iba’t ibang institusyon (SPI, DC, Lumko, CO) Maraming BEC na nagsimula ng Block Rosary, Bible Sharing Group at hindi na nakaahon sa ganitong uri ng pagkilos.
Nakatuon sa mga gawaing liturhiya ang mga pagkilos sa halip na isabuhay ang kabuuang katangian ng pagiging simbahan batay sa karanasan ng mga unang mananampalataya (nag-uugat sa katapatan sa turo ng mga apostol, pagtuturingan bilang magkakapatid, pagmamalasakitan, pagbibigayan at pagdiriwang ng buhay.
3. Di-sapat na kakayanan ng layko at maling pagtatalaga ng tagapagsulong
Kulang sa kaalaman, kasanayan at wastong pagpapahalaga ang mga laykong inaasahang tutulong sa pagsusulong Takot na magsulong ng pagpapanibago dahil na rin sa takot na mawalan ng papel sa parokya Hindi na-imomodelo ng mga tagapagsulong ang mukha ng BEC sa istilo at relasyong pangunahing mukha ng BEC.
Ang tatlong pangunahing dahilang ito ay mabigat na salik kung bakit hindi sumusulong, dumarami at tumitibay ang mga nabuong BEC. Ito ang dahilan kung bakit matamlay ang pagsusulong ng BEC sa pangkalahatan. Maganda at malaking tulong sana ang BEC sa pagsasakongkreto ng Pananaw, layunin at mga hinahangad ng Simbahan kung makikita ang yaman at lakas na taglay ng mga organisadong BEC.
Ilang Halimbawa ng mga pagkilos ng BEC Sama samang pagdiriwang ng liturhiya Bible sharing Area Mass Block rosary Novena Prusisyon Panalangin sa patay At iba pang sama samang pananalangin at pagsamba
2. Pagtataas ng kamalayan at kakayahan. Pag-aaral ng mga katuruang panlipunan ng simbahan Katekesis ng pananampalatayang Kristiyano Patuloy na pagpapalalim ng kaalaman, kasanayan at mga pagpapahalaga sa BEC
Pagtutulungan sa pagpapaunlad ng kabuhayan Proyektong pangkabuhayan Pagninilay at pakikilahok sa mga matitingkad na isyung kultural, pulitikal at pangkabuhayan Pagharap sa mga suliraning tulad ng demolisyon Pagtatayo ng kooperatiba at iba pang pagkilos na tulad nito Scholarship
4. Kapatiran, Pagmamalasakitan at pagtutulungan Pagdalaw sa mga maysakit at pagtutulungan sa gastusin Abuluyan Sama-samang pagkilos sa mga gawaing pangkapitbahayan. Sosyalisasyon na makapagpapalalim ng kapatiran ng mga kaanib. (birthday, anniversaries, atbp. Pakikipagkaisa sa mga isinusulong ng iba’t ibang sektor
Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod. Gagap ang layunin, tunguhin, papel, tungkulin, katangian mga gawain at pagkilos ng BEC Bukas sa bagong kaisipan at hindi kinamulatang pamamaraan Kakayanang umabot sa anumang kalagayan ng mga taong nilalayong buklurin Kakayanang magturo sa pamamagitan ng salita, gawa at halimbawa
5. May matinding pagpapahalaga sa panahon – oras 6. Magalang Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod 5. May matinding pagpapahalaga sa panahon – oras 6. Magalang 7. Mahusay magpakita ng pagsang-ayon at pakikiisa sa kapwa 8. Mahusay sa gawaing pagpapadaloy 9. May panahong magsuma at magnilay ng kanyang mga kilos 10. Umaasa gabay ng diwang banal at marunong manalangin
Paninindigan ng Tagapagbuklod Buhay na nakasentro sa Diyos at may mataas na pagpapahalaga sa tao Naninindigan sa kanyang pananampalataya at pinaniniwalaan Ganap na pagtitiwala sa kakayahan ng tao May mataas na pagpapahalaga sa pag-aaral at paggampan ng gawain Tunay na disiplinadong tao Malakas ang fighting spirit