Mga AWITING-BAYAN
Ang mga kantahing-bayan ay tuloy-tinig (survival) ng kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila. Sa kabuuan, ang mga kantahing- bayan noong panahon ng pre- kolonyal ay mga katutubong awitin ng ating bansa tulad ng mga sumusunod : soliranin = awit ng mga mangingisda talindaw = awit ng mga bangkero diona = awit sa mga ikinakasal oyayi = awit pampatulog sa mga bata
kumintang = awit sa digmaan dalit = awit sa simbahan sambotani = awit sa tagumpay sa pakikidigma kundiman = awit ng pag-ibig Ito ay nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao, mga kaisipan at damdamin ng bayan . Ito’y kasasalaminan ng kalinangan ng lahi.
Tatlong dahilan ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga Kantahing-bayan Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala ng diwang makata. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng lahing Pilipino. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing sa puso at kaluluwang bayan.
Karunungang - bayan
Karunungang-bayan Ang mga unang tula ng mga Pilipino ay mga karunungang-bayan na binubuo ng mga sumusunod: Salawikain (proverbs, maxims, epigrams= Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang- asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga.
Mga Halimbawa : 1. Sa paghahangad ng kagitna isang salop ang nawala. 2. Kung hindi ukol ay hindi bubukol. 3. Utos na sa pusa, utos pa sa daga. 4. Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. 5. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Sawikain ay isang idyoma o uri ng pagpapahayag na kusang nalilinang at nabuo sa ating wika. Sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pagsasalita at pagsusulat, gumagamit tayo nito. Katulad ng salawikain, may ibang kahulugan ito bukod sa literal. Halimbawa: anak – pawis bukambibig itaga sa bato naumid ang dila maningalang – pugad mahaba ang kamay basag-ulo
Kawikaan Katulad ng salawikain at sawikain, may ibang kahulugan ito bukod sa literal. Ang pagkakaiba nga lang ang mga ito ay tumutukoy sa kagandahang asal o mga pagpapahalagang banal. Halimbawa: Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing. Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin din nila sa iyo. Kapag binato ka ng tinapay ay kabutihan ang isukli mo.
Palaisipan = Ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong, ito ay nangangailangan ng talas ng isip. May isang prinsesa, sa tore ay nakatira, balita sa kaharian siya’y may pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin upang ang binatang sumisinta’y makita ang dalagang ubod ng ganda?
Bugtong = bugtong ay isang uri ng panitikan na kawili-wili Bugtong = bugtong ay isang uri ng panitikan na kawili-wili. Ito ay paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na pasalin-salin sa bibig ng mga tao. Ang bugtong ay ginagawa sa mga pagtitipon tulad ng lamayan ng patay, paggigiik ng palay, tulungan tulad ng pagbubuhat ng bahay o BAYANIHAN at paghahasik ng punla. Ito ay may tugma at talinhaga at kapupulutan ng mahahalagang butil ng karunungan.
BIBIG Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. (Dito nagmumula ang iyong sinasabi) BIBIG
BANGKA Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya ( isang sasakyan ito sa tubig) BANGKA
BIBINGKA Nagsaing si Insiong, sa ilalim ng gatong. (Kinakain ito, lalong masarap kung may tsaa) BIBINGKA
KAMPANA Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw. (pinatutugtog ito sa simbahan tuwing umaga) KAMPANA
Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap. ( isinasabit ito tuwing pasko o di kaya ay kung malapit na ang pasko) PAROL
Kasabihan = ang mga kasabihan ay maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan, mga batayang tuntunin, o mga alitununin ng kaasalan . Ito ay maaaring patula o tuluyan, may himig pagbibiro o panunukso sa unang panahon. Ito ay maitutumbas natin sa “Mother Goose Rhymes”. Mga Halimbawa : 1. Putak, putak, 2. Tiririt ng maya, Batang duwag! Tiririt ng ibon, Matapang ka’t Ibig mag-asawa’y Nasa pugad! Walang ipalamon. 3. Bata, bata 4. Tiririrt ng ibon, Pantay-lupa Tiririt ng maya, Asawa ng Palaka! Kaya lingon nang lingon Hanap ay asawa.
Bulong = ito ay isang matandang katawagan sa orasyon noong sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas, anyong padasal. HALIMBAWA Dagang maliit, dagang maliit, Ayto ang ngipin kong sira na’t pangit, Sana ay bigyan mo ng kapalit. Huwag magagalit kaibigan, Aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag- utusan