Kataga ng Buhay Oktubre 2008.

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Ebanghelismong Pang-araw-araw: “Papaano Makinig at Mag-salita Upang Ikaw ay Mapakinggan" Ni Dr David Geisler
Advertisements

Balanced thought and spirit in SERVICE Page 1 The official Publication of the SERVI DEI Marriage Encounter Community January – March 2011 Reflections…
Pagkamamamayang Pilipino
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017
KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016
Kahalagahan ng iyong buhay (Spoken Poetry)
Click to edit Master title style Ang Sining ng Pakikipanay am.
Limang panahon sa India
FILIPINO 2 Research Paper.
Lahat ng Nauukol sa Akin
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
TAGAYTAY CITY.
Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018
S.
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Kataga ng Buhay Hunyo 2009.
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO
Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Halimbawa: Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Ito ang barayti ng wikang.
Kataga ng buhay Marso 2012.
“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA”
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
YEAR 2010: GRACE UPON GRACE JANUARY 2010 SI HESUS ANG ATING BUHAY
Kataga ng Buhay Disyembre 2008.
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Barangay at Pulisya laban sa Ilegal na Droga
Kataga ng Buhay Abril 2008 Ciao Chiara.
Having Someone Do Something
Kataga ng Buhay Disyembre 2009.
ANG PINAGMULAN NG WIKA GENESIS 11:1 Sa simula 'y iisa at magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig.
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
Kataga ng Buhay Enero 2010.
sinulat ni Chiara Lubich
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 2
Kataga ng Buhay Pebrero 2009.
Lipunang Pang-ekonomiya
Module 9 pastoral leadership
na makapagpasaya na makatulong na maglingkod mula sa isang karanasan
Kataga ng Buhay Marso 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 5
He was born in an obscure village, The child of a peasant woman
PARISH FORMATION MODULES
Kataga ng Buhay Mayo 2011.
TIMELINE NG BUHAY KO.
Inisyatibo sa Pinagtugma-tugmang Pangangalaga ng California (California’s Coordinated Care Initiative) Los Angeles County.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago – 8
Tagapagpadaloy ng Pagbabago – 13
Tagapagpadaloy ng Pagbabago – 1 Tagapagpadaloy ng Usapan
Kataga ng Buhay Abril 2011.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
DESERT DILEMMA.
Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019
Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 4
TIKBALANG Jhana Salvador 5-D.
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Pamilyar at Di-Kilalang mga Salita
Aralin 5: Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Meeting ng mga Community Volunteers (____petsa____)
ANG PASKO AY SUMAPIT 1. Ang pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
The Believer’s Suffering
Liksyon 3 para sa ika-20 ng Hulyo, 2019
Kataga ng Buhay Setyembre 2009.
Kataga ng Buhay Agosto 2019 “Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.” (Lc 12,34).
Presentation transcript:

Kataga ng Buhay Oktubre 2008

“Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.” (Lk 6:38)

Nakatanggap ka na ba ng regalo mula sa isang kaibigan at pagkatapos ay pakiramdam mo ay nais mo itong suklian?

Hindi dahil napipilitan kang tumbasan ito, bagkus dahil sa pag-ibig at pasasalamat. Nakakatiyak ako na nangyari na ito sa iyo.

Kung ganito ang naramdaman mo, isipin mo kung ano ang nararamdaman ng Diyos, ng Diyos na pag-ibig.

Sinusuklian Niya ang bawat handog na ibinibigay natin sa kapwa sa ngalan Niya. Malimit itong maranasan ng mga tunay na Kristiyano. At malimit sila ay nagugulat.

Hindi kailanman tayo masasanay sa mga paraan ng Diyos Hindi kailanman tayo masasanay sa mga paraan ng Diyos. Maaari akong magbigay ng isanlibong halimbawa. Maaari rin akong magsulat ng libro tungkol dito.

Makikita mo na totoo ang mga salitang “hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.” Ang Diyos ay laging bukas-loob na tumutugon, masagana.

Gabì na sa Roma, Italya. Sa kanilang apartment, isang maliit na grupo ng mga babae na nagsisikap magsabuhay ng Ebanghelyo ang bumati sa isa’t isa bago tuluyang matulog.

Nang sandaling iyon ay may kumatok sa pinto Nang sandaling iyon ay may kumatok sa pinto. Sino kaya ang taong iyon sa ganoong dis-oras ng gabi? Natagpuan nila sa pinto ang isang tatay, balisang-balisa at nawawalan ng pag-asa. Sa susunod na araw ay pinalalayas na ang kanyang pamilya dahil hindi sila makabayad ng upa sa bahay.

Nagtinginan sila sa isa’t isa at tahimik silang nagkasundo Nagtinginan sila sa isa’t isa at tahimik silang nagkasundo. Binuksan nila ang kanilang pinagtataguan ng lahat nilang sweldo. May lalagyan para sa gas, koryente, telepono, nakahanda para sa mga babayaring ito. Hindi sila nag-atubiling mag-isip kung paano nila iyon babayaran, ibinigay nila ito lahat sa mamâ .

Masaya silang natulog ng gabing iyon Masaya silang natulog ng gabing iyon. Nakakatiyak sila na may titingin sa kanilang mga pangangailangan.

Maagang-maaga pa lang kinabukasan ay nakatanggap sila ng tawag sa telepono. Ang mamang iyon uli. “Parating na ako, magta-taxi ako.” Nagulat sila kung bakit magta-taxi pa, kaya’t naghintay sila.

Nang makita nila ang mukha ng mama ay naunawaan nilang may nangyari Nang makita nila ang mukha ng mama ay naunawaan nilang may nangyari. “Kagabi, pagka-uwi ko sa bahay, nakatanggap ako ng mana na hindi ko inaasahan. Naramdaman ko sa puso ko na gusto kong ibigay ang kalahati sa inyo.” Ang halagang iyon ay doble ng halagang bukas-loob nilang ibinigay noong gabi.

“Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.”

Naranasan mo na rin ba ito Naranasan mo na rin ba ito? Kung hindi, tandaan mo na ang handog ay dapat ibigay na hindi iniisip ang sarili o naghihintay ng kapalit. Ito ay para kaninuman na humihingi. Subukan mo. Hindi upang makita kung ano ang magiging bunga, bagkus dahil nais mong mahalin ang Diyos.

Maaari mong sabihin: “Wala akong maiibigay.” Hindi iyon totoo. Kung talagang nais natin, mayroon tayong walang hangganang kayamanan: ang ating libreng panahon, ang ating pagmamahal, ngiti, payo, kapayapaan, ang ating mga salita na maaaring humikayat sa isang mayroon na magbigay sa isang wala...

Maaari mo ring sabihin: “Hindi ko alam kung kanino ibibigay.” Tumingin ka sa paligid mo. Mayroong maysakit sa ospital, isang balo na laging nag-iisa, isang kaklase na hindi nakapasa kaya nawawalan na ng pag-asa, isang kabataang malungkot dahil hindi makahanap ng trabaho, isang nakababatang kapatid na nangangailangan ng tulong, isang kabigan sa kulungan, isang bagong kasamahan sa trabaho na kulang pa ang tiwala sa sarili. Si Kristo sa bawat isa sa kanila ay naghihintay sa iyo.

Palitan natin ang ating saloobin ng mga saloobin mula sa Ebanghelyo, ito ang tatak ng isang Kristiyano. Ito ang kabaligtaran ng pagiging sarado at nagpapahalaga lang sa sarili.

Huwag magtiwala sa mga bagay dito sa mundo; sa halip, magsimulang umasa sa Diyos. Dito makikita ang pananampalataya mo sa Kanya na mapapatunayan sa mga handog na matatanggap mo.

Ngunit maliwanag na hindi nagbibigay ang Diyos upang tayo’y payamanin Ngunit maliwanag na hindi nagbibigay ang Diyos upang tayo’y payamanin. Ginagawa Niya ito upang marami at marami pang iba, kapag nakita ang maliliit na milagrong nangyayari sa atin na bunga ng ating pagbibigay, ay magpapasyang gawin din iyon.

Ang Diyos ay nagbibigay sa atin dahil kung tayo ay higit na mayroon, higit din tayong makakapagbigay sa kapwa. Tayo ay mga tagapamahala ng mga pag-aari ng Diyos, at nais Niyang magbahaginan tayo sa ating sambayanan, upang masabi sa atin tulad ng sinabi sa mga unang sambayanang Kristiyano: “Walang nagdarahop sa kanila....”

Hindi ba ito ang paraan upang makatulong ka sa pagbuo ng matibay na batayang espiritwal para sa pagbabago ng lipunan na siyang pinakahihintay ng ating mundo?

“Magbigay kayo, at bibigyan kayo...” Nang sinabi ni Jesus ang mga salitang ito, tiyak na iniisip Niya una sa lahat ang gantimpala na ating matatanggap sa langit. Ngunit ang gantimpala na ating matatanggap dito sa lupa ay patikim at garantiya na ng ating gantimpala sa langit.