Seminar-Worksyap sa Dulang Pantanghalan (Paggawa ng iskrip at Pagsasadula) Global Warming Awareness Faycan, Joy F. Mabanta, Rosemarie Gaile C. Tapuro, Jharmagne Maria Amor B.
Unit Summary Ang Seminar-Worksyap na ito ay naglalayong mapaunlad at mapayaman ang kaalaman maging ang talento ng sino mang makikilahok. Ang paglikha ng mga makabagong paraan sa paglikha ng iskrip ng dula mapatanghalan man o klasrum ay matututunan ng mga kasapi. Matututong mag-isip ng malalim at may pag-unawa sa mga salitang binibitiwan o ginagamit. Nagagamit dito ang higher order thinking ng mga mag-aaral o ng mga guro. Ang pagbibigay ng opinion ukol sa paksang pag-iikutan ng iiskrip particular na ang global warming ay mas matututunan ng mga mag-aaral o gurong kalahok. Sa pagtatapos ng seminar ay magkakaroon ng isang pagtatanghal sa kanilang nagawang iskrip. Huhusgahan ng mga manonood ang mga napanood nilang dula. Magkakaroon din ng malayang talakayan (open forum) sa pagtatapos ng seminar nang sa gayon ay lubos nilang maiintindihan ang kahalagahan ng dula sa kanilang buhay. Malalaman din kung ang mga tips bang itinuro ay lubos na naunawaan. Malalaman din ang pagkakaiba ng dulang pantanghalan at dulang pampelikula.
Ang proyekto ay makatutulong upang mas maintindihan ng mga mag-aaral ang paggawa ng iskrip tungkol sa Global Warming. Dahil dito magkakaroon ng kamalayang panlipunan ang mga mag-aaral. Inaasahang ang proyektong ito ay magdudulot ng kakintalan sa mga mag-aaral. Una, tatalakayin sa worksyap ang nangyayari sa paligid (global warming). Ito ang paksang gagamitin sa paggawa ng iskrip. Pangalawa, pagbabahagi ng mga ideya at karanasan. Lalagumin ito at gagawan ng isang maikling iskrip. Pangatlo, tatalakayin ang mga sangkap ng isang dula.
Pang-apat, ibabahagi ang. nagawang iskrip at susuriin kung Pang-apat, ibabahagi ang nagawang iskrip at susuriin kung ang mga sangkap ng dula ay naipakita sa nagawa nilang iskrip. Pang-lima, tatalakayin ng ispiker ang mga paraan sa paggawa ng dula. Pampito, open forum.
CFQ’s Essential Question: Unit Question: Content Question: Ano ang Dula? Unit Question: 1. Bakit kailangang maganda ang dula? 2. Bakit ang dula ay bahagi ng buhay? 3. Ang dula ba ay maaaring masabayan ng isang bingi? Content Question: 1. Ano ang mga sangkap ng dula? 2. Paano nakatutulong ang reyalidad (global warming) sa paggawa ng iskrip? 3. Ano ang ilang mga tips sa pagsusulat ng isang epektibong iskrip? 4. Ano ang katangian ng magandang dula? 5. Paano naiintindihan ng mga bingi ang dula?
Expectations for the project: Mag-aaral: Makakukuha sila ng mga bagong tips sa paggawa o pagsulat ng iskrip. Ang mga mag-aaral ay matututong suriin ang mga dulang nasusulat nila. Nagagamit nila ang kasalukuyang pangyayari bilang paksa sa kanilang gagawing iskrip at ito’y magiging daan upang maging mapagmasid sila sa kanilang paligid. Ang pakikipag-uganayan nila sa kapwa kalahok ay mahalaga upang malinang ang kanilang disiplina o pakikisama. Mas malilinang ang kanilang lakas ng loob upang humarap sa maraming tao. Isang bentahe ito upang makalahok sa mga paligsahan sa kanilang paaralan. Guro: Matututunan ng mga guro ang mga tips kung paano ituturo nang mahusay ang Dula. Mas mapapalawak pa ang kanilang nalalaman tungkol sa mga paraan ng pagsulat ng iskrip. Malaking tulong ito upang mas makalamang sa mga gurong wala pang ideya sa paggawa ng dula. Makatutulong ang seminar upang maibahagi ang kanilang kaalaman kung sakali mang magkaroon ng pagtatanghal sa paaralan.
Lipunan: Sa mga fiesta nakatutulong sa paggawa ng maganda at epektibong dula na maaaring ilaban sa timpalak. Ang seminar ay makatutulong sa pag-unlad ng kaalaman ng mgatao sa kung ano nga ba ang tungkulin ng dula sa kanilang buhay. Iyon ay ang pagiging malikhain, may pakikisama, may tamang disiplina, may pakikipagkapwa at naglalayong mapaunlad ang kanilang pakikipagtalastasan. Magulang: Ang pagsali sa seminar ay makatutulong upang maintindihan ang mga pag-uugali ng kanilang mga anak. Ang mataas na antas ng pag-unawa sa kanila ay mahalaga upang matulungan ang pag-unlad ng kanilang mga anak.
Student Needs Assessment Microsoft word Link Ang proyekto ay naglalayong magising ang kamalayan ng mga kalahok sa kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa realidad. 1. Nakikita kung ano ang mga kaalamang napag- aralan na ng mga mag-aaral o kung ano ang kanila pang kailangan sa pagpapaunlad ng kaalaman tungkol sa dulang pantanghalan. 2. Naglalayong matukoy ng proyektong ito ang mga dapat pang linangin sa mga kalahok. 3. Natutukoy ng proyekto kung may sapat bang higher order thinking skills ang mga mag-aaral o kung dapat ba itong linangin. 4. Kailangang matutunan nila ang pagkakaiba ng dulang pangtanghalan sa dulang pampelikula.
Teacher’s Goal for the Project Ano ang matututunan ng guro? 1. Magkakaroon ng mga tips kung paano ituturo ang dula sa pinakaepektibong paraan. 2. Mapag-uugnay ng guro ang realidad sa pagbibigay ng mga halimbawa sa mga mag-aaral. 3. Magagawang kaakit-akit at kasiya-siya ang talakayan. 4. Magkakaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral.
Teachers goal for the student: Ano ang mga inaasahan ng guro sa mga mag-aaral? a. Inaasahang ang mga mag-aaral ay nakasusuri ng isang iskrip o dula. b. Natututo silang gumawa ng iskrip ayon sa hakbang na sinusundan. c. Nagagamit ng mga mag-aaral ang kanilang hingher order thinking skills sa panunuri at paggawa. d. Nakikipagtalastasan ang mga mag-aaral sa kanilang kapwa mag-aaral. e. Nakabubuo sila ng mga tanong na naaayon sa pagtalakay ng dula.
Goals For my Students a. Magsasaliksik sila tungkol sa global warming upang mapaghandaan ang paggawa ng iskrip. b. Makagagawa sila ng sariling iskrip ungkol sa nasaliksik na mga datos. c. matututo silang manure ng isang maganda at epektibong dula o iskrip.
Gaile Joy Amor