Kataga ng buhay Marso 2012.

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Ebanghelismong Pang-araw-araw: “Papaano Makinig at Mag-salita Upang Ikaw ay Mapakinggan" Ni Dr David Geisler
Advertisements

Balanced thought and spirit in SERVICE Page 1 The official Publication of the SERVI DEI Marriage Encounter Community January – March 2011 Reflections…
Ano ang RABIES ? Ito ay isang sakit na nakamamatay. Ito ay sanhi ng rabies virus. Naaapektuhan nito ang utak at walang lunas. Naisasalin ito sa iba sa.
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang
KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016
Limang panahon sa India
FILIPINO 2 Research Paper.
DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH
Lahat ng Nauukol sa Akin
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Pagbabago sa Relihiyon
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
S.
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
Pakikilahok sa Misyon bilang Pari
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Adult Bible Study Guide Apr • May • Jun 2016
Kataga ng Buhay Hunyo 2009.
Kataga ng Buhay Oktubre 2008.
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO
“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA”
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
YEAR 2010: GRACE UPON GRACE JANUARY 2010 SI HESUS ANG ATING BUHAY
Teoryang Humanismo.
FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos.
Kataga ng Buhay Disyembre 2008.
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Barangay at Pulisya laban sa Ilegal na Droga
Kataga ng Buhay Disyembre 2009.
ANG PINAGMULAN NG WIKA GENESIS 11:1 Sa simula 'y iisa at magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig.
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
Kataga ng Buhay Enero 2010.
sinulat ni Chiara Lubich
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 2
177 - ANG PUSO KO'Y NAGPUPURI
BUWAN NG WUIKA.
Kataga ng Buhay Pebrero 2009.
Kaligirang Pangkasaysayan Pagsusuri at mga kaugnay na pag-aaral
Lipunang Pang-ekonomiya
Module 9 pastoral leadership
Kataga ng Buhay Marso 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 5
Kahulugan At Kahalagahan Ng Pagbasa
He was born in an obscure village, The child of a peasant woman
PARISH FORMATION MODULES
Kataga ng Buhay Mayo 2011.
TIMELINE NG BUHAY KO.
Banal na Sakripisyo ng Misa
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2018
Tagapagpadaloy ng Pagbabago – 1 Tagapagpadaloy ng Usapan
Kataga ng Buhay Abril 2011.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH
Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019
Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 4
TIKBALANG Jhana Salvador 5-D.
1Ti 3:1-4 ABAB (1) Tapat ang salita: Kung ang sinuman ay naghahangad na maging obispo, siya ay nagnanais ng mabuting gawain. (2) Kailangan na ang obispo.
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
Filipino 4 – Aralin 1_ Ikalimang Araw
ORASYON PARA SA SANGNILIKHA
The Believer’s Suffering
Kataga ng Buhay Setyembre 2009.
Kataga ng Buhay Agosto 2019 “Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.” (Lc 12,34).
Presentation transcript:

Kataga ng buhay Marso 2012

«Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Inyo ang mga Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan » (Jn 6,68)

Nagsalita si Jesus sa grupo ng tao na sumusunod sa Kanya tungkol sa Kaharian ng Diyos. Bagama’t ang ginagamit Niya ay mga simpleng pananalita at mga talinhaga na hango sa pang-araw-araw na buhay, ang Kanyang mga Salita ay may natatanging pang-akit. Ang mga tao ay namamangha sa Kanyang itinuturo sapagkat nangangaral Siya ng may kapangyarihan at hindi tulad ng mga escriba .

Gayundin, nang tinanong ng mga punong pari at ng mga Pariseon at pati ang mga bantay ng Templo, kung bakit hindi nila sinunod ang kanilang utos na Siya ay hulihin, sumagot sila: “Kailanma’y wala pang nangusap ng ganito.”

Ang Ebanghelyo ni Juan ay nagbanggit din tungkol sa pakikipagkuwentuhan ni Jesus sa ilang mga tao tulad ni Nicodemus at ng babaeng Samaritano.

Ngunit higit na malalim ang pananalita ni Jesus sa kanyang mga Apostoles. Malaya Niyang sinasabi ang tungkol sa Ama at sa mga bagay ng Langit; klaro ang Kanyang pananalita. Naniniwala sila sa Kanyang mga Salita at hindi sila nag-aalinlangan kahit hindi nila ganap na nauunawaan ang lahat o kaya naman ay malaking hamon ito para sa kanila.

“Mabigat ang Salitang ito. Sino ang makakarinig sa Kanya “Mabigat ang Salitang ito. Sino ang makakarinig sa Kanya?”, ang tanong ng Kanyang mga alagad nang marinig nila si Jesus na nagsasabi na ibibigay Niya ang Kanyang Katawan para kainin at ang Kanyang Dugo upang inumin.

Nang makita Niya na marami sa Kanyang mga alagad ay lumalayo at hindi na nais manatili pa na kasama Niya, sinabi ni Jesus sa Labindalawa: “Gusto ba rin ninyong umalis?” Si Pedro, na ngayon ay nakasama na sa Kanya habambuhay at naakit na sa mga salitang sinabi ni Jesus noong unang araw pa lamang ng kanilang pagtatagpo, ay tumugon sa ngalan nilang lahat:

«Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Inyo ang mga Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan » (Jn 6,68)

Naunawaan ni Pedro na ang mga Salita ng kanyang Guro ay kakaiba kaysa sa ibang mga guro. Ang mga katagang nagmula sa mundo patungkol sa mundo ay kabilang at nauukol sa mundo.

Ang mga Kataga ni Jesus ay Ispiritu at Buhay sapagkat nagmula ito sa Langit; tulad ito ng liwanag na bumaba mula sa Itaas at naglalaman ng kapangyarihan na nagmumula sa Itaas. Ang mga Kataga Niya ay may kayamanan at kalaliman na di tulad ng ibang mga kataga, kahit na ito ay ukol sa pilosopiya, politika, o galing sa isang makata. Ito ay “mga Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan” dahil ito ay naglalaman at nagpapahayag ng kaganapan ng buhay na hindi magwawakas dahil ito mismo ang buhay ng Diyos.

Si Jesus ay nabuhay muli at nabubuhay Si Jesus ay nabuhay muli at nabubuhay. Ang Kanyang mga Salita, bagama’t binigkas sa nakaraan, ay hindi mga alaala lamang. Ito ay mga Salitang patungkol sa ating lahat ngayon at sa bawat tao ng bawat panahon at kultura: ang mga ito ay panlahatan at pangwalang hanggan.

Ang mga Kataga ni Jesus! Maaaring ito na ang pinakadakila Niyang ginawa. Siya ang Kataga na nagpapahayag ng Sarili sa pamamagitan ng wika ng tao: anong kapangyarihan, anong ganda ng nilalaman, anong puwersa, anong lakas!

“Isang araw – kwento ng Dakilang Basilyo (isa sa mga dakilang Ama ng Simbahan, Obispo ng Cesarea), - halos tulad ng pagkagising mula sa mahabang pagtulog, nakita ko ang makapangyarihang liwanag ng katotohanang nilalaman ng Ebanghelyo at natuklasan ko ang kawalan ng kabuluhan ng karunungan ng mga prinsipyong hatid ng mundo.”

Sa isang sulat noong ika-9 ng Mayo, 1897 ni Teresa ng Lisiuex: “Minsan, kapag ako ay bumabasa ng mga banal na babasahin… ang aking ispiritu ay agad na napapagod. Isinasara ko ang mabibigat na babasahing ito na bumibiyak sa aking ulo at pinatutuyo ang aking puso, at kinukuha ko ang Banal na Kasulatan. Ang lahat ay magliliwanag. Isang salita lamang ay sapat na upang ipahayag sa aking kaluluwa ang walang katapusang pananaw. Parang napakadaling abutin ang kaganapan.

Oo, ang mga makalangit na Kataga ay pumupunô sa ispiritu na nilikha para sa walang hanggan. Ang mga ito ay nagbibigay-liwanag sa kalooban hindi lamang sa kaisipan, kundi sa buong katauhan, sapagkat ang mga ito ay Liwanag, Pag-ibig at Buhay. Nagbibigay ito ng kapayapaan – kapayapaang tinatawag ni Jesus na Kanya: “Aking kapayapaan” – gayundin sa mga sandali ng pagkabigla at panghihina.

Nagbibigay ito ng ganap na kaligayahan kahit na sa gitna ng pagdurusa na minsan ay bumabagabag sa kaluluwa. Nagbibigay ito ng lakas, lalo na sa panghihina ng loob at kawalan ng pag-asa. Nagbibigay ito ng kalayaan sapagkat nagbubukas ito ng daan patungong Katotohanan.

«Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Inyo ang mga Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan » (Jn 6,68)

Ang Kataga ng Buhay sa buwang ito ay nagpapaalala sa atin na ang tanging Guro na nais nating sundan ay si Jesus, kahit na ang mga Salita Niya ay mabigat at mapanghamon. Ibig sabihin nito: maging tapat sa pagtatrabaho, magpatawad, ilagay ang sarili sa paglilingkod sa iba sa halip na isipin lamang ang sarili, manatiling tapat sa ating pamilya, tulungan ang mga maysakit at malapit na sa kamatayan na hindi sumang-ayon sa kaisipang euthanasia…

Maraming guro ang nag-aanyaya sa atin na gumawa ng madaliang lunas, makipagkompromiso. Nais nating pakinggan ang ating Guro at sundan Siya, Siya na tanging nagsasabi ng katotohanan at Siya na nagsasabi ng “mga Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” Sa ganitong paraan masasabi rin natin ang mga Salitang sinabi ni Pedro.

Dapat nating tunay na ilagay ang ating sarili sa paaralan ng tanging Guro at maging Kanyang alagad.

Gayundin, dapat magkaroon tayo ng isang maalab na pag-ibig sa Kataga ng Diyos. Maging handa tayong tanggapin ito kapag ito ay ipinapahayag sa simbahan, basahin natin ito, pag-aralan at pagnilayan…

Ngunit higit sa lahat, tayo ay tinatawagan na isabuhay ito, tulad ng itinuturo mismo ng Kasulatan: “Nawa’y isagawa ninyo ang Salita at huwag pakinggan lamang. Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili.” Kaya nga ba’t sa bawat buwan, kinukuha natin ang isang Kataga, hinahayaan Itong tumagos sa atin upang tayo ay hubugin, “mabuhay ang Kataga sa atin”.

Sa pagsasabuhay ng isang Kataga ni Jesus, isinasabuhay natin ang buong Ebanghelyo, sapagkat sa bawat Kataga Niya, ibinibigay Niya ang buo Niyang Sarili, Siya mismo ang dumarating upang mabuhay sa atin. Tulad ito ng isang makalangit na patak ng Kanyang Karunungan, ang Karunungan ni Jesus, na unti-unting tumatagos sa kaibuturan ng ating puso at pinapalitan, sa bawat pangyayari ng ating buhay, ang ating pamamaraan ng pag-iisip, pagnanais at pagsasagawa.

«Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Inyo ang mga Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan » (Jn 6,68) “The Word of Life”, monthly publication of the Focolare Movement. Text by: Chiara Lubich, written in 2003 Graphics Anna Lollo in collaboration with don Placido D’Omina (Sicilia, Italia) This Word of Life comment is translated in 90 languages and dialects, reaches more than 13 million people all over the world through the press, radio and television. For more information visit the web www.focolare.org This PPS, in different languages, is published on www.santuariosancalogero.org (where it could be downloaded)