“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA”

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Ebanghelismong Pang-araw-araw: “Papaano Makinig at Mag-salita Upang Ikaw ay Mapakinggan" Ni Dr David Geisler
Advertisements

KAMUSTAHAN!.
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino
1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang
Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017
KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016
Kahalagahan ng iyong buhay (Spoken Poetry)
ANG KARANASAN NG PAGKAKAKISA SA NAUNANG IGLESIA
Limang panahon sa India
DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH
Lahat ng Nauukol sa Akin
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
S.
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
MGA DAHILAN NG DI-PAGKAKAISA
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
ANG MGA HAMON SA KAPANGYARIHANG ESPANYOL
Kataga ng Buhay Hunyo 2009.
Kataga ng Buhay Oktubre 2008.
ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO
Kataga ng buhay Marso 2012.
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
YEAR 2010: GRACE UPON GRACE JANUARY 2010 SI HESUS ANG ATING BUHAY
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Barangay at Pulisya laban sa Ilegal na Droga
Kataga ng Buhay Disyembre 2009.
PAGKAKAISA SA PANANAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Banal na Simbahang Katolika
Kataga ng Buhay Enero 2010.
sinulat ni Chiara Lubich
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 2
177 - ANG PUSO KO'Y NAGPUPURI
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 3
ANG SUSI SA PAGKAKAISA Liksyon 4 para sa ika-27 ng Octobre, 2018.
DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH
Kataga ng Buhay Pebrero 2009.
Lipunang Pang-ekonomiya
SA GITNA NG MGA ILAWAN Liksyon 2 para sa ika-12 ng Enero, 2019.
Module 9 pastoral leadership
Kataga ng Buhay Marso 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 5
KAYO'Y MAGIGING MGA SAKSI KO
He was born in an obscure village, The child of a peasant woman
PARISH FORMATION MODULES
Kataga ng Buhay Mayo 2011.
ORGANISASYON NG IGLESIA AT PAGKAKAISA
TIMELINE NG BUHAY KO.
Banal na Sakripisyo ng Misa
Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2018
KUNG DADAANIN NATIN SA KANYANG MGA UTOS WALANG KARAPAT DAPAT
Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2018
Tagapagpadaloy ng Pagbabago – 1 Tagapagpadaloy ng Usapan
Kataga ng Buhay Abril 2011.
DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH
Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019
Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
PARISH FORMATION MODULES
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 4
MGA LARAWAN NG PAGKAKAISA Liksyon 6 para sa ika-10 ng Nobyembre, 2018
Adult Bible Study Guide Apr • May • Jun 2019
DETALYADONG PLANO PARA SA ISANG MAS MABUTING DAIGDIG
PANAHON NG PAGKA-MAGULANG Liksyon 8 para sa ika-25 ng Mayo, 2019
Filipino 4 – Aralin 1_ Ikalimang Araw
The Believer’s Suffering
Liksyon 3 para sa ika-20 ng Hulyo, 2019
Kataga ng Buhay Setyembre 2009.
Kataga ng Buhay Agosto 2019 “Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.” (Lc 12,34).
Presentation transcript:

“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA” Liksyon 3 para sa ika-20 ng Octobre, 2018

Si Hesus ay nanalangin ng pagkalinga para sa Kanyang mga alagad (at para sa atin) sa harapan ng Ama, bago ang Kanyang pagsakripisyo. Kilala ang panalanging ito na Panalangin na Pangmataas na Paring. Pagkakaisa ang isa sa mga pangunahing paksa. Nanalangin si Hesus para sa pagkakaisa. Pakakaisa ni Hesus at ang Ama. Juan 17:1-5. Pagkakaisa ng mga alagad. Juan 17:6-19. Pagkakaisa sa atin. Juan 17:20-26. Pagkakaisa ngayon. Pagkakaisa ng mga Kristiano. Marcos 9:38-41. Nagkakaisa sa pag-ibig. Juan 13:34-35.

PAKAKAISA NI HESUS AT ANG AMA “At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa” (Juan 17:22) Sinimulan ni Hesus ang Kanyang panalangin sa paghiling na maluwalhati upang ang Ama ay maluwalhati. Paano naluwalhati si Hesus? Sinunod ni Hesus ang kalooban ng Ama sa pagbigay ng kanyang sarili bilang alay para sa atin. sa ganung paraan Niya niluwalhati ang Ama at gayon din naman ay naluwalhati Siya. Ang kusang-loob na pag-alay ni Hesus ay nagbigay ng buhay na walang hanggan sa atin. At ang buhay na walang hanggan ay kung makilala natin ang Dios (v. 3). Ang kaugnayan sa Dios ay nagbubunga ng pagkakaisa gaya ng pagkakaisa ni Hesus at ng Ama. Ang pagkakaisang ito ay walang hanggan.

PAGKAKAISA NG MGA ALAGAD “At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin” (Juan 17:11) Inaalala ni Hesus ang Kanyang mga alagad, dahil maaaring mawalan sila ng pananampalataya pag alis Niya. Kaya, hiniling Niya sa Ama na ingatan sila. Humiling Siya ng apat pang mga bagay: Na magkaisa sila gaya Niya at ng Ama (v. 11). Na sila’y magalak sa Kanya (v. 13). Na maingatan sila sa kasamaan (v. 15). Na sila’y mapagingbanal ng katotohanan (v. 17). Magkaisa, maging masaya, mapalayo sa kasamaan at sumunod sa katotohanan. Iyon ay hindi nila matatamo ng sila lamang. Tanging ang Ama ang makakatugon ng panalanging iyon. Ang resulta: matagumpay na pagpapatotoo at naipalaganap ang Ebanghelyo.

PAGKAKAISA SA ATIN “Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita; Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo” (Juan 17:20-21) Iniisip ka ni Hesus bago ihandog ang Kanyang sarili bilang alay. May espesyal na hangarin si Hesus sa atin? Nais ni Hesus na magkaisa tayo sa hangarin gaya ng Trinidad. Ang pagkakaisang iyon ang magpapahikayat sa mga tao na si Hesus ang ating Tagapagligtas. Magkakaisa tayo magpakailanman. Sabi ni Hesus, “yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko” (v. 24).

PAGKAKAISA NG MGA KRISTIANO “Sinabi sa kaniya ni Juan, Guro, nakita namin ang isa na sa pangalan mo'y nagpapalabas ng mga demonio; at pinagbawalan namin siya, sapagka't hindi sumusunod sa atin.’” (Marcos 9:38) Totoo ba itong pangungusap? “Sinumang hindi tumanggap sa katotohanan na alam natin, ay hindi tunay na Kristiano.” Tayo ang hinulang Iglesiang Nalabi, ngunit hindi dahil doon tayo lang ang tunay na mga Kristyano sa Mundo. Kilala ng Dios kung sino ang Kanya (2 Timoteo 2:19), at mayroon siyang tao na sumasamba sa Kanya sa bawat bansa [at relihiyon] (Gawa 10:34-35). Kaya, kailangan nating makiisa sa mga kagaya nating naniniwala din sa parehong Tagapagligtas. Ang pagkakaisa ay kailangang nakabase sa parehong kapakanang panglipunan. Hindi dapat makompromiso ng pagkakaisa ang ating paniniwala. Nagbibigay ang pagkakaisa ng pagkakataoon upang maibahagi ang mga katotohanan sa Biblia.

NAGKAKAISA SA PAG-IBIG “Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:35) “At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan” (Colosas 3:14). Binigyan tayo ni Hesus ng iisang utos, “na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo” (Juan 13:34; 15:12). Ang pag-iibigan sa isa’t-isa ay hindi bago, ngunit ang paraan ng pag-ibig sa iba ang bago; pagmamahal kung paanong minahal tayo ni Hesus. Hindi nagsasalita si Hesus tungkol sa isang pangteoryang pag-ibig, kundi praktikal: “Kung Ako’y iyong iniibig, tutuparin mo ang Aking mga utos.” (Juan 14:15). Ang buhay ni Hesus ay isang halimbawa ng pagsunod, pag-ibig at pagtanggi sa sarili para sa ating kapakanan. Dapat ang buhay natin ay maging kagaya ng Kanya. Ang pag-ibig na ito ang garantiya na nagbubunga ng pagkakaisa. Ang pagkakaisang ito ay pinakamalakas na patotoo upang makilala ang Dios sa ating mundo.

E.G.W. (The Upward Look, January 17) “Ang pagpapabanal ay kailangang dumating mula sa katotohanan; pakikiisa kay Kristo—ito ang hangarin ng Dios sa atin. Sa pamamagitan ng kanilang pagpapabanal at pagkakaisa, ang mga Kristyano ay dapat magbigay ng patunay sa mundo na may ginawang sakdal na gawain para sa kanila, sa pamamagitan ni at kay Kristo. Kaya dapat magpatotoo sila na sinugo ng Dios ang Kanyang Anak upang iligtas ang mga makasalanan. Hahayaan nyo bang ipagpatuloy ni Kristo ang Gawain ng pagpapabanal sa inyong mga puso? Magiging kompleto kayo sa Kanya. May kasiguruhan kayo na sa pamamagitan ng pagpapabanal ng katotohanan ay magiging sakdal sa pagkakaisa” E.G.W. (The Upward Look, January 17)