Modyul 14. Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Ikaapat na Markahan Inihanda ni: Mary Krystine P. Olido 1
Mahalagang Tanong (WW2) Bakit mahalagang makabuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay? 2
Alam mo ba ang direksiyong tinatahak mo sa buhay Alam mo ba ang direksiyong tinatahak mo sa buhay? Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung saan ka nakatungo? Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa kaniyang na makamit ang kaniyang layunin sa buhay.
Baitang 7: Tamang Pagpapasya.
Kailangan ng gabay sa pagpapasya upang di magkamali at magkaroon ng direksyon ang buhay.
Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksyon ang buhay ng tao?
UNA, sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, ikaw ay nasa kritikal na yugto sa buhay. Anuman ang piliin mong tahakin ay makakaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Kung kaya’t mahalagang maging mapanuri at sigurado sa iyong gagawin na pagpapasya.
IKALAWA, kung hindi ka makapagpasya ngayon para sa iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba para sa iyo halimbawa ng iyong magulang, kaibigan, o ng media. 9
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay(Personal Mission Statement) Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay.
Ang pagkakaroon ng Personal na Misyon sa Buhay ay hindi madalian o nabubuo amang sa ilang oras. Ito ay kailangang pagnilayan, paglaanan ng sapat na oras o panahon at bigyan ng buong sarili sa iyong ginagawa.
Sa oras na ito ay mabuo mo, ito ay magiging saligan ng iyong buhay Sa oras na ito ay mabuo mo, ito ay magiging saligan ng iyong buhay. Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong gagawin/ iisipin ay nakabatay na dito.
Mga gabay na tanong sa paglikha ng personal na misyon sa buhay: Ano ang layunin ko sa buhay? Ano-ano ang aking mga pinapahalagahan? Ano ang mga nais kong marating? Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay: 1.Mayroong koneksyon sa kaloob- looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao 2.Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging nilikha 3. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at iba pang dapat gampanan 4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba
Kung ang isang tao ay mayroong personal na misyon sa buhay: Magiging mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Makatutulong ito upang makita mo ang halaga ng iyong pag-iral sa mundo na ikaw bilang tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa iyong buhay.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PANSARILING PAGTATAYA SURIIN ANG UGALI AT KATANGIAN Ang pangunahing katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naaapektuhan ng mundong iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawing pagpapasiya. Ano ang katangiang maglalarawan sa iyo? Ano ang gusto mong sabihin ng tao tungkol sa iyo?
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PANSARILING PAGTATAYA 2. TUKUYIN ANG IYONG PINAPAHALAGAHAN Ito ang magsisilbing pundasyon sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay. Anu-ano ang mga pinapahalagahan ko sa buhay?
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PANSARILING PAGTATAYA 3. TIPUNIN ANG MGA IMPORMASYON Mga impormasyong makakatulong upang makapagbigay sa iyo ng tamang direksyon sa landas na iyong tatahakin.
Ano ang sentro ng buhay mo?
PROPESYON Trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay Resulta ng kaniyang pinag-aralan Maaaring gusto o hindi ngunit kailangang gawin dahil pinagkukunan ng ikabubuhay Hindi nagkakaroon ng ganap na kasiyahan dahil nakatuon sa ikabubuhay
BOKASYON Latin “vocatio,” ibig sabihin calling o tawag Mas kawili-wili dahil nagagamit ang talento sa ginagawa, di nararamdaman ang pagkabagot Hindi lamang simpleng trabaho kundi nagiging misyon Nagkakaroon ng pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.
MISYON Hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan Pagtupad ng isang trabaho o tungkulin nang buong husay na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi Lahat ng tao meron nito ngunit magkakaiba
Fr. Jerry Orbos “Ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon. Hindi lamang ito para kumita ng pera, maging mayaman o maging kilala/tanyag. Ang tunay na misyon ay MAGLINGKOD. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan.”
Mga kraytiryang dapat sundin upang makagawa ng kongkretong hakbangin sa tatahakin mo sa buhay:
Mga kraytiryang dapat sundin upang makagawa ng kongkretong hakbangin sa tatahakin mo sa buhay: Specific/ Tiyak Measurable/ Nasusukat Attainable/ Naaabot Relevant/ Angkop Time-bound/ Nasusukat ng Panahon
(WW3) Ang mga misyon ko sa buhay:
PT 2. Misyon ko sa Buhay Ako si _________ at ang misyon ko sa buhay ay _________________________________ 10-30 sec. video