sinulat ni Chiara Lubich Kataga ng Buhay sinulat ni Chiara Lubich Enero 2009
“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.” (1 Cor 12,20)
Nakakita ka na ba ng isang buhày na sambayanan na binubuo ng mga tunay na Kristiyano? Nakadalo ka na ba sa ilan nilang pagtitipon? Sinubukan mo bang unawain ang kanilang buhay?
Kung gayon, maaaring napansin mo na ang mga taong bumubuo nito ay may iba’t ibang tungkulin: mayroong may kakayahang magsalita kaya’t siya ang nagpapahayag ng mga katotohanang espiritwal na nakakaantig ng puso.
Mayroong may kakayahang tumulong, mag-aruga ng maysakit, o magkaloob Mayroong may kakayahang tumulong, mag-aruga ng maysakit, o magkaloob. Nakakatuwang makita ang kanilang ginagawa para sa mga naghihirap. Mayroon ding nakakapagturo nang may karunungang nagpapatibay ng pananampalatayang angkin na natin. May marunong mag-ayos at mamahala. Mayroon ding marunong umunawa at umalo sa mga nangangailangan.
Oo, napansin mo ang mga bagay na ito Oo, napansin mo ang mga bagay na ito. Ngunit ang higit na nakakaakit sa iyo sa ganitong sambayanan ay ang kanilang iisang diwa. Nararamdaman mo ito, may isang bagay na nag-uugnay sa sambayanang ito upang maging iisang katawan.
“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.”
Gayundin si San Pablo, higit sa lahat, nakatagpo siya ng mga buhày na sambayanang Kristiyano na sumibol dahil sa kanyang kakaibang kakayahang magpahayag. Isa dito ay ang bagong sambayanan ng Corinto na bukas-palad na biniyayaan ng Banal na Espiritu ng maraming handog, ang tinatawag na karisma. Bukod dito, noong panahong iyon ay maraming pambihirang karisma na ipinagkaloob para sa natatanging bokasyon ng kasisilang na Simbahan.
Ngunit pagkatapos nitong dakilang karanasan kung sila ay pinunô ng maraming handog ng Banal na Espiritu, nagsimula ang tunggalian at kaguluhan, lalo’t higit sa kanila na nakatanggap ng handog na ito.
Kaya’t humingi sila ng tulong mula kay Pablo na nasa Efeso noon Kaya’t humingi sila ng tulong mula kay Pablo na nasa Efeso noon. Mabilis ang naging tugong sulat ni Pablo, ipinaliwanag niya kung paano gamitin ang mga natatanging biyayang ito. Ipinaliwanag niya na bagamat magkakaiba ang karisma at mga tungkulin, tulad ng sa mga alagad, propeta o guro, iisa lamang ang Panginoon na nagkaloob lahat nito.
Sinabi niya na sa sambayanan, may mga gumagawa ng milagro, may nagpapagaling, may naglilingkod at may namamahala. May nagpapahayag at may nagpapaliwanag nito. Ngunit iisa lamang ang Diyos na nagkaloob ng mga handog na ito.
Dahil ang iba’t ibang handog ay pagpapahayag ng iisa at tanging Banal na Espiritu na malayang nagkaloob sa kanila, lagi silang nagkakasundo at nagtutulungan.
Hindi sila kumikilos para sa sariling kapakanan o upang magyabang o magpatotoo sa sarili. Sila ay pinagkalooban ng mga handog upang bumuo ng sambayanan. Ang mithiin nito ay paglilingkod kaya’t hindi ito dapat maging dahilan ng tunggalian o kaguluhan.
Bagamat binibigyang halaga ni Pablo ang mga tanging handog na ipinagkaloob sa buong sambayanan, naniniwala rin siya na lahat ng bahagi nito ay may angking sariling talino at kakayahan na dapat gamitin para sa kabutihan ng lahat. Dapat matuwa ang lahat sa kung ano ang kanyang tinanggap.
Nakikita niya ang sambayanang Kristiyano bilang isang katawan kaya nagtanong siya, “Kung ang buong katawan mo ay isa lang mata, paano ka makakarinig? At kung ito’y isang tainga lang, paano ka makakaamoy? Ngunit inilagay ng Diyos itong magkakahiwalay na bahagi sa isang katawan. Kung magkakapareho ang mga bahagi, paano ito magiging isang katawan? Kaya nga,
“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.”
Ngunit kung tayo’y magkakaiba, bawat isa sa atin ay maaaring maging handog para sa iba. Kaya’t maging totoo tayo sa sarili at matutupad natin ang plano sa atin ng Diyos sa ugnayan natin sa kapwa. Sa sambayanan kung saan ang magkakaibang handog ay tunay na ginagamit sa paglilingkod sa lahat, tinawag ni Pablo ang katotohanang ito ng magandang pangalan: Kristo.
Ang katawang ito na binubuo ng mga bahagi ng sambayanan ay ang Katawan ni Kristo. Sa katunayan, si Kristo ay patuloy na namumuhay sa Kanyang Simbahan at ang Simbahan ang Kanyang katawan.
Sa pamamagitan ng binyag, pinag-iisa ng Banal ng Espiritu ang sumasampalataya kay Kristo at siya’y nagiging bahagi ng sambayanan. Kaya’t lahat ng bahagi ay si Kristo, bawat paghihiwalay ay napapawi at nalalampasan ang lahat ng diskriminasyon.
“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.”
Dahil iisa ang katawan, maisasakatuparan ng mga bahagi ng sambayanang Kristiyano itong bagong pamumuhay, makakamit nila ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba at pluralismo. Ang isang sambayanan ay hindi isang blokeng hindi kumikilos, ito ay isang buhay na organismo na may iba’t ibang bahagi.Para sa isang Kristiyano, ang paglikha ng pagkakahiwalay ay kabaligtaran ng nararapat nilang gawin.
“Marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.”
Paano natin isasabuhay itong Kataga ng Buhay Paano natin isasabuhay itong Kataga ng Buhay? Igalang nating mabuti ang iba’t ibang tungkulin, handog at talino ng sambayanang Kristiyano.
Maging bukas tayo sa buong Simbahan, hindi lang sa kilalà o kinabibilangan nating sambayanan, samahan o kilusan. Maging bukas tayo sa pangkalahatang Simbahan at lahat nitong pagpapahayag.
Angkinin natin ito bilang atin dahil bahagi tayo nitong isang katawan. Kaya’t kung pinapahalagahan at pinangangalagaan natin ang bawat bahagi ng ating katawan, gayundin ang gawin natin sa bawat bahagi nitong katawang espiritwal. Pahalagahan natin ang lahat ng bahagi upang maging kapakapakinabang sila sa Simbahan.
(…) Huwag mong maliitin ang hinihiling sa iyo ng Diyos sa sandaling ito. Kahit mukhang maliit at paulit-ulit ang ating ginagawa araw-araw, lahat tayo ay kabilang sa iisang katawan. Bilang mga bahagi, bawat isa ay kasali sa ginagawa ng buong katawan. Kahit nananatili tayo sa lugar na ninais sa atin ng Diyos.
Sinulat ni Chiara Lubich Ang mahalaga ay taglay natin ang karisma, na tulad ng ipinahayag ni Pablo, ay nakahihigit sa lahat. Ito ay ang pag-ibig, pag-ibig para sa bawat taong ating nakakatagpo, pag-ibig sa lahat ng tao. Sa pamamagitan ng pag-ibig, ng pagmamahalan, ang maraming bahagi ay magiging isang katawan. Sinulat ni Chiara Lubich