Kataga ng Buhay Marso 2009
“Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.” (Jn 16,23)
Isang hindi maipaliwanag na bagay na nangyayari sa mundo ay, sa isang dako, maraming naguguluhang tao ang patuloy na naghahanap, humihingi ng tulong at pakiramdam nila’y para silang mga ulila sa gitna ng hindi maiiwasang mga pagsubok sa buhay. Sa kabilang dako naman, mayroon tayong Diyos, na Ama nating lahat, at nais gamitin ang kanyang buong kapangyarihan upang ipagkaloob ang mga hinihiling at pangangailangan ng kanyang mga anak.
Tulad ito ng kawalan na naghahangad ng kaganapan at ng kaganapan na naghahangad ng kawalan. Ngunit hindi sila magtagpo.
Ang ganitong malungkot na pangyayari ay maaaring dulot ng kalayaan na ipinagkaloob sa bawat tao. Ngunit sa kumikilala sa Diyos, patuloy Siya sa pagiging Pag-ibig. Pakinggan natin ang sinabi ni Jesus:
“Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.”
Isa ito sa mga salitang punô ng pangako, na malimit ulitin ni Jesus sa Ebanghelyo. Itinuturo Niya sa atin sa iba’t ibang paraan kung paano makakamtan ang ating kinakailangan.
Ang Diyos lamang ang tanging makakapagsalita ng ganito Ang Diyos lamang ang tanging makakapagsalita ng ganito. Walang hanggan ang Kanyang kapangyarihan at inihahandog Niya ang lahat ng biyaya, espiritwal, materyal, posible o imposible.
Makinig kang mabuti: nagmumungkahi si Jesus kung paano ilalahad ang ating hinihiling sa Ama: sa aking pangalan.” Kung may pananampalataya ka, kahit kaunti, ang tatlong salitang ito ang magpapatiwasay sa iyo.
Nanirahan si Jesus sa ating piling Nanirahan si Jesus sa ating piling. Alam Niya ang napakarami nating pangangailangan at nalulungkot Siya para sa atin. Kaya’t kung tayo’y mananalangin, nais din Niyang maging bahagi nito. Para bang sinasabi Niya sa bawat isa sa atin:
“Magpunta ka sa Ama sa aking ngalan at hingin mo sa Kanya ito, ito at ito pa.” Alam Niya na hindi makakatanggi sa Kanya ang Ama dahil si Kristo ay Kanyang Anak at Siya ay Diyos.
Huwag kang lalapit sa Ama sa ngalan mo, bagkus ay sa ngalan ni Kristo Huwag kang lalapit sa Ama sa ngalan mo, bagkus ay sa ngalan ni Kristo. Tagahatid ka lang ng Kanyang mensahe. Si Jesus ang makikipag-ayos ng mga bagay sa Ama.
Ganito nagdadasal ang maraming Kristiyano at maaari nilang ibahagi sa iyo ang napakaraming biyayang kanilang tinanggap. Patunay ito na patuloy silang binabantayan ng pag-ibig ng Diyos Ama.
“Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.”
Maaari kang tumugon, “Paulit-ulit na akong humihingi sa ngalan ni Kristo, ngunit walang nangyayari.”
Posible ito. Nabanggit ko na may ilang kataga sa Ebanghelyo kung saan nag-aanyaya sa atin si Jesus na humingi ng ating kinakailangan. Mayroon doong ilang paliwanag na maaaring hindi mo nabigyang-pansin.
Halimbawa, sinabi Niya na makakamtan natin ang ating hinihingi kung “mananatili” tayo sa Kanya. Ibig sabihin nito ay manatili sa Kanyang kalooban.
Mangyayari na hihingi ka ng isang bagay na hindi tugma sa plano ng Diyos para sa iyo, isang bagay na para sa Kanya ay hindi makakabuti sa iyo dito sa lupa o sa langit man, maaaring makasama pa ito sa iyo.
Paano ka mapapagbigyan ng Ama sa ganito mong kahilingan Paano ka mapapagbigyan ng Ama sa ganito mong kahilingan? Isa iyong pagtataksil, at hindi Niya ito kailanman gagawin.
Makakabuting makipagkasundo ka muna sa Kanya bago ka magdasal Makakabuting makipagkasundo ka muna sa Kanya bago ka magdasal. Sabihin mo, “Ama, nais kong humingi sa iyo sa ngalan ni Jesus, kung sa Iyong palagay ay wasto ito.”
Kung ang hinihingi mong biyaya ay katugma ng mapagmahal na plano ng Diyos para sa iyo, makikita mo ang katotohan ng mga salitang: “Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.”
Maaaring humihingi ka ng mga biyaya ngunit wala kang hangaring mamuhay ayon sa hinihiling ng Diyos. Palagay mo ba’y mabuti para sa Diyos na ibigay ang iyong hinihingi?
Hindi ka lang Niya nais bigyan ng isang handog, nais Niyang ibigay sa iyo ang ganap na kaligayahan. Makakamtan mo lang ito kung isasabuhay mo ang mga utos ng Diyos at ang kanyang mga salita. Hindi sapat na pag-isipan mo lang ito, o pagnilayan. Dapat mo itong isabuhay. Kung ganito ang gagawin mo, makakamtan mo ang lahat.
Sa pagtatapos, nais mo ba talangang makamtan ang mga biyaya Sa pagtatapos, nais mo ba talangang makamtan ang mga biyaya? Humingi ng anumang nais mo sa ngalan ni Kristo na naglalayon, higit sa lahat, na tupdin ang Kanyang kalooban at sumunod sa Kanyang mga utos.
Tunay na masaya ang Diyos na bigyan tayo ng biyaya Tunay na masaya ang Diyos na bigyan tayo ng biyaya. Nakakapanghinayang lamang dahil bihira natin Siyang bigyan ng pagkakataong gawin ito.
Sinulat ni Chiara Lubich “Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.” Sinulat ni Chiara Lubich