Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2018 powerpoint presentation designed by claro ruiz vicente http://clarovicente.weebly.com
Dear User Adult Sabbath School Bible Study Guide An Appeal This PowerPoint Show is freely shared to all who may find it beneficial. While intended primarily for personal use, some find it useful for teaching the lesson in church. There are those, however, who add illustrations, change background, replace fonts, etc. While their intention may be good, this is not right. Slide #1 says “designed by claro ruiz vicente.” For honest Christians, it is not necessary for another’s creation to be copyrighted in order to be respected. PLEASE USE AS IS.
ONENESS IN CHRIST Pagiging Isa Kay Cristo DENIS FORTIN
Oneness in Christ Contents 1 Creation and Fall 2 Causes of Disunity 3 “That They May All Be One” 4 The Key to Unity 5 The Experience of Unity in the Early Church 6 Images of Unity 7 When Conflicts Arise 8 Unity in Faith 9 The Most Convincing Proof 10 Unity and Broken Relationships 11 Unity in Worship 12 Church Organization and Unity 13 Final Restoration of Unity Panlabing-isang liksyon
Oneness in Christ Our Goal the purpose of this series of Bible study lessons is to provide biblical instruction on the topic of Christian unity for us as Seventh-day Adventists, who, now, as always, face challenges to that unity, and will until the end of time. Ang Ating Mithiin. Ang layunin nitong serye ng mga liksyon ng pag-aaral ng Biblia ay para magbigay ng tagubiling biblikal sa tema ng Kristiyanong pagkakaisa para sa atin bilang mga Seventh-day Adventists, na, ngayon, gaya nang lagi, ay humaharap sa mga hamon sa pagkakaisang ‘yon, at haharap pa hanggang sa wakas ng panahon.
Unity in Worship Oneness in Christ Lesson 11, December 15 Pagkakaisa sa Pagsamba
Unity in Worship Key Text Revelation 14:6, 7 nkjv “then i saw another angel...having the everlasting gospel to preach to those who dwell on the earth...saying with a loud voice, ‘Fear God and give glory to Him, for the hour of His judgment has come; and worship Him who made heaven and earth, the sea and springs of water.’ ” Susing Talata. “At nakita ko ang isa pang anghel...na may walang hanggang ebanghelyo na ipahahayag sa mga naninirahan sa lupa.... Sinabi niya sa malakas na tinig, ‘Matakot kayo sa Diyos at magbigay-luwalhati sa kanya, sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghuhukom, at sambahin ninyo ang gumawa ng langit, ng lupa, ng dagat at ng mga bukal ng tubig’ ” (Apocalipsis 14:6, 7).
Unity in Worship Initial Words the church of Jesus Christ is a worship-ing community, called by God to be “a spiritual house, a holy priesthood, to offer up spiritual sacrifices acceptable to God through Jesus Christ” (1 Pet. 2:5). Gratitude to God expressed in worship transforms people’s hearts and minds into the likeness of the character of God and prepares them for service. Panimulang Salita. Ang iglesya ni Jesu-Cristo ay isang sumasambang komunidad na tinawag ng Diyos na maging isang “espirituwal na bahay tungo sa banal na pagkapari, upang mag-alay ng mga espirituwal na handog na kasiya-siya sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo (1 Pedro 2:5). ¶ Ang pasasalamat sa Diyos na inihayag sa pagsamba ay babaguhin ang puso at isipan ng tao sa wangis ng karakter ng Diyos at ihahanda sila para sa paglilingkod.
1. True and False Worship (Revelation 15:3, 4) Unity in Worship Quick Look 1. True and False Worship (Revelation 15:3, 4) 2. Elements of Worship—1 (Acts 2:42) 3. Elements of Worship—2 (Acts 2:42) 1. Tunay at Huwad na Pagsamba (Apocalipsis 15:3, 4) 2. Mga Elemento ng Pagsamba—1 (Gawa 2:42) 3. Mga Elemento ng Pagsamba—2 (Gawa 2:42)
Unity in Worship 1. True and False Worship Revelation 15:3, 4 nkjv “great and marvelous are Your works, Lord God Almighty! Just and true are Your ways, King of the saints! Who shall not fear You, O Lord, and glorify Your name? For You alone are holy. For all nations shall come and worship before You, For Your judgments have been manifested.” Tunay at Huwad na Pagsamba. “Dakila at kamanghamangha ang iyong mga gawa, O Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat! Matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa. Sinong hindi matatakot at luluwalhati sa iyong pangalan O Panginoon, sapagkat ikaw lamang ang banal. ¶ Ang lahat ng mga bansa ay darating at sasamba sa harapan mo; sapagkat ang iyong mga matuwid na gawa ay nahayag” (Apocalipsis 15:3, 4).
True and False Worship Worshipping Our Creator and Redeemer worship is a response of our faith in God for His mighty works: first, for creating us, and, second, for redeeming us. In worship we give to God the adoration, reverence, praise, love, and obedience we believe He is worthy to receive. Sinasamba ang Ating Manlalalang at Tagapagtubos. Ang pagsamba ay isang tugon ng ating pananampalataya sa Diyos para sa Kanyang makakapangyarihang gawa: una, para sa paglalang sa atin, at ikalawa para sa pagtubos sa atin. ¶ Sa pagsamba ay ibinibigay natin sa Diyos ang pagmamahal, paggalang, papuri, pag-ibig, at pagsunod na naniniwala tayong karapat-dapat Siyang tumanggap.
True and False Worship Worshipping Our Creator and Redeemer What Christians know about God was revealed more fully in the person and ministry of Jesus (see John 14:8–14). That is why Christians worship Jesus as Savior and Redeemer, as His sacrificial death and resurrection are at the very core of worship. It is out of this sense of awe and thankfulness that our worship should proceed. Ang nalalaman ng mga Kristiyano tungkol sa Diyos ay naihayag nang higit na lubos sa katauhan at ministri ni Jesus (tingnan ang Juan 14:8-14). ¶ ‘Yon ang dahilan kaya sinasamba ng mga Kristiyano si Jesus bilang Tagapagligtas at Tagapagtubos, sapagkat ang Kanyang may sakripisyong kamatayan at muling pagkabuhay ay nasa pinakabuod ng pagsamba. Dapat magpatuloy ang ating pagsamba mula sa kaisipang ito nang paghanga at pagiging mapagpasalamat.
What an insult to God, the Creator. True and False Worship Satan’s Counterfeit Worship With pride and arrogance, Satan declared himself to be the rightful ruler of the world, the owner of all its riches and glory, claiming the honor and respect of all who live in it, as if he had created the world. What an insult to God, the Creator. Ang Huwad na Pagsamba ni Satanas. May pagmamataas at kayabangan, idineklara ni Satanas ang sarili na maging ang nararapat na hari ng sanlibutan, ang may-ari ng lahat nitong yaman at kaluwalhatian, inaangkin ang karangalan at paggalang ng lahat na nabubuhay rito, na parang nilikha niya ang daigdig. ¶ Ano ngang isang insulto sa Diyos, ang Manlalalang.
True and False Worship Satan’s Counterfeit Worship Satan seeks to establish a false system of worship, one that takes people away from the true God and, even if subtly, direct worship toward himself. After all, even from before the Fall, he wanted to be like God (Isa. 14:14). Why worship any “image” when we are called to worship the true God instead? Nagsisikap si Satanas na magtatag nang isang maling sistema ng pagsamba, isa na inilalayo ang tao mula sa tunay na Diyos at tuwirang pagsamba sa kanya mismo kahit buong palihim. Matapos ang lahat, kahit na mula pa bago ang Pagkabagsak, gusto na niyang maging gaya ng Diyos (Isaias 14:14). ¶ Bakit sasambahin ang alinmang “larawan” kung tayo, sa halip, ay tinatawagan para sambahin ang tunay na Diyos?
True and False Worship The First Angel’s Message Seventh-day Adventists see the three angels’ messages of Revelation 14: 6–12 as depicting their mission and the core of their message just before the second coming of Jesus (Rev. 14:14–20). These are the important messages to be preached with “a loud voice” to all inhabitants of the earth. Ang Mensahe ng Unang Anghel. Nakikita ng Seventh-day Adventists ang mga mensahe ng tatlong anghel ng Apocalipsis 14:6-12 bilang paglalarawan ng kanilang misyon at ang buod ng kanilang mensahe bago pa ang ikalawang pagparito ni Jesus (Apocalipsis 14:14-20). ¶ Ang mga ito ang mahahalagang mensahe na may “isang malakas ng tinig” na ipangangaral sa lahat ng naninirahan sa lupa.
True and False Worship The First Angel’s Message The first message urges people to focus on God because “ ‘the hour of His judgment has come’ ” (Rev. 14:7). “ ‘Fear God.’ ” For those who do not take God seriously, this message indeed generate fear. But for the followers of Jesus, this invites awe and respect. A sense of grateful reverence for God overtakes them. Ang unang mensahe ay hinihikayat ang tao na magpokus sa Diyos sapagkat “ ‘dumating na ang oras ng kanyang paghuhukom’ ” (Apocalispsis 14:7). ¶ “ ‘Matakot sa Diyos.’ ” Para sa hindi seneseryoso ang Diyos, ang mensaheng ito’y talagang palilitawin ang takot. Pero para sa mga tagasunod ni Jesus, nag-aanyaya ito nang paghanga at paggalang. Isang pandama nang nagpapasalamat na paggalang para sa Diyos ang pupuspos sa kanila.
True and False Worship The First Angel’s Message “ ‘And worship Him who made heaven and earth’ ” (Rev. 14:7). This is an allusion to the Sabbath commandment, with its reference to Creation (Exod. 20:8–11). The God of Creation is the One who is to be worshiped and revered. At the end of time worship is identified as a key issue in the great controversy for the allegiance of the human race. “ ‘At sambahin ninyo ang gumawa ng langit, ng lupa’ ” (Apocalipsis 14:7). Ito’y isang pagpapahiwatig sa kautusan ng Sabbath, na may pagtukoy sa Paglalang (Exodo 20:8-11). Ang sasambahin at igagalang ay ang Diyos ng Paglalang. ¶ Sa wakas ng panahon ang pagsamba ay kikilalanin bilang isang susing isyu sa malaking tunggalian para sa katapatan ng lahi ng tao.
Unity in Worship 2. Elements of Worship—1 Acts 2:42 nkjv “and they continued steadfastly in the apostles’ doctrine and fellowship....” 2. Mga Elemento ng Pagsamba—1. “Nanatili silang matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasama-sama...” (Gawa 2:42).
2. Elements of Worship—1 Bible Study and Fellowship the first christians were faithful in studying the Scriptures for what they said about Jesus the Messiah. They were in constant fellowship to share with one another the blessings God had given them and to encourage each other in their spiritual walk with God. Pag-aaral ng Bibilia at Pagsasama-sama. Ang unang mga Kristiyano ay matapat sa pag-aaral ng Kasulatan para sa sinabi nila tungkol kay Jesus ang Mesiyas. ¶ Sila’y laging nasa pagsasama-sama para ibahagi sa isa’t-isa ang mga pagpapala na ibinigay ng Diyos sa kanila at para palakasin ang loob ng isa’t isa sa kanilang paglalakad-espirituwal kasama ang Diyos.
2. Elements of Worship—1 Bible Study and Fellowship “If, in the closing scenes of this earth’s history, those to whom testing truths are proclaimed would follow the example of the Bereans, searching the Scriptures daily, and comparing with God’s word the messages brought them, there would today be a large number loyal to the precepts of God’s law.”—The Acts of the Apostles 232. “Kung, sa nagsasarang mga tagpo nitong kasaysayan ng lupa, yung pinagpapahayagan nang mga panubok na katotohanan ay susundan ang halimbawa ng mga taga-Berea, sinasaliksik ang Kasulatan araw-araw, at inihahambing sa salita ng Diyos ang mga mensaheng dinala sa kanila, magkakaroon ngayon nang isang malaking bilang na tapat sa mga alituntunin ng utos ng Diyos.”—The Acts of the Apostles 232.
2. Elements of Worship—1 Bible Study and Fellowship The study of God’s Word forms the core of both our worship to God and our unity as a people who have been called to proclaim the three angels’ messages. When we come together to fellowship and worship, the Scriptures speak to guide our lives in preparation for our mission and for Jesus’ second coming. Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay pupormahin ang buod ng pagsamba natin sa Diyos at pagkakaisa natin bilang isang bayan na tinawagan para iproklama ang mga mensahe ng tatlong anghel. ¶ Kapag nagkakatipon tayo para sa pagsasama-sama at pagsamba, ang Kasulatan ay magsasalita para gabayan ang ating buhay bilang paghahanda para sa ating misyon at para sa ikalawang pagdating ni Jesus.
Unity in Worship 3. Elements of Worship—2 3. Mga Elemento ng Pagsamba—2. “Nanatili silang matibay sa...pagpuputul-putol ng tinapay at sa mga pananalangin” (Gawa 2:42). Acts 2:42 nkjv “and they continued steadfastly in... the breaking of bread, and in prayers.”
3. Elements of Worship—2 Breaking of Bread and Prayer this reference to breaking of bread probably refers to a fellowship meal or to regular meals shared between believers. At some point during a fellowship meal, someone would offer a special blessing over the bread and drink in memory of Jesus’ death and resur-rection, in expectation of His soon return. Pagpuputul-putol ng Tinapay at Panalangin. Itong pagtukoy sa pagpuputul-putol ng tinapay ay marahil tumutukoy sa isang pagsasama-samang pagkain o sa regular na kainan na pinagsasaluhan ng mga mananampalataya. ¶ Sa isang punto sa panahon ng isang pagsasama-samang pagkain, may maghahandog nang isang natatanging pagpapala sa tinapay at inumin sa pag-aalaala ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, sa pag-asam nang malapit Niyang pagbabalik.
The meals they shared became moments of worship. 3. Elements of Worship—2 Breaking of Bread and Prayer Early Christians thus devoted their time to remembering the meaning of Jesus’ life and ministry, and loved to talk about it in fellowship meals. The meals they shared became moments of worship. Sa gayon ginugol ng mga unang Kristiyano ang kanilang panahon sa paggunita ng kahulugan ng buhay at ministri ni Jesus, at ginustong magsasalita tungkol dito sa mga pagsasama-samang kainan. ¶ Ang mga kainan na pinagsaluhan nila ay naging mga sandali ng pagsamba.
3. Elements of Worship—2 Breaking of Bread and Prayer Paul in his First Epistle to Timothy mentions the importance of prayer when Christians are together (1 Tim. 2:1). To the Ephesians, he emphasized the need of prayer: “praying always with all prayer and supplication in the Spirit, being watchful to this end with all perseverance and supplication for all the saints—and for me” (Eph. 6:18, 19). Sa Unang Liham ni Pablo kay Timoteo ay binanggit niya ang kahalagahan ng panalangin kapag ang mga Kristiyano ay magkakasama (1 Timoteo 2:1). ¶ Sa mga taga-Efeso, idiniin niya ang kahalagahan ng panalangin: “manalangin kayo sa Espiritu sa lahat ng panahon sa bawat panalangin at pagsamo. At sa bagay na ito ay maging handa na may buong pagtitiyaga at pagsusumamo para sa lahat ng mga banal. Idalangin din ninyo ako...” (Efeso 6:18, 19).
Unity in Worship Final Words worship is the Christian believer’s thankful response to God for His gift of salvation. It also is an essential element of the Christian community’s experience of unity and fellowship. Without prayer and Bible study in a desire to know God’s truth for us, our community will fail to experience oneness in Christ. Huling Pananalita. Ang pagsamba ay ang may pasasalamat na pagtugon ng Kristiyanong mananampalataya sa Diyos dahil sa Kanyang kaloob ng kaligtasan. Ito rin ay isang mahalagang elemento ng karanasan ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng Kristiyanong komunidad. ¶ Kung walang panalangin at pag-aaral ng Biblia sa isang pagnanasa na malaman ang katotohanan ng Diyos para sa atin, mabibigo ang ating komunidad na maranasan ang pagiging isa kay Cristo.