Ni Millie godinez , rafa perez at martina reyes ! Ang balitaan Ni Millie godinez , rafa perez at martina reyes !
Nais ni AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin na bumili ang Department of Education (DepEd) ng mga upuan at desk na gawa sa kawayan para magamit sa mga pampublikong eskuwelahang elementarya at sekundarya upang maisulong ang industriya ng kawayan sa bansa.
Sa kanyang panukala, sinabi ni Garin na layunin ng panukala na mapasigla at mapalakas ang industriya ng kawayan at makalikha ng maraming trabaho sa pamamagitan ng pagtatanim, pagpoproseso at paglikha ng mga produktong kawayan. Hangad ng HB 4920 na gamitin ang kawayan bilang planting material sa taunang reforestation at rehabilitation program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinabi ni Garin na bukod sa reforestation, magagamit din ang kawayan sa mga proyektong pangkabuhayan, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DoLE) at mga lokal na pamahalaan.Itinatakda rin ng panukala ang pagtatatag ng Philippine Bamboo Industry Development Coordinating Council (PBIDCC), na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry.
Mga tanong !
1. Sino ang nagsusulong ng panukala ukol sa pagbili ng DEPED ng mga upuang gawa sa kawayan para sa mga paaralang pang publiko?
2. Anu - ano and layunin ng nasabing panukala?
3. Paano mararating ng mabilis and layunin ng panukalang ito?
4. Anu anong kagawaran ng ating gobyerno ang dapat magtulungan upan mdaling matupad and mga magandang layunin ng panukalang ito?
Ang reflection namin ay…………… Ang balitang ito ay mahalaga para sa maraming Pilipino at sa ating bansa dahil ang kawayan ay tubong pilipinas at pagtatanim nito ay makakapigil sa tinatawag na "erosion".Ang upuang gawa sa kawayan ay maginhawang upuan dahil ito ay malamig at makinis.Sa pagbili ng DEPED ng upuang kawayan makakaasa ang marami ng dagdag na hanap-buhay na kailangan ng ating ekonomia.
Salamat ! Gumuwa ang power point-rafa Gumuwa ang reflection at tanong –millie Gumuwa ang balitaan-martina at millie