Wastong Pagpapahalaga sa mga Pinagkukunang-yaman
Likas-kayang paggamit o Sustainable Use Ang likas-kayang paggamit ay tumutukoy sa paggamit ng mga yamang likas sa paraang makapagbibigay ang mga ito ng lubos na kapakinabangan ngunit hindi manganganib na maubos (World Conservation Union).
Layunin ng Likas-kayang Paggamit Hikayatin ang paggamit ng mga biological resource ayon sa nakasanayang tradisyon at paniniwala na naaayon sa konserbasyon at likas-kayang pamamaraan. Suportahan ang lokal na populasyon na paunlarin at isagawa ang mga pamamaraan ng konserbasyon sa mga lugar kung saan ang biological diversity ay nababawasan.
Hikayatin ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor na paunlarin ang mga paraan ng likas-kayang paggamit ng mga biological resource. Ang integrasyon ng konserbasyon at likas-kayang paggamit ng biological diversity sa mga programa, plano, at mga patakaran ng pamahalaan at mga pribadong sektor.
Mga Pamantayan sa Likas-kayang Paggamit Ang biological diversity at ecological function ay napapanatili sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman. Ang bilang ng iba’t ibang uri ng hayop at halaman ay hindi nababawasan at ang buhay nito ay tumatagal. Ang yamang-likas ay nanatiling mahalagang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao.
Pagkawasak ng Kalikasan at Pagkaubos ng mga Yamang Likas