Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Ebanghelismong Pang-araw-araw: “Papaano Makinig at Mag-salita Upang Ikaw ay Mapakinggan" Ni Dr David Geisler
Advertisements

KAMUSTAHAN!.
Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2017
Adult Bible Study Guide Apr • May • Jun 2016
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang
Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017
KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016
Kahalagahan ng iyong buhay (Spoken Poetry)
Limang panahon sa India
DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
TAGAYTAY CITY.
S.
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
ANG MGA HAMON SA KAPANGYARIHANG ESPANYOL
Noli Me Tangere.
San Lorenzo Ruiz de Manila – naging ganap na santo noong Oktubre 18, 1981 sa Roma na pinangunahan ng Santo Papa Juan Pablo II.
IKA-2 YUGTO: PAGIGING SIMBAHAN
Kataga ng Buhay Hunyo 2009.
Kataga ng Buhay Oktubre 2008.
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO
Kataga ng buhay Marso 2012.
“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA”
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
YEAR 2010: GRACE UPON GRACE JANUARY 2010 SI HESUS ANG ATING BUHAY
FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos.
Kataga ng Buhay Disyembre 2008.
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Barangay at Pulisya laban sa Ilegal na Droga
Kataga ng Buhay Abril 2008 Ciao Chiara.
Kataga ng Buhay Disyembre 2009.
ANG PINAGMULAN NG WIKA GENESIS 11:1 Sa simula 'y iisa at magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig.
Sumasampalataya ako sa Banal na Simbahang Katolika
Kataga ng Buhay Enero 2010.
sinulat ni Chiara Lubich
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 2
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 3
ANG SUSI SA PAGKAKAISA Liksyon 4 para sa ika-27 ng Octobre, 2018.
Kataga ng Buhay Pebrero 2009.
Lipunang Pang-ekonomiya
Module 9 pastoral leadership
Kataga ng Buhay Marso 2009.
He was born in an obscure village, The child of a peasant woman
PARISH FORMATION MODULES
Kataga ng Buhay Mayo 2011.
TIMELINE NG BUHAY KO.
Banal na Sakripisyo ng Misa
Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2018
Tagapagpadaloy ng Pagbabago – 13
Kataga ng Buhay Abril 2011.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
DIVINE MERCY NATOMAS CATHOLIC CHURCH
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
PARISH FORMATION MODULES
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 4
Aralin 5: Okupasyon ng Ingles sa Maynila
MGA LARAWAN NG PAGKAKAISA Liksyon 6 para sa ika-10 ng Nobyembre, 2018
Adult Bible Study Guide Apr • May • Jun 2019
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
ANG PASKO AY SUMAPIT 1. Ang pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
Filipino 4 – Aralin 1_ Ikalimang Araw
The Believer’s Suffering
Kataga ng Buhay Setyembre 2009.
Kataga ng Buhay Agosto 2019 “Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.” (Lc 12,34).
Presentation transcript:

Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)

Sa mga sumunod na araw matapos ang pagpako kay Hesus, hindi lumabas ang Kanyang mga alagad dahil sa takot at kalituhan.

Bagama’t si Hesus ay sinundan nila sa Kanyang mga nilakbay sa buong Palestina kung saan ipinahayag Niya ang magiliw na pagmamahal ng Diyos para sa bawat tao.

Si Hesus ay ipinadala ng Ama upang magbigay-patotoo sa Kanyang pag-ibig at ipakita sa sangkatauhan ang landas patungo sa Diyos.

Ang Diyos na Kanyang ipinahayag ay ang Santatlo, ang Diyos na nagkakaisa sa pagmamahalan at nagnanais na tipunin ang lahat ng tao sa Kanyang yakap.

Noong panahon ng misyon ni Hesus, maraming tao ang nakakita, nakarinig at nakaranas ng mga mabuti Niyang gawa, ng Kanyang mga salita, ng pagtanggap, pagpapatawad at pag-asa...

Pagkatapos, Siya ay hinatulan at ipinako.

Dito nakapaloob ang ipinahayag ni San Juan sa kanyang Ebanghelyo kung saan isinalaysay niya ang pagpapakita ni Hesus sa Kanyang mga alagad pagkatapos na Siya ay muling nabuhay nang ikatlong araw upang sila ay isugo na ipagpatuloy ang Kanyang misyong sinimulan.

“Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.”

Parang sinasabi Niya ngayon sa atin, “Naalala mo ba na ibinahagi ko ang Aking buhay sa iyo at kung paano nito pinunan ang iyong pagkagutom at ang iyong pagkauhaw sa katarungan at kapayapaan?

Nakita mo ba ang pagpapagaling ng mga puso at mga karamdaman ng maraming taong iniwasan at itinakwil ng mga tao at lipunan?

Nakita mo ba kung paano ko ipinagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap, mga balo at mga banyaga?

Ngayon, ipagpatuloy mo: ipahayag ang Ebanghelyo sa lahat Ngayon, ipagpatuloy mo: ipahayag ang Ebanghelyo sa lahat. Sabihin sa kanila na nais ng Diyos na makilala Siya ng lahat ng tao; na lahat tayo ay magkakapatid.”

Ang bawat tao, na nilikhang kawangis ng Diyos na Pag-ibig, ay umaasam na Siya ay makatagpo. Ang lahat ng kultura at lipunan ay nagsisikap na bumuo ng ugnayan sa kanilang komunidad.

Subalit gaano kahirap na marating ang mithiing ito, napakahirap at maraming sagabal ang kailangang lampasan!

Sa kabila ng malalim na mithiing ito, batid natin ang ating mga kahinaan at limitasyon, ang kakitiran ng ating isipan at takot, kawalan ng tiwala at paghuhusga sa kapwa.

“Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, Subalit ang Panginoon, na may malaking pagtitiwala, ay patuloy na nag-aanyaya sa atin tulad ng ginawa Niya ng nakaraan: “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.”

Paano tayo makakatugon sa malakas na paanyayang ito?

Hindi ba’t ang misyong magbuo ng kapatiran sa watak-watak na mundo ay parang pagharap sa labanang siguradong hindi maipapanalo?

Kung sa ating sariling pagsisikap, tunay na hindi natin ito kakayanin Kung sa ating sariling pagsisikap, tunay na hindi natin ito kakayanin. Kaya nga ba’t ipinagkaloob ni Hesus sa atin ang Banal na Espiritu, isang natatanging biyaya, upang tulungan tayo sa ating pagsisikap na mahalin ang bawat tao, kahit na mga kaaway.

“Ang Banal na Espiritu, na ipinagkaloob sa atin noong tayo ay bininyagan (…), ay ang espiritu ng pag-ibig at pagkakaisa na nagbubuklod sa lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoong nabuhay namang muli at sa bawat isa. Kaya Niyang lampasan ang pagkakaiba ng lahi, kultura at katayuan sa lipunan...

Ang pagiging makasarili natin ang nagtatayo ng mga pader upang ihiwalay ang sarili sa kanila na kakaiba sa atin...

Kaya’t sikapin natin, sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Banal na Espiritu, na lumago sa pagsasama-samang ito …at lampasan ang mga binhi ng paghihiwalay na nasa ating kalooban.”

Sa buwang ito, sa tulong ng Banal na Espiritu, maaari din nating alalahanin at isabuhay ang mga katagang ito ng pagmamahal sa bawat pagkakataon upang makipag-ugnay sa kapwa, maging anuman ito.

Maaari tayong laging handang tumanggap, makinig, makiisa, makipag-usap at magpalakas ng loob; maaari natin silang ibilang sa atin, alagaan, tumanaw ng utang na loob at magpatawad ...

Sa ganitong paraan, tinatanggap natin ang paanyaya ni Hesus na ipagpatuloy ang Kanyang misyon at maging tagapaghatid ng buhay na ibinigay Niya sa atin.

Ito ang karanasan ng isang grupo ng mga Budistang mongha na bumisita sa pandaigdigang bayan ng Loppiano sa Italya kung saan may nakatirang 800 katao na nagsisikap maging tapat sa pagsasabuhay ng Ebanghelyo.

Sila ay tunay na namangha at nabagbag ang damdamin sa naranasang maka-Ebanghelyong pagmamahal sa kauna-unahang pagkakataon. Ang sabi ng isa sa kanila, “Inilagay ko ang marumi kong sapatos sa labas ng pinto, kinaumagahan, natagpuan ko itong malinis na.

Inilagay ko ang marumi kong damit sa labas ng pinto, kinaumagahan, natagpuan ko itong malinis at naplantsa pa.

Alam nila na ako’y nilalamig dahil ako ay taga Timog-Silangan ng Asya Alam nila na ako’y nilalamig dahil ako ay taga Timog-Silangan ng Asya. Itinaas nila ang temperatura at dinalhan ako ng makakapal na kumot…

Isang araw, nagtanong ako, ‘Bakit ninyo ito ginagawa Isang araw, nagtanong ako, ‘Bakit ninyo ito ginagawa?’ ‘Dahil mahal namin kayo, mahal na mahal namin kayo’, ang kanilang tugon. " Ang karanasang ito ang nagbigay-daan sa malalim at tunay na diyalogo sa pagitan ng mga Budista at Kristiyano.

Commentary by Letizia Magri Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21) Commentary by Letizia Magri