Kataga ng Buhay Hulyo 2009.

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Road Safety for Children
Advertisements


Ebanghelismong Pang-araw-araw: “Papaano Makinig at Mag-salita Upang Ikaw ay Mapakinggan" Ni Dr David Geisler
DEFINING COURSE OBJECTIVES
Balanced thought and spirit in SERVICE Page 1 The official Publication of the SERVI DEI Marriage Encounter Community January – March 2011 Reflections…
Pagkamamamayang Pilipino
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
Panahon ng Komonwelt.
Ang Mga Pagpapahalagang Pilipino
KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016
Kahalagahan ng iyong buhay (Spoken Poetry)
MGA PAKINABANG MULA SA ANYONG LUPA
Ang Pagtatanggol sa Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa
FILIPINO 2 Research Paper.
Lahat ng Nauukol sa Akin
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
TAGAYTAY CITY.
Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018
S.
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Adult Bible Study Guide Apr • May • Jun 2016
Kataga ng Buhay Hunyo 2009.
Kataga ng Buhay Oktubre 2008.
Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2017
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
Kahulugan Uri Istruktura Pamahalaan Kahulugan Uri Istruktura.
ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO
Oct • Nov • Dec 2017 Adult Bible Study Guide
Kataga ng buhay Marso 2012.
“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA”
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
YEAR 2010: GRACE UPON GRACE JANUARY 2010 SI HESUS ANG ATING BUHAY
Kataga ng Buhay Disyembre 2008.
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2013
Inihanda ni Mary Krystine P. Olido
Kataga ng Buhay Abril 2008 Ciao Chiara.
Kataga ng Buhay Disyembre 2009.
ANG PINAGMULAN NG WIKA GENESIS 11:1 Sa simula 'y iisa at magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig.
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
Kataga ng Buhay Enero 2010.
sinulat ni Chiara Lubich
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 2
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 3
Kataga ng Buhay Pebrero 2009.
Lipunang Pang-ekonomiya
Module 9 pastoral leadership
na makapagpasaya na makatulong na maglingkod mula sa isang karanasan
Kataga ng Buhay Marso 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 5
Gawain Bilang 1 Loop a Word
Kataga ng Buhay Mayo 2011.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago – 1 Tagapagpadaloy ng Usapan
Kataga ng Buhay Abril 2011.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 4
( For our eyes only) Ano-ano ang mga ahensiyang nagtatanggol sa teritoryo ng bansa? Ang mga sundalo o militar lang ba ang may pananagutan sa teritoryo.
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Meeting ng mga Community Volunteers (____petsa____)
ANG PASKO AY SUMAPIT 1. Ang pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
ORASYON PARA SA SANGNILIKHA
The Believer’s Suffering
Kataga ng Buhay Setyembre 2009.
Kataga ng Buhay Agosto 2019 “Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.” (Lc 12,34).
Presentation transcript:

Kataga ng Buhay Hulyo 2009

“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha “Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tànga.” (Lc 12:33)

Kabataan ka ba at nangangarap ng isang buhay na may mataas na mithiin, ganap na pananagutan at radikal na pagbabago? Makinig ka kay Jesus, dahil walang sinuman sa mundo ang hihingi sa iyo ng higit pa. Ito ang pagkakataon na patunayan ang iyong pananampalataya, kagandahang-loob at kagitingan.

May sapat ka bang gulang at naghahanap ng maayos na pamumuhay na may halaga at paninindigan, na hindi ka bibiguin?

O may edad ka na at nais mong ibigay ang mga huling taon ng buhay mo sa isang hindi manloloko, at mamumuhay ka na walang inaalala? Ang mga salitang ito ni Jesus ay para sa iyo.

Ito ang katapusan ng sunod-sunod na mga pangaral kung saan hinihingi ni Jesus na huwag mag-alala tungkol sa kakainin o susuotin, bagkus ay tingnan ang mga ibon sa langit na hindi naghahasik, at ang bulaklak sa parang na hindi humahabi.

Alisin sa puso ang lahat ng pagkabalisa sa mga bagay dito sa lupa Alisin sa puso ang lahat ng pagkabalisa sa mga bagay dito sa lupa. Ang Ama mismo ang mag-aalaga sa iyo dahil mahal ka Niya nang higit pa sa mga ibon at bulaklak. Kaya’t sinasabi sa iyo ni Jesus:

“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha “Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tànga.”

Hinihingi ng Ebanghelyo, sa kabuuan nito at sa bawat salitang taglay nito, ang buo mong sarili at lahat ng iyong ari-arian.

Bago dumating si Kristo dito sa mundo, hinding-hindi humingi ng sukdulan ang Diyos. Sa Lumang Tipan, ang mga kayamanan sa lupa ay kinikilala bilang isang mabuting bagay, isang biyaya mula sa Diyos. Kailangang magbigay ng limos sa nangangailangan, isa itong paraan upang makamit ang pagpapala ng Diyos na Makapangyarihan.

Paglipas ng panahon, naging pangkaraniwan para sa mga Judyo ang kaisipan ng isang gantimpala sa kabilang buhay. May isang hari, na binigyan ng matinding babala dahil nilustay niya ang lahat niyang ari-arian, ang nagsabi, “Nag-ipon ang aking mga ninuno ng kayamanan para sa buhay dito sa lupa, ngunit ako ay nag-ipon ng kayamanan para sa susunod na buhay.”

Kakaiba ang mga salita ni Jesus dahil humihingi Siya ng ganap na handog. Hinihingi Niya sa iyo ang lahat. Ayaw ni Jesus na pagtuunan lang natin ng pansin ang mga bagay dito sa mundo. Nais Niya na sa Kanya lang tayo umasa.

Alam Niya na ang mga kayamanan dito sa lupa ay malaking hadlang dahil maaaring ito ang sumakop sa puso natin. Nais ni Jesus na sa Kanya lamang mapabilang ang puso natin. Kaya inuulit Niya sa atin:

“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha “Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tànga.”

Kung hindi natin maaalis ang ating mga ari-arian dahil sa ating pamilya o ibang pananagutan, o kaya’y hinihiling ng ating katungkulan sa lipunan ang isang uri ng pamumuhay, iminumungkahi dito na kahit sa paraang espiritwal ay kumalas tayo sa mga bagay na ito. Tayo ay mga tagapamahala lamang ng kayamanang ito.

Sa ganitong paraan, kahit may kayamanan ay maaari pa rin tayong magmahal ng kapwa. Sa pamamahala nito, magtitipon tayo ng kayamanan na hindi maaaring sirain ng tànga o kunin ng magnanakaw.

Paano tayo makatitiyak kung ano ang ating kikipkipin at ano ang ating ipapamigay? Makinig tayo sa tinig ng Diyos sa ating puso. At kung hindi ka makapagpasya, humingi ka ng payo sa iba.

Matutuklasan mo na marami kang sobra sa iyong mga ari-arian Matutuklasan mo na marami kang sobra sa iyong mga ari-arian. Huwag mo itong itago. Magbigay. Magbigay sa mga wala. Isabuhay mo ang mga salita ni Jesus, “Ipagbili… at magbigay.” Kung ganito ang gagawin mo, pupunuin mo ang lukbutan ng mga bagay na hindi lilipas.

Dahil ikaw ay nasa mundo, makatwiran lang na isipin mo ang pera at materyal na bagay. Ngunit ayaw ng Diyos na mabahala ka tungkol dito. Isipin mo lamang kung paano magkakaroon ng sapat na halaga upang mamuhay ayon sa iyong pangangailangan. At sa sobra:

“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha “Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tànga.”

Tunay na dukha si Papa Pablo VI Tunay na dukha si Papa Pablo VI. Isang patunay ay ng ninais niyang ilibing sa isang simpleng kabaong sa lupa. Bago namatay ay sinabi niya sa kanyang kapatid, “Matagal nang handa ang aking maleta para sa mahalagang paglalakbay na ito.” Ito rin ang dapat nating gawin, ihanda natin ang ating maleta.

Noong panahon ni Jesus, tinatawag itong lukbutan, ibig sabihin ay maliit na bag.. Ihanda mo ito araw-araw. Punuin mo ito ng mga bagay na mahalaga para sa kapwa. Tunay na pag-aari mo ang mga bagay na ibinibigay mo. Isipin mo kung gaano kalaki ang gutom dito sa mundo, malaking paghihirap, maraming pangangailangan

Ilagay mo rin sa iyong maleta ang bawat pag-ibig at kabutihan na ginagawa mo sa kapwa. Gawin mo ang lahat para sa Diyos, at sabihin mo sa iyong puso, “Ito ay para sa Iyo.” Ganap mong tupdin ang bawat gawain, dahil nakatakda ito sa langit. Mananatili ito sa buhay na walang hanggan.

Sinulat ni Chiara Lubich “Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo’y walang makalalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tànga.” (Lc 12:33) Sinulat ni Chiara Lubich