PUNDASYON NG PAGKABUO NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN Ang pundasyon ng pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan ay ang mga Asyanong kaisipan na uminog sa relihiyon at pamumuno. Ayon sa mga Tsino, ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at ang namumuno ay Anak ng Langit (Son of Heaven) at may basbas ng langit (Mandate of Heaven). * Sinocentrism – pananaw ng mga Tsino na sila ang superiyor sa lahat
Para sa mga Hapones, sagrado ang kanilang emperador na nagsimula kay Amaterasu. Banal ang pinagmulan ng emperador ng Korea mula kay Prinsipe Hwaning. Sa Pilipinas at ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang mga namumuno ay kinilala batay sa katapangan, kagalingan at katalinuhan (men of prowess). Sa India, ang mga hari ay kinilala bilang devaraja (Haring Diyos) at hari at cakravartin bilang hari ng daigdig. Sa mga Muslim, ang kanilang pinuno na tinawag na caliph ay utos at basbas ni Allah.
www.youtube.com/watch?v=oSZg5DTW7l-lw The Epic of Gilgamesh-An Animation
IMPERYO : SUMERIAN CUNEIFORM – Unang nabuong sistema ng panulat. Isa itong uri ng pictograph na naglalarawan ng mga bagay na ginagamitan ng may 600 pananda sa pagbuo ng mga salita o ideya. GULONG – sa pagkakatuklas nito, nagawa nila ang unang karwahe. Mga Sumerian din ang unang gumamit ng timbang at haba. Unang nagtatag ng organisadong puwersa sa pagtatayo ng mga dike.
PAGBAGSAK : SUMERIAN Pangunahing dahilan ng paghina ng mga Sumerian ay ang madalas na labanan at kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod estado nito. Madalas na pinagtatalunan ang patubig at hangganan ng mga lupain.
IMPERYO : AKKADIAN Sargon I – isang mananalakay buhat sa Akkad ay nagtatag ng syudad estado para magkaisa ang mga mamamayan. Pinalawak niya ang teritoryo ng Akkad bilang pinuno sa pamamagitan ng pagsakop sa mga digmaan. Pinaunlad niya ang sistema ng pagsusulat. Maraming literatura ang nasalin at umusbong.
PAGBAGSAK : AKKADIAN Naging mahina ang kanilang sistema ng pagtatanggol sa kanilang teritoryo kaya madali silang nasalakay ng mga mananakop. Kasunod nito ang kawalan ng tiwala sa mga namumuno kaya ninais ng ilang mamamayan na lumikas sa lugar.
IMPERYO : BABYLONIAN Hammurabi– ika-anim na Haring Amorite. Pinalawak niya ang kanyang kaharian na umabot sa Gulpo ng Persia. Ang kalipunan ng mga Batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan. Ang Kodigo ni Hammurabi ay binubuo ng ng 282 na batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian. Sakop ng kodigong ito
IMPERYO : BABYLONIAN ang mga itinuturing na paglabag sa karapatan ng mga mamamayan at mga ari-arian nito. PAGBAGSAK: Simula ng pumanaw si Hammurabi naganap ang pag-atake ng iba’t ibang grupo at nagsimula na silang magtatag ng mga pamayanan ang mga Hittite sa Babylonia.
IMPERYO : ASSYRIAN Gamit ang dahas at bakal ang pwersa at estratehiya ng mga Assyrian. Ilan sa mga nagawa nila ang mga ss: nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo, epektibong serbisyo postal, at maayos at magandang kalsada.
PAGBAGSAK: ASSYRIAN Dahil sa kalupitan na pamumuno, nagkaisa ang mga Chaldean, Medes, at Persian noong 612 BCE upang pagtulungang itaboy ang mga Assyrian. Ang paglusob ni Alexander the Great pagkalipas ng 300 taon at halos walang iniwang karangyaan ng Assyria.
IMPERYO : CHALDEAN Ang Hanging Gardens of Babylon ang isa sa pinakanakakamanghang tanawin sa sinaunang panahon umabot sa 75 na talampakan ang taas, pinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa na si Amytis. Nalinang ang konsepto ng zodiac at horoscope. Nagpagawa ng ziggurat na umabot sa halos 300 talampakan na pinangalanang etemenanki, itinuturing na ito ang tore ni Babel sa bibliya.
IMPERYO : LYDIAN Barter – ang sistema ng kalakalan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga produkto. Naging madali ang pakikipagkalakalan nang natuto ang mga tao sa paggamit ng barya.
IMPERYO : PHOENICIAN Sa kanila nagsimula ang konsepto ng kolonya, naging istasyon o bagsakan ito ng kalakal hindi kolonyang pulitikal. Mahalagang kontribusyon ay ang alpabeto, paggawa ng mga naglalakihang sasakyang pandagat na tinatawag na barko sa kasalukuyan.
PAGBAGSAK : PHOENICIAN Hindi napagtuunan ang pagpapatatag ng pamahalaan at sandatahang lakas. Sila ang tinaguriang “tagapagdala ng kabihasnan” dahil hindi lamang ang produkto ang kanilang naibahagi kundi ang pamumuhay din ng mga tao sa kanilang mga lugar na napuntahan.
IMPERYO : HEBREO Ang bibliya na naging pundasyon ng pananampalatayang Judaism at Kristiyanismo, pinakamahalagang pamana. Pinagbabawal sa pagsamba at pag-aalay ng mga sakrispisyo sa mga diyos-diyosan na naging batayan ng maraming batas sa kasalukuyan. Ang pagsamba sa nag-iisang diyos o monotheism ay isa rin sa pinakamahalagang ambag.
PAGBAGSAK: HEBREO Ang mataas na pagpataw ng buwis ni Haring Rehoboam na naging dahilan ng pagrerebelde ng mga anak ni Solomon ang dahilan ng pagkawatak-watak ng Hebreo. Ayon sa lumang tipan, ang dahilan ng pagbagsak ng kaharian ay ang pagkakaroon ng ibat’ ibang diyos ng Israel na dala ng maraming asawa ni Haring Solomon.
IMPERYO : HITTITE Pinakamahalaga sa mga imbensyon ng mga Hittite ang pagmimina ng iron core at paggawa ng iba’t ibang kagamitang bakal. Dahil dito naging madali at mabilis sa kanila ang pananakop ng iba’t ibang imperyo.
IMPERYO : PERSIANO Nagpagawa ng isang mahabang kalsada na nagdugtong sa mga lungsod ng Persia mula Susa hanggang Ephesus sa Asia Minor na umabot sa 2,400 km. Gumamit ng pilak at gintong barya sa pakikipagkalakalan. Nagdagdag ng mga satrapy sa imperyo. Bawat lalawigan ay pinamunuan ng satrap na nagsilbi bilang tainga at mata. Nagpatayo ng mga magagarang palasyo at gusali tulad ng Persepolis.
IMPERYO : PERSIANO Nabigyang-diin ang karapatan ng tao maging ang mga lupang sinakop. Ang pagkakaroon ng mga satrap ng Persia ang naglinang sa konsepto ng sentralisadong pamahalaan.
PAGBAGSAK: PERSIANO Simula ng makipagdigmaan sila sa mga dayuhang imperyo ay humina ang kanilang pwersa. Madali silang nasakop ng mga Griyego at napasakamay sila ni Alexander the Great.
Gawain Blg. _ Bigyang - Kahulugan 1. Anong imperyo ang may pinakamahalagang ambag sa sangkatauhan? Bakit? 2. Sa larangan ng pamumuno, pulitika, at pamahalaan, aling imperyo ang higit na nangibabaw ang kontribusyon? Ipaliwanag. 3. Ano ang karaniwang dahilan ng pagbagsak at paghina ng mga imperyo?
Gawain Blg. _ Bigyang - Kahulugan 4. Ano ang pinakamatatag na imperyo at paano nila ito ipinagtanggol sa mga mananakop?