ANG IKATLONG PAGLALAKBAY MISYONERO Liksyon 10 para sa ika-8 ng Setyembre, 2018
Macedonia, Archaia at Troas. Gawa 20:1-12 Maraming hinarap na problema si Pablo sa ikatlo niyang paglalakbay. Ganunpaman, ang pera, pagkukulam, paganism, at politika ay hindi makakahadlang sa Pabalita kung ang mensahero ay handang ibigay ang kanyang buhay “dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus. ” (Gawa 21:13) Galacia and Frigia. Gawa 18:23-28 Apolo Efeso. Gawa 19 Mga alagad ni Juan Mga himala Diana ng mga taga Efeso Macedonia, Archaia at Troas. Gawa 20:1-12 Eutico Mula sa Ason papuntang Mileto. Gawa 20:13-38 Meeting the elders Mula Kos tungo sa Tiro at Cesarea. Gawa 21:1-14 The warning of the Holy Spirit
APOLOS “Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Apolos, na isang Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya'y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.” (Gawa 18:24) Ang unang 1,500 na milya ng paglalakbay misyonero ni Pablo ay nabubuo ng isang pangungusap. Pumunta siya sa mga rehiyon ng Galacia at Frigia patungong Efeso, at pinapalakas ang lahat ng iglesia. Si Apolos ay isang mahusay na mangangaral sa Efeso bago dumating si Pablo. Siya ay alagad ni Juan Bautista at kanyang ipinangaral na si Hesus ang Mesias. Tinuruan siya nina Priscilla at Aquila ng marami pa tungkol sa Ebanghelyo. Siya ay binigyan nila ng sulat na recomendasyon para makapaglingkod sa Corinto. Hwag maghintay na malaman mo ang lahat tungkol kay Hesus bago ipangaral Siya. Sabihin kung ano na ang nalalaman mo.
MGA ALAGAD NI JUAN “At sa kanila'y sinabi niya, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y magsisampalataya? At sinabi nila sa kaniya, ‘Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo.’” (Gawa 19:2) Sa Efeso, nakilala ni Pablo ang 12 na mga alagad ni Juan Bautista. Inalaral sila ni Pablo tungkol kay Hesus, gusto nilang magpabautismo sa Kanyang pangalan. At kanilang tinanggap ang Banal na Espiritu, nagsalita ng ibat-ibang wika at nanghula. Hindi sila kasing galling ni Apolos, ngunit nagsasalita din sila tungkol kay Hesus. Naging mas magaling sila sa pangangaral matapos na matuto ng higit pa tungkol sa Ebanghelyo. Sa ibang banda, inayawan ng mga Hudio ang mensahe ni Pablo. Tinuruan ni Pablo ang mga Hentil sa paaralan ni Tiranno.
MGA HIMALA “At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo.” (Gawa 19:11) Gumaling ba ang mga tao dahil nahawakan nila ang damit ni Pablo? Mukha itong pamahiin, hindi ba? Ito ay tunay na nangyari, at napalayas din ang mga demonyo sa ganung paraan. Gumamit ang Dios ng mga paraan na mauunawaan nila dahil hindi nila lubos na alam ang katotohanan. Sinunog nila ang kanilang mga aklat ng pangkukulam na maluwag sa loob. Ibig sabihin noon iwinaksi na nila ang mga pamahiin at tinangkilik ang katotohanan. Ang pagiging tanyag ng pagpapagaling ni Pablo ay kumalat. Ilang mga Hudiong taga-alis ng demonyo ay nagpalayas ng demonyo “sa pamamagitan ni Hesus na ipinangangaral ni Pablo”. Ngunit, hindi pinahintulutan ng Dios na mangyari ang himala.
DIANA NG MGA TAGA-EFESO “At nang marinig nila ito'y nangapuno sila ng galit, at nangagsigawan, na nagsipagsabi, ‘Dakila ang Diana ng mga taga Efeso.’” (Gawa 19:28) Tumanggap si Pablo ng handog mula sa mga iglesia sa Macedonia at Acaya para sa iglesia sa Jerusalem. Siya mismo ang naghatid nito. Ipinapakita ng handog na iyon na may bagong iglesia ng ibat-ibang cultura na sumusuporta sa mga mananampalatayang Hudio. Bago umalis sa Efeso si Pablo, gumawa ng matinding gulo si Demetrio upang patahimikin siya. Gumamit ng relihiyon si Demetrio bilang dahilan upang matabunan ang hangarin niyang pang-economiya.
“At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.” (Gawa 20:7) EUTICO May ilang mga kapatiran mula sa ibat-ibang iglesia ang sumama kay Pablo sa paghatid ng handog sa Jerusalem. Nanatili sila ng pitong araw sa Troas. Nagsantacena sila kasama ng iglesia isang araw bago sila umalis. Nakatulog si Eutico, nahulog mula sa bintana at namatay. Sa biyaya ng Dios ay binuhay siya ni Pablo. Ang pagtitipon ay natapos ng madaling araw. Nagpaalam si Pablo at nagpatuloy ng paglalakbay sa lupa. Ang mga kasamahan niya ay sumakay ng bangka patungong Ason.
“At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.” (Gawa 20:7) Sabi ng ilang tao ay nagturo si Pablo sa mga Hentil na magtipon kung Linggo, dahil binanggit ni Lucas na sila ay nagtipon sa unang araw ng isang lingo. Gayunpaman, iyon ay natatanging pagtitipon dahil paalis na si Pablo sa susunod na araw matapos na manatili sa Troas ng pitong araw. Ilang panahon noon, tinanggihan ng mga Hudio ang mensahe at hiniling ng mga Hentil na sila ay aralan (Gawa 13:42-48) Sa okasyon na iyon, hindi sila nagtipon ng Linggo kundi Sabado. Kung gusto ni Pablo na magtipon ang mga Kristiano kung Linggo, sana sa Linggo din sila nagtipon noon.
PAKIKIPAGTAGPO SA MGA MATANDA SA IGLESIA “At mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso, at ipinatawag ang mga matanda sa iglesia.” (Gawa 20:17) Nag-alala si Pablo sa kung ano ang mangyayari sa Jerusalem, kaya hinangad niyang makausap ang mga matanda sa iglesia sa Efeso. Natakot siyang hindi na niya sila makikita ulit. Pinaalala niya sa kanila kung paano siya nabuhay na kasama nila. Sinigurado niya na hindi siya takot maghirap dahil sa Ebanghelyo. Kanyang hinimok sila na alagaan ang kawan na inihabilin sa kanila. Kanyang binalaan sila tungkol sa mga bulaang guro na lalabas kagaya ng lobo na kasama nila. Ito ay nakakantig na talumpati ng pagpapaalam: “At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangagsiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila.” (Gawa 20:37)
ANG BABALA NG BANAL NA ESPIRITU “Nang magkagayo'y sumagot si Pablo, Anong ginagawa ninyo, na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso? sapagka't ako'y nahahanda na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus.’” (Gawa 21:13) Gumamit ng ilang kapatiran sa Tiro ang Banal na Espiritu upang bigyan ng babala si Pablo tungkol sa paghihirap na haharapin niya sa Jerusalem. Nanatili sila sa bahay ni Felipe sa Cesarea at tumanggap sila ng mensahe ng propesiya mula kay Agabo. Tinali ni Agabo ang kanyang mga paa at kamay ng situron ni Pablo. Pinaliwanang niya na ganun din ang mangyayari sa may-ari ng sinturon at ibibigay siya sa mga Hentil. Sinubukang pigilan si Pablo ng mga kasamahan niya na pumunta sa Jerusalem. Ngunit mas mahalaga kay Pablo ang Ebanghelyo at ang pagkakaisa ng iglesia kaysa sa sariling kaligtasan at pansariling interes.
“Ang puso ni Pablo ay napuno ng malalim, nananatiling diwa ng reponsibilidad; at siya ay gumawang malapit sa Kanya na bukal ng hustisya, awa, at katotohanan. Kumapit siya sa krus ni Kristo bilang kanyang tanging garantiya ng pagtatagumpay. Ang pag-ibig sa Tagapagligtas ang naging layuning hindi nawawala na nagpapatibay sa kanya sa kanyang pakikipagpunyagi sa sarili at laban sa kasamaan, bilang naglilingkod kay Kristo ay nagpatuloy siya laban sa masamang sanlibutan at pagsalungat ng kanyang mga kalaban.” E.G.W. (Gospel Workers, p. 61)