Liksyon 3 para sa ika-20 ng Hulyo, 2019 SABADO: ISANG ARAW NG KALAYAAN
Isa sa mga Utos ng "kautusan ng kalayaan" (Santiago 2:12) ay ipangilin ang Sabado. Ang Sabado ay nagpapalaya sa atin mula sa trabaho, kalungkutan, stress … hinahayaan tayo nitong magkaroon ng malayang relasyon sa ating Manlilikha at Tagapagpalaya. Nagtuturo din ito sa atin na magtiwala sa Dios, na maging patas at alagaan ang maysakit at nangangailangan. Paano natin ipapangilin ang Sabado? Bakit natin dapat ipangilin ang Sabado? Sino dapat ang mangingilin ng Sabado? Ano ang matuwid na gawin sa Sabado? Nangingilin ba ng Sabado ang lupa?
PAANO NATIN IPAPANGILIN ANG SABADO? “At mangyayari sa ikaanim na araw, na sila'y maghahanda ng kanilang dala, na ibayo ng kanilang pinupulot sa araw-araw.” (Exodo 16:5) Hindi nangilin ng Sabado ang mga Israelita nang sila’y namuhay bilang alipin sa Ehipto. Nais ng Dios na paalalahanan sila sa praktikal na paraan tungkol sa Sabado (Exodo 16): Nagpadala Siya ng "tinapay mula sa langit" (v. 4). Hinimok Niya sila na magtiwala sa Kanya sa pamamagitan ng pagtitipon ng kakailanganin lamang sa isang araw (v. 4). Gumawa Siya ng himala bawat isang linggo upang turuan silang mangilin ng ikapitong araw. Hindi nila kailangang magtrabaho para sa kanilang mga pangangailangan sa Sabado (v. 6, 23). Ang mana na tinatago ng suwail ay sinisira ng mga uod. Ang dalawang bahagi ng mana na hindi inuod ay nagturo sa kanila na ikasiya ang Sabado kasama ng Dios.
BAKIT NATIN DAPAT IPANGILIN ANG SABADO? “Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.” (Isaias 54:5) Hinihimok tayo ng Exodo 20:8-11 na alalahanin ang malikhaing kapangyarihan ng Dios, at magpahinga ng Sabado gaya ng ginawa Niya (Genesis 2:2) Hinihimok tayo ng Deuteronomio 5:15-15 na alalahanin ang nanunubos na kapangyarihan ng Dios.. Iniligtas niya ang Israel at inililigtas din Niya tayo mula sa kasalanan Ang Sabado ay panahon kung saan mapapahinto natin ang mga kabalisahan ng ating buhay, at magsama-sama upang lumago sa espiritwal kasama ng ating Manlilikha at Tagapagligtas. Itinatag ng Dios ang Sabado bilang natatanging tanda ng mga nais sumamba sa Kanya sa kung paano Niya gustong sambahin (Ezekiel 20:12).
SINO DAPAT ANG MANGINGILIN NG SABADO? “Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; upang ang iyong aliping lalake at babae ay makapagpahingang gaya mo.” (Deuteronomio 5:14) Kabilang ang lahat sa pakinabang ng pahinga sa Sabado. Anuman ang edad, kasarian o estado sa buhay. Kahit hayop ay dapat magpahinga sa Sabado. Dapat nating anyayahan ang mga nakikituloy sa ating bahay na ikasaya din ang Sabado. Ang pangingilin ng Sabado ay tumatanggal ng bawat hadlang sa sosyal, at nagiging pantay ang lahat. Ito ay paalala ng Pagliligtas (Galacia 3:28). Hinihikayat tayo ng Sabado na tumigil sa pag-iisip ng ating sarili at magsimulang mag-alala sa iba, lalo na sa mga nangangailangan.
ANO ANG MATUWID NA GAWIN SA SABADO? “At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?’” (Lucas 6:9) Ang taong natuyo ang kamay (Mt. 12:9) Ang taong inalihan ng demonyo (Mr. 1:21-28) Ang sagot sa tanong ni Jesus ay halata: “Matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.” (Mateo 12:12). Pinasobrahan ng mga estriktong batas ng mga Fariseo ang Sabado upang hindi sila makapanggamot sa araw ng Sabado (Lucas 13:14). Malinaw ang halimbawa ni Jesus; ang pagtulong sa napighati at pabibigay ng awa at tulong sa araw ng Sabado ay matuwid. May pitong halimbawa ng panggagamot sa araw ng Sabado sa mga aklat ng Ebanghelyo. Ang biyenan ni Pedro (Lk. 4:38-39) Ang lumpong babae (Lk. 13:10-17) Ang lalaking minamanas (Lk. 14:1-6) Ang lalaking lumpo sa Betesda (Jn. 5:1-18) Ang lalaking ipinanganak na bulag (Jn. 9)
E.G.W. (The Story of Jesus, cp. 11, p. 74) “Kailangang tugunan ang mga pangangailangan ng buhay, maalagaan ang may sakit, Matustusan ang nais ng mga nangangailangan. Ayaw ng Dios na maghirap ang Kanyang mga nilalang ng isang oras na maaari namang mapalitan sa araw ng Sabado o ibang araw. Hindi natatapos ang gawain ng langit, at hindi rin tayo dapat tumigil sa paggawa ng mabuti. Ngunit ipinagbabawal ng batas na gumawa tayo ng pansariling mga gawain sa araw ng Sabado. Dapat matigil ang gawain ng hanapbuhay; walang trabaho para sa makamundong kasiyahan o kita ang matuwid sa araw na iyan. Ngunit ang Sabado ay hindi dapat magugol sa walang kwentang gawain…inaatasan tayo [ng Dios] na isantabi ang ating pang araw-araw na trabaho, at italaga ang mga banal na oras sa pampalusog na pahinga, magsamba, at gumagawa ng mga banal na gawain.” E.G.W. (The Story of Jesus, cp. 11, p. 74)
NANGINGILIN BA NG SABADO ANG LUPA “Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain na ibibigay ko sa inyo, ay mangingilin ng isang sabbath sa Panginoon ang lupain.’” (Levitico 25:2) Ang lupa ay pinababayaan, hindi tinataniman o inaanihan, bawat ika-pitong taon—ang Sabbatical year, at bawat ika-limampung taon—Jubilee. (Levitico 25) Kailangang magtiwala ang bayan ng Israel sa Dios na pagpapalain din sila sa loob ng anim na taon gaya ng ginawa niya sa mana (v. 21). Sa panahon ng Sabado ng lupain, tinawagan sila na magbahagi sa mga nangangailangan. Hindi nila maaaring anihin ang mga produkto ng lupa. Ang Sabado ay humihimok sa atin na itigil ang sobrang pag- iisip sa sarili, at “hanapin muna… ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran.” (Mateo 6:33)
E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 2, cp. 71, p. 582) “Maawain ang Dios. Makatuwiran ang Kanyang mga kahilingan, sang-ayon sa Kanyang kabutihan at kabaitan ng Kanyang katangian. Ang hangarin ng Sabado ay makapakinabang ang lahat ng sangkatauhan. Hindi ginawa ang tao upang umangkop sa Sabado; sapagkat ginawa ang Sabado matapos likhain ang tao, upang matugunan ang pangangailangan niya. Matapos na ginawa ng Dios ang sanlibutan sa anim na araw, Nagpahinga Siya, pinabanal at pinagpala ang araw kung saan nagpahinga Siya sa mga gawa Niyang paglikha. Itinangi Niya itong espesyal na araw upang makapahinga ang tao sa kanyang trabaho, na habang siya ay tumitingin sa lupa at sa langit, mapagbubulaybulayan niyang ginawa ng Dios ang lahat ng ito sa anim na araw at nagpahinga sa ikapito; at iyon, habang nakikita niya ang mga patunay ng walanghanggang karunungan ng Dios, ay magpupuno sa kanyang puso ng pag-ibig at paggalang sa kanyang Manlalalang.”