Kataga ng Buhay Setyembre 2009.

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Ebanghelismong Pang-araw-araw: “Papaano Makinig at Mag-salita Upang Ikaw ay Mapakinggan" Ni Dr David Geisler
Advertisements

Adult Bible Study Guide Apr • May • Jun 2017
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang
Liksyon 8 para sa Nobyembre 25, 2017
KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016
Kahalagahan ng iyong buhay (Spoken Poetry)
Limang panahon sa India
Ash Wednesday Mass February 25, 2009.
FILIPINO 2 Research Paper.
Lahat ng Nauukol sa Akin
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Pagbabago sa Relihiyon
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2017
Pamilihan at pamahalaan
TAGAYTAY CITY.
S.
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Kataga ng Buhay Hunyo 2009.
Kataga ng Buhay Oktubre 2008.
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
Kahulugan Uri Istruktura Pamahalaan Kahulugan Uri Istruktura.
ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO
Kataga ng buhay Marso 2012.
“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA”
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
YEAR 2010: GRACE UPON GRACE JANUARY 2010 SI HESUS ANG ATING BUHAY
FILIPINO Paggamit sa Pagsasalaysay ang mga Pangungusap na nasa Karaniwan at di-karaniwang ayos.
Kataga ng Buhay Disyembre 2008.
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Barangay at Pulisya laban sa Ilegal na Droga
Kataga ng Buhay Abril 2008 Ciao Chiara.
Kataga ng Buhay Disyembre 2009.
ANG PINAGMULAN NG WIKA GENESIS 11:1 Sa simula 'y iisa at magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig.
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
Kataga ng Buhay Enero 2010.
sinulat ni Chiara Lubich
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 2
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 3
BUWAN NG WUIKA.
Kataga ng Buhay Pebrero 2009.
Lipunang Pang-ekonomiya
Module 9 pastoral leadership
Kataga ng Buhay Marso 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 5
1. Ano ang situwasiyon na maaaring maganap kasunod ng pagtatapon ng isang pasahero ng basura? Bakit ito ang iyong naisip?
He was born in an obscure village, The child of a peasant woman
PARISH FORMATION MODULES
Kataga ng Buhay Mayo 2011.
Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)
TIMELINE NG BUHAY KO.
Welcome Aming Huwarang Gawain TUNGO SA BAYANG MAGILIW - 13
Tagapagpadaloy ng Pagbabago – 8
Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2018
Kataga ng Buhay Abril 2011.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019
Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 4
Aralin 5: Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Totoo ba na may dahilan sa likod ng lahat ng nangyayari?
ANG PASKO AY SUMAPIT 1. Ang pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
The Believer’s Suffering
Kataga ng Buhay Agosto 2019 “Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.” (Lc 12,34).
Presentation transcript:

Kataga ng Buhay Setyembre 2009

“Hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kanyang katuwiran, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo.” (Mt 6,33)

Isang rebolusyon ang buong Ebanghelyo: ang mga salita ni Kristo ay hindi tulad ng salita ng kahit na sinong tao.

Pakinggan mo: “Hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kanyang katuwiran, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo (sa buhay).”

Ang pangunahing inaalala ng mga tao ay kung paano higit na bibigyan ng katiyakan ang kanilang buhay. Maaaring ito rin ang nararamdaman natin.

Kung ganoon, ipinapakita sa atin ngayon ni Jesus ang Kanyang pananaw sa mga bagay-bagay at sinasabi Niya ang dapat nating gawin. Hinihiling Niya sa atin ang isang pagkilos na ganap na kaiba sa inaasahan ng lipunan, na dapat nating tupdin lagi at hindi lang minsan. Ito ay:”hanapin muna ang paghahari ng Diyos.”

Kung itutuon natin ang ating buong katauhan sa Diyos at gagawin ang lahat upang maghari Siya sa atin at sa iba (ibig sabihin ay maghari sa ating buhay at tupdin ang batas ng Diyos), ibibigay ng Ama ang anumang pangangailangan natin sa bawat araw.

Sa kabilang dako, kung nag-aalala tayo tungkol sa ating sarili, mangyayari na iisipin lang natin ang mga bagay ng mundong ito at magiging biktima tayo nito. Sa katapusan ay pagkakaabalahan natin ang mga bagay ng mundo at ito ang magiging mithiin ng lahat nating pagsisikap. Dito sisibol ang malaking tukso na umasa lamang sa sarili nating lakas at hindi sa Diyos.

“Hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kanyang katuwiran, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo.”

Ganap na binabago ni Jesus ang ating pananaw Ganap na binabago ni Jesus ang ating pananaw. Kung una nating bibigyang-pansin ay Siya mismo, o ang mabuhay para sa Kanya, “ang lahat ng mga bagay” ay hindi na natin pagkakaabalahan. Bagkus, ito ay magiging “dagdag” na lamang o “sobra” pa.

Ito ba’y isang pangarap Ito ba’y isang pangarap? Mahirap bang maganap ang mga salitang ito habang nabubuhay tayo sa mundong puno ng paligsahan at malimit ay may krisis sa ekonomiya?

Tandaan natin na noong binanggit ni Jesus ang mga salitang ito, hindi naman mas maliit ang mga suliranin ng mga taga-Galilea kaysa atin.

Hindi pinag-uusapan dito ang pangarap o isang mas maliit na bagay Hindi pinag-uusapan dito ang pangarap o isang mas maliit na bagay. Ipinapakita sa atin ni Jesus ang isang pangunahing panuntunan – ang mabuhay para sa sarili o mabuhay para sa Diyos.

Unawain nating mabuti ang mga salitang ito: “Hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kanyang katuwiran, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo.”

Hindi nais sabihin ni Jesus na huwag tayong kumilos para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Hindi rin Niya nais na wala tayong pananagutan o pagpapahalaga sa trabaho. Bagkus, nais ni Jesus na tingnan nating muli ang mga dapat unahin sa buhay. Sa ganoong paraan, aalisin natin ang ating pagkabalisa, takot at pag-aalala.

Sinabi nga Niya, “Hanapin muna ang paghahari ng Diyos” Sinabi nga Niya, “Hanapin muna ang paghahari ng Diyos”. “Muna, una”, ibig sabihin ay “higit sa lahat”. Dapat mauna ang ating paghahanap sa paghahari ng Diyos. Hindi nito pinipigilan ang Kristiyano na magpahalaga sa mga pangangailangan sa buhay.

“Hanapin muna ang paghahari ng Diyos at ang Kanyang katuwiran”, ibig sabihin ay mabuhay ayon sa kalooban ng Diyos tulad ng ipinahayag ni Jesus sa Kanyang Ebanghelyo. Kung tunay na hinahanap ng mga Kristiyano ang kaharian ng Diyos, mararanasan nila ang kakaibang kapangyarihan ng Ama na kumikilos para sa kanilang kabutihan.

Isasalaysay ko sa inyo ang isang pangyayari na matagal nang nakalipas, ngunit laging napapanahon. Sa katunayan, marami akong kakilalang kabataan na nagsasabuhay ngayon tulad ng babaeng ito.

Ang pangalan niya ay Elvira at nag-aaral sa unibersidad para maging guro. Mahirap siya, at maaari lamang makapagpatuloy ng pag-aaral kung mananatiling mataas ang kanyang mga marka. Malakas ang kanyang pananampalataya .

Ngunit may isa siyang propesor sa pilosopiya na hindi naniniwala sa Diyos at ipinapahayag ang pananampalataya sa isang magulo at maling paraan. Sa ganoong pagkakataon ay naghihimagsik ang damdamin ni Elvira, hindi dahil siya ay maramdamin, ngunit dahil sa pag-ibig niya sa Diyos, para sa katotohanan at para sa kanyang kaklase. Alam niya na kung lalabanan niya ang kanyang propesor ay maaaring ikagalit nito at bumagsak siya sa araling iyon.

Sa kabila nito, patuloy niyang itinataas ang kanyang kamay at nagsasalita, “Propesor, hindi po iyon totoo.” Kung minsan ay hindi rin niya alam kung paano ito ipapaliwanag. Ngunit ang kanyang mga salitang, “hindi iyon totoo!” ay nagtataglay ng kanyang buong pananampalataya, at ito ay biyaya ng katotohanan. Ang mga nakakarinig sa kanya ay nagsimulang magnilay at magtanong tungkol sa sinasabi ng propesor.

Kakampi niya ang kanyang mga kaklase at sinikap nilang pigilan siya na lumaban sa kanyang propesor dahil natatakot silang bumagsak siya at hindi na makapagpatuloy mag-aral. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Matapos ang ilang buwan, ibinigay ang mga marka at kinuha ni Elvira ang sa kanya. Takot na takot siya, ngunit nang tingnan niya ang kanyang marka ay napalukso siya sa tuwa. Nakakuha siya ng “A” sa pilosopiya, ang pinakamataas na marka! Una sa lahat, hinanap niya ang paghahari ng Diyos at ng Kanyang katotohanan, at ipinagkaloob sa kanya ang lahat ng iba pang bagay.

Totoo nga, kung hahanapin natin ang kaharian ng Ama, mararanasan natin na ang Diyos ay mapagkalinga at tumutugon sa lahat ng ating pangangailangan. Matutuklasan natin na pangkaraniwan lamang ang mga di-pangkaraniwang paraan ng Ebanghelyo.

Sinulat ni Chiara Lubich “Hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kanyang katuwiran, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo.” Sinulat ni Chiara Lubich