Kataga ng Buhay Agosto 2019 “Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.” (Lc 12,34).

Slides:



Advertisements
Similar presentations
YOUCAT 101.
Advertisements

Road Safety for Children
Balanced thought and spirit in SERVICE Page 1 The official Publication of the SERVI DEI Marriage Encounter Community January – March 2011 Reflections…
Pagkamamamayang Pilipino
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
Panahon ng Komonwelt.
1. Sino ang pinag-uusapan. sa. talata. 2. Ano ang mga. magagandang
KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016
Ang Pagtatanggol sa Kalayaan at Hangganan ng Teritoryo ng Bansa
Limang panahon sa India
FILIPINO 2 Research Paper.
Lahat ng Nauukol sa Akin
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
KARAPATANG PANTAO.
TAGAYTAY CITY.
S.
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Kataga ng Buhay Hunyo 2009.
Kataga ng Buhay Oktubre 2008.
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
Kahulugan Uri Istruktura Pamahalaan Kahulugan Uri Istruktura.
ANG SIMBAHAN BILANG KATAWAN NI KRISTO
PEACE TALKS 101 Introduksyon sa Usapang Pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP Inihanda ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)
Filipino BAHAGI NG AKLAT.
Kataga ng buhay Marso 2012.
“UPANG SILANG LAHAT AY MAGING ISA”
BUWAN NG NUTRISYON.
Alam mo bang may KARAPATAN din ang mga BATA?
YEAR 2010: GRACE UPON GRACE JANUARY 2010 SI HESUS ANG ATING BUHAY
Kataga ng Buhay Disyembre
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Barangay at Pulisya laban sa Ilegal na Droga
Pandarayuhan.
Kataga ng Buhay Abril 2008 Ciao Chiara.
Kataga ng Buhay Disyembre 2009.
ANG PINAGMULAN NG WIKA GENESIS 11:1 Sa simula 'y iisa at magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig.
NAPAPANAHONG MGA ISYU EKSISTENSYALISMO.
Kataga ng Buhay Enero 2010.
sinulat ni Chiara Lubich
TUWAANG.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 3
BUWAN NG WUIKA.
Kataga ng Buhay Pebrero 2009.
Lipunang Pang-ekonomiya
Module 9 pastoral leadership
na makapagpasaya na makatulong na maglingkod mula sa isang karanasan
Kataga ng Buhay Marso 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 5
Kahulugan At Kahalagahan Ng Pagbasa
He was born in an obscure village, The child of a peasant woman
PARISH FORMATION MODULES
Kataga ng Buhay Mayo 2011.
Adult Bible Study Guide Oct • Nov • Dec 2018
Kataga ng Buhay Abril 2011.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Liksyon 1 para sa ika-6 ng Abril, 2019
Kataga ng Buhay Hunyo 2017 “Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” (Jn 20:21)
Kataga ng Buhay Hulyo 2009.
Tagapagpadaloy ng Pagbabago - 4
TIKBALANG Jhana Salvador 5-D.
( For our eyes only) Ano-ano ang mga ahensiyang nagtatanggol sa teritoryo ng bansa? Ang mga sundalo o militar lang ba ang may pananagutan sa teritoryo.
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
ANG PASKO AY SUMAPIT 1. Ang pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
ORASYON PARA SA SANGNILIKHA
The Believer’s Suffering
EsP5P – Iia – 22 DAY 1.
Kataga ng Buhay Setyembre 2009.
Presentation transcript:

Kataga ng Buhay Agosto 2019 “Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.” (Lc 12,34).

“Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.” (Lc 12,34).

Ang ating “puso” ay kumakatawan sa pinakamalalim, natatago at mahalaga sa ating buhay. Ito ang ating pinakamahalagang “kayamanan” na nagbibigay sa atin ng katiwasayan ngayon at sa hinaharap.

Ang ating “puso” ay kumakatawan din sa ating mga pinahahalagahan, ang ugat ng ating mga pagpili. Ito ang tagong lugar kung saan nakasalalay ang kahulugan ng ating buhay: ano nga ba ang pinakamahalaga para sa atin?

Ano ang ating “kayamanan” na handa nating iwanan ang lahat upang makamit ito?

Sa mga lipunang nahawahan ng konsumerismong kaisipan ng Kanluran, tayo ay nauudyukang kumamkam ng mga materyal na bagay, na isipin lamang ang pansariling pangangailangan at walang pakialam sa pangangailangan ng iba.

Ito ay para lamang sa ikabubuti at ikaaayos ng sarili Ito ay para lamang sa ikabubuti at ikaaayos ng sarili. Subalit ang mga katagang ito ni Hesus ay madiin na ipinahayag ni San Lucas sa kanyang Ebanghelyo upang ituro ito sa lahat ng tao, saan mang lugar at sa lahat ng panahon.

“Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.”

Binigyang-diin sa Ebanghelyo ni San Lucas na kailangan ang isang pagpiling radikal, tiyak at tipikal sa isang alagad ni Hesus. Ang Diyos Ama ang tunay na Yaman na Siyang nararapat na ganap manahan sa puso ng bawat Kristiyano tulad ng halimbawang ipinakita ni Hesus.

Ito rin ang pagkakataong maging tunay na “mayaman” sapagkat anak sila ng Diyos at mga tagapagmana ng kanyang kaharian.

Isa itong pagpapahayag ng kalayaan, pagtalikod sa tuksong magkamit ng mga materyal na bagay at sa halip ay magkaroon ng lakas na pangibabawan ito.

Sa katunayan, ang yamang materyal ay kayang sakupin ang ating “puso” at magdulot ng pagnanasang mag-angkin pang higit, na nauuwi sa pagkaalipin.

Sa halip, ang paglilimos na siyang pangaral sa kataga ng Ebanghelyong ito ay makatarungan sapagkat udyok ito ng habag, nagpapagaan sa “puso” at nagbibigay-daan sa pantay-pantay na kapatiran.

Mararanasan ng bawat Kristiyano at ng buong pamayanan ng mananampalataya ang tunay na kalayaan sa pagbabahaginan ng yamang materyal at ispritwal sa mga nangangailangan nito.

Ganito ang Kristiyanong pamumuhay na nagbibigay-saksi sa tunay na pagtitiwala sa Ama at nagtatayo ng matatag na simulain ng sibilisasyon ng pag-ibig.

“Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.”

Upang mapalaya tayo sa pagkaalipin ng pagkamkam, nagmungkahi si Chiara Lubich: Bakit laging inuulit ni Hesus ang pagtalikod sa mga pag-aari at ginawa pa itong mahalagang kondisyon sa pagsunod sa kanya?

Sapagkat siya ang unang yaman ng ating buhay, ang tunay nating yaman Sapagkat siya ang unang yaman ng ating buhay, ang tunay nating yaman! ... Nais niya tayong maging malaya, walang anumang pag-aalalang magpapabigat sa ating kaluluwa upang tunay natin siyang mamahal nang buong puso, isip at lakas.

Nais niyang talikuran natin ang ating mga pag-aari sapagkat nais niyang maging bukas tayo sa iba. ... Ang pinakapayak na paraan sa ”pagtalikod” ay ang “magbigay”.

Magbigay tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa Kanya Magbigay tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa Kanya. Ipakita natin ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa, handang itaya ang lahat para sa kanila.

Kahit tila wala ito sa ating kamalayan, tayo ay maraming kayamanang maibibigay: pag-ibig sa ating puso, pakikipagkaibigan at kaligayahan.

May panahon tayong maibibigay, panalanging maiaalay, panloob na yamang maibabahagi.

Minsan mayroon din tayong mga gamit: mga aklat, damit, sasakyan, pera Minsan mayroon din tayong mga gamit: mga aklat, damit, sasakyan, pera. Magbigay tayo nang walang masyadong pangangatwiran: “subalit baka pakinabangan ko ang mga ito sa ibang pagkakataon.”

Lahat ay may paggagamitan, subalit kapag nagpadala tayo sa ganitong kaisipan, maraming ‘yaman’ ang dadagdag sa ating puso, at hahantong din ito sa mga bagong pangangailangan.

Hindi tama, kaya’t sikapin nating itabi lamang ang mga kailangan natin Hindi tama, kaya’t sikapin nating itabi lamang ang mga kailangan natin. Huwag nating hayaang mawala si Hesus dahil lamang sa kaunting perang itinabi o mga bagay na hindi natin kailangan.

Sina Marisa at Agostino ay tatlumpu’t-apat na taon nang kasal, nagbahagi sila ng kanilang karanasan: “Matapos ang walong taong pagsasama, ang lahat ay naging maayos para sa amin: ang aming bahay at trabaho ay ayon sa ninanais namin. Subalit inanyayahan kaming lumipat mula Italya patungo sa isang bansa sa Latin America upang tumulong sa isang nagsisimulang pamayanang Kristiyano.

Sa gitna ng iba’t ibang tinig ng alinlangan sa di-tiyak na haharapin at sa mga nag-akala na kami ay wala sa katinuan, narinig namin ang isang tinig na nagbigay sa amin ng malaking kapayapaan. Ito ay si Hesus na nagsasabi, “halikayo, sumunod kayo sa akin.”

At kami’y sumunod. Natagpuan namin ang aming sarili sa isang kapaligirang ibang-iba sa aming kinamulatan. Bagama’t mas kaunti ang aming kayamanang materyal kaysa dati, naramdaman naming higit na maraming bagay ang aming natanggap bilang kapalit, tulad ng mga magagandang ugnayan sa aming mga nakilala.

Naranasan namin ang higit na biyaya at pag-aaruga ng Diyos sa amin Naranasan namin ang higit na biyaya at pag-aaruga ng Diyos sa amin. Isang gabi, may munting salu-salo kaming inihanda at napagkasunduan na bawat pamilya ay magdadala ng isang pagkaing tipikal sa kanila.

Kagagaling lamang namin noon sa Italya at may uwi kaming malaking piraso ng kesong Parmesan. Nagdalawang-isip kami kung magbabahagi kami nito sa ibang pamilya sapagkat maaaring agad itong maubos. Subalit naalala namin ang mga salita ni Hesus, “magbigay ka at ikaw ay bibigyan” (Lk 6:38).

Nagkatinginan kami at nasabi: iniwan natin ang ating bansa, trabaho, kamag-anak at ngayon hindi tayo makawalay sa isang pirasong keso! Kaya’t ginayat namin ang keso at dinala ito.

Makalipas ang dalawang araw ay may kumatok sa aming pintuan na di namin kilala. Isa siyang turista, bisita ng isa naming kakilala at may dalang pasalubong. Nang buksan namin ito ang laman ay isang malaking kesong Parmesan.

Tunay nga ang pangako ni Hesus “hustong takal, siksik, liglig at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.”

Written by Letizia Magri Graphics by Anna Lollo in collaboration with Fr. Placido D’Omina (Sicily, Italy) * * The Comment on the Word of Life is translated every month in 96 langueages and dialects that reaches milions of persons all over the world through the press, radio, TV and the internet. For more information visit: www.focolare.org This PPS, in various languages, is posted at: www.santuariosancalogero.org