PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIYOGRAPIYA

Slides:



Advertisements
Similar presentations
Πως γράφεται η βιβλιογραφία APA Format
Advertisements

Genetic Disease Project. On a new page: Guide questions for the genetics' disorder research 1.What is the name of the disorder and what is the history.
Road Safety for Children
Idol ko si KAP!!! RA 9003 Simpleng-simple Kayang-kaya!
KILUSANG LANGHAP GINHAWA.
Bibliography Citing your sources Adapted from: projects/project_mla_format_examples.shtml?f rom=Parents
Ikaw at ang Diabetes.
Summative HSP3U. Title page Abstract One paragraph that summarizes your whole projects content The movie Mean girls focused on this…. This relates to.
Do people select things based on their favorite color?
Analyzing Primary and Secondary Sources.  ZjQ ZjQ.
Analyzing Primary and Secondary Sources.  ZjQ ZjQ.
Ano ang RABIES ? Ito ay isang sakit na nakamamatay. Ito ay sanhi ng rabies virus. Naaapektuhan nito ang utak at walang lunas. Naisasalin ito sa iba sa.
Expanded Program on Immunization
Conclusion Bibliography Abstract
PANGANGALAP NG MGA DATOS, IMPORMASYON AT SANGGUNIAN
Teorya at Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa
Ang Pilipinas Bilang Bansang Malaya at may Soberanya Mga Sangkap ng Estado Soberanyang Panloob at Panlabas Mahahalagang katangian ng Soberanya Mga.
Mga Bahagi ng Pahayagan
Panahon ng Komonwelt.
Kasanayan sa Pagsulat.
PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA
Click to edit Master title style Ang Sining ng Pakikipanay am.
Breeding Management Program
LAGOM, KONGKLUSYON at REKOMENDASYON
FILIPINO 2 Research Paper.
Paano sumulat ng Liham pangkaibigan?.
Modyul 15. LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND
Pagsulat ng Pinal na Sipi
Expanded Program on Immunization
KARAPATANG PANTAO.
MGA PATNUBAY SA PAGSASAGAWA NG PULONG BAHAY
Modyul 4. Lipunang Sibil Inihanda ni Mary Krystine P. Olido para sa
Mga Elemento ng Isang Maikling Kuwento
Produksyon at Kita ng Pambansang Ekonomiya
MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Mga gamit na pataba(abono) at pagkalkula
Modyul 8. Pakikilahok at Bolunterismo
APA American Psychological Association
PEACE TALKS 101 Introduksyon sa Usapang Pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP Inihanda ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)
Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Halimbawa: Maynila: Punta tayo mall. TagBis: Magpunta tayo sa mall. Ito ang barayti ng wikang.
Filipino BAHAGI NG AKLAT.
Cervical Cancer.
BAHAGINAN Takdang-Aralin.
Aralin 1 Dumi ng Tao at Pagtatapon ng Basura
Ang pagsasagawa ng wudo
Expanded Program on Immunization
Modyul 1. Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Barangay at Pulisya laban sa Ilegal na Droga
Ang Pagbabago ng Presyo
Smile HAT Button BALLONS Hands Hair color Fork and spoon Napkin on neck Pocket meat.
ANG PINAGMULAN NG WIKA GENESIS 11:1 Sa simula 'y iisa at magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga tao sa daigdig.
BUWAN NG WUIKA.
✽Paraan kung Papaano kumuha ng sample sa sariling Ihi✽
Kahulugan At Kahalagahan Ng Pagbasa
Science Fair Bibliography
Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)
Welcome Aming Huwarang Gawain TUNGO SA BAYANG MAGILIW - 13
Inisyatibo sa Pinagtugma-tugmang Pangangalaga ng California (California’s Coordinated Care Initiative) Los Angeles County.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
Why you need one and how to create one.
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
PEPT for Validation Purposes
DESERT DILEMMA.
WRITING THE RESEARCH PAPER
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Pamilyar at Di-Kilalang mga Salita
Aralin 5: Okupasyon ng Ingles sa Maynila
Polo Y Servicios O Sapilitang Paggawa At Ang Bandala
Meeting ng mga Community Volunteers (____petsa____)
Saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika?
Presentation transcript:

PAGBUO NG TENTATIBONG BIBLIYOGRAPIYA 12-ICT Edilisa Peñero & Josche David Hernandez

BIBLIOGRAPIYA Ang Talasanggunian o Bibliyograpi ay bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na nagpapakita ng talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin, o website na pinagsasanggunian o pinagkukunan ng impormasyon. Mahalagang magkaroon ng isang bibliyograpi ang isang pananaliksik sapagkat ito ay mga katibayan ng katotohanang taglay ng binubuong pananaliksik.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG BIBLIOGRAPI Nakasulat sa hiwalay na papel. Naka-double spaced gaya ng sulatin. Ang pangalan ng may akda ay dapat nagsisimula sa apelyido kasunod ang ininsyal na pangalan. Kapag higit sa anim ang may akda, dapat lamang isulat ang anim at pagkatapos ng anim ay lagyan ng et.al upang mabatid nila na may iba pang manunulat.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG BIBLIOGRAPI Kailangang sunod-sunod ayon sa apelyido ng may akda ang nakalagay sa bibliyograpi. Kung marami ang artikulo at isa lamang ang manunulat, ang petsa ng pagkakalimbag ang dapat na pagbatayan. Isulat lamang sa malaking letra ng pamagat ang unang letra pagkatapos ng tutuldok o dash at proper nouns.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG BIBLIOGRAPI Isulat sa malaking letra ang lahat ng mahahalagang salita sa pamagat ng journal. I-italize ang pamagat ng mahabang sulatin gaya ng libro. Huwag i-italize, guhitan o lagyan ng marka ang pamagat ng ma-iigsing sulatin gaya ng artikulo sa journal o sa mga na-edit na sulatin.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG BIBLIOGRAPI Ang unang linya ay hindi dapat nakapasok, ang sumunod na linya ang dapat na naka-indent na may sukat na ½ inch. Ilagay ang petsa ng pagkakalathala sa loob ng parentisis na nasa format na taon, buwan, ara pagkatapos ng pangalan ng may akda. Lagyan ng tuldok pagkatapos ng parentisis.

MGA IMPORMASYONG DAPAT MATUKOY SA PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI Awtor o mga awtor Pamagat Lugar ng publikasyon Pablisyer o tagalimbag Petsa o taon ng pagkalimbag Editor, tagasalin, consultant(kung mayroon)

PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI: APA FORMAT APA Format – Madalas ginagamit sa mga disiplinang siklohiya at iba pang kaugnay na disiplina. Binuo at pinaunlad ito ng American Psychological Association (APA), sa paggamit nito ay mahalagang tandaan ang mga sumusunod: Sa pagbanggit ng pinagmulan ng sanggunian, ilalagay ang apelyido ng may akda at ang taon kung kailan nailathala ang teksto. Kung dalawa o higit pa ang mga akda, kailangang gumamit ng et.al karugtong ng unang pangalan. Kapag walang petsa, (n.d) ang ilagay.

APA Format: Halimbawa Aklat – Mga may akda. (taon ng pagkalimbag). Pamagat ng aklat: Subtitle ng libro. Lungsod ng Palimbagan: Panagalan ng Palimbagan. Arogante, J.A. (2000). Retorika at masining na pagbasa. Navotas:Navotas Press. Taon ng pagkalimbag Awtor Pamagat Palimbagan Naka-indent ang pangalawang linya Lugar ng palimbagan

APA Format: Halimbawa Format: Mga may akda. (petsa ng pagkakalathala). Pamagat ng artikulo. Pamagat ng peryodikal, bolyum(isyu), pahina Encyclopedia Bergmann, P.G. (1993). Relativity. The new encyclopedia Brittania (Vol. 26, pp. 501-508). Chicago:Encyclopedia Britannica. Mga artikulo sa peryodiko Garalda, J. (2014). Halaga. Anag-ag, bolyum 1.(p.12)

Mga hanguang elektroniko APA Format: Halimbawa Artikulo sa magasin Henry, W.A., III. (1990, April 9). Making the grade in today’s school, Time, 135, 28-31. Mga hanguang elektroniko Burgess, P. (1995). A guide for research paper:APA style. http://webster.commet.edu./apa/apa_into.htm#content2 Dive, R. (1998). Lady freedom among us. The Electronic Text Center. Retrieved June 19, 1998, from Alderman Library, University of Virginia website:http://etext.lib.virginia.

PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI: MLA FORMAT MLA Format – Mula ito sa pagbuo at pagpapaunlad ng Modern Language Association (MLA), sa paggamit nito ay mahalagang tandaan ang mga sumusunod: Ang estilong ito ay nagsisimula sa awtor-pamagat na pormat. Kung magagamit naman sa buong teksto ang apelyido ng manunulat, maaari nang pahina na lamang ang ipaloob sa panaklong.

PAGSULAT NG BIBLIOGRAPI: MLA FORMAT Ang petsa ay inilalagay sa dulong bahagi. Kung parehas na akda lamang din ang babanggitin, hindi na kailangang isama ang apelyido ng may akda sa panaklong, bagkus ay ang pamagat na lamang. Kung tatlo o higit pa ang mga akda, maaaring mabanggit ang lahat ng tatlong apelyido o gumamit na lamang ng et.al. Kung saan naka-alpabetikal na pagkakasunod-sunod ang apelyido ng mga awtor.

MLA FORMAT: HALIMBAWA Format:Pangalan ng awtor. Pamagat ng aklat. Dagdag na impormasyon. Lugar ng palimbagan: Palimbagan, petsa ng pagkakalathala. Allen, Thomas B. Vanishing Wildlife of North America. Ed. Darwin T. Turner. Washington, D.C.: National Geographic Society, 2000. Pamagat Awtor Lugar ng palimbagan Palimbagan Taon ng pagkalimbag

MLA FORMAT: HALIMBAWA Artikulo sa magasin Kalette, Denise. “California Town Counts Down to Bug Quake.” USA Today vol. 9. 21 July 1986: pp. 71-72. Encyclopedia Pettingill, Olin Sewal, Jr. “Falcon and Falconary.” World Book Encyclopedia. 1980. Mga hanguang Elektroniko Devitt, Terry. “Lightning injuries four at music festival.” The Why? Files. 2 August 2001. 23 Jan. 2002 http://whyfiles.org/137lightningindex.html

TUNGKULING GINAGAMPANAN NG BIBLIOGRAPI Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng mga ideya, ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o sa mga materyales na hinalaw. Nagpapakita ng pagkilala sa mga taong pinaghanguan ng mga kaalaman. Nagbibigay ng karagdagang impormasyon para sa mambabasa na nagnanais na palawakin pa ang isang pananaliksik.

TUNGKULING GINAGAMPANAN NG BIBLIOGRAPI Nagbibigay oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may katotohanan ang mga nakalap na impormasyon ng isang mananaliksik, at Nagbibigay ng kredibilidad sa pananaliksik na isinasagawa.