Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Gamit ng Wika sa Facebook
Istatus Tsek Gamit ng Wika sa Facebook
2
Introduksyon Ang Facebook ay inimbento ni Mark Zuckerberg noong 2004 (Gayarez, 2012).
3
Facebook Noong una’y eklusibo ito para sa mga mag-aaral sa Harvard.
4
Facebook Ngayon, meron na itong 1.23 bilyong gumagamit buwan-buwan. 757 milyong gumagamit araw-araw.
5
Internet sa Pilipinas Ayon sa GMA News Online, 1 sa 3 Filipino ang gumagamit ng Internet.
6
Facebook sa Pilipinas Ayon sa Rappler, mayroong 27,720,300 Filipinong gumagamit ng Facebook.
7
Facebook sa Pilipinas, part 2
Ayon pa rin sa Rappler, 45 porsyento mga Filipinong ng gumagamit ay lalake, at 55 ang babae. Ang edad ng karamihan sa mga gumagamit ay
8
Halaga ng Filipino sa Internet
Ayon kay Janet Tauro-Batuigas, sa kanyang “Ang Wika sa Cyberspace: Ang Pagkontra sa Hegemonic Linearity,” mainam na gamitin ang wikang Filipino sa Internet
9
Halaga ng Filipino sa Internet
Una, upang makapagsagawa ng komunikasyon sa mabilis na pamamaraan
10
Halaga ng Filipino sa Internet
Una, upang makapagsagawa ng komunikasyon sa mabilis na pamamaraan Pangalawa, upang magamit ang lumalawak na midyum ng cyberspace para sa mas malalim at makabuluhang pamamaraan
11
Halaga ng Filipino sa Internet
Una, upang makapagsagawa ng komunikasyon sa mabilis na pamamaraan Pangalawa, upang magamit ang lumalawak na midyum ng cyberspace para sa mas malalim at makabuluhang pamamaraan Pangatlo, upang matatag ang kamalayang Filipino
12
Halaga ng Facebook sa Filipino
Ayon kay Joseph Gayares, sa kanyang “Social Network sa Pilipinas: Isang Kultural na Pagtanaw sa Facebook at Pakikipag-ugnayan ng mga Filipino,” hindi simpleng nakakasama ang Facebook sa komunidad.
13
Halaga ng Facebook sa Filipino
“Ang kultural na kaugnayan ng Facebook ay makikita sa aspeto ng pakikisama na isa sa mga likas na kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng pagiging publiko … ng mga Pilipino.”
14
Facebook sa Asya Ayon kina Cheng Ean Lee, Meng Yip Wong, at Gim Wei Lai, sa kanilang “Social Networking and the Youth,” maraming gamit ang Facebook sa mga estudyanteng Malaysian.
15
Facebook sa Asya Ang mga mag-aaral sa dalawang unibersidad na kanilang pinag-aralan ay apat na beses papasok sa Facebook, umaabot sa 3.9 na oras (average) ang kanilang paggamit.
16
Facebook sa Asya Sa mga sinarbey, ginagamit ang Facebook ng
75% para makipag-ugnayan sa mga kaibigan
17
Facebook sa Asya Sa mga sinarbey, ginagamit ang Facebook ng
75% para makipag-ugnayan sa mga kaibigan 86% para makipag-ugnayan mula sa mga kaibigang “long-lost”
18
Facebook sa Asya Sa mga sinarbey, ginagamit ang Facebook ng
75% para makipag-ugnayan sa mga kaibigan 86% para makipag-ugnayan mula sa mga kaibigang “long-lost” 82% para makipag-ugnayan sa iba’t ibang tao sa mundo
19
Facebook sa Asya Sa mga sinarbey
35% ang gumagamit ng Facebook para magbahagi ng mga larawan
20
Facebook sa Asya Sa mga sinarbey
35% ang gumagamit ng Facebook para magbahagi ng mga larawan 17.5% ang gumagamit ng Facebook para maglaro
21
Facebook sa Asya Sa mga sinarbey
35% ang gumagamit ng Facebook para magbahagi ng mga larawan 17% ang gumagamit ng Facebook para maglaro 15% ang gumagamit ng Facebook para ang kokomento sa “wall” ng kanilang mga kaibigan
22
Facebook sa Asya 35% ang gumagamit ng Facebook para magbahagi ng mga larawan 17% ang gumagamit ng Facebook para maglaro 15% ang gumagamit ng Facebook para ang kokomento sa “wall” ng kanilang mga kaibigan 13% ang gumagamit ng Facebook para mag-update ng status (PAMAGAT NAMIN!!!)
23
35% ang gumagamit ng Facebook para magbahagi ng mga larawan
17% ang gumagamit ng Facebook para maglaro 15% ang gumagamit ng Facebook para ang kokomento sa “wall” ng kanilang mga kaibigan 13% ang gumagamit ng Facebook para mag-update ng status (PAMAGAT NAMIN!!!) 10% ang gumagamit ng Facebook para mag-share ng video at video link
24
Mula malaki papuntang maliit
25
Mula malaki papuntang maliit
at pabalik!
26
The Diliman Files "kumpisal ng mga taga-UP Diliman“
27
The Diliman Files "kumpisal ng mga taga-UP Diliman"
at nag-iimbita sila mula sa mga mambabasa ng sarili nilang kwento, nangangako ng paglilihim ng identidad
28
The Diliman Files "kumpisal ng mga taga-UP Diliman"
at nag-iimbita sila mula sa mga mambabasa ng sarili nilang kwento, nangangako ng paglilihim ng identidad Itinatag ang The Diliman Files noong Setyembre 2013
29
The Diliman Files "kumpisal ng mga taga-UP Diliman"
at nag-iimbita sila mula sa mga mambabasa ng sarili nilang kwento, nangangako ng paglilihim ng identidad Itinatag ang The Diliman Files noong Setyembre 2013 Noong Mayo 2014, mayroong higit sa 40,000 like ang page.
30
The Diliman Files "kumpisal ng mga taga-UP Diliman"
at nag-iimbita sila mula sa mga mambabasa ng sarili nilang kwento, nangangako ng paglilihim ng identidad Itinatag ang The Diliman Files noong Setyembre 2013 Noong Mayo 2014, mayroong higit sa 40,000 like ang page. Maaakses ang mga post sa
31
Ang mga sinuri Kinalap ang mga post mula Mayo 3 hanggang Mayo 10, 2014, isang linggo
32
Ang mga sinuri Kinalap ang mga post mula Mayo 3 hanggang Mayo 10, 2014, isang linggo kasama ang mga nakasulat sa "purong" Filipino, pati ang sa magkahalong Filipino at Ingles, pero syempre hindi ko sinama ang mga nasa "purong" Ingles (iyong mga "ba" at "daw," halimbawa, lamang ang nasa Filipino)
33
Ang mga sinuri Kinalap ang mga post mula Mayo 3 hanggang Mayo 10, 2014, isang linggo kasama ang mga nakasulat sa "purong" Filipino, pati ang sa magkahalong Filipino at Ingles, pero syempre hindi ko sinama ang mga nasa "purong" Ingles (iyong mga "ba" at "daw," halimbawa, lamang ang nasa Filipino) Sa kabuuan, 73 post ang sinuri. Inakses ang mga ito noong Mayo 11, 2014.
34
Tala sa metodo Ginamit ang computer program na TextSTAT upang magkaroon ng eksaktong pagbilang sa mga salita. Mahusay na instrumento ito para sa kantitatibong analisis, pero syempre, kailangan pa rin ang interbensyon ng mananaliksik para bigyan ng kalitatibong pagsusuri.
35
Natuklasan Pag-angkin ng Filipino sa mga salita at idyomang Ingles.
36
Natuklasan Pag-angkin ng Filipino sa mga salita at idyomang Ingles.
Pagbabago sa paggamit ng mga salitang Filipino mismo.
37
Natuklasan Pag-angkin ng Filipino sa mga salita at idyomang Ingles.
Pagbabago sa paggamit ng mga salitang Filipino mismo. Paggamit ng mga salitang ekslusibo sa Internet at sa The Diliman Files mismo.
38
Tatlong lebel ng pag-aangkin
39
Tatlong lebel ng pag-aangkin
Una, ang code-switching.
40
Tatlong lebel ng pag-aangkin
Una, ang code-switching. Pangalawa, ang pagpapasunod sa Ingles sa balarilang Filipino.
41
Tatlong lebel ng pag-aangkin
Una, ang code-switching. Pangalawa, ang pagpapasunod sa Ingles sa balarilang Filipino. Pangatlo, ang pag-angkop na nga mismo sa mga salitang Ingles.
42
Code-switching Ang salitang "and." Bukod sa paggamit sa salitang ito sa mga Ingles na pangungusap, nagagamit din ito sa Filipino sa dalawang paraan. Una, bilang lunsaran ng pag-code-switch. Halimbawa ang post na ito mula sa Mayo 10 ng nagtago sa pangalangang "Sireno," na mula Filipino ay lumipat sa Ingles: "Nag-uusap na po kami and we agreed not to disclose the 'emotional encounter', if you would call it."
43
“and” bilang lunsaran Meron din namang mga code-switching mula Ingles papuntang Filipino. Halimbawa itong post ni "Confucious" mula Mayo 5: "I love her and kahit anong gawin ko, natatakot talaga siya."
44
“and” bilang “at” Ang ikalawa pang paggamit ng "and" ay bilang "at," kumbaga "pero" at "ngunit" ang sitwasyon, may dalawang salita para sa isang kahulugan. Mula kay "shimineni," post noong Mayo 6: "Hindi ko sigurado kung alam mo na na may gusto ako sa'yo, sana hindi mo rin mahulaan kung sino ako, pero sasabihin ko lang na mahalaga ka sa akin and please wag kang lumayo."
45
Iba pang salita Bukod sa "and," ang ilang pang madalas magamit sa pagko-code switch ay "naman," "kasi" at "or," na hindi nakapagtataka, dahil mga panlink na salita ang mga ito. Sa kaso ng "or," halimbawa, sa 34 na paggamit dito sa sampol na aking sinuro, 26 ang nasa Taglish na pangungusap. Samantala, 19 na beses lamang ginamit ang "o." Sa maliit na sampol na ito, masasabing sa paglalarawan ng pagpili, mas madalas mag-Taglish ang mga nagkukumpisal sa The Diliman Files.
46
Pagbabanyuhay Ang pagpapasunod sa Ingles sa balarilang Filipino. Para maging mas specific, ang tinutukoy ay ang pagbabagong-anyo ng mga salitang Ingles sa pagpasok ng mga laping Filipino. Halimbawa ay ang "grumaduate," na limang beses ginamit ng mga nagkumpisal.
47
Grumaduate Dalawang beses itong ginamit ni "Mama vs me" sa post mula Mayo 10. Ito ang kanyang unang paggamit: "Lalo na these past few weeks dahil karamihan sa mga alumni from our high school na grumaduate na rin from UP with flying honors."
48
Grumaduate Dalawang beses din itong ginamit ni "Receiver" sa post mula Mayo 8. Ito ang una niyang paggamit: "Hindi pa pwedeng pantay pantay tayong grumaduate at nagtratrabaho?"
49
Asimilado May mga salitang mula sa Ingles na asimilado na talaga sa Filipino. Ito ang ikatlong katangian ng code-switching sa The Diliman Files, na hindi na nga matatawag na code-switching dahil mga salitang Filipino na ngang maituturing ang "super" at "so."
50
Super Siyam beses ginamit ang "super" sa mga post na sinuri. Lahat ng mga ito'y Taglish na pangungusap na dominante ang mga salitang Filipino. Tatlo lamang sa siyam na beses ng paggamit pinaparisan ng salitang Ingles ang "super." Isang beses sa "super effort," at dalawang beses sa "super awkward." (Nakakatuwa ang paggamit ng "awkward," dahil sa limang beses na ginamit ang salitang ito, isang beses lamang sa Ingles na pangungusap.) Ang super, sa madaling sabi, ay ginagamit bilang sinonim ng "sobra," as in, "Sobrang hirap ng buhay," o "Super bait ng nanay ni X."
51
Super Ito, halimbawa, ang paggamit ni "Confusedcius" sa post mula Mayo 7: "Nung lumabas nga yung upcat results super saya ko pero sila wapakels."
52
So Sa kaso naman ng "so," 19 sa 29 na beses na paggamit dito'y mula sa Taglish na pangungusap. Dalawa ang kahulugan nito. Una bilang sinonim ng "sobra" (o "super"?), at pangalawa bilang conjunction (konektado ito sa popularidad ng "and" na diniskas sa itaas). Halimbawa ng unang kaso itong mula, muli, kay "Othello": "Hindi ko sigurado kung bakit pero I just feel so dumb kapag kadikit kita."
53
Ikalawang katangian Pagbabago ng mga salitang Filipino mismo. Halimbawa ang "me," na bagong anyo ng "may," o pwede ring ituring na pinaikling "meron." Interesante ang kaso ng "me" kaya kahit isang beses lang lumabas ang gamit na ito sa 73 post na sinuri, ito pa rin ang inuna kong banggitin.
54
Me Interesante ang "me" dahil ang pinagmulan nitong "meron" ay pagbabagong-anyo din ng "mayroon." At hindi lang 'yon, ang "may" at "mayroon" ay hindi interchangeable dapat, pero hindi na sinusunod ang alituntuning iyon sa konteporaryong Filipino.
55
Me Narito ang paggamit ni "Molavephobia," post mula sa Mayo 4: "Baka mamaya nyan me gumagapang na sa shorts ko habang natutulog ako."
56
Ninyo Anim na beses lang ginamit ang pagbabaybag na "ninyo." Samantala, syam na beses na ginamit ang "nyo," at dalawang beses ginamit ang "n'yo."
57
Ng/nang Tatlumpu't tatlong beses ginamit ang "nung." Dalawampu't isang beses naman ginamit ang "nang." Labingwalong beses namang ginamit ang "noong." Labing-isang beses ginamit ang "noon" (at isang beses ginamit ang "no'n"). Samantala, 236 na beses ginamit ang "ng," pero hindi laging sa "tamang" paraan.
58
Sa Tatlumpong beses ginamit ang "sa akin," samantalang 10 beses lang ang "sakin."
59
Sa Apat na beses ginamit ang "sa atin," at isang beses lang ang "satin."
60
Sa Mas malapit ang kaso ng "sa amin" na lumabas nang apat na beses, sa "samin," na ginamit nang tatlong beses.
61
Sa Malapit din ang "sa iyo" (anim na beses) sa "sayo" (walong beses), at sa kasong ito ang pagpapaikli ang may kaunting lamang.
62
Sa Ang nakakapagtaka ay ang "sa kanya," na dalawang beses lang ginamit, samantalang ang "sakanya" ay limang beses. Kung sabagay, ang "kanya" ay pinaikling "kaniya," kung tutuusin ang dapat na kataka-taka'y hindi pa mas marami ang gumagamit ng "sakanya."
63
Doon/dun Siyam na beses itong ginamit, samantalang 14 na beses ginamit ang "dun." Walang gumamit ng "roon" o "run," kahit na anim na beses sa kaso ng "doon" dapat "roon" ang ginamit, at siyam na beses na "dun" ang ginamit, kahit na (kung susunod pa balarila) ay "run" dapat ang salita.
64
Wikang Internet Wikang Internet sa The Diliman Files. Nabanggit na nga sa itaas na paggamit ng smiley face.
65
Wikang Internet Wikang Internet sa The Diliman Files. Nabanggit na nga sa itaas na paggamit ng smiley face. Paggamit ng -.- na indikasyon ng pagkaasar
66
Wikang Internet Wikang Internet sa The Diliman Files. Nabanggit na nga sa itaas na paggamit ng smiley face. Paggamit ng -.- na indikasyon ng pagkaasar :) na signifier ng tuwa
67
Wikang Internet Wikang Internet sa The Diliman Files. Nabanggit na nga sa itaas na paggamit ng smiley face. Paggamit ng -.- na indikasyon ng pagkaasar :) na signifier ng tuwa gumagamit din ang # bilang hashtag ang mga nagkokomento at nagkukumpisal sa The Diliman Files.
68
Pagpapaikli Halimbawa na lang ang TDF mismo.
69
Pagpapaikli Halimbawa na lang ang TDF mismo.
Nariyan din ang mga may kinalaman sa kurso at kolehiyo (BSBE, ChE, CAS, CMC)
70
Pagpapaikli Halimbawa na lang ang TDF mismo.
Nariyan din ang mga may kinalaman sa kurso at kolehiyo (BSBE, ChE, CAS, CMC) mga "pang-UP" na salita (Coop, CRS, KNL, STFAP), mga may kinalaman sa pagiging estudyante (GC, GEs, Grad)
71
Pagpapaikli Halimbawa na lang ang TDF mismo.
Nariyan din ang mga may kinalaman sa kurso at kolehiyo (BSBE, ChE, CAS, CMC) mga "pang-UP" na salita (Coop, CRS, KNL, STFAP), mga may kinalaman sa pagiging estudyante (GC, GEs, Grad) Internet jargon (IDKR [hindi ko alam, okey?], jk [nagbibiro lang], lol [tumatawa nang malakas])
72
Kongklusyon Lumalabas na ginagawang lehitimo ang mga “bawal” o “taboo” gaya ng FUBU, cheating etc Performative ang pagiging pasaway Isang akto ng pagbuwag sa namamayaning ideolohiya ang paglikha at pamamayani ng pananatiling tago na realidad
73
Kongklusyon Paraan ng negosasyon sa gamit ng wika at kultura ay sa pamamagitan ng pangungumpisal
74
SANGGUNIAN Joseph Gayares, “Social Network sa Pilipinas: Isang Kultural na Pagtanaw sa Facebook at Pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino,” Dalumat Ejournal, vol. 3, no. 2 (2012) The Next Web, “Facebook passes 1.23 billion monthly active users,” (Enero 29, 2014; Inakses Nobyembre 15, 2014) GMA News Online, “1 sa 3 Pinoy, gumagamit ng Internet,” (Setyembre 29, 2014; Inakses Nobyembre 15, 2014) Rappler, “5 Filipinos open a Facebook account per minute,” (Hunyo 20, 2014; Inakses Nobyembre 15, 2012)
75
SANGGUNIAN Tauro-Batuigas, Janet, “Ang Wika sa Cyberspace: Ang Pagkontra sa Hegemonic Linearity,” Bin-I New Theoretical and Critical Writings on Philippine Studies. Manila: UST Publishing House, 2004. Cheng Ean Lee et al, “ Social Networking and the Youth,” Media and Culture: Global Homogeneity and Local Identity. Mandaluyong: Anvil Publishing, 2011.
76
SANGGUNIAN U Eliserio, Varayti at Baryasyon sa The Diliman Files. Di pa nalalathalang papel. Mayo 2014.
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.