Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Pagkamamamayang Pilipino
2
Mga nalalaman ko tungkol sa Pagkamamamayan
Mga gusto kong malaman tungkol sa Pagkamamamayan Mga natutunan ko tungkol sa Pagkamamamayan
3
MAMAMAYAN PAGKAMAMAMAYAN DAYUHAN
4
Mamamayan - Tawag sa taong kabilang sa isang samahan o bansa.
Pagkamamayan- Kalagayan ng isang tao at pagiging kasapi nito sa isang bansa o samahang pampulitiko. Dayuhan - Mga naninirahan sa Pilipinas na may ibang pagkamamamayan.
5
Uri ng Mamamayang Pilipino:
Likas/Natural born citizen – nakukuha ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan o sa pagkamamamayan ng magulang. 2 Prinsipyong Pinagbabatayan ng Paraang Likas: -JUS SANGUINIS o Karapatan sa Dugo -JUS SOLI o JUS LOCI o Karapatan ng Lupa
6
Uri ng Mamamayang Pilipino:
2. Di-Likas/ Naturalized citizen – dumadaan sa proseso ng batas bago makuha ang pagkamamamayan. NATURALISASYON- pormal na paghingi ng pagkamamamayan ng isang dayuhan sa pamahalaan.
7
Likas na Mamamayang Pilipino ayon sa Saligang-Batas
Mga naging mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng SB 1987 Ang ama at ina ay mamamayan ng Pilipinas Mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, na ang mga ina ay piniling maging Pilipino na pagsapit sa karampatang edad Mga naging mamamayan ayon sa batas
8
Mayroon ba kayong kilalang tao na walang kinabibilangan na bansa?
Ano kaya ang nararamdaman ng isang taong walang kinabibilangan na bansa o samahan? Dapat bang mahalal sa mga posisyong pambayan ang isang banyaga? Bakit?
9
Paano mo maipapakita na karapat- dapat kang maging mamamayang Pilipino?
Kaakibat ng ating pagkamamamayan ang tungkulin nating maging mabuting mamamayan ng bansa
11
Paano mo mabibigyang halaga ang iyong pagkamamamayang Pilipino?
12
Kwalipikasyon ng isang dayuhan na dapat patunayan bago dumulog sa hukuman:
1. 21 taong gulang 2. 10 taon na naninirahan ng tuloy-tuloy sa Pilipinas 5 taon lamang kung siya ay: nakapagpatayo ng industriya, nakapag- asawa ng Pilipino, nanungkulan sa pamahalaan, at ipinanganak sa Pilipinas. 3. May mabuting ugali at reputasyon 4. Ginagalang ang Saligang Batas ng bansa.
13
5. Maipagkakapuri ang kanyang ugali sa kinabibilangang pamayanan.
6. May mga ari-arian sa Pilipinas, hanapbuhay at gawaing ayon sa batas 7. Nakakabasa at nakakasulat ng isang pangunahing wika ng Pilipinas. 8. Ang mga anak ay nasa paaralan at nag- aaral ng kasaysayan, pamahalaan, at sibika ng Pilipinas.
14
LIMITASYON ng Dayuhan na hindi maaring maging naturalisadong Pilipino:
1. Napatunayang gumamit ng dahas sa pagkamit ng kagustuhan. 2. Nahatulan ng kasalanang kaugnay ng moralidad. 3. Lantarang sumasalungat sa kagustuhan ng pamahalaan.
15
4. Hindi naniniwala sa kaugalian at tradisyong Pilipino. 5
4. Hindi naniniwala sa kaugalian at tradisyong Pilipino. 5. Sumasang-ayon sa poligamya. 6. Siya ay mamamayan ng bansang hindi nagkakaloob ng naturalisasyon sa mga Pilipinong naninirahan doon.
16
Dual Citizenship o Dalawahang Pagkamamamayan
Republic Act 9292 Nagkakaloob muli ng pagka-Pilipino sa mga likas na Pilipino o natural born citizen na naging naturalized citizen ng ibang bansa. Bureau of Immigration and Deportation o BID ng Pilipinas oath of allegiance sa bansang Pilipinas.
17
Sang-ayon ka ba sa dual citizenship act? Bakit?
Papayag ka ba na ang lahat ng mga dayuhan sa ating bansa ay gawing mga Pilipino? Sang-ayon ka ba sa dual citizenship act? Bakit?
18
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng iyong pagkamamamayan, nanaiisin mo pa rin bang maging Pilipino? Oo o hindi? Ipaliwanag ang iyong sagot". .
19
Ikaw man ay dayuhan o likas na Pilipino, ang mahalaga ay maipakita mo ang iyong pagmamahal sa bansang iyong kinabibilangan.
20
FILIPINO o DAYUHAN Si Victoria ay ipinanganak sa Italy. Ang kanyang ina ay isang Pilipina at ang kanyang ama ay isang Italyano. Nang sumapit siya sa hustong gulang ay pinili niyang maging Italyano. Ano ang pagkamamamayan niya?
21
FILIPINO o DAYUHAN Si Maria ay isang Pilipino. Dahil sa kagustuhan niyang makapunta sa ibang bansa ay nag-asawa siya ng isang Amerikano. Dahil sa magandang buhay na naranasan niya sa Amerika ay nagdesisyon siyang permanente nang manirahan dito at tuluyang kalimutan ang kanyang pagkamamayan.
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.