Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo
ARALING PANLIPUNAN Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo
3
ANO ANG ARALING PANLIPUNAN?
Ito ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa, ang kanilang paniniwala at kultura upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at maunawaan ang sariling lipunan at ang daigdig, gamit ang mga kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasiya, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman at mabisang komunikasyon
5
PAMANTAYAN NG PAGKATUTO SA SIBIKA AT KULTURA (I-III)
Nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa; may pagmamalaki sa mga pambansang pagkakakilanlan; nagtatamasa ng mga karapatan at gumaganap ng mga tungkulin bilang Pilipino; may positibong saloobin tungo sa paggawa; may kakayahan sa pangangalaga sa kapaligiran; at may kasanayang makatugon sa mga hamon ng pagbabago ng daigdig
6
PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (K-3)
Naipamamalas ang panimulang pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili, pamilya, paaralan at komunidad at mga batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago, distansya at direksyon tungo sa pagbuo ng kamalayan tungkol sa sarili at kapaligiran bilang kasapi ng isang lipunan na may karapatan at pananagutan sa sarili sa kapwa at kapaligiran
7
INAASAHANG BUNGA SA UNANG BAITANG (SIBIKA AT KULTURA I )
Nagkakaroon ng kamalayan bilang Pilipino na may paniniwala sa Diyos at pagpapahalaga sa kagandahan at kalikasan ng bansa at sa mga karapatang tinatamasa at mga tungkuling dapat gampanan bilang kasapi ng mag-anak, pamayanan at bansa.
8
GRADE LEVEL STANDARD (GRADE I)
Naipamamalas ang kamalayan bilang batang Pilipino at kasapi ng pamilya at paaralan at pag-unawa sa batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago, distansya at direksyon at ang pagpapahalaga sa kapaligiran ng tahanan at paaralan.
9
PAKSA SA SIBIKA AT KULTURA I
Pambansang Pagkakakilanlan Pambansang Pagkakaisa Pambansang Katapatan
10
PAKSA SA ARALING PANLIPUNAN GRADE I
Ako ay Natatangi Ang Aking Pamilya Ang Aking Paaralan Ako at Aking Kapaligiran
11
BILANG NG ORAS SA PAGTUTURO
40 Minuto sa Loob ng Limang (5) Araw
12
MGA TEMA Tao, Kapaligiran at Lipunan
Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
13
MGA NILALAMAN NG MODYUL
14
YUNIT I: AKO AY NATATANGI
PANIMULA Sa yunit na ito matutuklasan ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang bagay na nagpapakilala sa kanilang sarili at nagpapatunay na sila ay natatangi. Mauunawaan din nila ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang sariling buhay at paghahambing nito sa buhay ng kanilang mga kamag-aral. Mapapahalagahan din nila ang kanilang sarili bilang bata na may taglay na natatanging katangian at pangarap.
15
MGA PANIMULA Unang Markahan- 13 layunin-Pagkilala sa Sarili * Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan,kaarawan, edad, tirahan, paaralan * Naipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng larawan (self-portrait) * Nakagagawa ng simpleng graphic organizer ng batayang impormasyon * Nasasabi ang sariling pangangailangan * Nailalarawan at naiguguhit ang pansariling kagustuhan tulad ng: paboritong kapatid, kamag-anak, kulay, pagkain, damit, laruan, lugar
16
Unang Markahan-Ang Aking Kwento
*Nakabubuo ng inilarawang timeline tungkol sa sariling buhay *Nababasa ang timeline at nakapagsasalaysay ng buhay base rito *Nakapagsasaayos ng mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod *Naipakikita ang mga pagbabago sa buhay at sa personal na gamit mula noong sanggol hanggang sa kasalukuyang edad *Naihahambing ang sariling kwento o karanasan ng mga kamag-aral
17
Unang Markahan-Pagpapahalaga sa Sarili
*Nakagagawa ng collage o scrapbook ng mga larawan o bagay na nagpapakilala sa sarili *Nakapagsasaad ng mga pangarap o ninanais para sa sarili sa pamamagitan ng graphic organizer Naipaliliwanag kung bakit mahalaga ang mga personal na pagnanais para sa sarili
18
MGA KASANAYANG MALILINANG
Komunikasyon - Pagbabahagi ng impormasyon -Pagsasalaysay -Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay -Pakikipanayam - Pagguhit
19
Mapanuring Pag-iisip -pagsusuri -paghahambing -pagbubuo ng timeline
20
Malikhaing Pag-iisip -paggawa ng collage -pagguhit
21
Pagpapahalaga -paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa -pakikiisa ng mga pangkatang Gawain -pagtapos sa gawain sa takdang-oras
22
Paglahok -pagsasadula -paglalaro - -pagsali sa talakayan
23
YUNIT 2: ANG AKING PAMILYA
Sa yunit na ito matutuklasan ng mga mag-aaral ang kanilang ugnayan sa mga grupong kanilang kinabibilangan. Pangunahin sa mga grupong ito ang kanilang pamilya. Matutukoy at mailalarawan rin nila ang mga kasaping bumubuo sa kanilang pamilya at ang iba’t ibang gawain ng mga kasapi. Mapapahalagahan din nila ang pagsunod sa iba’t ibang ibang alituntunin ng pamilya.
24
IKALAWANG MARKAHAN LAYUNIN-25- Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya
Natutukoy ang mga kasapi ng pamilya Nailalarawan ang bawat kasapi sa pamamagitan ng isang likhang sining Naipakikita ang iba’t ibang papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng isang concept map o graphic organizer Nakabubuo ng sariling kwento tungkol sa pang-araw-araw na gawain ng mga kasapi ng pamilya
25
IKALAWANG MARKAHAN- Ang Kwento ng Aking Pamilya
*Nakagagawa ng family tree at/o album ng pamilya *Nakabubuo ng inilarawang timeline ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya *Nakapagsasalaysay ng kwento ng pamilya batay sa timeline *Natutukoy ang mga nagbago at patuloy na tradisyon o nakagawiang gawain ng pamilya *Napaghahambing ang mga tradisyon at nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon *Nakapaghahambing ng kwento ng sariling pamilya sa kwento ng pamilys ng mga kamag-aral *Napahahalagahan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya
26
IKALAWANG MARKAHAN-Mga Alituntunin sa Pamilya
*Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya *Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba-ibang sitwasyon ng pang-araw-araw na buhay ng pamilya *Naikakategorya ang iba’t ibang alituntunin ng pamilya *Nauunawaan ang batayan ng mga alituntunin ng pamilya *Naihahambing ang alituntunin ng sariling pamilya sa alituntunin ng pamilya ng mga kamag-aral *Napahahalagahan ang pagtupad sa mga alituntunin ng pamilya
27
IKALAWANG MARKAHAN-Pagpapahalaga sa Pamilya
*Nakapakikinig ng kwento tungkol sa pamilya *Nakaguguhit ng larawan ng sariling pamilya upang makabuo ang klase ng malaking mosaic *Nailalarawan ang batayang pagpapahalaga ng pamilya at nabibigyang katwiran ang pagtupad sa mga ito *Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya
28
IKALAWANG MARKAHAN-Pagpapahalaga sa Pamilya
*Naihahambing ang mga pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya *Nakalalahok sa pagbuo ng consensus sa klase tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya *Nakapagbibigay ng halimbawa ng ugnayan ng sariling pamilya sa ibang pamilya *Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa kabutihan ng mabuting pag-uugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya
29
MGA KASANAYANG MALILINANG
KOMUNIKASYON Pagbabahagi ng impormasyon Pagsasalaysay Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay Pakikipanayam Pagsusulat/pagbuo ng liham Pagsusulat ng impormasyon sa chart
30
MAPANURING ISIP Pagsusuri Paghahambing Pagbubuo ng timeline Pagbubuo ng bar graph Pagpapangkat ng mga impormasyon Pagsusuri ng mga larawan
31
MALIKHAING PAG-IISIP Paggawa ng puppet Pagguhit Paggawa ng family tree Paggawa ng mosaic
32
PAGPAPAHALAGA Pagkilala sa mahahalagang bahaging ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa Pakikiisa sa mga pangkatang gawain Pagtapos sa gawain sa takdang oras
33
PAGLAHOK Paglalaro Pakikilahok sa talakayan Pagbabasa/pagbibigkas ng tula Pag-awit Pagsasadula
34
YUNIT 3 ANG AKING PAARALAN
PANIMULA Sa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa sa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang bawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipan at kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbing pangalawang tahanan nila. Mapahahalagahan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mga mag-aaral na matukoy at makasunod sa iba’t ibang alituntunin ng paaralan para sa pagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi- isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan.
35
Mauunawan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng paaralan. Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan.
36
LAYUNIN-19 IKATLONG MARKAHAN Pagkilala sa Aking Paaralan
Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sariling paaralan:pangalan nito, lokasyon, mga bahagi nito at taon ng pagkatatag nito/edad Ang Kwento ng Aking Paaralan Nailalarawan ang ang timeline ng paaralan o album ng mga larawan ng paaralan sa iba’t ibang panahon Ako Bilang Mag-aaraL; Nasasabi kung bakit nag-aaral
37
IKATLONG MARKAHAN Mga Alituntunin sa Silid-Aralan
Nasasabi ang mga alituntunin sa silid-aralan at nabibigyang katwiran ang pagtupad nito Pagpapahalaga sa Paaralan Nakagagawa ng kwento o larawan tungkol sa batang nag-aaral at hindi nag-aaral
38
MGA KASANAYANG MALILINANG
KOMUNIKASYON Pagbabahagi ng mga impormasyon Pagsasalaysay Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay Pakikipanayam Pagsusulat/Pagbubuo ng liham Pagsusulat ng impormasyon sa tsart
39
MAPANURING PAG-IISIP Pagsusuri Paghahambing Pagbubuo ng timeline Pagbubuo ng graphic organizer Pagpapangkat ng mga impormasyon Pagsusuri ng mga larawan Pagbubuo ng hinuha
40
MALIKHAING PAG-IISIP Pagguhit PAGPAPAHALAGA Pagkilala sa mahalagang bahaging ginagampanan ng paaralan sa sariling buhay Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa Pakikiisa sa mga pangkatang gawain Pagtapos sa gawain sa takdang oras
41
PAGLAHOK Paglalaro Pagbabasa/pagbibigkas ng tula Pag-awit Pakikilahok sa talakayan
42
YUNIT 4. AKO AT ANG UGNAYAN NG AKING PAMILYA AT PAARALAN/ AKO AT ANG AKING KAPALIGIRAN
PANIMULA Sa yunit na ito, mapapalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupo o samahang kinabibilangan niya. Malaking bahagi ng yunit na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga batayang konsepto sa heograpiya. Masisiyasat nila ang kapaligiran ng kanilang tirahan at paaralan. Sa pamamagitan nito, malilinang nila ang ilan sa mga pangunahing kasanayan sa paggawa at paggamit ng mapa upang matukoy, mahanap at masabi ang mga pamilyar na lugar sa paligid ng kanilang tirahan at paaralan.
43
Sa mga aralin sa yunit 4, magkakaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupong kanilang kinabibilangan. Mauunawaan din nila ang pag-uugnayan, pag-aasahan, at pagtutulungan ng pamilya at paaralan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
44
LAYUNIN-11 IKA-APAT NA MARKAHAN- Ako at ang aking Tahanan at Paaralan
Nakagagawa ng mapa ng bahay Natutukoy ang nilalaman at gamit sa bahay at klasrum at kung saan ang mga ito matatagpuan ang mga ito (kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harapan at likuran) Nakagagawa ng mapa ng klasrum at natutukoy ang distansya ng mag-aaral sa ibang bagay dito
45
IKA-APAT NA MARKAHAN Pangangalaga sa Kapaligiran
*Naiguguhit ang iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa kapaligiran *Naikakategorya ang mga gawain at ugali na nakatutulong at nakasasama sa kapaligiran *Naisasagawa ang mga paraan ng pangangalaga sa kapaligiran
46
MGA KASANAYANG MALILINANG
KOMUNIKASYON Pagbabahagi ng impormasyon Pagsasalaysay Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay Pagsulat ng impormasyon sa tsart
47
Mapanuring Pag-iisip Pagsusuri Paghahambing
Pagpapangkat ng mga impormasyon Pagsusuri ng mga larawan Pagbubuo ng hinuha Malikhaing Pag-iisip Paggawa ng mapa Pagguhit
48
Pagpapahalaga Pagkilala sa ugnayan ng pamilya at paaralan Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa Pakikisaya ng mga pangkatang gawain Pagtapos sa gawain sa takdang oras Paglahok Paglalaro Pakikilahok sa talakayan, Pag-awit
49
HULAAN ANG MGA GAWAING ITO
LGOCELA - PINAGSAMA-SAMANG LARAWAN NA NAGPAPAKITA NG ISANG MALAKING IDEYA
50
Isa pa……. ____ H___R____D___S
Ito ay pagpapahula ng isang bagay sa pamamagitan lamang ng paggawa ng aksyon nang hindi nagsasalita
51
Halika ire pa Ipinakikita sa atin ng isang
T_____________E kung kailan naganap ang mga pangyayari at kung anu-ano ang mga bagay na nagbago
52
Kaya mo pa ito!!!! Isa itong paraan nang pagbabahagi at pagsasaayos ng mga ideya sa isang malikhaing paraan. GO
53
Ang Aking Mga Paboritong Bagay
54
Dagdagan pa natin??? Mga Alituntunin na Ipinapatupad ng Pamilya Santos
Ito ay pagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay, tao at iba pa Halimbawa: Mga Alituntunin na Ipinapatupad ng Pamilya Santos Magkatulad na Alituntunin ng aming Pamilya Mga Alituntunin na Ipinapatupad ng Pamilya Dimagiba
55
Huli na ito kapatid Ano ang tawag sa pinagdikit-dikit na larawan o bagay upang makabuo ng isang hugis o pattern???
56
Banghay-Aralin I. Layunin II. Paksang Aralin A. Tema B. Sanggunian
C. Konsepto D.Kagamitan E. Integrasyon
57
III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain B. Panlinang na Gawain
Pamukaw Siglang Gawain B. Panlinang na Gawain 1. Paunang Pagtataya /Pagganyak 2. Paglalahad 3. Pagtalakay 4. Paglalahat 5. Paglalapat 6. Pagpapahalaga
58
IV. Panghuling Pagtataya
V. Kasunduan
59
AKO AY GURO NA K-12 SUPPORTER UMULAN BUMAGYO AYOS LANG
BASTA BATANG PILIPINO AKING PAGLILINGKURAN DAHIL MAHAL KO ANG AKING BAYAN
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.