Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byAnna-Karin Forsberg Modified over 6 years ago
1
ANG BAGONG DAAN NG KRUS Ika-15 ng Abril 2011
DIOCESE OF ANTIPOLO STO. NIÑO PARISH Modesta Village, San Mateo, Rizal ANG BAGONG DAAN NG KRUS Ika-15 ng Abril 2011
2
SALAMAT HESUS AT ‘YONG TINANGGAP. ANG BUHAY NAMI’Y IYONG INILIGTAS
SALAMAT HESUS AT ‘YONG TINANGGAP. ANG BUHAY NAMI’Y IYONG INILIGTAS. BUBUKSAN ANG PUSO AT ISIPAN, NANG ANG BIYAYA MO AY MAKAMTAN. SALAMAT HESUS, SA ‘YONG PAGMAMAHAL. SALAMAT SA ‘YONG BUHAY. Salamat Hesus
3
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
4
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
PANGINOONG JESU-CRISTO, BABALIKAN NAMIN NGAYON SA AMING MGA PUSO AT ISIPAN ANG IYONG MAPAGMALASAKIT NA PAGLALAKBAY PATUNGO SA KALBARYO UPANG MAGANAP ANG PAGLILIGTAS MO SA AMIN. PAMBUNGAD NA PANALANGIN
5
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
AALALAHANIN NAMIN NGAYON NA ANG IYONG PAGHIHIRAP AY TANDA NG IYONG WAGAS NA PAG-IBIG. ANG IYONG PAGPASAN NG KRUS AY SALAMIN NG PAG-AKO MO SA AMING MGA KASALANAN. ANG IYONG PAGPAPAKASAKIT AY SUKATAN NG IYONG PAGPAPATAWAD. PAMBUNGAD NA PANALANGIN
6
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
PANGINOON, SISIMULAN NA NAMIN ANG PAGTAHAK SA DAAN NG KRUS. PANGUNAHAN MO KAMI SA PAGBAGTAS NG IYONG MGA YAPAK UPANG ITO AY MAISAGAWA NAMIN NANG MAY PAGSISISI SA MGA NAGAWA NAMING MGA KASALANAN AT PAGPAPAHALAGA SA IYONG IPINAMALAS NA PAG-IBIG SA AMIN. PAMBUNGAD NA PANALANGIN
7
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
LUWALHATI SA AMA, SA ANAK AT SA ESPIRITU SANTO, KAPARA NOONG UNA, NGAYON AT MAGPAKAILAN MAN AT MAGPASAWALANG HANGGAN, AMEN. PAMBUNGAD NA PANALANGIN
8
Unang Istasyon: Ang Huling Hapunan
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
9
PANGINOON, INIWAN MO SA AMIN ANG PARAAN KUNG PAPAANO KA NAMIN AALALAHANIN: ITO AY ANG HULING HAPUNAN. ITO ANG KAGANAPAN NG IYONG PAGPAPARANGAL, PAGGAWA NG MGA HIMALA AT PAGPAPAGALING. ITO ANG BUOD NG IYONG BUHAY. INIWAN MO SA AMIN ANG ISANG MALIWANAG NA HALIMBAWA NG PAGLILINGKOD AT PAGPAPAKUMBABA. PANALANGIN
10
ANG BANAL NA EUKARISTIYA AY IYONG ITINATAG SA HULING HAPUNAN
ANG BANAL NA EUKARISTIYA AY IYONG ITINATAG SA HULING HAPUNAN. KAMI AY NAGIGING BAHAGI NG IYONG KATAWAN. NAKIKIISA KAMI SA IYO AT IKAW AY NANAHAN SA AMIN. BINIBIGYAN MO KAMI NG TUNAY NA PAGKAIN NA HINDI LUMILIPAS – ANG TINAPAY NG BUHAY NA MAGHAHATID SA AMIN SA BUHAY NA WALANG HANGGAN. PANALANGIN
11
MAGLALAAN KAMI NG PANAHON SA IYO
MAGLALAAN KAMI NG PANAHON SA IYO. MAGSISIMBA KAMI TUWING LINGGO AT PISTANG PANGILIN. IKUKUMPISAL NAMIN SA PARI ANG AMING MGA KASALANAN. IHAHANDA NAMIN ANG AMING MGA SARILI SA PAGTANGGAP SA IYONG MAHAL NA KATAWAN. PANALANGIN
12
LUWALHATI SA AMA, SA ANAK AT SA ESPIRITU SANTO, KAPARA NOONG UNA, NGAYON AT MAGPAKAILAN MAN AT MAGPASAWALANG HANGGAN, AMEN. PANALANGIN
13
ONE BREAD, ONE BODY ONE LORD OF ALL
ONE BREAD, ONE BODY ONE LORD OF ALL. ONE CUP OF BLESSING WHICH WE BLESS AND WE THOUGH MANY, THROUGHOUT THE EARTH. WE ARE ONE BODY IN THIS ONE, LORD. One Bread, One Body
14
GENTILE OR JEW, SERVANT OR FREE. WOMAN OR MAN. NO MORE.
One Bread, One Body
15
ONE BREAD, ONE BODY ONE LORD OF ALL
ONE BREAD, ONE BODY ONE LORD OF ALL. ONE CUP OF BLESSING WHICH WE BLESS AND WE THOUGH MANY, THROUGHOUT THE EARTH. WE ARE ONE BODY IN THIS ONE, LORD. One Bread, One Body
16
Ikalawang Istasyon: Ang Pagtangis Ng Panginoon Sa Getsemani
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
17
PANGINOON, ORAS NA NG KATUPARAN NG GAGAWIN MONG PAGLILIGTAS
PANGINOON, ORAS NA NG KATUPARAN NG GAGAWIN MONG PAGLILIGTAS. MAIBABALIK NA MULI ANG NASIRANG UGNAYAN NG TAO AT NG DIYOS. MALAKI ANG KABAYARAN NITO: ANG PAG-AALAY MO NG IYONG BUHAY. NAKAKATAKOT ITO AT NAKAPANGHIHINA NG DAMDAMIN. PANALANGIN
18
SUBALI’T ANG IYONG TUGON AY MATIBAY “AMA, HINDI ANG KALOOBAN KO KUNDI ANG IYO ANG MASUSUNOD.” ANG IYONG PAGTUGON AY PAGPAPATUNAY NG IYONG PAGTITIWALA SA IYONG AMA. PANALANGIN
19
MARAMING SULIRANIN AT MASALIMUOT NA PAGSUBOK ANG DUMARATING SA AMING BUHAY. MARAMING MGA BAGAY NA NANGYAYARI NA HINDI NAMING MATANGGAP-TANGGAP, SUBALI’T DAHIL SA LIWANAGNG IYONG MABUTING HALIMBAWA AT UUNAWAIN NA NAMIN ANG MGA ITO AT TATALIMA RIN KAMI SA KALOOBAN NG DIYOS. PANALANGIN
20
AMA, MAYROON KAMING MGA PANSARILING NAIS GAWIN PERO BAGO ANG LAHAT, AMIN ITONG HUHUSGAHAN KUNG ITO AY NAAAYON SA KALOOBAN NG DIYOS O HINDI. Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
21
How Lovely is Your Dwelling Place
HOW LOVELY IS YOUR DWELLING PLACE O LORD, MIGHTY GOD, LORD OF ALL. EVEN THE LOWLY SPARROW FINDS A HOME FOR HER BROOD AND THE SWALLOW A NEST FOR HERSELF WHERE SHE MAY LAY HER YOUNG IN YOUR ALTAR, MY KING AND MY GOD. How Lovely is Your Dwelling Place
22
Ikatlong Istasyon: Si Hesus ay Hinatulang Mamatay
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
23
PANGINOON, HINATULAN KA NG KAMATAYAN DATAPWA’T WALA KANG KASALANAN
PANGINOON, HINATULAN KA NG KAMATAYAN DATAPWA’T WALA KANG KASALANAN. GUMAWA SILA NG KASINUNGALINGAN UPANG IKAW AY MAPAHAMAK. SUBALIT HINDI KA MAN LAMANG KUMIBO. PANALANGIN
24
BAKIT GANOON, PANGINOON? ALAM MONG SILA AY MALI, BAKIT HINDI KA TUMUTOL? HINAMAK KA NG LAHAT NGUNIT HINDI KA SUMAGOT. TINANGGAP MO ANG PARUSA AT HINDI KA MAN LAMANG NAGPALIWANAG, BAKIT, PANGINOON? PANALANGIN
25
MATUTO NAWA KAMI SA IYONG KABABAANG-LOOB
MATUTO NAWA KAMI SA IYONG KABABAANG-LOOB. TINANGGAP MO ANG LAHAT ALANG-ALANG SA AMIN. MATUTO NAWA KAMI NA MAGSABI NG KATOTOHANAN AT HINDI NG PANLILINGLANG. HUWAG NAWA NAMING SISIRAAN ANG AMING KAPWA. TANGGAPIN NAWA NAMIN ANG LAHAT NG TAO NA IYONG KALARAWAN AT DAPAT NAMING IGALANG AT MAHALIN. PANALANGIN
26
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
27
AKO AY NARITO, HUMIHINGI NG TAWAD MO
AKO AY NARITO, HUMIHINGI NG TAWAD MO. SA LAHAT NG TAONG PINAGKASALAHAN KO DI KO GINUSTO ITO, NGUNIT NAGAWA KO. ‘PAGKAT AKO’Y TAO LAMANG, MADALING MAGKASALA. Tao Lamang
28
PAKINGGAN MO, PANGINOON KO ANG DALANGIN KO’Y PATAWARIN AKO
PAKINGGAN MO, PANGINOON KO ANG DALANGIN KO’Y PATAWARIN AKO. BAWAT TITIK NA SINASAMBIT KO ITO’Y BUKAL SA KALOOBAN KO. SALAMAT… SALAMAT… SA ‘YO… AMA… KO. Tao Lamang
29
Ikaapat na Istasyon: Ang Paghahampas at Pagpuputong ng Koronang Tinik
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
30
PANGINOON,IKAW ANG AMING HARI. SUBALIT ANO ANG GINAWA NILA SA IYO
PANGINOON,IKAW ANG AMING HARI. SUBALIT ANO ANG GINAWA NILA SA IYO? ANG IYONG SETRO AY ANG HALIGING BATO AT ANG KORONA MO AY YARI SA TINIK. TINIIS MO ANG HAMPAS AT HAGUPIT. PANALANGIN
31
TINANGGAP MO ANG PAGKUTYANG “MASDAN NINYO ANG HARI NG MGA HUDYO
TINANGGAP MO ANG PAGKUTYANG “MASDAN NINYO ANG HARI NG MGA HUDYO.” BAKIT? DAHIL SA WAGAS MONG PAGMAMAHAL SA AMIN. MAGING SINO MAN KAMI AY MAHALAGA PA RIN KAMI SA IYO. ANG AMING KALIGTASAN ANG NAIS MO. PANALANGIN
32
HINDI KAMI KARAPAT-DAPAT SA IYONG PAGMAMAHAL, PANGINOON
HINDI KAMI KARAPAT-DAPAT SA IYONG PAGMAMAHAL, PANGINOON. MARAMING BESES AY IPINAGPAPALIT KA NAMIN SA IBA. AT SAKA ALANGANIN KAMI SA PAGSUNOD SA IYO. NATAKOT KAMING MAPAHAMAK ANG AMING HANAP-BUHAY O POPULARIDAD. PANALANGIN
33
NAGHUHUGAS-KAMAY RIN KAMI
NAGHUHUGAS-KAMAY RIN KAMI. AT GUMAGAWA KAMI NG PARAAN UPANG MAKATAKAS SA RESPONSIBILIDAD. TULUNGAN MO KAMI, PANGINOON, NA MAGING KATULAD MO. KAILANGAN DIN NAMING MAGPAKASAKIT PARA SA IBA. DAPAT DIN KAMING MATUTONG MAG-ALAY NG BUHAY. PANALANGIN
34
MATUTUHAN NAWA NAMIN ANG TUMALIKOD SA LAYAW NG KATAWAN NANG SA GAYON AY MAGING TUNAY MO KAMING ALAGAD. Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
35
O HESUS HILUMIN MO AKING SUGATANG PUSO, NANG AKING MAHANGO KAPWA KONG KASIM-BIGO. HAPIS AT PAIT, IYONG PATAMISIN AT HAGKAN ANG SAKIT NANG MAGNINGAS ANG RIKIT. O Hesus, Hilumin Mo
36
Ikalimang Istasyon: Pinasan ni Hesus ang Krus
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
37
PANGINOON, TINANGGAP MO ANG KRUS NA MABIGAT
PANGINOON, TINANGGAP MO ANG KRUS NA MABIGAT. ISA KAMI SA MGA NAGPATONG NG KRUS SA IYONG BALIKAT. IKAW ANG NAGBAYAD SA NAGAWA NAMING PAGKAKAMALI. PAGPAPATAWAD ANG IYONG SINUKLI SA AMING PAGKAKASALA. PAG-IBIG ANG IYONG IBINIGAY SA AMING MGA PAGKUKULANG. PANALANGIN
38
KAY BUTI MO, PANGINOON, SUBALIT ANO ANG AMING IGINANTI SA IYO
KAY BUTI MO, PANGINOON, SUBALIT ANO ANG AMING IGINANTI SA IYO? AYAW NA NAMING MAGTIIS O MAGPAKASAKIT. PALAGI KAMING NAKAPUPUNA O NAGBIBINTANG. ANG AMING SARILI LAMANG ANG AMING KINIKILALA. ANG IBA AY ITINUTURING NAMING HADLANG SA AMING PAG-ANGAT SA BUHAY. TURUAN MO KAMING MAGING TULAD MO, O PANGINOON. PANALANGIN
39
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
40
IF I COULD TOUCH YOU, I’D HEAL YOUR BROKEN PALMS
IF I COULD TOUCH YOU, I’D HEAL YOUR BROKEN PALMS. IF I COULD TOUCH YOU IN MY ARMS. I’D CALL THE SOFT BREEZE TO CARESS YOUR WEARY ARMS, I’D CALL THE MOON BEAM TO DISPEL THIS DARKEST NIGHT. IF I COULD TOUCH YOU, I WOULD. If I Could Touch You
41
LONG HAVE I WAITED FOR YOU TO HEAR MY CALL. TO ANSWER MY PLEA
LONG HAVE I WAITED FOR YOU TO HEAR MY CALL. TO ANSWER MY PLEA. WHAT YOU DO TO MY BRETHEN, YOU DO IT FOR ME. I AM IN THE BROKENNESS AND WOUNDEDNESS OF MAN. If I Could Touch You
42
IF I COULD TOUCH YOU, YOUR WORDS OF ANGUISH
IF I COULD TOUCH YOU, YOUR WORDS OF ANGUISH. IF YOU JUST WHISPER IN MY EAR. THE SADNESS WEIGHING DOWN YOUR HEART THAT NO MAN SEES. IF YOU JUST CALL ME, I WOULD SING OF FLAMING HOPE. IF I COULD HEAR YOU, IF I COULD TOUCH YOU, I WOULD. If I Could Touch You
43
Ikaanim na Istasyon: Ang Pagkadapa ni Hesus
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
44
PANGINOON, DAHIL SA BIGAT NG KRUS, IKAW AY NAPASUBSOB
PANGINOON, DAHIL SA BIGAT NG KRUS, IKAW AY NAPASUBSOB. LABIS KANG NAHIRAPAN SA MGA HAGUPIT NA LUMATAY SA IYONG KATAWAN. LABIS KANG NANGHINA DAHIL SA MARAMING DUGO NA DUMANAK MULA SA IYONG ULO GAWA NG KORONANG TINIK. PANALANGIN
45
SUBALIT IKAW AY BUMANGON
SUBALIT IKAW AY BUMANGON. PARA BANG SINASABI MO SA BAWAT ISA SA AMIN NA HUWAG KAMING MANATILI SA PAGKASUBSOB KUNG KAMI AY NADAPA SA PUTIK NG PAGKAKASALA. KINAKAILANGANG BUMANGON DIN KAMI. PANALANGIN
46
SA TULONG MO, PANGINOON, BABANGON KAMING MULI MULA SA ISANG BUHAY NA WALANG DIREKSIYON TUNGO SA ISANG BUHAY NA NAAYON SA KALOOBAN NG DIYOS. BABANGON KAMI SA PAGKAKAALIPIN SA MGA BISYONG SUGAL, ALAK O DRUGS TUNGO SA ISANG BUHAY NA NAKALAANG MAGING KASANGKAPAN MO SA IYONG MISYONG PAGLILIGTAS DITO SA LUPA. PANALANGIN
47
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
48
KUNG ‘YONG NANAISIN, AKING AAKUIN AT BABALIKATIN ANG KRUS MONG PASANIN KUNG ‘YONG IIBIGIN IPUTONG SA AKIN KORONANG INANGKIN PANTUBOS SA AMIN Kung ‘Yong Nanaisin
49
KUNG PIPILIIN, ABANG ALIPIN SABAY TAHAKIN KRUS NA LANDASIN GALAK AY AKIN HAPIS AY ‘DI PANSIN ANG ‘YONG NAISIN, S’YANG SUSUNDIN. Kung ‘Yong Nanaisin
50
Ikapitong Istasyon: Si Hesus ay Tinulungan ni Simon Cireneo
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
51
PANGINOON, ANG BUNDOK NG KALBARYO AY MALAYO PA AT KINAKAILANGANG MARATING MO ITO SA GITNA NG IYONG MGA PAGHIHIRAP AT PASAKIT. NGUNIT WALANG NAGKUSANG TUMULOONG SA IYO. KINAKAILANGAN PANG PILITIN ANG ISANG TAGAMASID. PANALANGIN
52
TULUNGAN MO KAMI, PANGINOON, NA MATUTUHAN NAMING TUMAYO PARA SA IYO
TULUNGAN MO KAMI, PANGINOON, NA MATUTUHAN NAMING TUMAYO PARA SA IYO. ALISIN MO SA AMING SARILI ANG TAKOT NA MASANGKOT, ANG KADUWAGAN SA PAGDAMAY, ANG PANGINGIMING MAGBIGAY KUNG HINDI MAGAGANTIHAN. GAWARAN MO KAMI NG PAGKATAKOT HINDI SA TAO KUNDI SA MALING UGALING PAKIUSAPAN O “MABUTING USAPAN.” PANALANGIN
53
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
54
SINO ANG AKING BABALINGAN. PANGINOON KO TANGING IKAW
SINO ANG AKING BABALINGAN? PANGINOON KO TANGING IKAW. PAGKAT TAGLAY MO ANG SALITA NG BUHAY: IKAW ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN. PANGINOON NARITO AKO. GAWIN MO SA AKIN ANG MAIBIGAN MO. HANDA AKONG TUPDIN ANG LOOB MO, PANGINOON, NARITO AKO. Panginoon, Narito Ako
55
Ikawalong Istasyon: Si Hesus at ang mga Babaeng Taga-Jerusalem
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
56
SA HIWAGA NA BUMABALOT SA MGA PANGYAYARI AY HINDI NABABATID NG MGA BABAENG TAGA-JERUSALEM NA ANG DAPAT NILANG TANGISAN AY ANG KANILANG MGA SARILI. KAMI MAN, PANGINOON, AY DAPAT TUMANGIS SAPAGKAT KAMI AY MAKASALANAN. KAYA, MAHABAG KA SA AMIN, PANGINOON NAMING HESUS. PANALANGIN
57
WALA NGA NAMANG KUWENTA ANG AMING BUHAY RITO SA MUNDO KUNG MAWAWALAN KAMI NG GRASYANG KALOOB MO. HABANG SUMASAMA KAMI SA IYO SA DAAN NG KRUS AY IPAUBAYA MO SA AMIN ANG PAGKAKATAONG ITO NA LUMUHA KAMI NANG MAY PAGSISISI. PANALANGIN
58
TULUNGAN MO KAMING MAGSISISI DAHIL SA NAGAWA NAMING PAGTALIKOD SA IYO
TULUNGAN MO KAMING MAGSISISI DAHIL SA NAGAWA NAMING PAGTALIKOD SA IYO. Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
59
ILIKHA MO KAMI NG ‘SANG BAGONG PUSO
ILIKHA MO KAMI NG ‘SANG BAGONG PUSO. HUGASAN ANG KAMAY NA NABASA NG DUGO. LINISIN ANG DIWANG SA HALAY AY PUNO. Likhain Mong Muli
60
AMANG DIYOS ‘YONG BAGUHIN ANG TAO’T DAIGDIG SA BANAL NA TAKOT
AMANG DIYOS ‘YONG BAGUHIN ANG TAO’T DAIGDIG SA BANAL NA TAKOT. SAMBANG NANGINGINIG. IBALIK ANG PUSO’T BAYANG NANLALAMIG. LIKHAIN MONG MULI KAMI SA PAG-IBIG. Likhain Mong Muli
61
Ikasiyam na Istasyon: Si Hesus ay Hinubaran at Ipinako sa Krus
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
62
PANGINOON, IKAW AY HINUBARAN NG IYONG MGA KAAWAY
PANGINOON, IKAW AY HINUBARAN NG IYONG MGA KAAWAY. IKAW AY HINDI LAMANG HINUBARAN NG DAMIT KUNDI PATI NA NG DANGAL. TINIIS MO ITO DAHILSA PAG-IBIG MO SA AMIN. PANALANGIN
63
TURUAN MO KAMI, PANGINOON, NA HUBARIN NAMIN ANG UGALING MAPAGKUNWARI AT PAGNANASANG MAGSAMANTALA SA KAHIRAPAN NG IBA. BIHISAN MO KAMI NG ARAL MO UPANG MAKAPAG-ALAY RIN KAMI NG BUHAY ALANG-ALANG SA KAPWA. PANALANGIN
64
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
65
BAWAT SANDALI DALANGIN KO’Y BINIBIGKAS NANG MASILAYAN KANG MAALIWALAS NANG IBIGIN KA PANGINOON BUONG WAGAS NANG AKING MASUNDAN ANG ‘YONG BAKAS BAWAT SANDALI HANGAD KITA ANG SIYANG LANDAS. Bawat Sandali
66
Ikasampung Istasyon: Ang Pinagpalang Magnanakaw
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
67
PANGINOON, ISANG PATAK LAMANG NG BANAL MONG DUGO AY SAPAT NA UPANG KAMI AY MALIGTAS. SUBALIT TINANGGAP MO ANG MGA PAHIRAP SA IYO NG MGA WALANG PANINIWALA SA IYO. ISANG IMBING PAGHAMAK NA IKAW AY IPAKO SA GITNA NG DALAWANG PAGNANAKAW. PANALANGIN
68
DINAGDAGAN PA ITO NG PANGUNGUTYA, PAGTUYA AT PANUNUKSO
DINAGDAGAN PA ITO NG PANGUNGUTYA, PAGTUYA AT PANUNUKSO. HINDI SILA NAGTAGUMAPAY NA PAGALITIN KA. BAGKUS AY TININGNAN MO SILA NG IYONG TINGIN NA PUNO NG PAGPAPATAWAD AT PAGMAMAHAL. PANALANGIN
69
HINDI KAMI NAWAWALAN NG PAG-ASA NA MASUSUKLIAN NAMING ANG IYONG PAGMAMAHAL. TULAD NG MAGNANAKAW NA IYONG PINAGPALA DAHIL NAGSISI SIYA SA KANYANG MGA KASALANAN, NAGSISISIS RIN KAMI SA PAGBIBIGAY NG DALAMHATI SA IYO. PANALANGIN
70
TULUNGAN MO KAMING MAGBALIK-LOOB AT MAGLAAN KA SA AMIN NG LUGAR SA PARAISO.
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
71
DIYOS KO AKO’Y PATAWARIN SA NAGAWA KONG SALA
DIYOS KO AKO’Y PATAWARIN SA NAGAWA KONG SALA. LUBOS NA NAGSISISI, SA ‘YO AKING AMA. AMA KO’Y PATAWARIN NA BINUKSAN MO ANG PUSO PAG-IBIG ANG TUMIMO SA ISA’T-ISA Ama Ko Patawad
72
KUNG SAKALING KAMI AY MADAPA KAMING MULI AY IYONG IBANGON ‘PAGKAT KAMI AY TAO LAMANG NA ‘YONG NILIKHA, DIYOS KO. Ama Ko Patawad
73
Ikalabing-isang Istasyon: Ang Mahal na Ina at ang Alagad sa Paanan ng Krus
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
74
PANGINOONG JESUS, HINDI BA’T NARAGDAGAN ANG IYONG PAGDURUSA NANG MAKITA MO ANG IYONG MAHAL NA INA NA NAGDADALAMHATI DAHIL SA NANGYARI SA IYO? ANG MAHAL MONG INA AY KARAMAY MO SA IYONG PAGDURUSA. PANALANGIN
75
SINO NGA BANG INA ANG MAKAKATAGAL KUNG NAKIKITA NIYA ANG KANYANG ANAK NA PINAHIHIRAPAN NG IBA? DAHIL SA PAGMAMAHAL MO SA IYONG INA AY INATASAN MO ANG IYONG ALAGAD NA MATALIK MO RING KAIBIGAN NA HUWAG SIYANG PABABAYAAN. MAPALAD DIN ANG IYONG ALAGAD SA PAGKAKAROON NG ISANG INA. PANALANGIN
76
SALAMAT SA IYO, PANGINOON, AT IBINIGAY MO SA AMIN ANG IYONG INA UPANG MAGING INA RIN NAMIN. TINATANGGAP DIN NAMIN SI MARIA NANG BUONG PUSO. Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
77
SA ‘KING PAGLALAKBAY SA BUNDOK NG BUHAY. SA LIGAYA’T LUMBAY
SA ‘KING PAGLALAKBAY SA BUNDOK NG BUHAY. SA LIGAYA’T LUMBAY. MAGING TALANG GABAY. MARIANG INA KO, AKO RI’Y ANAK MO. KAY KRISTONG KUYA KO AKAYIN MO AKO. Mariang Ina Ko
78
MAGING AKING TULAY SA LANGIT KONG PAKAY
MAGING AKING TULAY SA LANGIT KONG PAKAY. SA BINGIT NG HUKAY, TANGNAN AKING KAMAY. MARIANG INA KO, AKO RI’Y ANAK MO. KAY KRISTONG KUYA KO AKAYIN MO AKO. Mariang Ina Ko
79
Ikalabindalawang Istasyon: Si Hesus ay Namatay sa Krus
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
80
PANGINOONG HESUS, HABANG NAKABAYUBAY KA SA KRUS AY WALA SA MGA TINITIIS MO ANG IYONG ISIP. BAGKUS AY INAALALA MO PA ANG MGA NAGPAHIRAP SA IYO. TUMAWAG KA SA AMA AT SINABI MONG “AMA KO, PATAWARIN MO PO SILA.” IPINAKITA MO SA AMIN ANG ISANG MAGANDANG HUWARAN NG ISANG PAGMAMAHAL NA DALISAY. PANALANGIN
81
KAILANGAN NAMIN ANG IYONG MAGANDANG HALIMBAWA SAPAGKAT MAHIRAP MAGPATAWAD SA MGA TAONG NAGKASALA SA AMIN. Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
82
H’WAG LIMUTIN NAKARAANG ARAWSARIWAIN KAHIT BALIK TANAW TAKIP SILIM DI MAN MAPIGILAN SANDALI LANG ANG DILIM. ‘YONG BILANGIN ANG BAWAT SANDALING KAGALAKA’Y WARI’Y WALANG PATID MAGKASAMA TAYO PAGSAPIT NG ‘SANG LANGIT SA DAIGDIG. Huwag Limutin
83
MINAMAHAL KITANG TUNAY ANG TINIG KO SA YO’Y BUBUHAY SAMBITIN MO ANG AKING HIMIG AT AKO SA IYO’Y AAWIT. Huwag Limutin
84
Ikalabintatlong Istasyon: Si Hesus ay Inilibing
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
85
PANGINOONG HESUS, NAGSIMULA ANG IYONG BUHAY SA ISANG HIRAM NA SABSABAN AT NGAYON NATAPOS DIN ITO SA ISANG HIRAM NA LIBINGAN. TINUPAD MO ANG KALOOBAN NG IYONG AMA. NAGANAP NA ANG PAGLILIGTAS SA SANLIBUTAN. IBINALIK MO SA TAO ANG DATI NIYANG KARANGALAN. NAPANAULI NA ANG NAPUTOL NA UGNAYAN NG TAO AT NG DIYOS. PANALANGIN
86
MALAKI ANG NAGING PUHUNAN MO PARA SA AMING KALIGTASAN
MALAKI ANG NAGING PUHUNAN MO PARA SA AMING KALIGTASAN. TINUBOS MO KAMI SA PAMAMAGITAN NG PAGBUBUHOS MO NG IYONG MAHAL NA DUGO. TULUNGAN MO KAMI, PANGINOON, UPANG MAISABUHAY NAMIN ANG IYONG MGA ARAL AT ANG NAGING BUHAY MO SA LUPA. PANALANGIN
87
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
88
Ang Kaluluwa Ko’y Nauuhaw
KATULAD NG LUPANG TIGANG, WALANG TUBIG AKO'Y NAUUHAW O DIYOS HANGAD KITANG TUNAY, SA IYO AKO'Y NAUUHAW. KAYA KITA'Y MINAMASDAN, DOON SA IYONG DALANGINAN NANG MAKITA KONG LUBUSAN, LAKAS MO'T KALUWALHATIAN. Ang Kaluluwa Ko’y Nauuhaw
89
Ang Kaluluwa Ko’y Nauuhaw
ANG KALULUWA KO'Y NAUUHAW, SA IYO O PANGINOON KO. Ang Kaluluwa Ko’y Nauuhaw
90
Ikalabing-apat na Istasyon: Si Hesus ay Muling Nabuhay
Sinasamba at Pinupuri Ka Namin, O Cristo. Sapagkat Sa Pamamagitan ng Krus ay Sinagip Mo ang Mundo.
91
PANGINOONG HESUS, SA PAGSAPIT NG TATLONG ARAW, IKAW AY NABUHAY NA MAG-ULI. ANG PAGKABUHAY MO AY NAGPAPATUNAY NA NALUPIG MO ANG KASALANAN AT NASUPIL MO ANG KAMATAYAN. BINUKSAN MO SA AMIN ANG PINTO NG LANGIT. PANALANGIN
92
TULUNGAN MO KAMI, PANGINOON, UPANG HINDI KAMI MALUNGKOT SA PAGPASAN NAMIN SA AMING MUMUNTING KRUS. NAWA’Y MAIPAMALAS NAMIN SA AMING SALITA AT HALIMBAWA NA IKAW AY BUHAY SA AMING BUHAY. BIGYAN MO KAMI NG LAKAS NA MAIPANGARAL SA IBA ANG IYONG SALITA. PANALANGIN
93
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasawalang hanggan, Amen. PANALANGIN
94
SALAMAT DIYOS SA PAGSUBOK SA BUHAY KO AT AKO AY TUMITIBAY AT LUMALAGO
SALAMAT DIYOS SA PAGSUBOK SA BUHAY KO AT AKO AY TUMITIBAY AT LUMALAGO. SALAMAT DIN SA LAHAT NG PANGAKO MO. TINUPAD MONG LAHAT NG ITO SA BUHAY KO. Salamat Diyos
95
KAYA TANGING DALANGIN KO, AKO SANA’Y SAMAHAN MO
KAYA TANGING DALANGIN KO, AKO SANA’Y SAMAHAN MO. INGATAN AT BIGYANG LAKAS KUNG MAY BAGYO. ANG BUHAY KO AY TANGNAN MO. BUKAS ANG PUSO KO SA ‘YO. IKAW HESUS ANG PAG-ASA KO. SALAMAT SA ‘YO. Salamat Diyos
96
PANGHULING PANALANGIN
PANGINOONG HESUS, SA PAGNILAY-NILAY NAMIN SA DAAN NG KRUS NA DINAANAN MO AY NAPAGTANTO NAMIN ANG MAPAIT NA BUNGA NG AMING NAGAWANG PAGKAKASALA. ANG MAHAL MONG DUGO ANG NAGING KABAYARAN PARA MAPALAYA KAMI SA PAGKAALIPIN NG KASALANAN. PANGHULING PANALANGIN
97
PANGHULING PANALANGIN
ANG BUONG BUHAY MO AY KAPALIT NG IYONG PAGLILIGTAS SA SANGKATAUHAN. TULUTAN MO KAMING MAISABUHAY ANG IYONG MAGANDANG HALIMBAWA, NGUNIT ITO AY MAGAGAWA SA AMING SARILING PAGKUKUSA KUNG HINDI MO KAMI AALALAYAN. PANGHULING PANALANGIN
98
PANGHULING PANALANGIN
SALAMAT, O PANGINOON, SA GINAWA MONG PAGLILIGTAS SA AMIN SALAMAT, PANGINOON. SALAMAT, PANGINOON, SA PAGPAPATAWAD MO SA AMING MGA KASALANAN. PANGHULING PANALANGIN
99
PANGHULING PANALANGIN
SALAMAT, PANGINOON, SA IPINAKITA MONG PAGMAMAHAL SA AMING LAHAT. AT GABAYAN MO KAMI SA BUHAY NA WALANG HANGGAN. AMEN. AMA NAMIN.. ABA GINOONG MARIA… LUWALHATI… PANGHULING PANALANGIN
100
Pagdiriwang ng Huling Hapunan
101
Tinapay at Alak Naming Hatid
AMING HATID, ALAY NA ITO. ANG TINAPAY NA NAGMULA SA PAGPAPALA MO. AT TANGGAPIN ANG ALAK NA ITO INUMING INIHAIN SA’YO. Tinapay at Alak Naming Hatid
102
Tinapay at Alak Naming Hatid
MAHAL NAMING D’YOS INYONG TANGGAPIN ANG MUNTING ALAY MULA SA AMIN. BUONG PUSO NAMING HIHINTAYIN PAGPAPALA NA AMING HILING. Tinapay at Alak Naming Hatid
104
P – MANALANGIN KAYO… B - TANGGAPIN NAWA NG PANGINOON ITONG PAGHAHAIN SA IYONG MGA KAMAY SA KAPURIHAN NIYA AT KARANGALAN, SA ATING KAPAKINABANGAN AT SA BUONG SAMBAYANAN NYANG BANAL. Paghahain ng Alay
105
Panalangin Ukol Sa Mga Alay
106
SANTO, SANTO, SANTO, PANGINOONG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN, NAPUPUNO ANG LANGIT AT LUPA NG KALUWALHATIAN MO. OSANA SA KAITAASAN! PINAGPALA ANG NAPARIRITO SA NGALAN NG PANGINOON. Santo
108
SI KRISTO’Y NAMATAY, SI KRISTO’Y NABUHAY
SI KRISTO’Y NAMATAY, SI KRISTO’Y NABUHAY. SI KRISTO’Y BABALIK SA WAKAS NG PANAHON. Aklamasyon
110
AMEN, AMEN, AMEN AMEN, AMEN AMEN, AMEN.
Dakilang Amen
111
Pakikinabang
112
AMA NAMIN SUMASALANGIT KA, SAMBAHIN ANG NGALAN MO
AMA NAMIN SUMASALANGIT KA, SAMBAHIN ANG NGALAN MO. MAPASAAMIN ANG KAHARIAN MO, SUNDIN ANG LOOB MO, DITO SA LUPA, PARA NG SA LANGIT. BIGYAN MO PO KAMI, NG AMING KAKANIN, SA ARAW-ARAW. Ama Namin
113
AT PATAWARIN MO, O PATAWARIN MO KAMI, SA AMING MGA SALA, PARA NG PAGPAPATAWAD NAMIN, SA NAGKAKASALA SA AMIN, AT HUWAG MO PO KAMING IPAHINTULOT SA TUKSO, AT IADYA MO KAMI SA LAHAT NG MASAMA. Ama Namin
115
SAPAGKAT SA ‘YO NAGMUMULA ANG KAHARIAN AT KAPANGYARIHAN AT ANG KALUWALHATIAN, MAGPASAWALANG-HANGGAN!
117
KORDERO NG DIYOS NA NAG-AALIS NG MGA KASALANAN NG SANLIBUTAN, MAAWA KA SA AMIN, MAAWA KA SA AMIN. NG MGA KASALANAN NG SANLIBUTAN. IPAGKALOOB MO SA AMIN ANG KAPAYAPAAN. Kordero ng Diyos
118
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa Iyo, ngunit sa isang Salita Mo lamang ay gagaling na ako…
119
PANGINOON KO, HANAP-HANAP KA NG PUSO TINIG MO’Y ISANG AWIT PAGHILOM
PANGINOON KO, HANAP-HANAP KA NG PUSO TINIG MO’Y ISANG AWIT PAGHILOM. ANG BALING NG AKING DIWA AY SA’YO H’WAG NA H’WAG PABABAYAANG MASIPHAYO. IKAW ANG BUNTONG HININGA NG BUHAY DULOT MO’Y KAPAYAPAAN, PAG-IBIG. Awit ng Paghilom
120
PANGINOON KO, HANAP-HANAP KA NG PUSO TINIG MO’Y ISANG AWIT PAGHILOM
PANGINOON KO, HANAP-HANAP KA NG PUSO TINIG MO’Y ISANG AWIT PAGHILOM. AKO’Y AKAYIN SA DAANG MATUWID. H’WAG NAWANG PAHINTULUTANG MABIGHANI NG PANANDALIAN AT HUWAD NA RILAG. IKAW ANG AKING TANGING TAGAPAGLIGTAS Awit ng Paghilom
121
PANGINOON KO, HANAP-HANAP KA NG PUSO TINIG MO’Y ISANG AWIT PAGHILOM
PANGINOON KO, HANAP-HANAP KA NG PUSO TINIG MO’Y ISANG AWIT PAGHILOM. SIGWA SA ‘KING KALOOBAN ‘YONG MASDAN. PAHUPAIN ANG BUGSO NG KALUNGKUTAN. YAKAPIN NG BUONG HIGPIT ‘YONG ANAK. NANG MAYAKAP DIN ANG BAYAN MONG IBIG. Awit ng Paghilom
122
Pakikinabang
123
SALAMAT HESUS AT ‘YONG TINANGGAP. ANG BUHAY NAMI’Y IYONG INILIGTAS
SALAMAT HESUS AT ‘YONG TINANGGAP. ANG BUHAY NAMI’Y IYONG INILIGTAS. BUBUKSAN ANG PUSO AT ISIPAN, NANG ANG BIYAYA MO AY MAKAMTAN. SALAMAT HESUS, SA ‘YONG PAGMAMAHAL. SALAMAT SA ‘YONG BUHAY. Salamat Hesus
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.