Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Iba’t ibang terminolohiya sa pagtuturo at pagkatuto

Similar presentations


Presentation on theme: "Iba’t ibang terminolohiya sa pagtuturo at pagkatuto"— Presentation transcript:

1 Iba’t ibang terminolohiya sa pagtuturo at pagkatuto

2 Pagdulog nosyonal/functional
Estratehiyang komunikatibo > tunay na paggamit ng wika sa tulong lamang ng mga kaalaman at tuntuning pambalarila, ayon sa konteksto ng hangarin, sitwasyon at pangangailangan. > learner-centered

3 Komunikatibo ang dulog kapag nalilinang ang apat na makrong kasanayan ( isama ang panonood).
PAGBASA: pag-unawa sa istruktura at kahulugan ng pangungusap at talata PAGSULAT:lawak ng talasalitaan PASALITA: Ponolohiya at Wastong pagbigkas PAKIKINIG: Wastong pagsunod sa panuto at pag-unawa sa napakinggang teksto

4 Spiral progression o binalangkas na papaunlad
maingat na binalangkas ang pagtuturo ng panitikan upang magkaroon ng lubusang kasanayan (mastery) sa iba’t ibang anyo/uri ng panitikan (pagtuturo ng panitikan ayon sa bawat panahon, panitikang panrehiyon, uri o anyo)

5 Domeyn pangkabatiran/kognitib
Nakatuon sa paglilipat o transmisyon ng kabatiran at kasanayan. Pagkatuto ng batayang kabatiran, konsepto, paglalahat at mga teorya bago ang manipulasyon at proseso sa paggamit ng kabatiran sa mga sitwasyong lumulunas ng suliranin.

6 EBALWASYON/PAGTATAYA/ PAGLILINAW /SINTESIS /PAGBUBUO
ANIM NA ANTAS KOGNITIB PAG-ALALA PAG-UNAWA APLIKASYON O PAGGAMIT PAGSUSURI EBALWASYON/PAGTATAYA/ PAGLALAPAT PAGLILINAW /SINTESIS /PAGBUBUO

7 Orihinal Binago Ebalwasyon Sintesis Pagsusuri Paglalapat Pag-unawa
Kaalaman Pagbubuo Paglalapat Pagsusuri Aplikasyon Pag-unawa Pag-alala (Based on Pohl, 2000, Learning to Think, Thinking to Learn, p. 8)

8 Taksonomi ni B. S. Bloom (1956) Rebisa ni Anderson
Level 1 Pag-alala Level 2 Pag-unawa Level 3 Aplikasyon Level 4 Analisis Level 5 Ebalwasyon Level 6 Pagbubuo

9 dating kaalaman s/p pagbabalik – alaala sa katotohanan, termino,
Level 1 : Pag-alala dating kaalaman s/p pagbabalik – alaala sa katotohanan, termino, basikong konsepto at sagot Sa pag-alam ng antas ng kaalaman: Ano kalian Saan Sino

10 Level 2 : Pag-unawa Pag-unawa sa mga katotohanan at ideya s/p pagsasaayos, paghahambing, pagsasalin, interpreting, pagbibigay-deskripsyon, paglalahad ng pangunahing ideya. Sa pag-alam ng antas: paghambingin interpret ipakita pagkontrast ipaliwanag maghinuha ipakita palawakin balangkasin rephrase buuin isalin klasipikahin

11 Level 3: Aplikasyon Paglutas ng problema s/p pagkapit ng natutuhang kaalaman, katotohanan, teknik at tuntunin sa ibang paraan Gamit ang mga termino: ikapit magdebelop organisahin bumuo mag-interbyu mag-ekperimento pumili gamitin ang - magplano piliin lutasin imodelo

12 Level 4: Analisis Pag-eksamen at paghahati-hati sa bahagi ng impormasyon s/p pagkilala ng motibo o sanhi; paggawa ng hinuha at paghanap ng ebidensya sa suportang paglalahat. Termino sa pag-ases ng level g komprehensyon: suriin kategoryahin paghambingin kontrast diskubrehin paghatiin eksaminin simplikahin magsarbey lumahok sa dissect

13 Level 5: Ebalwasyon/Paglalapat
pagharap at pagtatanggol ng opinyon s/p paggawa ng pasya o hatol tungkol sa impormasyon, validiti ng ideya o kalidad ng gawa batay sa set ng kraytirya Keywords: igawad pagpasyahan sukatin piliin pagtalunan paghambingin buuin evalweytin markahan paunahin pangatwiranan magrekomenda bigyang interpretasyon ipaliwanag tutulan tasahin bigyang priyoridad

14 Level 6: Sintesis/Pagbubuo
Pagsasama-sama ng impormasyon sa iba’t ibang paraan tungo sa bagong pardon o alternatibong solusyon; paglikha ng bago o orihinal Keywords: bumuo (build, compose) mungkahi lutasin piliin magdebelop talakayin pagsamahin mag-imbento baguhin magdisenyo magplano tanggalin gumawa ng teorya baguhin pabutihin bumalangkas (formulate) subukin (test)

15 Level ng Komprehensyon
Level ng Kognisyon Literal - Kaalaman Intepretative - Komprehensyon Applied - Aplikasyon Analisis Sintesis Evalwasyon

16 DOMEYN NA PANDAMDAMIN Nahihinggil sa mga saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahalaga Pumapasok ang pagpapahalagang pangkatauhan

17 LIMANG KATEGORYA PAGTANGGAP(RECEIVING) PAGTUGON(RESPONDING)
PAGPAPAHALAGA (VALUING) PAG-ORGANISA (ORGANIZATION) KARAKTERISASYON (CHARACTERIZATION)

18 Pumapasok ang inaasahang pagganap
DOMEYN NA SAYKOMOTOR Ito’y mga kasanayang motor at manipulado na nangangailangan ng koordinasyong neuromascular. Pumapasok ang inaasahang pagganap

19 PAMAMARAAN Walang isang pamamaraan lamang na masasabing sadyang mabisa sa lahat ng uri ng paksang-aralino isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon.

20 PABUOD O INDUCTIVE Tinatawag din itong “Herbatian method”; nagsisimula sa nalalaman patungo sa hindi pa alam; nagsisimula sa halimbawa patungo sa tuntunin.

21 5 pormal na hakbang PAGHAHANDA(PREPARATION) PAGLALAHAD(PRESENTATION)
PAGHAHAMBING AT PAGHALAW(COMPARISON AND ABSTRACTION) PAGLALAHAT(GENERALIZATION) PAGGAMIT(APPLICATION)

22 PASAKLAW O DEDUCTIVE Nagsisimula sa pagbubuo ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Tinawag din itong “ruleg”o rule example. PANIMULA PAGBIBIGAY-TUNTUNIN PAGPAPALIWANAG HALIMBAWA PAGSUBOK

23 PABALAK (PROJECT) Nilalayong magsagawa ng proyekto
PAGLALAYON (PURPOSING) PAGBABALAK(PLANNING) PAGSASAGAWA(EXECUTING) PAGPAPASIYA(EVALUATING/JUDGING)

24 PATUKLAS (DISCOVERY) Aktibong kasangkot ang mag-aaral sa pagtuklas ng karunungan; ang guro ay tagasubaybay lamang.

25 PAGDULOG KONSEPTWAL Pagdulog pangkaisipang ginagamit sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Nakatutulong sa pagbubuo at pagkakatuto kung paano matututo (learning how to learn) Tinatawag din itong concept-centered at spiral curriculum(payak patungo sa masalimuot na kaisipan) Ang paraan ng pagbuo o interdisciplinary o multidisciplinary heograpiya, kasaysayan, pamahalaan,antropolohiya,sosyolohiya at ekonomiks.

26 Pagdulog sa Pagtuturo ng Panitikan
Pormalistiko: kasiningan- banghay,tema,tagpuan,tauhan at paglikha Moralistiko Sosyolohikal Sikolohikal

27 Dulog sa Pagtuturo ng Wika
Sa akronim na SPEAKING ni Dell Hymes Kakakayahang Komunikatibo: kabatiran sa kayarian ng wika at tuntuning gramatikal at paggamit ng angkop na pahayag sa sitwasyon, at salik sosyo- kultural.

28 COMPETENCE vs PERFORMANCE
Competence: nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao Performance: kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan

29 DULOG MICROWAVE Pagpapaunawang pasalita tulad ng pamaraang padula-dulaan o “dialogue conversation”. Gumagamit ng mga siklo o cycles

30 halimbawa M-1 Para kanino ang pulang laso? Para saan ang pulang laso?
M-2 Para kay Mari Para sa iyo. Para sa buhok.

31 HAKBANG Ilahad ang siklo sa isang sitwasyon
Bigkasin ng tatlong ulit at ipagaya sa mag- aaral Ibigay ang pagsasanay na ginagamitan ng mga kayariang pambalarila bago sanayin sa pagtatanong Magsimula sa payak na tanong at sagot hanggang sa masalimuot na pag-uusap Magkakaroon ng tanong-sagot na pagsasanay na sisimulan ng guro hagnggang sa ang lahat ng mag-aaral ay makapagtanong at makasagot.

32 PANGALAWANG WIKA Alinmang wikang natutuhan matapos maunawaan at magamit ang kanyang sariling wika o unang wika.

33 PAGSULAT PANIMULANG PAGSULAT- brainstorming, clustering,outlining
DRAFTING (BURADOR)-ideya,impormasyon,format PAGREREBISA: muling pagsulat,pagtataya sa banghay ng ieya at nilalaman EDITING: pagwawasto ng kamalian sa gramatika, kabuuang teknikal at format PINAL NA DOKUMENTO

34 Mga Uri ng Pagsulat Masining: mang-aliw at magpahayag
Akademiko: dumaan sa proseso at kritikal na pagsusuri Jornalistik: repleksyon mula sa sariling karanasan Referensyal: ulat,tesis,disertasyon,ensayklopedia,diksyunaryo Komposisyon: pagsasanay ng baguhan Propesyonal: eksklusiv na pagsulat sa isang tiyak na propesyon Suring-basa o suring pelikula

35 URI NG SULATIN Personal : tala, diary, jornal, liham, pagbati, talambuhay Transaksyunal: liham- pangangalakal, panuto, memo, plano, proposal, ulat, advertisement Malikhain: anyo o uri ng panitikan

36 PAGKUHA NG KAHULUGAN A. Pahiwatig na kontekstwal (Context Clues) ang isang salita ay hindi iisa ang kahulugan. Nababatay mangyari pa, ang kahulugan sa konteksto o gamit nito sa isang pahayag. Mula dito, ang pahiwatig na kontekstwal ay anyong: 1. Depinisyon: Ang kahulugan ay mababasa rin sa ibang bahagi ng pangungusap. Hal: Hindi niya masikmura at nakakababa ng pagkatao ang mahahayap na salitang binigkas ng kanyang kaaway sa pulitika.

37 2. Salungatan : Bukod sa kasingkahulugan, higit na mabuting malaman din naman ang kahulugan sa pamamagitan ng kasalungat nito. Hal: Ang kabuktutan ay hindi dapat na magkubli sa anino ang kabayanihan  3. Pagsusuri : Lubhang kailangan sa paraang ito ang kakayahang linggwistika upang ganap na masuri ang salitang binabasa Hal: Pamanhikan – pamanhik + a n (bakit hindi panhik?) Bakuran – bakod + an (bakit hindi bakud at bakit naging r ang d?)

38 B. Kolokasyon : Iniisip muna rito ang pangunahing kahulugan ng isang salita bago pa ang ilang subordineyt na kahulugan. Hal: Tiyak na mauuna munang mabibigyang-kahulugan ang “malalim na hukay” bago ang “malalim na paghinga” malalim na pagkukuro” at “malalim na ang gabi”

39 Hal : paghanga pagsuyo pagsinta pagmamahal pag-ibig pagsamba
C. Cline : Nababatay ang kahulugan ng salita sa intensidad ng kahulugan nito sa pahayag. Hal : paghanga pagsuyo pagsinta pagmamahal pag-ibig pagsamba

40 D. Denotasyon at Konotasyon : Denotasyon ang tawag sa kahulugang hinango sa diksyunari, gayong ang konotasyon naman ay umaangkop sa gamit sa isang pahayag. Hal: Mabango ang bulaklak ng rosa. (bahagi ng halaman – denotasyon) Tulad mo’y isang magandang bulaklak sa halamanan. (dalaga – Konotasyon) Mabulaklak ang iyong dila, kaibigan! (mambobola – konotasyon

41 PAGLILISTA NG MGA DETALYE
SIKWENSYAL: serye ng mga pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa KRONOLOHIKAL: anumang bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon,posisyon, bilang, dami, atbp PROSIJURAL: serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang resulta o hangganan

42 PRESENTASYONG BISWAL MAPA: pinangyarihan ng aksyon
TALAHANAYAN O TABLE: ipinapakita ang mga paksa at bilang TSART: itinatala ang mga impormasyon sa balangkas na paraan.

43 MGA URI NG TSART O GRAP FLOW: proseso mula umpisa hanggang wakas
PIE: sumusukat at naghahambing sa pamamagitan ng paghahati-hati nito BAR: sumusukat ng datos na patayo o pahalang laban sa pamantayang nagpapakita ng halaga, bilang, panahon, o dami LINE: ginagamit sa pagsukat ng pagbabago o pag-unlad PICTOGRAPH: inilalarawan ang halaga o bilang ng aytem para sa paghahambing

44 LUBUSANG PAGKATUTO Estratehiyang nagdudulot sa mag-aaral ng matagumpay at lubos na pagkabatid sa araling inilalahad sa isang maayos at lohikal na pagkakabuo

45 Ang mga Teorya sa Pagbasa
Teoryang Bottom-up ( Baba-Pataas) Ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa. Bunga ito ng influwensya ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay-fokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon (response). Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos, 2000).

46 Teoryang Top-Down Tinatawag din ito itong teoryang inside-out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o informasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dati nang kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

47 Teoryang Iskima Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong informasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima, ayon sa teoryang ito. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa niya na lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa. Tatlong Yugtong Estratehiya sa Pagbasa 1. Bago Bumasa 2. Pinatnubayang Pagbasa 3. Pagkatapos Bumasa

48 Teoryang Interaktiv Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor- mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.

49 PANGKSYUNAL NA PAGBABASA
Ito’y pagbabasa sa iba-ibang larangan ng kabatiran tulad ng literatura, musika, sining, agham, matematika,agham panlipunan, at teknolohiya. Tinatawag din itong pagbasa para sa tanging layon kung saan nalilinang ang paggamit ng talaan ng nilalaman, indeks at glosari, almanak at iba pa.

50 PANLUNAS NA PAGBABASA(Corrective/Remedial teaching)
Ito ay laan sa mga mababagal bumasa, hindi makabasa o may mga depekto sa pagbabasa.

51 PANG-ALIWAN O PANGKASIYAHAN
Empasis sa kasiyahan o kaaliwan gaya ng malikhaing pagkukuwento, sabayang bigkasan, chamber Theater, at Reader’s Theater.

52 PAGSUSULIT LAYUNIN: > TUKLASIN ANG KAHUSAYAN O KAHINAAN
TIYAKIN ANG KAHANDAAN TUKUYIN ANG KASANAYAN AT KAALAMAN

53 Uri ng Pagsusulit ayon sa pamamaraan
AYON SA DAMI DISCRETE-POINT: isa lamang kasanayan ang sinusukat ng bawat aytem INTEGRATIBO: sinusubok ang pangkalahatang kasanayan sa asignatura

54 AYON SA LAYUNIN DIAGNOSTIC: panuring pagsusulit PROFICIENCY: naglalayong malaman ang kakayahan sa isang partikular na larangan ACHIEVEMENT : naglalayong malaman kung sino ang natutong ganap, di-gaanong natuto, o walang natutunan. APTITUDE: mabatid kung ang isang mag-aaral ay may iwing kakayahan o kawilihan sa isang partikular na kurso o career o vocation

55 AYON SA GAMIT NG KINALABASAN NG PAGSUSULIT
CRITERION-REFERENCED: may itinakdang pamantayang maabot ang mag-aaral upang masabing naipasa niya ang pagsusulit NORM-REFERENCED: inihahambing ang bawat mag-aaral sa kapwa mag-aaral

56 PINALATUNTUNANG KAGAMITAN
SLK (SARILING LINANGANG KIT) o KSP (KIT SA SARILING PAG-AARAL) > nagtuturo ng sarilinan, kahit walang guro, kahit sa labas ng paaralan > ayon sa bilis ng pagkatuto at pag-unlad

57 MODYUL PAMPAGTUTURO Isang kagamitan sa panariling pag-aaral ng mga aralin; buo at ganap sa kanyang sarili na ang pokus ay matamo ang mga tunguhin sa aralin.

58 BANGHAY NG PAGTUTURO Balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang na sunud-sunod na isasagawa sa pagsasakatuparan ng layunin o ikapagtatamo ng mga inaasahang bunga.

59 SILABUS NG KURSO Isang balangkas ng mga tunguhin sa kurso, mga layuning nais matamo, mga inaasahang bunga, nilalaman, mga pagdulog at pamaraang isasagawa sa pagtuturo, gawaing pampagkatuto, paraan ng pagtataya at mga aklat sanggunian.


Download ppt "Iba’t ibang terminolohiya sa pagtuturo at pagkatuto"

Similar presentations


Ads by Google