Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)

Similar presentations


Presentation on theme: "Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)"— Presentation transcript:

1 Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)
Karapatang Pantao: Mga Konsepto, Prinsipyo, Obligasyon ng Estado at Paglabag Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)

2 Esensya ng Tao Ano ang tao? Ano ang esensya ng pagiging tao?

3 Esensya ng Tao May mga batayang pangangailangan kailangang matugunan, e.g. pagkain, damit, tirahan, kalusugan, edukasyon, pahinga’t rekriyasasyon, atbp. Rasyunal – may kakayahang mag-isip, magtimbang ng mga bagay, magsuri’t gumawa ng desisyon Kalayaan sa pag-iisip, pagkilos Sosyal na nilalang

4 Esensya ng Tao DIGNIDAD NG TAO – Pundasyon ng karapatang pantao
Lahat ng tao ay ipinanganak na may dignidad. Ang dignidad ng tao ay inherent at inborn, di mahihiwalay sa kanya. Ang dignidad ng tao ay ang kabuuan ng lahat ng karapatang pantao na siyang nagtatakda ng pagiging buo ng tao.

5 Karapatang Pantao: Modernong Konsepto
Mga naggagarantiyang nabubuhay ang tao ng marapat para sa tao at bilang rasyunal na nilalang Entitlements o birthrights na dapat taglayin at matamasa ng tao dahil siya ay tao; nagsisilbing batayan o pundasyon sa buhay na may dignidad

6 Karapatang Pantao: Modernong Konsepto
Mga protective devices na nabuo para protektahan ang mga indibidwal laban sa karahasan at pagpapabaya ng Estado Mga legal entitlements o legal na pag-angkin (legal claims) na taglay ng mga indibidwal --- dahil sa kanilang pagiging TAO --- laban sa Estado

7 Karapatang Pantao: Modernong Konsepto
Natural dahil bawat tao ay nagmamay-ari nito at di nakabatay sa partikular na sistema ng batas, relihiyon o pulitika Mga normative standards/guideposts na dapat gumabay sa mga Estado sa pagtrato’t pakikipag-ugnayan sa kanilang mamamayan; tumutukoy sa ugnayan / relasyon sa pagitan ng Estado at mamamayan

8 Karapatang Pantao: Modernong Konsepto
Tumatayong kontrata sa pagitan ng mamamayan at Estado, na nagbibigay ng sosyal na karakter sa karapatang pantao.

9 Karapatang Pantao: Modernong Konsepto
2 Pangunahing Partidong sangkot sa realisasyon at pagtamasa ng KP ▲RIGHTS HOLDERS – Mamamayan ▲DUTY BEARERS – Estado at lahat ng bumubuo/bahagi nito Ehekutibo – Presidente, Kabinete, LGUs Lehistatibo – Kongreso Hudikatura – KS, Korte, nagpapatupad ng batas, bilangguan, ahensya ng hustisya Militari – Lahat ng sangay ng AFP

10 Karapatang Pantao: Modernong Konsepto
Katangian ng Komitment ng mga Partidong sa KP ▲RIGHTS HOLDERS – Responsibilidad na ipagtanggol, i-exercise ang KP ▲DUTY BEARERS – Obligasyon sa KP

11 Relasyon ng RH at DB Rights Holders Duty Bearers
Pag-angkin ng Pagrespeto Karapatan Pagprotek Pagtupad OBLIGASYON sa KP

12 Karapatang Pantao: Prinsipyo
1. Unibersalidad (Universality – equality at walang diskriminsasyon) Lahat ng KP ay taglay-taglay ng bawat tao na walang pagsasaalang-alan sa kasarian, edad, pang-ekonomikong katayuan, etnisidad, relihiyon, atbp. Bawat tao ay entitled sa mga parehong karapatan.

13 Karapatang Pantao: Prinsipyo
2. Inalienability (Di-mahihiwalay) Lahat ng tao ay ipinanganak na may parehong KP (natural) Hindi maaalis, mawawala, masusurender ang KP kahit ano pa ang ginagawa ng tao o kahit sino pa siya.

14 Karapatang Pantao: Prinsipyo
3. Indivisibility (Pantay-pantay) Lahat ng KP – sibil, pulitikal, sosyal, ekonomiko, kultural – ay pantay-pantay, magkakasinghalaga Walang hierarchy ng karapatan; walang KP mas mahalaga kaysa sa iba Mga entitlements sa kabuuan ng mga bagay na kailangang taglayin/angkinin para maging TAO at samakatwid, hindi nahahati sa mga bahagi.

15 Karapatang Pantao: Prinsipyo
4. Interrelatedness at Interdependence > Mga KP ay mutually dependent at magkakaugnay sa bawat isa; may reciprocal na relasyon ang mga KP sa puntong ang pagtamasa ng isang karapatan, kadalasan ay nakasalalay sa pagtamasa ng ibang karapatan; ang paglabag sa isang karapatan, kadalasan ay humahantong sa paglabag ng iba pang karapatan.

16 Karapatang Pantao: Prinsipyo
Hindi natin matatamasa ang karapatang sibil at pulitikal hanggat di natatamasa ang karapatang ekonomiko, sosyal at kultural; habang ang pagtiyak sa ating mga karapatang ekonomiko, sosyal at kultural ay nasa pag-exercise ng ating karapatang sibil at pulitikal. Jose W. Diokno

17 Karapatang Pantao: Prinsipyo
5. Accountability (Pananagutan) Ang Estado bilang Duty-Bearer ay may obligasyong patungkol sa KP Ang Estado ay may tungkuling tupdin ang kanyang mga obligasyon sa KP

18 Karapatang Pantao: Prinsipyo
6. Participation (Partisipasyon) > Pagkilala sa halaga ng aktibo, malaya’t makabuluhang partisipasyon ng mga rights-holders o mamamayan sa pag-angkin ng kanilang mga KP na hahantong sa kanilang empowerment.

19 Legal na Batayan ng KP Internasyunal na Batas sa KP
Ang mga internasyunal na batas sa KP ang pormal na ekspresyon ng KP. (UN, HR Handbook for UN Staff, 3) Internasyunal at Pambansang Batas Batayan ng mga legal na obligasyon ng Estado sa KP Batayan ng justiciability ng anumang KP – ang mga Estado ay maaaring idemanda sa paglabag sa KP; kasangkapan sa pagkuha ng hustisya

20 Legal na Batayan ng KP: Internasyunal
International Bill of Human Rights (IBHR) – binubuo ng mga sumusunod: 1. Universal Declaration of Human Rights (UDHR), December 10, 1948 Unang dokumento noong dekada 20 na nag-internationalize sa KP Tinuturing ng mga nasyon bilang batayang minimum na istandard kung paano dapat itrato ng mga gobyerno ang kanilang mga mamamayan.

21 Legal na Batayan ng KP: Internasyunal
2. International Covenant on Civil & Political Rights (ICCPR), Dis. 16, 1966 First Optional Protocol to the ICCPR, Dis. 16, 1966 (Mekanismo sa pagsampa ng reklamo sa Komite ng KP) Second Optional Protocol to the ICCPR, Dis. 15, 1989 (Pag-alis sa parusang bitay)

22 Legal na Batayan ng KP: Internasyunal
3. International Covenant on Economic, Social & Cultural Rights (ICESCR), Dis. 16, 1966 Ang 3 dokumento, UDHR, ICCPR, ICESCR at ang 2 Optional Protocols ng ICCPR ang bumubuo ng International Bill of Human Rights

23 Legal na Batayan ng KP: Internasyunal
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW), inadap ng UN General Assembly, Dis. 17, 1979 Convention Against Torture & Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment (CAT), inadap Dis. 10, 1984 Convention on the Rights of the Child (CRC), inadap Nob. 20, 1989

24 Legal na Batayan ng KP: Nasyunal
1987 Konstitusyon ng Pilipinas Nasyunal/Domestik na Batas Labor Code RA 8371: Indigenous People’s Rights Act of 1997 RA 7160: The Local Government Code of the Philippines of 1991 RA 6657: Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988

25 Legal na Batayan ng KP: Nasyunal
RA 7279: Urban Development & Housing Act of 1992 RA 8368: An Act Repealing PD 772 (Penalizing Squatting & Other Similar Acts) RA 3720: Foods, Drugs & Devices, & Cosmetics Act

26 Legal na Batayan ng KP: Nasyunal
> RA 8550: The Phil. Fisheries Code of 1998 > RA 8435: Agriculture & Fisheries Modernization Act of 1997 > RA 9262: Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 Revised Penal Code of 1935

27 Kategorya ng KP Ayon sa Tumatanggap/Umaangkin 1. Individual Rights
Karapatang taglay ng bawat indibidwal tulad ng karapatan sa buhay, edukasyon, kalusugan, bumoto, kalayaan sa ekspresyon, sa tortyur, karapatan sa mabilis na paglilitis, atbp. 2. Collective Rights Kilala rin bilang karapatan ng mamamayan (people’s rights or solidarity rights) na tinatamasa ng mga grupo ng tao o kapag nakapaloob sa grupo

28 Kategorya ng KP Mga “bagong” karapatan na nag-aaplay di lamang sa mga indibidwal kundi sa mga grupo ng tao tulad ng kababaihan, bata, katutubo, manggagawang migrante, atbp. Entitlements na nag-aaplay sa grupo ng tao na may magkakaparehong sosyo-ekonomiko, pulitikal at kultural na istatus sa lipunan Ang realisasyon ng mga karapatang ito’y nangangailangan ng pandaigdigang (global) kooperasyon batay sa konsepto ng internasyunal na pagkakaisa (international solidarity)

29 Kategorya ng KP Hal. ng collective rights
Karapatan ng kababaihan, bata, katutubo, manggagawang migrante Karapatan sa pag-unlad, kalusugan at balanseng kapaligiran, kapayapaan, self-determination

30 Kategorya ng KP Ayon sa Aspeto ng Pamumuhay
1. Civil & Political Rights (CPR) – pagprotekta at pagtaguyod sa mga kalayaang pulitikal at sibil ng mga tao laban sa mga potensyal na pang-aabuso ng mga awtoridad at ikatlong partido (3rd parties) Nangangailangan ng obligasyon ng gobyernong umiwas sa paggawa ng ilang aksyon Karapatang nakatuon sa pagrestrikto sa kapangyarihan ng Estado sa pagrespeto ng tao

31 Kategorya ng KP Civil Rights: Mga karapatang iginagawad ng batas ng mga pribadong indibidwal para sa layuning mapangalagaan ang pagtamasa ng kanilang means at kaligayahan Hal. Karapatan sa buhay, kalayaan mula sa tortyur, pantay na proteksyon sa batas, kalayaan mula sa arbitraryong pag-aresto at detensyon, kalayaan sa paggalaw, karapatan sa nasyunalidad, magpakasal, pag-ari ng propriedad, magbuo ng pamilya UDHR: Artikulo

32 Kategorya ng KP Political Rights: Mga karapatang may kinalaman sa partisipasyon (tuwiran o di-tuwiran) ng indibidwal sa pagpapatakbo ng gobyerno Hal. Karapatang bumoto at mahalal, impormasyon sa lahat ng bagay of public concern, kalayaan sa ekspresyon, mapayapang asembleya at asosasyon, paglahok sa pamamahala ng gobyerno UDHR: Artikulo 19 – 21 (Political Rights)

33 Kategorya ng KP 2. Economic, social & cultural rights (ESCR) – naggagarantiya sa lahat ng mga sosyo-ekonomikong oportunidad na magpapahintulot na mabuhay ang mga indibidwal at pamilya na mabuhay ng may dignidad - Inoobliga ang gobyernong kumilos upang makalikha ng kinakailangang kundisyon para sa pag-unlad ng tao K

34 Kategorya ng KP Economic and Social Rights
Mga karapatang iginagawad ng batas sa mga tao upang matamo nila ang sosyal at ekonomikong pag-unlad, at matiyak ang kanilang kagalingan, kaligayahan at pinansyal na seguridad. Economic Rights: propriedad, pabahay, trabaho, pag-uunyon, maayos na pasahod Social Rights: adequate standard of living, kalusugan, edukasyon, rest & leisure, social security

35 Kategorya ng KP Cultural Rights:
- Mga karapatang nagtitiyak ng kagalingan ng indibidwal at nagtataguyod ng preserbasyon, pagpapayaman at ebolusyon ng pambansang kultura batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba (unity in diversity) sa isang kapaligirang may malaya, masining at intelektwal na ekspresyon

36 Kategorya ng KP Karapatang lumahok sa kultural na buhay, sining, karapatan sa isang kultural na identidad, wika, makibahagi sa mga siyentipikong pagsulong & mga benepisyo nito UDHR: Artikulo 22 – 27 (ESCR)

37 Katangian/Antas ng Obligasyon ng Estado
3 kategorya ng Obligasyon ng Estado sa KP ☼ Obligation to Respect Hindi pagsasagawa ng anumang aksyong lumalabag sa integridad ng indibidwal o ng kanyang kalayaan sa pagkilos Pigilan ang pagsagka sa pagtamasa ng karapatan

38 Katangian/Antas ng Obligasyon ng Estado
Hal. Hindi paggamit ng dahas ng mga pulis sa mga rali, hindi paglabag sa mga batas ng mga pulis at tauhan ng lokal na gobyerno kaugnay ng demolisyon, hindi pakikipagsabwatan ng mga tauhan ng gobyerno o mga ahensya nito sa mga dayuhang korporasyon ng pagmimina

39 Katangian/Antas ng Obligasyon ng Estado
☼ Obligation to Protect Hadlangan ang ibang tao, grupo o ikatlong partido tulad ng mga TNC, pribadong korporasyon, sa paglabag sa integridad, kalayaan sa pagkilos o iba pang KP ng indibidwal Hal. Pagbabawal sa mga kumpanya ng pagmimina sa pagwasak ng lupaing ninuno; pagkilos para mapigil ang summary executions ng mga aktibista, taong media; pagpigil sa mga hired goons ng haciendero sa pagpapaalis sa mga magsasaka; proteksyon sa mga bata laban sa pornograpiya, trafficking

40 Katangian/Antas ng Obligasyon ng Estado
☼ Obligation to Fulfill Nangangailangan ng pagkilos (lehislatibo, administratibo, budgetary, judicial at iba pang hakbanging tungo sa buong realisasyon ng karapatan Hal. Pagbuo ng mga batas at patakaran, paglaan ng pundo at resources para sa mga programa’t serbisyo ng gobyerno

41 Paglabag sa KP: Aksyon ng Estado
1. Omission – hindi pagkilos o di pagpigil ng Estado sa isang sitwasyong nangangailangan ng aksyon para marespeto, maprotektahan o maitaguyod ang KP ng mamamayan; hindi pagbuo ng mga batas para maprotektahan ang KP Hal. Hindi pagkilos laban sa sex trafficking ng kababaihan at bata, laban sa ilegal na pagtotroso, pagtapon ng mga industrial wastes o mine tailings sa mga katawan ng tubig

42 Paglabag sa KP: Aksyon ng Estado
2. Commission/Breach – anumang aksyon ng gobyernong lumalabag sa anumang covenant o instrumento sa KP na niratipika ng Senado Hal. Pagrekrut ng CAFGU/AFP ng mga bata sa hukbo, paghalo ng mga batang/menor de edad na lumabag sa batas sa mga matatandang bilanggo, militarisasyon sa mga komunidad ng pagmimina, paggamit ng tortyur ng militar sa detenido/bilanggo

43 Paglabag sa KP: Aksyon ng Estado
Arbitrary Derogation – paglabag sanhi ng arbitraryong suspensyon ng kalayaan, hal. Emergency rule, martial law, authoritarian regime/state)

44 MARAMING SALAMAT PO!


Download ppt "Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)"

Similar presentations


Ads by Google