Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byAngel McKinney Modified over 6 years ago
1
ISANG PAGSUSURI SA KASALUKUYANG PAG-IRAL NG MTB-MLE SA PILIPINAS
F. P. A. Demeterio III Full Professor, Departamento ng Filipino Director, University Research Coordination Office De La Salle University
2
INTRODUKSYON Bubuksan ko ang aking panayam tungkol sa programang MTB-MLE sa pamamagitan ng pagbanggit ng ilang mga pahayag mula sa 1925 na ulat ng Monroe Commission. From the day a Filipino child enters the school he is confronted by the double necessity of mastering a strange tongue and of carrying on school work in it. At no time in his career does he encounter the single task of studying in his mother tongue. Grade for grade, Filipino children master the art of arithmetical computation as well as do American children. . . No reading is involved in the learning of this skill. . . In paragraph reading they are about two and a half years behind. The experiment has now been in progress for a quarter of a century. For almost a generation a school system patterned on the American plan and using English as its medium of instruction has been in operation. The instructional situation in the Islands therefore, stated baldly in the foregoing paragraphs, is dominated by an all pervading foreign-language problem. For twenty-five years these Islands have served as a laboratory for an educational experiment of enormous magnitude and complexity.
3
INTRODUKSYON Matalas ang pagsusuri na ginawa ng Monroe Commission, at tama ang kanilang mga nakitang kahinaan at suliranin ng sistemang edukasyon sa Kapuluan. Subalit iba ang kanilang inilatag na rekomendasyon. Sa halip na luwagan ang paggamit sa wikang Ingles, lalo nila itong pina-igting. Sa halip na pagbigyan ang unang wika, lalo nila itong isinantabi. Hindi tayo dapat magtataka sa naging rekomendasyon ng Monroe Commission. Dahil noong isinagawa nila ang kanilang pagsusuri, hindi pa laganap ang paggamit sa unang wika sa mga bansang nasa ilalim o sumailalim sa proseso ng kolonisasyon.
4
INTRODUKSYON 1920s binuo ang Monroe Commission, samantalang 1930s lamang nagkaroon ng mga pag-aaral tungkol sa halaga ng paggamit sa unang wika, at 1950s lamang iminungkahi ng UNESCO na dapat gamitin ang unang wika bilang wikang panturo sa mga bansang kolonisado.
5
INTRODUKSYON Dito sa ating bansa, kahit mahigit kalahating siglo na ang lumipas mula noong iminungkahi ng UNESCO ang paggamit ng unang wika, kahit ang isa sa mga batayang pag-aaral na ginamit ng UNESCO ay dito ginawa sa ating bansa, tila ang lohika pa rin ng Monroe Commission ang nangingibabaw: kung mahina tayo sa wikang Ingles, dapat lalo pang paigtingin ang pagsasanay sa wikang ito.
6
INTRODUKSYON May dalawang artikulo na akong nailathala tungkol sa programang MTB-MLE sa Pilipinas. Ang una ay may pamagat na “Isang Pagsusurisa Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang Wika ng Filipinas” na nailathala noong 2010; at ang pangalawa ay ay pamagat na “Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa” na nailathala naman noong 2012. Ang parehong pananaliksik na ito ay nakabatay sa Kautusan ng Departamento ng Edukasyon Bilang 74, Serye 2009.
7
INTRODUKSYON Mula nang mailathala ang aking dalawang artikulo, umiiral na ang programang MTB-MLE, at mayroon nang karagdagang dalawang pangunahing dokumento ang naipalabas ang ating pamahalaan: Ang Republic Act 10523, na kilala bilang “An Act Enhancing the Philippine Basic Education System by Strengthening its Curriculum and Increasing the Number of Years for Basic Education, Appropriating Funds therefor and for other Purposes;” at ang “Implementing Rules and Regulations of the Enhanced Basic Education Act of 2013” ng Department of Education.
8
INTRODUKSYON Gagamitin ko ang pagkakataong ibinigay sa akin ng aming Departamento ng Filipino na tingnan muli, kasama kayo, ang kasalukuyang anyo ng Programang MTB-MLE sa ating bansa. Matapos akong makapagbigay ng aking mga puna at komento tungkol sa ating MTB-MLE, ay magbibigay naman ng maikling sharing si Dr. Emma Basco tungkol kanyang karanasan sa pagsusulat ng isang textbook na kabilang sa malawak na programang ito.
9
INTRODUKSYON Bago matatapos ang araw na ito, magbibigay naman si Dr. Lakangiting Garcia ng karagdagang impormasyon at aral tungkol sa parehong paksa.
10
ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO
NG WIKA SA PILIPINAS Aanyayahan ko kayong tingnan natin ang programang MTB-MLE sa konteksto ng kasaysayan ng pagpaplano ng wika sa Pilipinas. Gusto kong ipakita sa inyo kung gaano na kasalimuot ang kasaysayang ito.
11
ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO
NG WIKA SA PILIPINAS Ingles Wikang Ingles: ang wikang dinala ng mga mananakop na Amerikano at ipinalaganap sa pampubliko, at kalaunan sa pampribadong, edukasyon simula noong 1901; Makikita natin sa timeline na ito na maliban sa maikling kumplikasyon mula 1973 hanggang 1987, kung kailan umusbong ang proyekto ng pagbubuo ng artipisyal na wikang Filipino, mayroon tayong isang wikang pambansa/opisyal na mahigit pitumpung taon na. Ang Ikalawang Wikang Filipino: ang yugto ng ating wikang pambansa kung kailan ang wikang Pilipino ay kinilala muli bilang wikang opisyal, pang-akademiko at pambansa, at pinangalanang “Filipino” ng 1987 na konstitusyon. Ang Unang Wikang Filipino: ang artipisyal na wika na balak buuin ng 1973 na konstitusyon at papalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa; at Ang timeline na ito ay magpapakita ng pitong wika at yugto ng wika at pitong mga programang pangkwika. Ang mga wika at yugto ng wika na ihahayag nito ay ang: Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino: ang yugto ng wikang Pilipino kung kailan pinanatili itong wikang opisyal at wikang pang-akademiko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa noong 1973; Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 Filipino-1 Pilipino-2 Filipino-2 Unang Yugto ng Wikang Tagalog: ang yugto ng wikang Tagalog kung kailan una itong pinangalanang wikang pambansa noong 1935; Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog: ang yugto ng wikang Tagalog kung kailan una itong ginawang isang pang-akademikong asignatura noong 1940; Unang Yugto ng Wikang Pilipino: ang yugto ng ating wikang pambansa kung kailan ang pangalang “Tagalog” ay pinalitan ng pangalang “Pilipino” noong 1959;
12
ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO
NG WIKA SA PILIPINAS Ingles Ikalawang Bilingguwalismo: noong 1970 may inilabas na pamantayan na nag-uutos na tanging wikang Pilipino na lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko. Dahil nakasanayan nang gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo sa mabababang baitang, ang aktuwal na naganap ay isang bilingguwalismong Pilipino at isa sa ating mga unang wika. Monolingguwalismo Ikatlong Bilingguwalismo: ang ikatlong bilingguwalismo na ipinatupad noong 1974 ay nag-utos na gamitin ang mga wikang Ingles at Pilipino at nagsantabi naman sa mga unang wika. Ito ang pinakakilalang programang bilingguwalismo sa ating bansa. Ikalawang Multilingguwalismo: ang ikalawang multilingguwalismo, na ipinatupad noong panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino, ay mistulang pinagsamang unang multilingguwalismo at ikatlong bilingguwalismo, kung kailan ipinagtibay ang paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala muli ang halaga ng mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo; at Bilingguwalismo-c Unang Multilingguwalismo: ipinatupad and unang multilingguwalismo noong 1973 at nag-utos na gamitin ang mga unang wika bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang na susundan naman sa paggamit sa mga wikang Pilipino at Ingles ; Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a Multilingguwalismo-c Bilingguwalismo-b Ang mga programang pangwika naman na inilahad ng parehong timeline ay ang: Ikatlong Multilingguwalismo: ang kasalukuyan nating pambansang patakarang pangwika na ipinatupad noong 2009 at nakabatay sa sistematikong pananaliksik tungkol sa multilingguwalismo. Hindi katulad sa naunang dalawang multilingguwalismo, oral at tekstuwal na paggamit sa mga unang wika sa loob ng mas mahabang panahon ang iniutos ng kasalukuyan nating programang multilingguwal. Bilingguwalismo-a Unang Bilingguwalismo: noong 1939 iniutos ng Kalihim ng Pampublikong Instruksyon na maaaring gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wikang panturo, lalo na para sa mga mag-aaral sa unang baitang. Monolingguwalismong Ingles: Dahil ninais ng mga Amerikanong hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa wika at kultura ng Estados Unidos, ang sistema ng monolingguwalismong Ingles ang kanilang ipinataw sa kabataang Pilipino mula noong 1901; Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 Filipino-1 Pilipino-2 Filipino-2
13
ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO
NG WIKA SA PILIPINAS Ingles Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 Filipino-1 Pilipino-2 Filipino-2 Monolingguwalismo Bilingguwalismo-a Bilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a Bilingguwalismo-c Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-c Matapos ang mahabang kwento ng paliko-liko at pasanga-sanga nating pagpaplanong pangwika, nakamtam na natin ang pinakalohikal at sistematikong palisiyang pangwika.
14
ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO
NG WIKA SA PILIPINAS Ingles Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 Filipino-1 Pilipino-2 Filipino-2 Monolingguwalismo Bilingguwalismo-a Bilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a Bilingguwalismo-c Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-c Dapat nating suportahan at ipagpataguyod pa ang palisiyang ito para hindi na mauulit ang walang patutunguhang paliko-liko at pasanga-sangang paghahanap ng pinaka-angkop na palisiyang pangwika.
15
ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO
NG WIKA SA PILIPINAS Ingles Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 Filipino-1 Pilipino-2 Filipino-2 Monolingguwalismo Bilingguwalismo-a Bilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a Bilingguwalismo-c Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-c Para lubusan nating bigyan ng suporta at maipagtaguyod ang programang pangwikang ito, dapat batid natin ang mga kalakasan at kahinaan nito.
16
ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO
NG WIKA SA PILIPINAS Ingles Tagalog-1 Tagalog-2 Pilipino-1 Filipino-1 Pilipino-2 Filipino-2 Monolingguwalismo Bilingguwalismo-a Bilingguwalismo-b Multilingguwalismo-a Bilingguwalismo-c Multilingguwalismo-b Multilingguwalismo-c Ito ang pakay ko sa umagang ito: mailahad para sa ating lahat ang mga kahinaan at suliraning kinahaharap ng ating umiiral na MTB-MLE para sabay sabay nating hanapan ng lunas at solusyon ang mga ito para sa ikalalakas ng nasabing programa.
17
ANG MTB-MLE AT ANG PAGPAPLANO
NG WIKA SA PILIPINAS Susuriin natin ang mga kahinaan at suliranin ng progamang MTB-MLE sa pamamagitan ng pagtingin sa mga surface problem nito at pati na sa mga istraktural na problema nito. Surface problem and tawag ko sa mga problemang umusbong habang umiiral ang kasalukuyang anyo ng programang MTB-MLE. Istraktural na problema naman ang tawag ko sa mga problemang nakapaloob mismo sa kasalukuyang anyo ng MTB-MLE. At matapos nating gawin ang mga ito, mag-iisip tayo ng mga paraan kung paano tayo, bilang mga guro ng wikang Filipino, makakatulong sa sama-samang pagtugon sa mga problemang makikita natin.
18
MGA SURFACE PROBLEM NG MTB-MLE
Sa aking palagay ang mga surface problem ng programang MTB-MLE sa ating bansa ay lubusan nang nasuri ng pangkat nina Alan Williams, Romylyn Metila, Lea Angela Pradilla, at Melissa Marie Digo na mula sa University of Melbourne at University of the Philippines. Ang pamagat ng kanilang pananaliksik ay “Curriculum Forum for Understanding Best Practices in Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) in the Philippines.”
19
MGA SURFACE PROBLEM NG MTB-MLE
Maari nating bigyan ng buod ang mga natuklasang surface problem ng grupo ni Williams sa pamamagitan ng paggamit sa kasunod na diagram: Pamayanan Unang Wika Paaralan MTB-MLE Pamilya Ibig sabihin, may mga surface problem na nariyan sa paaralan, o sa mga pamilya, o sa pamayanan, o sa unang wika mismo.
20
MGA SURFACE PROBLEM NG MTB-MLE
Maliit Masyado ang Bilang ng Gumagamit ng Wika para Magkaroon ng Saysay ang Paggugol ng Oras para Nito Mahahaba Masyado ang mga Teknikal na Termino Hindi Intelektuwalisado ang Unang Wika Pamayanan Unang Wika Paaralan MTB-MLE Pamilya Labis na Pagpapahalaga sa Lingua Franca, Wikang Filipino, at Wikang Ingles Hindi Istandardisado ang Unang Wika Kakulangan sa Materyales Kakulangan sa Kasanayan ng mga Magulang sa Paggamit ng Unang Wika Hindi Kontekstuwalisadong Materyales Pangangamba ng mga Magulang na Napag-iwanan na ang Kanilang mga Anak sa Pag-aaral ng Wikang Ingles/Filipino Hindi Tugma ang Wikang Panturo at Unang Wika ng mga/ilang Mag-aaral Naiibang Wika ng mga Bagong Dayong Mag-aaral Hindi Maayos na Implementasyon ng Programa Kakulangan sa Kasanayan/ Pagsasanay ng mga Guro sa Paggamit ng Unang Wika Kakulangan sa Commitment sa Parte ng mga Magulang Kakulangan sa Commitment sa Parte ng mga Guro
21
MGA SURFACE PROBLEM NG MTB-MLE
Babalikan natin ang mga kahinaan at suliraning ito matapos natin tingnan naman ang mga istraktural na problema ng programang MTB-MLE ng ating bansa.
22
MGA ISTRAKTURAL NA PROBLEMA NG MTB-MLE
Sa aking palagay ang mga istraktural na problema ng programang MTB-MLE sa ating bansa ay lubusan nang nasuri ni Ricardo Nolasco ng University of the Philippines. Noon 2003, mayroon nang primer na nailathala si Nolasco, na may pamagat na 21 Reasons Why Filipino Children Learn Better while Using their Mother Tongue, na sa palagay ko ay naglalaman na mga mahalagang prinsipyong ginagamit pa rin niya sa pagpuna sa dalawang opisyal na dokumentong inilabas ng ating pamahalaan noong taong 2013.
23
MGA ISTRAKTURAL NA PROBLEMA NG MTB-MLE
Ang mahahalagang prinsipyong nilalaman ng primer na ito ay ang mga sumusunod: Children need at least 12 years to learn their L1; Older children and adolescents, not younger children, are better learners of an L2; It takes six to eight years of strong L2 teaching before this can be successfully used as a medium of instruction; L1 literacy from Grades 1 to 3 helps but is not sufficient to sustain the learning momentum; The full benefits of long term L1 instruction (6 to 8 years) will only be evident after the tenth year; L1 education, when interrupted, adversely affects the cognitive and academic development of the child; at The premature use of L2 can lead to low achievement in literacy, mathematics, and science.
24
MGA ISTRAKTURAL NA PROBLEMA NG MTB-MLE
Gamit ang mga prinsipyong ito, ang mga sumusunod ay ang mga naging puna ni Nolasco sa programang MTB-MLE ng ating bansa. Pamayanan Unang Wika Paaralan MTB-MLE Pamilya Sa kanyang sanaysay na “‘Castrated’ MTB-MLE” lumalabas na mas panatag ang kalooban ni Nolasco sa MTB-MLE na nakapaloob sa Republic Act 10523, kaysa bersyon ng nasabing programang nakapaloob sa Implementing Rules and Regulations of the Enhanced Basic Education Act of 2013 ng Departamento ng Edukasyon.
25
MGA ISTRAKTURAL NA PROBLEMA NG MTB-MLE
Pamayanan Unang Wika Paaralan MTB-MLE Pamilya Nananatiling Bilingguwal ang Pundasyonal na Pilosopiya ng Programa sa halip na maging Multilingguwal Naging Opsiyonal na Lamang ang Kontekstuwalisasyon, Lokalisasyon at Indigenisasyon ng Materyales Naging Maluwag ang Programa sa Posibilidad ng Mas Maagang Transisyon sa paggamit ng Pangalawang Wika bilang Wikang Panturo Hindi Unang Wika ang Itinataguyod ng Programa kung hindi ang Rehiyonal na Lingua Franca
26
NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO
ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Sa sanaysay na “English Teachers’ Perceptions of the Mother Tongue-Based Education Policy in the Philippines” ni Safary Wa-Mbaleka ng Adventist International Institute of Advanced Studies, napatunayan niyang ang MTB-MLE ay suportado ng mga guro ng wikang Ingles. Kapag babagal-bagal tayo at hahayaan natin ang mga guro ng wikang Ingles na ipagtaguyod at suportahan ang Programang MTB-MLE mananatili ang bilingguwalismong ideolohiya ng napuna na ni Nolasco at mapupunta sa maling MTB-MLE ang nasabing programa.
27
NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO
ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Kung suporatado ng mga guro ng wikang Ingles and Programang MTB-MLE, dapat lamang na mas suportado nating mga guro ng wikang Filipino ang nasabing programa. Sa katunayan, hindi sapat na suportahan natin ang nasabing programa. Dahil dapat nating tugunan at iwasto ang mga suliranin at kahinaan ng nasabing programa. Dahil magkakaugnay-ugnay ang mga problemang naungkat ng grupo ni Williams at ni Nolasco, maaari nating balangkasin ang pagtugon sa kanila gamit ang apat na antas o hakbang: Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB-MLE Resolusyon tungkol sa Una at Rehiyonal na mga Wika Pagtugon sa mga Pagkukulang ng Napiling Wika Pagsasanay sa Paggamit ng Napiling Wika Paggawa ng Materyales
28
NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO
ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Ang mga kasunod na suliranin at kahinaan ay nagmumula sa ating kolektibong kawalan/kakulangan sa saysay at halaga ng MTB-MLE. Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB-MLE Nananatiling Bilingguwal ang Pundasyonal na Pilosopiya ng Programa sa halip na maging Multilingguwal Hindi Maayos na Implementasyon ng Programa Kakulangan sa Commitment sa Parte ng mga Magulang Naging Maluwag ang Programa sa Posibilidad ng Mas Maagang Transisyon sa paggamit ng Pangalawang Wika bilang Wikang Panturo Pangangamba ng mga Magulang na Napag-iwanan na ang Kanilang mga Anak sa Pag-aaral ng Wikang Ingles/Filipino Kakulangan sa Commitment sa Parte ng mga Guro Sa puntong ito, dapat tayong tumulong para maipaliwanag sa lahat ng stakeholder kung ano ang MTB-MLE at kung bakit hindi tayo mangangambang gamitin ito.
29
NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO
ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Ang mga kasunod na suliranin at kahinaan ay nagmumula sa ating kawalan ng konsensus kung aling unang wika ang gagamitin natin sa partikular na paaralan. Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB-MLE Resolusyon tungkol sa Una at Rehiyonal na mga Wika Hindi Unang Wika ang Itinataguyod ng Programa kung hindi ang Rehiyonal na Lingua Franca Dapat aminin natin na may limitasyon tayo sa pagpili ng unang wika na gagamitin natin sa partikular na paaralan. Kapag maliit na masyado ang bilang ng gumagamit ng isang unang wika baka mas makabubuti sa mga mag-aaral na gamitin na lamang ang rehiyonal na wika. Hindi Tugma ang Wikang Panturo at Unang Wika ng mga/ilang Mag-aaral Naiibang Wika ng mga Bagong Dayong Mag-aaral Maliit Masyado ang Bilang ng Gumagamit ng Wika para Magkaroon ng Saysay ang Paggugol ng Oras para Nito
30
NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO
ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB-MLE Resolusyon tungkol sa Una at Rehiyonal na mga Wika Pagtugon sa mga Pagkukulang ng Napiling Wika Kapag may konsensus na tayo kung anong unang wika ang gagamitin natin sa partikular na paaralan, kaya na nating tugunan ang mga sumsunod na pagkukulang ng nasabing wika: Alalahanin nating nasa tuloy-tuloy na paggamit sa akademikong antas na nagiging istandardisado, intelektuwalisado ang isang wika. Nasa tuloy-tuloy na paggamit din nagkakaroon ng karagdagang bokabularyo ang isang wika. Hindi Istandardisado ang Unang Wika Hindi Intelektuwalisado ang Unang Wika Mahahaba Masyado ang mga Teknikal na Termino
31
NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO
ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB-MLE Resolusyon tungkol sa Una at Rehiyonal na mga Wika Pagtugon sa mga Pagkukulang ng Napiling Wika Pagsasanay sa Paggamit ng Napiling Wika Kapag panatag na tayo sa ating napiling wika, dapat susundan na ito ng pagsasanay sa mga guro kung paano ito gamitin sa akademikong antas. Kinakailangan din na magbigay ng ilang pagsasanay at gabay sa mga magulang tungkol sa parehong paksa. Sa ganitong mga paraan matutugunan natin ang mga kasunod na suliranin at kahinaan: Kakulangan sa Kasanayan/ Pagsasanay ng mga Guro sa Paggamit ng Unang Wika Kakulangan sa Kasanayan ng mga Magulang sa Paggamit ng Unang Wika
32
NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO
ANG NARARAPAT GAWIN NG MGA GURO NG WIKANG FILIPINO Pagpaunawa kung Ano nga ba Talaga ang Programang MTB-MLE Resolusyon tungkol sa Una at Rehiyonal na mga Wika Pagtugon sa mga Pagkukulang ng Napiling Wika Pagsasanay sa Paggamit ng Napiling Wika Paggawa ng Materyales Dapat bantayan natin na kontekstuwalisado, lokalisado, indigenisado ang ating mga materyales. Isaalang-alang natin ang prinsipyo na ang MTB-MLE ay hindi dapat sentralisado ang paggawa ng mga materyales. Naging Opsiyonal na Lamang ang Kontekstuwalisasyon, Lokalisasyon at Indigenisasyon ng Materyales Kakulangan sa Materyales Hindi Kontekstuwalisadong Materyales Ang mga paaralan mismo o mga kooperasyon ng ilang paaralan ang gagawa ng materyales. Makakatulong din dito ang mga naisulat nang teksto mula sa lokal na pamayanan.
33
KONKLUSYON Sana sa maikling panayam ko tungkol sa Programang MTB-MLE ay naibahagi ko ang mga sumusunod: Ang Programang MTB-MLE sa konteksto ng Kasaysayan ng Pagpaplanong Pangwika sa ating Bansa; Ang mga surface problem ng Programang MTB-MLE; Ang mga istraktural na problema ng Programang MTB-MLE; at Kung Ano ang Maiaambag natin bilang mga guro ng wikang Filipino para tugunan ang kasalukuyang mga suliranin at kahinaan na bumabagabag sa ating Programang MTB-MLE.
34
ISANG PAGSUSURI SA KASALUKUYANG PAG-IRAL NG MTB-MLE SA PILIPINAS
Wakas
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.