Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byYanti Jayadi Modified over 6 years ago
1
Naibibigay sa sariling pangungusap ang pangunahing diwa ng binabasa.
Filipino Naibibigay sa sariling pangungusap ang pangunahing diwa ng binabasa.
2
Ang paru-paro ay maraming pinagdadaanang yugto sa buhay
Ang paru-paro ay maraming pinagdadaanang yugto sa buhay. Nagsisimula ito sa itlog na kapag napisa ay nagiging uod. Matagal itong natutulog at nagpapatubo na pakpak. Paglabas ng uod ay isa nang paru-paro
3
Mga Tanong: 1. Ano ang pinag-uusapan sa talata? 2. Ibigay ang mga yugto ng buhay ng isang paru- paro. 3. Paano mo maihahalintulad ang buhay ng paru-paro sa buhay ng isang tao. Magbigay ng halimbawa.
4
Mga Minana Nating Pagpapahalaga
May mga sariling pagpapahalaga ang mga Pilipino na dapat ipagpatuloy at higit pang pagtibayin. Kailangan ang mga pagpapahalagang ito sa pagpapaunlad ng bansa.
5
Hindi mapapantayan ang kahalagahan ng pagiging makabayan ng mga mamamayan para sa kaunlaran ng bansa. Dapat nating ipakita ang ating pagkamakabayan hindi lamang sa salita kundi lalo na sa gawa.
6
Ang ginagastang salapi ng pamahalaan para sa mga proyektong pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan ay galling sa mga buwis na ibinabayad sa mga mamamayan. Tulad rin sa pagsakal sa sariling bayan ang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis.
7
Makatutulong ng malaki sa pagpapalaganap ng sarili nating mga produkto o kalakal ang pagtangkilik sa mga ito. Makapagbibigay rin ito ng hanapbuhay sa maraming Pilipino.
8
Ang malusog na mga lalaking mag-aaral ay kumukuha ng mga panghukbong pagsasanay upang lagging maging handa sa tawag ng bayan kung hinihingi.
9
Mahalaga ang kaalaman at paggalang sa mga sagisag ng bansa sapagkat ang mga ito ay nagbibigay-pagkakakilanlan sa lahing Pilipino.
10
Kailangan ng alinmang bansa ang isang wikang pambansa na magiging daan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang paggamit sa sariling wika ay pagmamahal dito at ang pagmamahal na ito ay pagmamahal din sa bayan.
11
Likas na magalang ang mga Pilipino
Likas na magalang ang mga Pilipino. Ang paghalik sa kamay o pagmano sa mga matatanda ay nagpapakita ng pagiging magalang.
12
Isa pa ring maipagmamalaking katangian natin ang pagiging matulungin
Isa pa ring maipagmamalaking katangian natin ang pagiging matulungin. Isa ito sa ating pananagutang panlipunan. Ang bayanihan ay isang kaugalian ng pagtutulunangan sa nakikita sa magkakapit-bahay. Bayanihan ang kusang loob na pagtulong sa paggawa ng anumang bagay na hindi naghihintay ng kabayaran.
13
May pananalig sa Poong Maykapal ang mga Pilipino
May pananalig sa Poong Maykapal ang mga Pilipino. Malaki ang kanilang pananalig at paniniwala sa diyos. Ipinakikita nila ito sa pamamagitan nang pagsamba, pagpapakasakit, at pagtulong sa kapwa.
14
Ang pangunahing diwa ay paksang tinatalakay sa buong babasahin.
Bawat seleksyon, kwento, o tula o talataan ay may paksang tinatalakay na naglalaman ng pangunahing diwa o pangkalahatang kaisipan.
15
Tandaan: 1. Pagtuunan ng pansin ang mga sinasabi ng bawat pangungusap.
2. Itanong sa sarili kung tungkol saan ang paksa ng buong kwento/ sanaysay/ talataan. 3. Isiping mabuti kung ano talaga ang binibigyang diin ng paksa. 4. Ibigay ang pangunahing diwa ng kwento sa isang pangungusap.
16
Basahin ang talataan at sabihin/tukuyin ang pangunahing diwa nito.
Mayaman ang panitikang Pilipino. Marami tayong mga bugtong, alamat, kwentong-bayan, tula at iba pang sanaysay. Kapupulutan ng aral ang mga ito bukod pa sa nag bibigay-aliw. Ugaliin nating magbasa ng mga salaysay na sariling atin.
17
Paglalapat Mahalaga ang kinabukasan ng ating bansa sa matalinong pagpili ng mga namumuno sa pamahalaan. Nasa demokratikong bansa tayo kaya tinatamasa natin ang karapatang ito. Nasa kapangyarihan ng taong bayan kung sinu-sino ang dapat manungkulan.
18
Pagtataya 1. Tungkulin nating sumunod sa pasya ng nakararami.
2. Kailangang maging matapat tayo sa paglilingkod o sa pagsasagawa ng mga gawain. 3. Mahalaga ang maagap at matapat na pagbabayad ng buwis. 4.Dapat makilahok ang npangkatangb layunin. 5. Ang mga gawain kahit na mabigat o marami ay nagpapagaan nagpapadali kung pinagtutulungan.
19
Ako po si _______________________. Ako po ay _______ na taong gulang
Ako po si _______________________. Ako po ay _______ na taong gulang. Kami po ay kasalukuyang nakatira sa _____________________. Ipinanganak po ako sa _________________ nonng __________. Ang akin pong mga magulang ay sina _____________ na isang __________ at si _______________ na isang __________. _________ po kaming magkakapatid at ako ang __________. Ako ay nag-aaral sa mababang paaralan ng ___________. Nasa _________ na baitang na po ako. Mahilig po akong _________________________________. Ako si _____________Ako ay _____ na taong gulang na at nasa _________ na baitang sa paaralang Timoteo Paez Elementary School. Nakatira po ako sa _____________. Ang aking nanay ay si ____________ isa po siyang _________. Ang aking tatay naman ay si _________ na isang ________. _______ kaming magkakapatid at ako ang _______. Masaya ang aming pamilya dahil kami ay nagmamahalan at laging sama-sama lalo na sa _________. Ang paborito kong pagkain ay _______ dahil ito ay masarap. Ang paborito kong pasyalan ay _______ dahil ito ___________. Ang paborito ko namang guro ay si _______________. Paglaki ko, gusto kong maging isang ____________. Tutulungan ko ang aking mga magulang.
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.