Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018

Similar presentations


Presentation on theme: "Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018"— Presentation transcript:

1 Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018
powerpoint presentation designed by claro ruiz vicente

2 Dear User … Adult Sabbath School Bible Study Guide An Appeal
This PowerPoint Show is freely shared to all who may find it beneficial. While intended primarily for personal use, some find it useful for teaching the lesson in church. There are those, however, who add illustrations, change background, adjust font size, etc. While their intention may be good, this is not right. Slide #1 says “designed by claro ruiz vicente.” For honest Christians, it is not necessary for another’s creation to be copyrighted in order to be respected. PLEASE USE AS IS.

3 STEWARDSHIP MOTIVES OF THE HEART By JOHN H. H. MATHEWS
Ang Pagiging Katiwala: Mga Motibo ng Puso By JOHN H. H. MATHEWS

4 Stewardship: Motives of the Heart Contents
1 The Influence of Materialism 2 I See, I Want, I Take 3 God or Mammon? 4 Escape From the World’s Ways 5 Stewards After Eden 6 The Marks of a Steward 7 Honesty With God 8 The Impact of Tithing 9 Offerings of Gratitude 10 The Role of Stewardship 11 Debt—A Daily Decision 12 The Habits of a Steward— 13 The Results of Stewardship Ika-5 na liksyon

5 Stewardship: Motives of the Heart
Our Goal These lessons are geared to teach us what our responsibilities as stewards are, and how we can, through God’s grace, fulfill those responsibilities—not as a means of trying to earn salvation but as the fruit of already having it. Ang Ating Mithiin. Ang mga liksyong ito'y iniuukol para turuan tayo kung ano ang ating mga pananagutan bilang mga katiwala at paano natin, sa biyaya ng Diyos, matutupad ang mga pananagutang ito, hindi bilang isang paraan na makamit ang kaligtasan kundi bilang bunga ng pagkakaron na nito.

6 Stewards After Eden Stewardship: Motives of the Heart
Lesson 5, February 3 Stewards After Eden Mga Katiwala Matapos ang Eden

7 Stewards After Eden Key Text 1 Thessalonians 2:4, NIV “On the contrary, we speak as those approved by God to be entrusted with the Gospel. We are not trying to please people but God, who tests our heart.” Susing Talata. “Kundi kung paanong kami’y minarapat ng Diyos na pagkatiwalaan ng ebanghelo ay gayon kami nagsasalita, hindi upang bigyan lugod ang mga tao, kundi ang Diyos na sumusuri sa aming mga puso” (1 Tesalonica 2:4).

8 When we become God’s stewards,
Stewards After Eden Initial Words What is stewardship? When we become God’s stewards, our focus on the world and its materialistic values changes to a focus on the Creator and His mission. Along with the responsibilities of caring for the material world, we are also entrusted to be good stewards of spiritual truths. Panimulang Salita. Ano ang pagiging katiwala? ¶ Kapag tayo’y naging mga katiwala ng Diyos, ang ating pokus sa mundo at ang materyalistikong pagpapahalaga nito ay mababago sa isang pokus sa Manlalalang at Kanyang misyon. ¶ Kasama sa mga responsibilidad ng pangangalaga ng materyal na mundo, tayo’y pinagkatiwalaan din na maging mabubuting katiwala ng mga espirituwal na katotohanan.

9 1. Stewards in the Scriptures (Isaiah 22:15)
Stewards After Eden Quick Look 1. Stewards in the Scriptures (Isaiah 22:15) 2. Stewards of Spiritual Truths (Deuteronomy 29:29) 3. Stewards of Sacred Trusts (2 Corinthians 5:10) 1. Mga Katiwala sa Kasulatan (Isaias 22:15) 2. Mga Katiwala ng mga Espirituwal na Katotohanan (Deuteronomio 29:29) 3. Mga Katiwala ng mga Banal na Ipinagkatiwala (2 Corinto 5:10)

10 “Thus says the Lord God of hosts: ‘Go, proceed to this steward,
Stewards After Eden 1. Stewards in the Scriptures Isaiah 22:15 NKJV “Thus says the Lord God of hosts: ‘Go, proceed to this steward, To Shebna, who is over the house, and say:...’ ” 1. Mga Katiwala sa Kasulatan. “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos ng mga hukbo, ‘Ikaw ay humayo, pumaroon ka sa katiwalang ito, sa Sebna, na siyang katiwala sa bahay, at iyong sabihin sa kanya...’ ” (Isaias 22:15).

11 Stewards in the Scriptures
In the Old Testament The word translated as “steward” in a few Old Testament texts comes from a phrase: asher al bayt, the “one who is on or over a house.” The definition of a steward in the OT can be found by identifying the characteristics of a steward. Stewards cannot be separated from their stewardship, for it reveals their identity. Sa Lumang Tipan. Ang salitang isinalin bilang “katiwala” sa ilang talata ng Lumang Tipan ay mula sa isang kataga: asher al bayt, ang “isa na nasa o sakop ang isang bahay.” ¶ Ang pakahulugan ng isang katiwala sa Lumang Tipan ay masusumpungan sa pamamagitan ng pagkilala ng mga kaugalian ng isang katiwala. Ang mga katiwala ay hindi ihihiwalay sa kanilang pagiging katiwala, dahil inihahayag nito ang kanilang pagkakakilanlan.

12 In the Old Testament Some Characteristics 1. The position of a steward was one of great responsibility (Gen. 39:4). Stewards were chosen because of their abilities, and they received respect and trust from their owners for getting the job done. Mga Kaugalian. 1. Ang posisyon ang isang katiwala ay isa na malaking responsibilidad (Genesis 39:4). ¶ Pinili ang mga katiwala dahil sa kanilang mga abilidad, at tumanggap sila ng paggalang at pagtitiwala mula sa kanilang may-ari dahil sa pagsasagawa ng tungkulin.

13 In the Old Testament Some Characteristics 2. Stewards knew that what had been entrusted to them belonged to their owner (Gen. 24:34–38). This is the supreme difference between a steward and an owner. Stewards understand their position. 2. Alam ng mga katiwala na ang ipinagkatiwala sa kanila ay pag-aari ng nagmamay-ari sa kanila (Genesis 24:34–38). ¶ Ito ang sukdulang pagkakaiba sa pagitan ng isang katiwala at isang may-ari. Nauunawaan ng mga katiwala ang kanilang katayuan.

14 In the Old Testament Some Characteristics 3. When stewards took for their own use what had been entrusted to them, the relationship of trust between them and the owner was broken, and the stewards were dismissed (Gen. 3:23, Hos. 6:7). 3. Kapag ginamit ng mga katiwala na pangsarili ang ipinagkatiwala sa kanila, ang relasyon ng pagtitiwala sa pagitan nila at ang may-ari ay nasira, at ang katiwala ay pinaalis (Genesis 3:23, Hoseas 6:7).

15 The two basic words for “steward”
Stewards in the Scriptures In the New Testament The two basic words for “steward” in the New Testament are epitropos, and oikonomos. While the concept of a steward is very similar for both Testaments, the New Testament expands the concept beyond only household management. Sa Bagong Tipan. Ang dalawang basehang salita para sa “katiwala” sa Bagong Tipan ay epitropos, at oikonomos. ¶ Samantalang ang konsepto ng isang katiwala ay talagang magkamukha sa dalawang Tipan, ang Bagong Tipan ay pinalalawak ang konsepto lagpas sa pangangasiwa lang ng sambahayan.

16 A wise steward will prepare for the future of Jesus’ return beyond the
Stewards in the Scriptures In the New Testament In the parable of the dishonest steward (Luke 16:1–15), Jesus’ lesson is about more than a steward escaping financial disaster. It is also applicable to those escaping spiritual disaster through a wise manifestation of faith. A wise steward will prepare for the future of Jesus’ return beyond the here and now (Matt. 25:21). Sa talinghaga ng di tapat na katiwala (Lucas 16:1–15), ang liksyon ni Jesus ay higit pa tungkol pag-iwas ng katiwala sa pinansyal na kapahamakan. Puwede rin ito sa mga umiiwas sa espirituwal na kapahamakan sa pamamagitan ng isang matalinong pagpapakita ng pananampalataya. ¶ Ang isang matalinong katiwala ay maghahanda para sa hinaharap na pagbabalik ni Jesus higit pa sa narito at ngayon (Mateo 25:21).

17 “The secret things belong to the
Stewards After Eden 2. Stewards of Spiritual Truths Deuteronomy 29:29 NKJV “The secret things belong to the Lord our God, but those things which are revealed belong to us and to our children forever, that we may do all the words of this law.” 2. Mga Katiwala ng mga Espirituwal na Katotohanan. “Ang mga bagay na lihim ay para sa Panginoon nating Diyos, ¶ ngunit ang mga bagay na hayag ay para sa atin at sa ating mga anak magpakailanman, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusan” (Deuteronomio 29:29).

18 2. Stewards of Spiritual Truths
The Mysteries of God The word mystery means “puzzling, obscure, unknown, unexplained, or incomprehensible.” We are stewards of things that we do not understand fully. Our greatest stewardship is to live “as servants of Christ and stewards of the mysteries of God” (1 Cor. 4:1, NKJV). Mga Hiwaga ng Diyos. Ang salitang hiwaga ay nangangahulugang “nakakalito, malabo, di-kilala, di-maipaliwanag, o di-maintindihan.” ¶ Tayo’y mga katiwala ng mga bagay na hindi natin lubos na nauunawaan. Ang pinakadakilang pagiging katiwala natin ay mamuhay “bilang mga lingkod ni Cristo at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos” (1 Corinto 4:1).

19 2. Stewards of Spiritual Truths
The Mysteries of God God wants us, as His stewards, to preserve, teach, protect, and care for divine truth that He has revealed. How we do this is the ultimate stewardship, and it means we are “holding the mystery of the faith with a pure conscience” (1 Tim. 3:9, NKJV). Gusto ng Diyos na tayo, bilang Kanyang mga katiwala, ay pananatilihin, ituturo, iingatan, at mangangalaga sa banal na katotohanan na Kanyang inihayag. ¶ Kung paano natin gagawin ito ay ang sukdulang pagiging katiwala, at nangangahulugan ito na tayo’y “iniingatan ang hiwaga ng pananampalataya nang may malinis na budhi” (1 Timoteo 3:9).

20 2. Stewards of Spiritual Truths
Intangible Possessions When we accept Christ, we are stewards, called to manage God’s resources. But more important, we are to manage the spiritual realities of the Christian life in preparation for heaven. These are spiritual possessions that God gives to us (1 Pet. 4:10) so that we can, in Christ, develop Christian characters. They are infinitely more valuable. Mga Di-nahahawakang Pag-aari. Kapag tinanggap natin si Cristo, tayo’y mga katiwala, tinawagan para mangasiwa sa mga yaman ng Diyos. Ngunit mas mahalaga, pamamahalaan natin ang mga espirituwal na realidad ng buhay Kristiyano bilang paghahanda para sa langit. ¶ Ito’y mga espirituwal na pag-aari na ibinibigay sa atin ng Diyos (1 Pedro 4:10) upang tayo, kay Cristo, ay makakabuo ng Kristiyanong karakter. Ang mga ito’y labis-labis na mas mahalaga.

21 other possessions given to us from God, as well.
2. Stewards of Spiritual Truths Intangible Possessions “The gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord” (Rom. 6:23, NKJV). Redemption, a gift God gives to us, is our most valuable possession. Keeping the reality of this redemption always before us helps us maintain perspective in our stewardship of other possessions given to us from God, as well. “Ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6:23). Ang katubusan, isang regalo ng Diyos na ibinibigay sa atin, ay ang pinakamahalagang pag-aari natin. ¶ Ang laging pagpapanatili ng realidad ng katubusang ito sa harapan natin ay matutulungan tayong panatilihin ang pananaw sa ating pagiging katiwala ng ibang pag-aaring ibinigay sa atin mula sa Diyos din naman.

22 Stewards After Eden 3. Stewards of Sacred Trusts 2 Corinthians 5:10 NKJV “For we must all appear before the judgment seat of Christ, that each one may receive the things done in the body, according to what he has done, whether good or bad.” 3. Mga Katiwala ng mga Banal na Ipinagkatiwala. “Sapagkat tayong lahat ay kailangang humarap sa hukuman ni Cristo upang bawat isa ay tumanggap ng kabayaran sa mga bagay na ginawa niya sa pamamagitan ng katawan, ¶ maging mabuti o masama” (2 Corinto 5:10 ).

23 Hence, such willingness is a choice
3. Stewards of Sacred Trusts A Personal Responsibility Willingness to accept personal responsibility is a key trait that cannot be ignored when we define what a steward is, for stewards must be single-minded in having the best interest of the Owner at heart. Hence, such willingness is a choice that defines the desired relationship a steward has with God. Isang Personal na Responsibilidad. Ang kahandaang tanggapin ang personal na responsibilidad ay isang susing katangian na hindi binabale-wala kapag ating itinakda kung ano ang isang katiwala, dahil sa ang mga katiwala ay dapat maging iisa ang layunin sa pagsasapuso ng pinakamabuting kapakanan ng may-ari. ¶ Kaya, ang gayong kahandaan ay isang pagpili na itinatakda ang ninanais na relasyong meron ang katiwala sa Diyos.

24 3. Stewards of Sacred Trusts
A Personal Responsibility When we become stewards, we will not shift our responsibility to another individual or to an organization. Our personal responsibility is to God and will be reflected in all of our interactions with those around us. Success in God’s eyes will depend more on our faith and on our purity than on intelligence and talent. Kapag naging mga katiwala tayo, hindi natin ililipat ang ating responsibilidad sa ibang tao o organisasyon. ¶ Ang ating personal na responsibilidad ay sa Diyos at makikita sa lahat ng ating pakikitungo sa mga nasa palibot natin. ¶ Ang tagumpay sa mata ng Diyos ay higit pang dedepende sa ating pananampalataya at sa ating kadalisayan kaysa dunong at talento.

25 Final Words Testimonies for the Church 7:176. “In all His dealings...He recognizes the principle of personal responsibility. He seeks to encourage a sense of personal dependence and to impress the need of personal guidance. ... Every man has been made a steward of sacred trusts; each is to discharge his trust according to the direction of the Giver; and...an account of his stewardship must be rendered to God.” Huling Pananalita. “Sa lahat Niyang pakikitungo...Kanyang kinikilala ang prinsipyo ng personal na responsibilidad. Sinisikap Niya na pasiglahin ang isang pandama ng personal na pagdepende at ikintal ang pangangailangan ng personal na pagpatnubay. ... ¶ Bawat tao ay ginawang isang katiwala ng mga banal na ipinagkatiwala; bawat isa ay gaganapin ang kanyang pagkakatiwala ayon sa direksyon ng Nagbigay; at...isang pag-uulat ng kanyang pagiging katiwala ay kelangang ibigay sa Diyos.”—Testimonies for the Church 7:176.


Download ppt "Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018"

Similar presentations


Ads by Google