Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Pagsulat ng Pinal na Sipi
2
Ang kultura sa Pananaliksik
Sadyang napakahalaga sa bawat mananaliksik ang matuto at masanay sa wasto at mabisang presentasyon ng pamanahong pael- ang wastong pormat,margin, indensyon, at iba pa. Bahagi ito ng didsiplina ng isang mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura sa pananaliksik at sinop sa paggawa.
3
Kung tutuusin, may iba’t ibang pormat na iminumungkahi ang iba’t ibang unibersidad at kolehiyo at walang maaaring makapagsabi na ang isa ang tama at ang iba ay mali. Mayroon silang kanya-kanyang kumbensyon sa pananaliksik. Kaya’t nagbubunga ito ng pagkakaiba-iba sa pormat ng mga awtput ng mga mag-aaral. Ito ang dahilan kung bakit ang mga progresibong unibersidad at kolehiyo (tulad ng UP,DLSU,UST at Ateneo) ay may itinatakdang isang tiyak na pormat sa pagsulat ng ano mang papel- pampananaliksik sa ano mang larangan o disiplina. Ang layunin nila ay makapag-establish ng isang kultura sa pananaliksik. Manipestasyon ito ng kanilang mataas na respeto sa larangan ng pananaliksik. Ganito ang dapat na maging kalakaran sa anumang unibersidad at kolehiyong nangangarap na umagapay sa mga progresibong pagbabago sa mga pangunahing institusyong pang- akademiko sa loob at labas ng ating bansa.
4
Kaugnay ng mga ito, itinatagubilin namin ang mga sumusunod kaugnay ng mga sumusunod na sangkap at/o pangangailangan:
5
Papel, Makinilya/kompyuter,Printer at Correction fluid
6
Papel Ang sukat ng papel ay 8 ½ X 11 o kinasanayan nating tawaging SHORTBOND PAPER. Gumagamit ng may katamtamang kapal, maaaring substance Huwag gumamit ng napakanipis na papel.
7
Makinilya/Komputer Hangga’t maaari, gumamit na ng kompyuer sa halip na tayprayter dahil sa mga features nitong nakatutulong sa mga mananaliksik sa pagpapadali ng pagsulat sa pamanahong-papel.
8
Printer Kung kompyuter printer naman ang gagamitin, makakabuti nanag ang gamitin ay inkjet o laser. Mas mabilis ito, mas malinaw at mas episyente. Ngunit kung dotmatix pa rin ang gagamitin, iminumungkahing nylon cloth ang gamiting ribon sa halip na carbon at cotton cloth.
9
Correction Fluid Nag correction fluid naman ay angkop na gamitin sa makinilyadong kopya, ngunit hindi dapat abusuhin ang gamit nito. Kadalasan, mas makakabuting itayp na lamang muli ang isang buong pahina sa halip na tadtarin iyon ng correction fluid. Samantala, ang pag-eedit sa kompyuter ay dapat gawin bago i-print ang isang kopya upang maiwasan na ang paggamit ng correction fluid na kopya ng pamanahong papel.
10
MARGIN, SPACING AT CENTERING
11
Margin Ang tamang margin ay isa at kalahating pulgada (1 ½) sa kaliwa at isang pulgada sa kanan, sa itaas at sa ibaba. Ang dahilan nito ay para sa binding lalo na kung gagamit ng plastic slide o hardbound
12
SPACING Doble ang espayong dapat gamitin sa pagitan ng bawat linya sa loob ng mga talaan at maging sa pagitan ng isang heading, sub-heading at simula ng isang talataan. Ang isa pang ginagamitan ng isang espasyo ay ang listahan ng mga sanggunian. Ang mga linya sa loob ng isang entri ay kailangang tig-iisang espasyo lamang, ngunit ang espasyo sa pagitan ng bawat bibliograpiya na entri ay kailangangan dalawa.
13
Centering Lahat ng mga kabanata bilang, pamagat ng kabanata at mga kasang-paksa o subtitles ay kailangang nakasentro sa pahina ng papel. Gayundin ang lahat ng datos na nakapaloob sa pamagiting pahina.
14
FONT
15
Font Ang isang iinalalamang na feature ng kompyuter sa makinilya ay ang bersatiliti ng font nito. Ngunit sa pagsulat ng pamanahong papel gamiy ang kompyuter, kailangang pumili ng simpleng tipo ng font tulad ng Times new Roman o Arial.
16
Huwag ng gumamit ng maarteng tipo, Dahil ang pamanahong papel ay isang pormal na sulatin.
Huwag ding gagamit ng labis na maliit o malaking tipo. Pinakaideyal ang font na may laking labindalawa (12)
17
Ang paghahaylayt o bold facing naman ng font ay kailangang gamitin lamang kung kailan kailangan. Ang bilang ng kabanata, titles at subtitles ay kailangang ibold. Gayundin sa pamagat ng iba pang bahagi o pahina . Ang italic font naman ay kailangang gamitin sa mga dayuhang salitang binabaybay sa orihinal na ispeling at ginamit sabstityut sa panipi (“ “).
18
Kapitaliseysyon, Abrebiyeysyon, Pagsulat ng Bilang
19
Ang tuntunin ng gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang istriktong masunod sa pagsulat ng pamanahong- papel tulad ng sa simula ng mga pangungusap,- pangalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong pantawag tulad ng Mang, Aling, Padre at iba pa.
20
Huwag na huwag gagamit ng mga pinaikling salita na nakagawian na sa paggamit ng at cellphone. Ang mga buong bilang naman ay kailangang baybayin, sinusundan lamang ito ng simbulong numerikal sa loob ng parentesis, halimbawa: - Labinlima (15), anim na raan at dalawampu’t isa (621), siyamnapung porsyento (90%).
21
Ang mga salita ay kailangang isulat nang buo hangga’t maaari
Ang mga salita ay kailangang isulat nang buo hangga’t maaari. Ang maaari lamang daglatin ay mga titulo tulad ng G., Gng., Bb., Dr., Prof., Rev., Kgg., PhD., Jr., ; mga karaniwan nang akronim tulad ng USA, UNESCO, YMCA; at mga salitang panukat tulad ng cm., mm., ft., lbs.; mga pormyula tulad ng h2O, Fe.
22
Ngunit ang petsa, taon bilang ng kalye, serial at mga bilang na may praksyon o puntos- desimal ay maaarin nang isulat sa simbulo, halimbawa: - Pebrero 16, 1969, 216 Daang Malvar, Bolyum 2, 1 ¼ ,
23
Bilang ng Pahina Ang bilang ng pahina ay kailangan ilagay sa itaas, gawing kanan o upper right hand corner ng papel. Ang pahina ay nagsisimula sa katawan ng pamanahong-papel o sa kabanata I hanggang sa mga huling pahina nito. Hindi na nilalagayan ng bilang ng pahina ang fly leaf, Pamagiting Pahina, Dahon ng Pagpaptibay, Pasasalamat Listahan ng mga Talahanayan at Grap at Listahan ng mga Nilalaman.
24
Pagbabantas Kailangang sundin ang mga alituntuning pang gramatika sa pagbabantas. Makatutulong kung muling sasangguni sa mga aklat na tumatalakay sa gamit ng mga bantas. Sa Komunikasyon sa Makabagong Panahon, tinalakay nina Bernales, et al. (2002) ang paksang ito.
25
Proofreading at Editing
Karaniwang hindi maiiwasan ang mga pagkakamali sa pagsusulat. Maaring ito ay pagkakamali sa gramatika, ispeling, pagbabantas o sa pagsipi ng mga datos. Maaari ring ang pagkakamali at tipograpikal o pagkakamali sa pag-eenkowd sa kompyuter lalo na kung ibang tao ang nag-enkowd o nagtayp ng teksto.
26
May mga pagkakataong ang mga mananaliksik na hindi gaanong maalam sa gramatika o hindi nakatitiyak sa kawastuhan ng kanyang presentasyon ay kumukuha at nagbabayad pa ng editor.
27
S A L A M A T !
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.