Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

PANANALIKSIK Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit.

Similar presentations


Presentation on theme: "PANANALIKSIK Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit."— Presentation transcript:

1 PANANALIKSIK Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga sinaunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga bituin ng kalangitan. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik dahil kay Galileo Galilei noong mga 1500.

2 PANANALIKSIK Pang-akademya Mga Uri ng Pananaliksik
Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sapagkat isinasagawa ito ng mga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawaing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.

3 Mga Uri ng Pananaliksik
Pang-agham Tinatawag din itong pamamaraang pang-agham o pamamaraang siyentipiko. Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawa sa mga larangan ng biyolohiya, inhinyeriya, pisika, kimika, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik. Pampamilihan Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.

4 Mga Uri ng Pananaliksik
Pang-edukasyon May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri ng pananaliksik, partikular na sa mga paaralan. Pangkasaysayan Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na talaan, mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mga alahas, mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga arkeologo. Pangwika Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook.

5 Pagpili ng Paksa Kasapatan ng Datos
Kailangang may kasapatan ng literatura hinggil sa paksang pipiliin . Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung manilan – ngilan pa lamang ang mga abeylabol na datos hinggil doon Limitasyon ng panahon May mga paksa na nangangailangan ng mahabang panahon . Subalit mas mainam kung ang pananaliksik ay may itinakdang panahon upang ito ay tapusin nang matamo ang minimithing kasagutan o resulta para sa kapakinabangan ng mga susunod na mananaliksik . Kakayahang Pinansyal . Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa . May mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin , at kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik , mas mainam kung ang pipiliing paksa ay naaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik .

6 Interes ng Mananaliksik
Pagpili ng Paksa Kabuluhan ng Paksa Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan . Samakatwid , kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon , kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao . Interes ng Mananaliksik magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng ga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya .

7 Pagdidisenyo ng Pamagat – Pampapanaliksik
a. Wika b. Pag-aaral ng Wika c. Pag-aaral ng Wika ng mga Bakla d. Pag-aaral ng Wika ng Baklang Parlorista e. Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang Parlorista sa , Carmona , Cavite Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang Parlorista sa Piling Brgy. ng , Carmona, Cavite ( paksa ) ( panimulang suliranin ) ( respondente) (limitasyon) (saklaw) (payak o nalimitihang paksa)

8 PORMAT NG INYONG PANANALIKSIK SA FILIPINO 02
Kabanata I ; Ang Suliranin at Kaligiran Nito A. Panimula /Saligan ng Pag-aaral B. Layunin C. Kahalagahan ng pag-aaral D. Saklaw at Limitasyon E. Depinisyon ng mga Terminolohiya Panimula o Introduksyon : Binigbigyang-daan sa introduksyon ang maalwang pagdaloy ng kaisipan tungo sa paksa at layunin. Kailangang maging maliwanag at maikli ang mga pambungad. Hindi dapat maging mahaba pa ito kaysa sa paksang talakay. Isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Layunin ng pag-aaral: Ano ang gustong malaman o matuklasan sa iyong pananalisik.Inalalahad ang pangkalahatang layunin ,dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral . Tinutukoy dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.

9 Kahalagahan ng pag-aaral :
Ano ang magiging kontribusyon ng inyong pananaliksik sa sarili, kapwa, lipunan, pamahalaan at bayan. Kailangan tuwirang makapag-ambag ito ng mahalagang kabatiran at dagdag na kaalaman para sa nakaraan, ngayon at hinaharap. Saklaw at Limitasyon : Dapat ay ispisipiko at naglalayon na I-pokus ang atensyon ng sumusulat sa pinakapaksa. Depinisyon ng mga Terminolohiya : Binibigyang paliwanag o pakahulugan ang mga mahahalagahang salitang ginamit ng mananaliksik. Isang mabisang paraan ito sa pagpapadali ng unawa ng kabuuan. Pagbibigay-kahuluguhan sa mga salita Konsepwal - batay sa kahulugan sa diksyunaryo at iba pang babasahin. Operasyunal - batay sa konsepto o ideya kung papaano ginamit ang salita sa pag-aaral

10 Kabanata II . Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Ilalahad sa kabanatang ito ang balik-aral ng mga kaugnay na literatura ng mga naisagawang pagsisiyasat . Sa mga nalikom na pag-aaral at mga literatura masasalig ang kasalukuyang saliksik at basehan ng rekomendasyon at konklusyon. a. Mga Kaugnay na Pag-aaral ( references ) a. Thesis b. Term Papers c. Research Documents d. Disertations b. Mga Kaugnay na Literatura ( references ) a. Books b. Essays c. TV and Radio d. Magazines e. News papers Books, essays, TV and Radio News papers Thesis, term papers, research documents, dissertations'

11 Kabanata III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Dito nakasaad kung papaano ikaw, bilang manananaliksik ay magkakalap ng mga datos para sa iyong pag-aaral. Disenyo ng Pananaliksik Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral . Respondente Tinutukoy dito kung ilan sila at paano sila pinili . Instrumento ng Pananaliksik Inilalarawan dito ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon . Tritment ng mga Datos Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailarawan .

12 Tapush na!


Download ppt "PANANALIKSIK Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit."

Similar presentations


Ads by Google