Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018

Similar presentations


Presentation on theme: "Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018"— Presentation transcript:

1 Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018
powerpoint presentation designed by claro ruiz vicente

2 Dear User … Adult Sabbath School Bible Study Guide An Appeal
This PowerPoint Show is freely shared to all who may find it beneficial. While intended primarily for personal use, some find it useful for teaching the lesson in church. There are those, however, who add illustrations, change background, adjust font size, etc. While their intention may be good, this is not right. Slide #1 says “designed by claro ruiz vicente.” For honest Christians, it is not necessary for another’s creation to be copyrighted in order to be respected. PLEASE USE AS IS.

3 STEWARDSHIP MOTIVES OF THE HEART By JOHN H. H. MATHEWS
Ang Pagiging Katiwala: Mga Motibo ng Puso By JOHN H. H. MATHEWS

4 Stewardship: Motives of the Heart Contents
1 The Influence of Materialism 2 I See, I Want, I Take 3 God or Mammon? 4 Escape From the World’s Ways 5 Stewards After Eden 6 The Marks of a Steward 7 Honesty With God 8 The Impact of Tithing 9 Offerings of Gratitude 10 The Role of Stewardship 11 Debt—A Daily Decision 12 The Habits of a Steward 13 The Results of Stewardship Ikalawang liksyon

5 Stewardship: Motives of the Heart
Our Goal These lessons are geared to teach us what our responsibilities as stewards are, and how we can, through God’s grace, fulfill those responsibilities not as a means of trying to earn salvation but as the fruit of already having it. Ang Ating Mithiin. Ang mga liksyong ito'y iniuukol para turuan tayo kung ano ang ating mga pananagutan bilang mga katiwala at paano natin, sa biyaya ng Diyos, matutupad ang mga pananagutang ito, hindi bilang isang paraan na makamit ang kaligtasan kundi bilang bunga ng pagkakaron na nito.

6 I See, I Want, I Take Stewardship: Motives of the Heart
Lesson 2, January 13 I See, I Want, I Take Nakikita Ko, Gusto Ko, Kukunin Ko

7 I See, I Want, I Take Key Text Matthew 13:22, NKJV “ ‘Now he who received seed among the thorns is he who hears the word, and the cares of this world and the deceitfulness of riches choke the word, and he becomes unfruitful.’ ” Susing Talata. “ ‘Ang napahasik sa mga tinikan ay iyong nakinig ng salita, ngunit ang kabalisahan ng sanlibutan at ang daya ng mga kayamanan ay sumasakal sa salita at iyon ay nagiging walang bunga’ ” (Mateo 13:22).

8 Initial Words Counsels on Stewardship 155. The devil’s ploy to lure us through materialism: “ ‘Make them care more for money than the upbuilding of Christ’s kingdom and the spread of the truths we hate, and we need not fear their influence; for we know that every selfish, covetous person will fall under our power, and will finally be separated from God’s people.’ ” Panimulang Salita. Ang pakana ng diyablo para akitin tayo sa pamamagitan ng materyalismo: “ ‘Gawin silang higit na nagmamalasakit sa pera kaysa sa pagpapasulong ng kaharian ni Cristo at ang pagpapalaganap ng mga katotohanang kinamumuhian natin, at di dapat nating katakutan ang kanilang impluwensya; dahil alam natin na ang bawat makasarili at mapag-imbot na tao ay mapapasailalim ng ating kapangyarihan, at sa wakas ay maihihiwalay sila mula sa bayan ng Diyos.’ ”—Counsels on Stewardship 155.

9 1. Self-centered Theology (Matthew 13:22)
I See, I Want, I Take Quick Look 1. Self-centered Theology (Matthew 13:22) 2. A Form of Selfishness (2 Timothy 3:1-4) 3. Self-control Protection (Galatians 5:22-25) 1. Makasariling Teolohiya (Mateo 13:22) 2. Isang Porma ng Pagkamakasarili (2 Timoteo 3:1-4) 3. Proteksiyon ng Pagpipigil sa Sarili (Galacia 5:22-25)

10 “The seed that fell among the
I See, I Want, I Take 1. Self-centered Theology Matthew 13:22 NLT “The seed that fell among the thorns represents those who hear God’s word, but all too quickly the message is crowded out by the worries of this life and the lure of wealth, so no fruit is produced.” 1. Makasariling Teolohiya. “Ang binhi namang nahulog sa may matitinik na halaman ay kumakatawan sa nakikinig ng salita ng Diyos ¶ ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, nawawalan ng puwang sa kanilang puso ang mensahe at hindi ito nagkakaroon ng bunga.” (Roma 16:1, 2).

11 God wants to bless you, and the
Self-centered Theology The Prosperity Gospel God wants to bless you, and the proof of His blessing is the abundance of material possessions that you own. In other words, if you are faithful, God will make you wealthy. This has been called the prosperity gospel. This is nothing but a false theological justification for materialism. Ang Ebanghelyo ng Kasaganaan. Gusto ng Diyos na pagpalain ka, at ang katibayan ng Kanyang pagpapala ay ang kasaganaan ng materyal na ari-arian na meron ka. Sa ibang salita, kung ikaw ay matapat, payayamanin ka ng Diyos. ¶ Ito’y tinawag na ebanghelyo ng kasaganaan. Ito'y walang iba kundi isang maling teolohikal na pagbibigay-katwiran para sa materyalismo.

12 Self-centered Theology
The Prosperity Gospel This belief creates dissonance with Scripture and reflects a self-centered theology that is nothing more than half-truth clothed in biblical language. At the core of this lie is the issue at the core of all sin, and that is self and the desire to please self above everything else. Ang paniniwalang ito'y lumilikha ng di-pagkakatugma sa Kasulatan at ipinapakita ang isang makasariling teolohiya na walang iba kundi kalahating-totoo na dinamtan ng lengguwahe ng Biblia. ¶ Sa buod ng kasinungalingang ito ay ang isyu sa buod ng lahat ng kasalanan, at 'yon ay ang sarili at ang kagustuhang pasayahin ang sarili sa ibabaw ng lahat ng iba pa.

13 Self-centered Theology
The Prosperity Gospel The theology teaches that, in giving to God, we gain in return a guarantee of material wealth. But this makes God a vending machine and turns our relationship with Him into nothing but a deal: I do this and You promise to do that in return. We give, because of what we get in return. Ang teolohiyang ito’y nagtuturo na, sa pagbibigay sa Diyos, makikinabang tayo kapalit ng isang garantiya ng materyal na yaman. ¶ Ngunit ginagawa nito ang Diyos na isang makinang nagtitinda at ibinabaling ang ating relasyon sa Kanya sa isang kasunduan lang: Gagawin ko ito at mangangako Kang gagawin 'yon bilang ganti. Nagbibigay tayo, dahil sa kung ano ang makukuha natin bilang kapalit.

14 Self-centered Theology
Blurred Spiritual Insight Christians have myopic vision when they are fixated on the cares of this world. And few things can blind their eyes more than the deceitfulness of riches. Blurred spiritual eyesight puts eternal salvation in jeopardy. It is not enough to keep Jesus in view; we must keep Him in focus. Malabong Espirituwal na Paningin. Ang mga Kristiyano ay may mayopiyang paningin kapag sila'y abala sa mga pagkabalisa ng mundong ito. Iilang bagay ang makakabulag sa kanila nang higit pa sa pandaraya ng kayamanan. ¶ Ang lumabong espirituwal na paningin ay inilalagay sa panganib ang walang hanggang kaligtasan. Hindi sapat na panatilihin sa tanaw si Jesus; dapat natin Siyang panatilihin sa pokus.

15 Self-centered Theology
Blurred Spiritual Insight First, Jesus warns us regarding “the cares of this world” including financial ones. We just need to be certain that we don’t let such cares “choke the word” in our lives. Second, Jesus warns us of “the deceitfulness of riches.” They possess the power to deceive us in ways that can lead to our ultimate destruction. Una, binabalaan tayo ni Jesus tungkol sa ”mga kabalisahan ng sanlibutan ito” kabilang ang pananalapi. Kelangan lang nating matiyak na hindi bayaan ang gayung kabalisahan ay "sumasakal sa salita” sa ating buhay. ¶ Ikalawa, binabalaan tayo ni Jesus nang "daya ng mga kayamanan.” Meron silang kapangyarihan para dayain tayo sa mga paraang makakaakay sa ating pangwakas na pagkawasak.

16 “But know this, that in the last days perilous times will come:
I See, I Want, I Take 2. A Form of Selfishness 2 Timothy 3:1-4 NKJV “But know this, that in the last days perilous times will come: For men will be lovers of themselves, lovers of money...lovers of pleasure rather than lovers of God....” 2. Isang Porma ng Pagkamakasarili. “Ngunit unawain mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kapighatian. ¶ Sapagkat ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi...mga maibigin sa kalayawan sa halip na mga maiibigin sa Diyos...” (2 Timoteo 3:1-4).

17 2. A Form of Selfishness The Steps of Covetousness Like all sins, covetousness begins in the heart. It starts inside us and then works outward. The three steps we take: I see, I want, I take. Let covetousness surface, and it will override any principle. “If selfishness be the prevailing form of sin, covetous-ness may be regarded as the prevailing form of selfishness.”—John Harris, Mammon 52. Ang mga Hakbang ng Pag-iimbot. Gaya ng lahat ng kasalanan, ang pag-iimbot ay nagpapasimula sa puso. Nagpapasimula ito sa loob natin at pagkatapos ay gumagawa papalabas. Ang tatlong hakbang na ating kinukuha: nakita ko, gusto ko, kukunin ko. ¶ Bayaang lumitaw ang pag-iimbot, at pawawalang-bisa nito ang anumang prinsipyo. “Kung ang pagkamakasarili ang nangingibabaw na porma ng kasalanan, ang pag-iimbot ay maituturing na nangingibabaw na porma ng pagkamakasarili.”—John Harris, Mammon 52.

18 2. A Form of Selfishness Greed—Having Things Your Way Greed is a malady that wants everything: passion, power, and possessions. Again, I see, I want, I take. Notice Judas’ words: “ ‘What are you willing to give me if I deliver Him to you?’ ” (Matt. 26:15). Judas had been privileged as very few people had been in all history, and yet—look at what greed and covetousness led him to do. Katakawan—Sariling Paraan ang Sinusunod. Ang katakawan ay isang karamdaman na gusto ang lahat: kahalingan, kapangyarihan, at mga kayamanan. Muli, Nakikita ko, gusto ko, kukunin ko. ¶ Pansinin ang mga salita ni Judas: “ ‘Anong ibibigay ninyo sa akin, kung ibibigay ko siya sa inyo?' ” (Mateo 26:15). Nagkapribilehiyo si Judas gaya ng iilang tao sa lahat ng kasaysayan, at gayunman—tingnan kung ano ang inakay siyang gawin ng katakawan at pag-iimbot.

19 at the very root of covetousness.
2. A Form of Selfishness Greed—Having Things Your Way “In His teaching, Jesus dwelt upon principles of benevolence that struck at the very root of covetousness. He presented before Judas the heinous character of greed, and many a time the disciple realized that his character had been portrayed, and his sin pointed out; but he would not confess and forsake his unrighteousness.”—The Desire of Ages 295. “Sa Kanyang katuruan, tinalakay ni Jesus ang mga prinsipyo ng pagkamapagkawanggawa na sumalakay sa pinaka-ugat ng pag-iimbot. ¶ Iniharap Niya kay Judas ang kasuklam-suklam na karakter ng katakawan, at maraming beses natanto ng alagad na ang kanyang karakter ang inilarawan, at ang kanyang kasalanan ang dinaliri; pero ayaw niyang aminin at itakwil ang kanyang kalikuan.” —The Desire of Ages 295.

20 I See, I Want, I Take 3. Self-control Protection Galatians 5:22-25 NKJV “But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, longsuffering, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, self-control. ... And those who are Christ’s have crucified the flesh with its passions and desires. If we live in the Spirit, let us also walk in the Spirit.” 3. Proteksiyon ng Pagpipigil sa Sarili. “Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa sarili. ... ¶ At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang masasamang pagnanasa at mga kahalayan nito. Kung kayo’y nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, lumalakad din tayo sa patnubay ng Espiritu” (Galacia 5:22-25).

21 Self-control can be difficult when it comes to greed, covetousness,
3. Self-control Protection The Way of Escape Self-control can be difficult when it comes to greed, covetousness, and the desire to own things. Only through self-control, first of our thoughts and then our actions, can we be protected. We can exercise that control only to the degree with which we give ourselves over to the power of the Lord. Ang Daan ng Pag-iwas. Ang pagpipigil sa sarili ay maaaring maging talagang mahirap kapag tungkol sa katakawan, pag-iimbot, at ang magkagusto na magkaron ng mga bagay. ¶ Sa pamamagitan lang ng pagpipigil sa sarili, una sa ating mga iniisip at pagkatapos sa ating kilos, maaari tayong maingatan. Magagawa natin ang kontrol na 'yon sa antas lang na ibinibigay natin ang sarili sa kapangyarihan ng Panginoon.

22 3. Self-control Protection
The Way of Escape None of us can defeat these sinful traits, especially if they long have been cultivated and cherished. We need the working of the Holy Spirit if we are to gain victory over these deceptions. “God is faithful, who will not allow you to be tempted beyond what you are able, but...will also make the way of escape...” (1 Cor. 10:13, NKJV). Wala sa atin ang malulupig ang mga makasalanang ugaling ito, lalo na kung matagal na itong pinaunlad at itinangi. Kelangan natin ang gawain ng Banal na Espiritu sa ating buhay kung tatamuhin natin ang pagtatagumpay dito sa makakapangyarihang pandaraya. ¶ “Tapat ang Diyos, na hindi niya ipahihintulot na kayo'y tuksuhin nang higit sa inyong nakakaya; kundi...naglalaan ng pag-iwas...” (1 Corinto 10:13).

23 “Some love this world so much that
Final Words Spiritual Gifts 2:267 “Some love this world so much that it swallows up their love for the truth. As their treasures here increase, their interest in the heavenly treasure decreases. ... The more they possess, the less do they have to bestow upon others, for the more they have, the poorer they feel. ... They will not see and feel the wants of the cause of God.” Huling Pananalita. “May umiibig sa sanlibutang ito ng gayon na lang anupa't nilalamon nito ang kanilang pag-ibig sa katotohanan. ¶ Habang ang mga yaman nila rito ay dumarami, ang kanilang interes sa makalangit na yaman ay lumiliit. ... Lalo pang dumarami ang pag-aari nila, mas kakaunti ang ibinibigay nila sa iba, dahil sa mas marami ang meron sila, mas pobre ang kanilang pakiramdam. ... Hindi nila makikita at madarama ang pangangailangan ng kapakanan ng Diyos.”—Spiritual Gifts 2:267.


Download ppt "Adult Bible Study Guide Jan • Feb • Mar 2018"

Similar presentations


Ads by Google