Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Mga Sakit ng Palay At PAMAMAHALA nito
Unang Bahagi: Pag-unawa sa Sistemang Palay Check
2
Ano ang sakit o karamdaman?
Ang sakit ay ang paghina ng normal na pagkilos ng mga bahagi ng katawan ng halaman. Ito ay sumasalungat sa pagkakaroon ng normal na katawan, kondisyon at kahalagahang pangkabuhayan. nanghihina, maagang kamatayan Nababa ang ani, mababang kalidad ng produkto Buko, dahon, suwi, taas ng halaman
3
? Paano natin susuriin ang sakit o karamdaman?
May kakaibang palatandaan (sintomas) at pagkakaroon ng mga senyales (signs) dulot ng mga organismong nagdadala ng sakit(pathogen). Ano ang iyong gagawin kung nakikita mo ang ganitong sintomas? ?
4
Ano ang huling kinain mo?
Matutukoy mo ba ang sakit? Bulutong? Kagat ng insekto? Alergi? Tigdas? Kaya, patunayan pa natin. Ito ba ay makati? May lagnat ka ba? Ano ang huling kinain mo? ….?
5
Para masuri ang sakit ng palay, Patunayan.
Imbestigasyon ng mga nakaraan at kasalukuyang gawi (kasaysayan ng bukid) Pagpansin sa mga palatandaan sa bukid, kung kailan nagkakaroon ng sakit Pagsusuri ng apektadong halaman bilang pangkalahatan kung ikumpara sa mga halamang malulusog sa bukid din na yon. Isaalang-alang: pagka-kakalat ng sakit, paglaganap ng sakit, kondisyon ng bukid, nakakalason na bagay, mga sintomas ng sakit. Tanungin din ang magsasaka.
6
Bakteryal Pungal Biral Bacterial leaf blight o paltik(BLB)
Bacterial leaf streak (BLS) Pungal Sheath blight Rice blast Biral Click on buttons. They are hyperlinked to the respective slides. Tungro
7
Bacterial leaf blight o paltik
Ang BLB ay karaniwan sa pinatutubigan at sahod ulan lalo na kung tag-ulan. Ang BLB ay nagpapakita ng sintomas ng paninilaw
8
Bacterial leaf blight maputlang dilaw na dahon ‘Kresek’ o pagkalanta
9
Bacterial leaf blight Organismong nagdala: Xanthomonas oryzae pv. oryzae Nabubuhay sa mga buto, sa mga naiwang bahagi ng katawan ng palay, sa datihang pinagpupugaran o sa pinitak at sa tubig. Pwede rin na mabuhay sa mga dayami na may impeksyon o mga binabasurang halaman na nakakalat sa lupa hanggang di nabubulok. Kahaliling tirahan: Leersia oryzoides, Zizania latifolia
10
Bacterial leaf blight Pangkabuhayang Kahalagahan
pagliit ng sukat para sa potosintesis Pagbaba ng timbang ng butil Walang lamang mga butil o ma-ipa 20 – 50% nawala sa ani ang naitala
11
Bacterial leaf blight Karaniwang lugar Bicol Region Calauan, Laguna
Leyte Isabela Source: IRRI
12
Bacterial leaf blight Alalahanin o isipin muli kung maraming abono ang nagamit(<120kg/ha) , kung ang tubig ay patuloy ang pagkaalubog sa tubig, at ang uri ng palay ay madaling maapektuhan ng sakit. Masusing tingnan ang mga halaman ng maaga sa umaga bago mawala ang hamog at matuyo ang dahon. Maglabong manilaw-nilaw na butil ng hamog (bacterial ooze) sa ibabaw ng dahon. Suriin sa mahamog na halaman kung ang dahon ay magiging maputlang dilaw at may mga munting sugat sa paligid ng dahon na kalaunan ay natatakpan ang malaking bahagi ng dahon.
13
Bacterial leaf blight Gawin agad ang mga ito!
Butihin ang mga maysakit na halaman. Huwag ibaon ang mga ito sa pinitak dahil ang mga bakterya ay kayang mabuhay at kumalat sa tubig irigasyon. 2. Igahin na may katamtamang tubig ang lupa upang mabawasan ang halumigmig ng lupa. 3. Lagyan lang ng kaunting abonong nitroheno o ipagpaliban ang iba pang susunod na paglalagay ng abono.
14
Bacterial leaf blight Kapag napansin sa karatig-bukid
Iwasan ang pagdaloy ng tubig irigasyon sa inyong bukid. Kalimitan, ang pangunahing impeksyon ay nangyayari sa bungad na daanan ng tubig irigasyon. Linisin ang kasangkapang pangbukid na ginamit sa apektadong bukid bago gamitin sa ibang lugar. Iba pang pagpipilian: Click on black button. It is hyperlinked back to the slide on classification of diseases. Ipahinga ang bukid matapos ang pag-aani at bayaan itong matuyo Magtanim ng matatag na uri ng palay. Ugaliing maging malinis ang bukid, magsagawa ng palagiang pag-aalis ng damo Ang pagkontrol sa BB sa pamamagitan ng kemikal ay magastos at di epektibo
15
Bacterial leaf streak Ang BLS ay karaniwang nagiging sakit ng palay na palagiang lubog sa tubig. Nagkakaroon ng dilaw na guhit sa dulo ng guhit pababa sa puno ng dahon at lumilikha ng mga guhit na nagiging matingkad na kayumanggi sa kabuuan ng dahon. Kung walang gagawing aksyon, magiging itsurang kalawangin ang buong bukid na napinsala at masusunog o matutuyo ng lubusan.
16
BLB and BLS are almost the same in symptoms and management options.
Pr Ob E Bacterial leaf streak Alalahanin kung ang dami ng abonong Nitroheno na ginamit ay marami at kung ang mga binhi na itinanim ay hindi maganda ang kalidad. Pr Obserbahan kung ang malaking bahagi ng pinitak ay naninilaw. Ob Suriin mabuti kung ang mga dulo ng dahon ay may kulay dilaw pababa na pormang tuwid paguhit. E BLB and BLS are almost the same in symptoms and management options.
17
Sheath blight Nagkakaroon ng Shealth blight ang mga palayang tubigan o mga sahod ulan sa kababaang bukid na may mataas na dami ng Nitroheno sa lupa. Dala ito ng Rhizoctonia solani, unang napapansin ito sa talupak ng dahon ng palay.
18
Sheath blight Sa mga dahon: Kulay abuhing may ibat-ibang hugis na sugat na may berdeng kayumangging kulay at abuhing kulay sa kalagitnaan. Ang pag-uuhay ay naaapektuhankapag ang talupak ay naiimpeksyon. Sa talupak: habilog na kulay abuhing paltak-paltak na may maitim na kayumangging paligid at ang katawan ay lumalaki.
19
Sheath blight Nanggagaling sa mga virus o bakterya na sclerotia (may mikrobyo) at mycelia o kabute sa mga halamang ibinasura. Ang Sclerotia ay nakalutang sa tubig at iniimpeksyon ang mga dahon na malapit sa tubig. Ang mga virus na ito ay naikakalat ng tubig-irigasyon at paggalaw ng lupa sa panahon ng paghahanda ng lupa na nagiging dahilan ng pagkakaroon muli ng ganitong sakit.
20
Sheath blight Unang napapansin sa bukid makalipas ang panahon ng pagsusuwi ng palay. Ang posibilidad na magkasakit ang palay ay tumataas habang gumugulang o nagkakaedad ang mga ito.
21
Sheath blight Ang kahalagahang Pangkabuhayan
Ang nawalang ani ay dulot ng pagkakaroon ng mga butil na walang laman o ma-ipa, pagdapa ng palay o pagkamatay ng mga suwi. Ang bigat ng butil, haba ng uhay at kalidad ng palay ay apektado. Ang nawalang ani ay aabot : sa 50% dulot ng mga gawaing pangangalaga sa bukid sa panahon ng pagbubuntis ng palay. 20-25% kung ang sakit ay umabot sa “flag leaves” 20-42% sa mga pinitak na may mataas na Nitroheno.
22
Sheath blight Pr Ob E Pr Ob E
Ang mga halaman ba ay naimpeksyon ng shealth blight noong nakalipas na taniman? Ang kumpol ng punggus sa naiwang pinag-anihan ay di maaring nabulok. Ano ang barayti ang itinanim? Gaanong dami ng binhi/ektarya ang ginamit? Ang dami ba ng Nitroheno sa lupa ay masyadong mataas? Pr Pagmasdan kung namumuti ang mga dahon. Tingnan kung may lumulutag na sclerotia sa tubig. Ob Tingnan kung ang mga talukap ng dahon sa batang edad ng palay ay meron ng malapulbos na paltik na abuhin ang kulay. Ang abuhing pulbos ay tanda ng pagkakaroon ng punggus. E
23
Sheath blight Isagawa ang mga ito!
Kalinisan – sugpuin ang mga damo sa pinitak at pilapil. Araruhin ng malali para bumaon ang mga dayami at damo Ilantad ang lupa sa matinding init ng araw. Bawasan ang dami ng gamit na binhi o mas lawakan ang pagitan ng tanim Gamitin ng wasto ang abono ng Nitroheno Alisin ang tubig sa pinitak sa loob ng ilang araw sa panahon ng kasagsagang pagsusuri Biyolohikal na pagsugpo – kalaban o kontra punggus: Trichodermma harzianum;
24
Rice blast “Blast” o pamumutok, sakit ng palay dulot ng amag na karaniwang namiminsala sa katihan at sahod-ulan na bukid dahilan sa kakapusan sa tubig na may mahalumigmig at malamig na gabi.
25
Foliar blast Sheath blast Neck blast Rice blast Magnaporthe grisea, ang organismong sanhi ng sakit, ay may kakayahang humiwa o sumugat sa halaman. Ang blast o pamumutok ay nagaganap sa lahat ng estado ng paglaki ng palay.
26
Rice blast Kahalagahang Pangkabuhayan
Ang nawawalang ani ng palay ay maaring humigit sa 50%. Ang 10% neck rot ay nagdudulot ng 6% nawawalang ani at 5% na dagdag sa chalky kernels.
27
Pr Ob E Rice blast Paano pinamahalaan ang tubig sa bukid? Ang bukid ba ay sobrang basa? Ano ang barayti na itinanim? Ang dami ba ng Nitrohenong ginamit/ektarya ay sobrang mataas? Pr Ob Obserbahan kung mayroong pamumutok sa katawan ng palay na nasa bukid. Ang pinaka maagang pagkakaroon nito ay sa edad na 17 DAS sa punlaan. E Suriin ang mga halaman kung ang mga ito ay may sakit na ng pamumutok. Sa simula ang mga putok ay kulay berdeng hugis diamond na nagiging matingkad na dilaw sa mga dahon.
28
Rice blast Isagawa ang mga ito! Gumamit ng matatag na binhi
Maagang pagpupunla ng mga walang sakit na binhi pagsimula pa lang ng tag-ulan. Mas mabuti ang pagsabog binhi na may tubig kaysa magpunla ng patudling o pahanay. Tama at maayos na paggamit ng abonong Nitroheno. Ang Nitroheno ay dapat gamitin ng unti-unti kahit anong oras. Ang Nitrate nitrogen ay mas nakakatulong sa pangangalaga laban sa sakit kaysa sa ammonium nitrogen. Pagbabago o pagsasaayos ng lupa sa pamamagitan ng paggamit ng Silica. Ang silica ay kilalang nagpapalakas ng resistensya ng palay laban sa blast o pamumutok. Isaayos ang lupa sa pamamagitan ng paglalagay ng calcium silicate slag kung ang lupa ay mababa o kulang ang silicon na nagagamit ng palay.
29
Rice blast Isagawa ang mga ito !
Pangangasiwa ng tubig sa mga lugar na sahod-ulan. Pagpapabaha ng bukid kung kailan puwedeng gawin ay nakakabawas sa paglubha ng blast o putok. Pagsira o pagwasak ng mga naiwang bahagi ng mga palay na apektado ng sakit sa pamamagitan ng pagsunog. Huwag gawin ang mga trabahong bukid kapag basa ang palay. Pag kontrol ng sakit gamit ang kemikal. Fungicides tulad ng benomyl, pyroquilon at tricyclazone ay nakaka-kontrol ng sakit. Inirerekomenda na gumamit ng 2 beses: una kapag malapit ng mag-uhay; pangalawa-makalipas ang ilang araw na lalabas na ang uhay ng palay
30
Tungro Ang virus na karaniwan sa mga mababang palayang pinatutubigan na hindi sabay-sabay na tinataniman. Ang nagdadala ng tungro ay green leafhopper (GLH) Rice tungro bacilliform virus (RTBV) and rice tungro spherical virus (RTSV) cause Tungro. RTBV ay hindi naisasalin maliban na lang kung mayroon ng RTSV.
31
Tungro Mga palatandaan:
Ang mga halaman ay madaling mapinsala mula sa pagiging punla hanggang sa pagsusuwi. Mga palatandaan: may batik-batik ang mga batang dahon; ang mga magugulang na dahon ay kulay dilaw hanggang kulaw kahel; bansot at kaunti lang ang suwi
32
Tungro Mga katulad na palatandaan:
Naninilaw dala ng kakulangan sa sustansya (Zn, K, S) at istres sa tubig. Zn S K Magkakaiba ang tindig ng palay at kulay kahel ang buong palayaan dulot ng paninira ng pesteng insektong at pamiminsala ng mga daga.
33
Tungro Malusog at walang GLH GLH na may virus at lumipat sa bukid
Kababagong lipat-tanim Makalipas ang ilang araw Mas maraming GLH ang dumating, nangitlog at naging mga nimpa Makalipas ang 1-2 linggo; nagsimula na ang impeksyon,hindi pa gasinong pansin ang mga sintomas Source: IRRI, 2003
34
Tungro Ang matatandang GLH ay nag-alisan
Ang mga nimpa at matatandang GLH ay nangalat sa bukid Makalipas ang 4 linggo; ang impeksyon ay malawakan ng kumalat Makalipas ang 3-4 linggo; ang impeksyon ay mabilis na lumala; ang sintomas ay kapansin-pansin
35
Pr Ob E Tungro Ang itinanim ba na barayti ay madaling pinsalain ng virus? Ang bukid ba ay hindi sabay-sabay na nataniman o tinamnan ng wala sa takdang panahon? Anong mga isinagawang gawain ang nagpabor sa GLH paradumami? Pr Ob Inspeksyunin ang bukid; ang kritikal na panahon ay anim na linggo pagkatanim. Obserbahan ang mga karatig na bukid para sa magkakaibang lusog ng palay, mga ratun, at ang pagkakaroon ng tungro; Suriin ang pagkakabaha-bahagi ng may sakit na mga halaman; tayahin ang kapal ng GLH. Suriin ang halaman kung may mga kulay dilaw at kahel sa mga pinakatuktok na dahon; bansot na paglaki; at mahinang pagsusuwi; E
36
Tungro Isagawa ang mga ito!
Pagpahingahin o huwag munang taniman ang bukid Magtanim ng matatag na barayti – pinaka tiyak na paraan para kumita. IR 36, IR42, IR54, at IR64 matatag sa GLH, pero ang mga ito ay kinakapitan na rin ngayon. Paghali-halinhin ang matatag na binhi. (10, 11, 12,32,33,51). Sabay-sabay na magtanim Sirain agad ang mga dayami pagkatapos mag-ani sa pamamagitan ng pag-araro at pagsuyod upang mapuksa ang GLH at mga tirahan ng tungrop Gumamit ng pamatay insekto kapag kailangan lang – huwag magbomba kapag: a. nasa punlaan b. Ang edad ng halaman ay mahigit na 60 araw pagkatan c. Walang tungro at kaunting GLHs ang nasa bukid
37
Larawang patnubay sa pagsuri ng sakit
BACTERIAL LEAF BLIGHT Abuhing kayumanggi, kalat na mga paltik mula sa dulo pababa ng dahon. ‘BLIGHT’ –mabilis at malawak na pagbabago ng kulay ng dahon at pagkalanta SHEATH BLIGHT Malaki, hindi regular na mga sugat na may matingkad na kayumanggi sa paligid at abuhing kulay sa gitna ng sugat. BACTERIAL LEAF STREAK Tuwid, mabasa-basa, kulay dilaw na guhit sa pagitan ng litid ng dahon.
38
Larawang batayan sa pagsuri ng sakit
RICE BLAST Berde at hugis diamond na mga paltik, lumalaki at nagiging matingkad na dilaw. TUNGRO Dilaw na pakahel na kulay na mga dahon. Ang mga bagong dahon ay batik-batik.
39
Para sa mga bakterya at punggal na sakit
Kalinisan at wastong pangangalaga (pamamahala ng tubig at pag-aabono) ang dapat unang isaalang-alang. Para sa mga viral na sakit Isaalang-alang ang barayti, at pagkontrol ng nagdadala ng virus (GLH)
40
Sa kabuuan, makakatulong ang mga ito:
Palaging bisitahin ang mga bukid. PrObE para masuri ng maayos ang sakit. Magsagawa ng isang buwang pamamahinga ng bukid upang mabawasan ang pagkakasakit. Iwasan ang paglalagay ng sobrang abono lalo na ng Nitroheno Iwasan ang paggamit ng di kailangang pamatay peste. Upang maiwasan ang malaking mawawala sa ani dulot ng mga peste.[Key Check 7]
41
CREDITS Dr. Fe Dela Pena Note:
Instructional presentation designer: Ms. Ella Lois Bestil Sources of technical content/reviewers of presentation: Dr. Fe Dela Pena Note: Adapted from a powerpoint presentation developed by: Mr. Glenn Ilar, Mrs. Marissa Reyes You may use, remix, tweak, For more information, visit: & build upon this presentation non-commercially. However, always use with acknowledgment. Unless otherwise stated, the names listed are PhilRice staffers. Produced in 2011 Text:
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.