Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO

Similar presentations


Presentation on theme: "PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO"— Presentation transcript:

1 PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO
Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)

2 Layunin: Maipaliwanag kung ano ang pagsubaybay;
Sa pagtatapos ng sesyon, ang mga kalahok ay dapat: Maipaliwanag kung ano ang pagsubaybay; Maipaliwanag ang layunin ng pagsubaybay; Makapagbigay halimbawa ng ilang tiyak na layunin ng pagsubaybay sa karapatang pantao;

3 Maipaliwanag kung paano susukatin ang gawain ng gobyerno sa promosyon at proteksyon ng karapatang pantao; Masabi ang kahalagahan ng dokumentasyon; Masabi ang pinagagamitan ng dokumentasyon; Mapag-iba ang 2 uri ng gawaing dokumentasyon.

4 PAGSUBAYBAY AT PAGDOKUMENTO
Balangkas ng mga Paksa: Ano ang Pagsubaybay Bakit kailangan ang pagsubaybay sa karapatang pantao Lawak ng Pagsubaybay Sino ang Sumusubaybay Balangkas ng Pagsubaybay Dalawang Uri ng Pagsubaybay sa Karapatang Pantao

5 Balangkas ng mga paksa Paano ang lapit sa pagsubaybay ng karapatang pantao Paraan ng Pagsubaybay Produkto ng Pagsubaybay Inaasahang Resulta Mga Prinsipiyo/Panuntunan ng Pagsubaybay 2. Ano ang Dokumentasyon Layunin ng Dokumentasyon 2 Uri ng Dokumentasyon

6 Sa usapin ng karapatang pantao, ang pagsubaybay ay isang masinsing pag-aaral sa isang sitwasyon o indibidwal na kaso upang matukoy ang problema at makagawa na nararapat na kalutasan. PAGSUBAYBAY

7 Ang masinsing pag-aral ng isang sitwasyon o kaso ay maaaring gawin sa pamamagitan ng palagian o pana-panahong pag-iimbestiga at pagdokumento ng mga pagbabago.

8 Bahagi ng pagsubaybay ang pagkolekta o pagtanggap ng mga maramihang datos at pag-aanalisa nito na pangunahing nagsusukat ng mga kaso o sitwasyon kaugnay sa mga internasyunal ng mga pamantayan o kalakaran.

9 Halimbawa ng isang sitwasyon sa komunidad
PROBLEMA ? ARAL, IMBESTIGA, KOLEKTA, ANALISA NG MGA IMPORMASYON

10 HALIMBAWA NG ISANG INDIBIDWAL NA KASO
PROBLEMA? ARAL, IMBESTIGA, KOLEKTA, ANALISA NG MGA IMPORMASYON

11 Bakit kailangang subaybayan ang Karapatang Pantao
CRC UDHR ICESCR CEDAW ICERD ICCPR Kalusugan Pabahay Edukasyon Paggawa Pagkain Naipapatupad ba ang mga Internasyunal na Batas sa lokal na kalagayan?

12 Layunin ng Pagsubaybay
Ang kalahatang layunin ng pagsubaybay ay upang tukuyin ang problema sa isang sitwasyon o kaso at gumawa ng mga hakbang para mabigyang lunas ang sitwasyon.

13 Tiyak na mga layunin ng pagsubaybay sa karapatang pantao:
a. Tulungan ang gobyerno sa pag-aplay ng internasyunal na mga pamantayan. b. Itulak ang gobyerno sa pagsang-ayun at pagpapatupad ng mga internasyunal na pamantayan. Magkapagsagawa ng mga legal na aksyon tulad ng pagsasampa ng kaso sa korte.

14 Tiyak na mga layunin ng pagsubaybay sa karapatang pantao:
d. Makapagsagawa ng iba pang aksyon tulad ng pagkondena at kampanyang publiko na may layuning pilitin ang pamahalaan o magpataas ng pampublikong kamalayan. e. Upang makatulong sa mga biktima. f. Makapagbigay ng paunang babala sa mga lugar na may namumuong sigalot.

15 Lawak ng Pagsubaybay Nakabatay sa misyon o bisyon, o kakayanan ng isang organisasyon; maaaring maramihang karapatan o tiyak na mga karapatan lamang ang subaybayan. Kinaugalian na, na ang sakop ng gawaing pagsubaybay ay nakatuon sa mga gobyerno na nakatali sa mga internasyunal na mga kasunduan na magrespeto at magpalaganap ng mga karapatang pantao.

16 REPRESENTATTIVE/working
Mga taga-subaybay UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL SPECIAL AGENCIES TREATY BASED COMMITTEES REGIONAL SPECIAL RAPPORTEUR/ REPRESENTATTIVE/working group NATIONAL HUMAN RIGHTS COUNCIL NGO

17 Umiiral na Internasyunal at Lokal na Pamantayan Bilang Balangkas ng Pagsubaybay
ICESCR CRC CEDAW UDHR ICERD ICCPR Kalusugan Pabahay Edukasyon Paggawa Pagkain LABOR CODE OF THE PHIL CARL-1988 1987 PHIL. CONSTITUTION IPRA 1997 CHEAPER MEDICINE ACT Price Act GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION ACT NHA-1992

18 DECLARATION ON ENVIRONMENT
Umiiral na Internasyunal at Lokal na Pamantayan Bilang Balangkas ng Pagsubaybay ICESCR ICCPR UDHR UNDRIP RIO DECLARATION ON ENVIRONMENT AND DEVT-1992 KAUNLARAN UNDRD-1986 PAKIKILAHOK KARAPATAN SA EPEKTIBONG REMEDYO MABUHAY, KALAYAAN AT SEGURIDAD SARILING PAGPAPASIYA IMPORMASYON KALAYAAN SA DISKRIMINASYON MASIGLA AT MAAYOS NA KAPALIGIRAN SAPAT AT MAAYOS NA PAMUMUHAY IPRA 1987 PHIL CONSTITUTION LUPAING NINUNO MAKATARUNGAN AT MABUTING KALAGAYAN NG PAGGAWA

19 2 Uri ng Pagsubaybay sa Karapatang Pantao
Pagsubaybay sa Sitwasyon Pagsubaybay sa Kaso

20 Pagsubaybay sa Sitwasyon
1. Pagsubaybay sa kalagayan ng karapatang pantao sa mga komunidad.

21 Pagsubaybay sa Sitwasyon
2. Pagsubaybay sa paglabag sa karapatang pantao

22 Pagsubaybay sa Sitwasyon
3. Pagsubaybay sa paggawa at pagpapasa ng mga batas

23 Pagsubaybay sa Sitwasyon
4. Pagsubaybay sa pagsasakatuparan ng mga batas at patakaran

24 Pagsubaybay sa Sitwasyon
5. Pagsubaybay sa pagtatayo at pagsulong ng mga institusyong pangkarapatang pantao.

25 Pagsubaybay sa Kaso Pagsubaybay sa legal na proseso na pinagdadaanan ng isang kaso. 2. Pagsubaybay sa mga serbisyong relip at rehabilitasyon na ibinibigay sa isang kliyente 3. Pagsubaybay sa iba pang anyo ng pakikialam sa isang kaso.

26 Daanan (approach) ng pagsubaybay sa karapatang pantao
1. “Paglabag” o “Pangyayari”

27 2. “Progresibong Pagkakamit” o “Palatandaan”
Adequate Health Internasyunal na Pamantayan: pagbawas ng still-birth at infant mortality rate;at malusog na pag-unlad ng bata 2005 2006 2007 2008 Obligasyon ng Gobyerno 1. Magpatayo ng klinikang pambata at klinika sa panganganak sa mga barangay ng bayan ng A Target- bilang ng mga klinika 25% 50% 100% Palatandaan: may programa sa pagtatayo ng mga klinika … Bilang ng naitayong mga klinika. Iba pa Wala wala meron

28 Halimbawa: Pamantayan – Karapatan sa sariling pagpapasya.
Obligasyon ng Gobyerno– Paggalang sa karapatan ng mga katutubo. Palatandaan – Self-governed ancestral domain. Use of own system of governance;justice Preservation of habitats and culture.

29 Paraan ng pagsubaybay sa karapatang pantao
Fact-Finding Paggamit ng standard format, kontroladong bokabularyo at data base Sarbey Pag-analisa ng badyet Pag-analisa ng mga batas

30 Fact-finding ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon upang tukuyin ang mga paglabag sa karapatang pantao. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng interbyu at pagkolekta ng iba pang pinanggagalingan ng impormasyon sa mga tiyak na kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

31 Ang paggamit ng standard format at isang sistema ng kontroladong mga bokabularyo, at paglikha ng database, ay nakakatulong sa pagbuo ng mga impormasyon kaugnay sa karapatang pantao sa isang paraan na madaling ibahagi , maunawaan at magamit ng ibang grupo na maaaring makatulong sa pagpapahinto ng mga paglabag.

32 Survey - isang paraan ng pagkalap ng datos kaugnay sa kasalukuyang mga kalagayan. Ang paraan ay nakatuon sa pagtitiyak ng mga kalagayan na nangingibabaw sa isang grupo ng mga kaso na pinili para pag-aralan at isang kantitatibong paraan ng pagsasalarawan ng pangkalahatang katangian ng grupo.

33 Pag-analisa ng mga batas-
Sakop ang pag-aaral ng mga batas ng bansa at pag-analisa kung into ay umaayon sa mga internasyunal na pamantayan. Pag-eksamen sa mga ulat kung paano aktwal na ipinatupad ang mga batas, patakaran, programa at plano. Pag-aaral sa mga desisyon ng korte. Pagmanman sa progreso ng komisyon ng karapatang pantao at sa pagsasanay ng mga opisyales ng gobyerno sa mga prinsipiyo ng karapatang pantao. (Huridoccs)

34 Pag-analisa ng Badyet -
Pag-aaral kung paano ang pambansang badyet ay inilalaan o binabahagi. Ang Badyet ay hindi lamang mga dokumentong pampinansya, kundi nagpapakita ito ng mga prayoridad ng gobyerno at sumasalamin kung paano nila ninanais o di ninanais na protektahan at tugunan ang mga karapatang ekonomiko, sosyal at kultural ng kanilang mga mamamayan.

35 Produkto ng Pagsubaybay
Kung ang mga impormasyon mula sa pagsubaybay ay nakalap, naproseso at na-analisa, ano ngayon ang gagawin dito? Mga Ulat - Ito ang pangunahing produkto ng gawaing pagsubaybay. Ang karaniwang anyo nito ay ang ulat ng sitwasyon.

36 Inaasahang Resulta Ang mga ulat ay hindi ang pinakamithiin ng pagsubaybay sa karapatang pantao. Ito ay isa lamang instrumento. Ang inaasahang mga resulta ay mga kongkretong aksyon tulad ng: pagbibigay ng kagyat na tulong sa mga biktima, pahahanap ng katarungan para sa kanila, pagtulong para sa kanilang rehabilitasyon at makagawa ng legal na aksyon.

37 Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay
Katumpakan, Walang-Kinikilingan at Kumpidensyal Ang pagbabago sa opinyon at pananaw ng publiko at sa kilos at ugali ng mga awtoridad ay higit na posible kung ang nagtutulak ay mula sa isang tumpak at walang-kiling na pananaliksik. (Ukwele)

38 Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay
Ang mga taga-bantay ay dapat magpakita na wala silang pinapanigang partido o grupo, hiwalay sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Ang kawalang-kinikilingan ay nangangahulugan din ng pantay na pagtrato sa mga biktima kahit anuman ang kanyang pulitika, nasyonalidad, relihiyon, kasarian, grupo o uri. ctivities of opposition groups. All violations should be reported, regardless of who committed them.

39 Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay
Ang mga taga-subaybay ay kailangang seryosong analisahin at beripikahin ang mga datos at gumamit ng malawak na pinagkukunan ng impormasyon upang mapag-aralan ang katotohanan ng mga ito. Dapat malinaw na mapag-iba ang katunayan, alegasyon, haka-haka, tsismis. Ang mga kongklusyon ay dapat suportado ng ebidensya. Ang pagiging lihim ay napakahalaga upang maprotektahan ang mga tao na nagbigay ng mga impormasyon. Maging ang paglilimbag ng mga anonimos na impormasyon ay kailangan meron pa ring pagsang-ayon ng taong nagbigay nito.

40 Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay
Ang mga taga-bantay ay dapat maingat na nag-aaral ng partikular na mga sitwasyon at mga panganib bago sila lumantad sa publiko. Ang mga tagapagtanggol ng karapatan ay dapat mulat sa taglay na panganib ng kanilang gawain at gumawa ng mga hakbang para protektahan ang kanilang seguridad at ng mga taong pinagkukunan nila ng impormasyon.(Bagre & Clark)

41 DOKUMENTASYON Ang dokumentasyon ay isang elemento ng pagsubaybay at tumutukoy sa isang proseso ng pagtatala ng mga impormasyon o sa isang proseso ng pangangalap at pag-oorganisa ng mga dokumento.

42 Mga Layunin ng Dokumentasyon ng Karapatang Pantao
1. Edukasyon at promosyon ng karapatang pantao

43 2. Tuwirang tulong sa mga biktima

44 3. Paghanap ng katarungan at kalutasan

45 4. Lokal at internasyonal na adbokasiya

46 5. Makagawa ng mga lokal na pamantayan o palatandaan
6. Makapaghanda ng mga ulat ng mga sitwasyon at ulat sa karapatang pantao

47 7. M akapag-lobby

48 8. Makagawa ng makasaysayang mga tala

49 SINO ANG MAGSASAGAWA NG DOKUMENTASYON?
Mamamayang tuwirang apektado ng isyu. Sila, ang mga nasaktan, nalagay sa panganib o negatibong naapektuhan ng isang problema o aksyon ang dapat magdokumento ng bawat detalye ng kanilang karanasan. Ang ganung mga detalye ang maaaring magkapagbigay ng nakakakumbinsing suporta para sa isang aksyon, reklamo,adbokasiya o lobby.

50 SINO ANG MAGSASAGAWA NG DOKUMENTASYON?
Mga lider-komunidad o iba pang mga respetadong tao. Ang inyong dokumentasyon ay madadagdagan ng lakas at kredibilidad kung ang iba dito ay nagmula sa mga tao sa komunidad na kinikilala ng lahat. Mga eksperto, tagapagtaguyod at suportang mga organisasyon. May nakikita ang mga eksperto na maaaring hindi ninyo iniisip na hanapin o hindi maunawaan kung bakit mahalaga ang isang partikular na pamamaraan.

51 2. Uri ng Dokumentasyon 1. Tipong Library – saklaw ang pangangalap ng mga dokumento

52 2. Pagdodokumento ng mga pangyayari – saklaw ang pagtatala ng mga impormasyon kaugnay sa nangyayari o nakaraang mga pangyayari

53 Tips: Ang pangangalap ng datos ay sumasaklaw sa pangagalap ng mga dokumento; obserbasyon; interbyu; inspeksyon ng lugar at pagtatala ng mga impormasyon, atbp. Ang dokumentasyon ay bahagi ng isang buong proseso ng pangangalap ng datos. Ito ay akto ng pangungulekta at pag-oorganisa ng mga dokumento at aktwal na pagtatala ng mga impormasyon batay sa mga dokumento, interbyu, obserbasyon, inspeksyon ng lugar o repleksyon upang makabuo ng bagong dokumento.

54 Mga Elemento ng Sistema ng Pagsubaybay at Pagdokumento sa Karapatang Pantao
Istruktura Pinagkukunan (Resources) - tao: (field documentor, encoders/data processors/report writers) -technical: tools and instruments, equipments (recorders, atbp.) -finances and finance management/budgeting Network Monitoring and documentation agenda (objectives and processes)

55 Summary o Pagbubuod

56 KASUNDUAN/DEKLARASYON
IBA PANG INTERNASYUNAL NA KASUNDUAN/DEKLARASYON INTERNASYUNAL NA BATAS SA KARAPATANG PANTAO United Nations Regional ngos National KONSTITUSYON LOKAL NA MGA BATAS

57 Salamat po!


Download ppt "PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO"

Similar presentations


Ads by Google