Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

IMCI Instructional Module

Similar presentations


Presentation on theme: "IMCI Instructional Module"— Presentation transcript:

1 IMCI Instructional Module
Pagbabakuna ng Bata IMCI Instructional Module

2 Bakit kailangan ng bakuna ng ating mga anak?
Ang ating mga anak ay nangangailangan ng bakuna upang maprotektahan sila sa mga nakamamatay at malulubhang sakit. Ang pagbabakuna ay nagbibigay ng antibodies sa katawan ng ating mga anak na nakakalaban sa mga sakit.

3 Ano ang gagawin kung may dumating na batang magpapabakuna?
Gabay para sa BHW

4 1. Tingnan ang kalagayan ng bata
Maysakit ba ang bata? Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat Masakit na tenga Malnutrisyon Anemia Nabakunahan na? Ano na ang naibigay?

5 2. Tingnan kung ano ang status ng bakuna ni baby
Schedule ng Pagbakuna EDAD BAKUNA Bagong silang BCG, Hepa B-1 6 na linggo (1 ½ buwan) DPT-1, OPV-1, Hepa B-2 10 na linggo (2 ½ buwan) DPT-2, OPV-2, Hepa B-3 * 14 na linggo (3 ½ buwan) DPT-3, OPV-3 9 na buwan Measles * Bigyan ng booster sa Hepa B kapag 5 taon na ang bata Tiyakin kung naibigay sa bata ang mga bakunang inirerekomenda para sa kanyang edad

6 3. Magdesisyon. Babakunahan ang bata Ibalik ang bata sa ibang araw
TANDAAN: Walang kontraindikasyon sa pagbakuna sa isang batang may sakit kung kaya ng batang umuwi ng maayos ang pakiramdam o kalagayan. ALAMIN ang iba pang sakit o problema ng bata.

7 Kailan dapat mabakunahan ang ating mga anak?
Lahat ng bata ay inirerekomenda na mabigyan ng bakuna bago ng unang kaarawan. Kapag hindi nabigyan ng bakuna ang bata sa takdang edad, pwedeng ibigay ang mga kinakailangang bakuna kahit kailan pagkatapos ng takdang edad para sa bakuna.

8 Ano ang mangyayari kung nagkulang ng bigay ng bakuna?
Para sa bawat bakuna, ibigay ang mga natitirang doses na may agwat na apat na linggo. Hindi kinakailangan ulitin ang buong iskedyul ng pagbigay ng bakuna.

9 Kailan HINDI nagbabakuna sa bata?
Huwag bakunahan ng BCG ang batang may AIDS Huwag bakunahan ng DPT 2 o DPT 3 ang batang nagkaroon ng kombulsyon o pagbagsak ng presyon sa loob ng tatlong araw sa pagkabigay ng unang dose ng nasabing bakuna. Huwag bakunahan ng DPT ang batang mayroong pabalik-balik na kombulsyon o kahit na anong aktibong sakit sa central nervous system o sa utak

10 Mga Paalala Para sa BHW Sa mga pagkakataon na ang bata ay may kalagayan na kailangan ng “referral” sa ibang ospital, huwag na itong bigyan ng bakuna at hayaan na lamang na ang ospital na tatanggap sa pasyente ang magdesisyon at magbigay ng nararapat na bakuna. Ito ay para mas mabilis ang referral upang sa gayon ay mas mabilis din ang paggamot sa pasyente.

11 Mga Paalala Para sa BHW Ang batang may iskedyul mabakunahan ng OPV ngunit nagtatae ay dapat mabakunahan ng OPV (Oral Polio Vaccine) sa oras ng bisitang ito. Ngunit, huwag ibilang ang bakunang iyun, dapat ibalik ang bata para mabakunahan para sa susunod na dose ng OPV at para sa sobrang dose ng OPV. Payuhan ang ina ng bata na siguraduhin na ang kanyang ibang mga anak ay nabakunahan.Bigyan ang ina ng Tetanus toxoid kung kinakailangan.

12 Paano nagrerecord ng status ng bakuna ni baby?
Tingnan ang edad ng bata sa clinical record. Tanungin kung dala ng ina ang card ng bakuna ni baby. OO? Ikumpara ang record ni baby sa skedyul ng bakuna Siguraduhing kumpleto ang bata ng takdang bakuna para sa kanyang edad. Lagyan ng tsek ang mga bakunang naibigay na at bilugan ang nakatakda pang ibigay at ilagay ang petsa kung kailan ang balik HINDI? Itanong sa nanay ng bata kung may naibigay ng bakuna. Kung hindi sigurado ang ina, maaring bakunahan ang bata ng naaayon sa kanyang edad. I-record ang mga bakunang naibigay sa record at bigyan ng card ang nanay ng bata. Lagyan ng tsek ang mga bakunang naibigay na at bilugan ang nakatakda pang ibigay at ilagay ang petsa kung kailan ang balik

13 Pagsasanay sa Pagrecord ng Bakuna
Si Carla ay 1 buwang gulang na batang babae. Siya ay ipinanganak sa ospital sa Lipa at nabigyan na ng BCG at Hepa B-1. Dinala sya ng kanyang ina sa health center upang bakunahan. Ito ang unang beses niya magpakonsulta sa health center. Ano ang bakunang dapat ibigay sa kanya?

14 Sample ng Record ng Bakuna
Pangalan : Carla Edad: 1 buwan Weight: 3.8 kg Temp: 36.8 C Problema o sakit ng bata: wala # ng pagbisita: 1 Assessment: (bilugan ang naaangkop) Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat Masakit na tenga Malnutrisyon Anemia Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ____Hep B2 _____Hep B3 ___ DPT1 ____DPT _____DPT3 __OPV0 ___OPV ____ OPV2 _____ Measles

15 Ano ang maaring mangyari sa mga bata matapos bakunahan?
Ang mga batang binigyan ng BCG ay magkakaroon ng pantal at pagsusugat sa lugar na pinagturukan matapos ang 2 linggo. Ang sugat ay maliit at magpepeklat. Payuhan ang ina na huwag takpan ang sugat. Maaring takpan ito ng malinis na gasa kung marumi ang kapaligiran.

16 Ano ang maaring mangyari sa mga bata matapos bakunahan?
Maaring magkaroon ng lagnat, at maging maligalig ang mga batang binakunahan ng DPT. Ang pagkakaroon ng lagnat ay senyales na gumagana ang bakuna. Payuhan ang nanay na bigyan ang bata ng Paracetamol kada 4 na oras. Huwag balutan ng maraming damit ang bata dahil mas nakakapag-painit ito ng katawan.

17 Ano ang maaring mangyari sa mga bata matapos bakunahan?
Ang mga batang binigyan ng bakuna para sa tigdas o measles ay maaring magkaroon ng lagnat at pamamantal. Ang paglalagnat ay maaring tumagal ng 1 hanggang 3 araw o maaring lumabas ng 1 linggo matapos nabigyan ng bakuna.Ang pagkakaroon ng lagnat ay senyales na gumagana ang bakuna. Bigyan ng paracetamol ang bata kada 4 na oras para sa lagnat.

18 Importansya ng Follow Up
Huwag kalimutan sabihin sa ina o tagapag-alaga ng bata kung kailan babalik ang bata upang bakunahang muli at kung anong bakuna ang ibibigay sa kanya.

19 Pagpapayo Bawat ina o tagapag-alaga ng isang batang may sakit ay kinakailangan bigyan ng payo kung kailan babalik sa health center para sa follow-up check-up.

20 Pagpapayo Kinakailangan bumalik sa health center para sa:
Follow-up na pagbisita: pagkatapos ng takdang araw (halimbawa: para malaman ang epekto ng antibiotiko) Agarang bisita (IMMEDIATELY): kapag may mga simtomas na senyales na lumalala ang sakit Sunod na pagbabakuna: para sa mga walang sakit na bata

21 Pagpapayo sa FOLLOW-UP na pagbisista
Mga sakit na kinakailangan suriin kung epektibo ang antibiotiko na binibigay (halimbawa: pulmonya, impeksyon sa tainga at dysentery) Mga nagtatae: para masuri ang estado ng nutrisyon ng bata Ibang sakit na hindi nawawala tulad ng lagnat o nana na nagmumula sa mata

22 Pagpapayo sa FOLLOW-UP na pagbisista
Kung sakaling kailangan ng isang bata na mag-follow-up para sa higit sa isang sakit, pabalikin ang bata sa pinakamaagang kinakailangang araw Kung patuloy parin ang sakit (tulad ng lagnat), maaaring bumalik ng mas maaga sa takdang araw ng follow-up

23 Pagpapayo sa FOLLOW-UP na pagbisista
Kung ang bata ay mayroong: Follow-up matapos ang: Pulmonya, disenterya, malarya (kung patuloy ang lagnat), kung patuloy ang lagnat na hindi sanhi ng malarya, tigdas na may komplikasyon sa mata at bibig 2 araw Patuloy na pagtatae, impeksyon sa tainga, problema sa pagkain, ibang sakit na hindi gumagaling 5 araw Pamumutla 14 araw Mababang timbang para sa edad 30 araw

24 Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)
Kinakailangan ipaalam sa ina o tagapag-alaga ng bata ang mga senyales para malaman na kinakailangang agarang bumalik sa heath center

25 Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)
Anu-ano ang mga senyales na kinakailangan ng agarang pagbisita? SA LAHAT NG MAY SAKIT NA BATA: Mahinang dumede o kumain Mas lumalala ang sakit Nagkaroon ng lagnat

26 Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)
Anu-ano ang mga senyales na kinakailangan ng agarang pagbisita? SA MGA BATANG MAY UBO O SIPON: Mabilis ang paghinga Nahihirapang huminga

27 Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)
Anu-ano ang mga senyales na kinakailangan ng agarang pagbisita? SA MGA BATANG NAGTATAE: May dugo sa dumi Mahinang dumede o uminom ng tubig

28 Pagpapayo sa agarang pagbisita (IMMEDIATELY)
Payuhan din ang mga ina na iwasang malamigan ang mga sanggol. Ang mababang temperatura ay maaaring makamatay sa isang sanggol

29 Pagpapayo sa susunod na pagbabakuna
Payuhan ang ina para sa iskedyul ng sunod na bakuna. Kung sakaling madaming ipapayo sa isang ina patungkol sa isang sakit (halimbawa: paraan ng pagbibigay ng antibiotiko at ang follow-up na tsek-up para dito), huwag na munang bigyan ng payo ukol sa susunod na iskedyul ng bakuna na sa isang buwan pa ibibigay.

30 Pagpapayo Sa pagbisita ng isang may sakit na bata, tanungin din ang ina kung meron siyang sakit na nararamdaman. Maaring kinakailangan din ng ina ng paggamot o referral sa ospital.

31 ORS (oral rehydration solution)
Ang bagong pormulasyon ng ORS Paghalu-haluin lang sa isang lalagyan ang mga sumusunod: 1 litro ng tubig 2.5 ml ng buo-buong asin (rock salt) 12.5 ml ng asukal * Sukatin ang ml gamit ang measuring cup ng gamot

32 Dosage ng Paracetamol sa Bata
Pagkatimpla ng Paracetamol Timbang 250mg/5ml 125mg/5ml 4-6 na kilo 1.0 ml 2.0 ml 7-8 na kilo 1.5 ml 2.5 ml 9-10 na kilo 3.5 ml 11-14 na kilo 5 ml 15-19 na kilo 6 ml

33 Mga Pagsasanay CASE 1 Si Juan ay isang 1 buwang gulang na batang lalaki. Apat na kilo ng kanyang timbang. Siya ay ipinanganak sa bahay ng isang hilot. Ito ang unang pagkakataon na dadalhin sya sa health center upang pabakunahan. Ano ang kinakailangan niyang bakuna sa ngayon? Ano din ang dapat ipayo sa nanay ni Juan pag-uwi nya sa bahay?

34 Sagot sa case 1 BCG HepB1 OPV1 DPT1
Kapag nagroon ng lagnat ang bata, bigyan ito ng Paracetamol (250mg/5ml) 1ml o (125mg/5ml) 2 ml kada 4 na oras habang may lagnat pa.

35 Record ni Juan Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat
Pangalan : Juan Edad: 1 buwan Weight: 4 kg Temp: 36.8 C Problema o sakit ng bata: wala # ng pagbisita: 1 Assessment: (bilugan ang naaangkop) Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat Masakit na tenga Malnutrisyon Anemia Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ____Hep B2 _____Hep B3 ___ DPT1 ____DPT _____DPT3 __OPV0 ___OPV ____ OPV2 _____ Measles

36 CASE 2 Si Melanie ay isang 6 na buwang gulang batang babae na dinala ng kanyang lola sa health center upang mabakunahan. 5.7 kilo ang kanyang timbang. Nabigyan na si Melanie ng BCG, HepB1, OPV1 , at DPT 1. Ano ang bakunang ibibigay kay Melanie ngayon? Kailangan bang ulitin ang pagbigay ng DPT , OPV, at HepB kay Melanie? Kelan papabalikin si Melanie para sa susunod na bakuna? Ano ang ibabakuna kay Melanie pagbalik niya sa health center?

37 Sagot sa case 2 HepB2, DPT2,OPV1 Hindi Sa susunod na buwan

38 Record ni Melanie Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat
Pangalan : Melanie Edad: 6 buwan Weight: 5.7 kg Temp: 36.8 C Problema o sakit ng bata: wala # ng pagbisita: 2 Assessment: (bilugan ang naaangkop) Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat Masakit na tenga Malnutrisyon Anemia Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ___Hep B2 _____Hep B3 ___ DPT1 ___DPT _____DPT3 __OPV0 __OPV ____ OPV2 _____ Measles

39 CASE 3 Si Maria ay isang batang babae na may edad na 4 na buwan. 5.5 kilo ang timbang. Dinala sya ng kanyang ina para bakunahan. Mula kahapon ay nagkaroon ng 3 beses na matubig na dumi si Maria, ngunit siya ay magana kumain, nakikipaglaro sa kanyang mga kapatid, at hindi naman nanghina. Ang kanyang record ay nagpapakita na nabakunahan na si Maria ng BCG, OPV0, OPV1, OPV2, DPT1, DPT 2, HepB1, HepB2.

40 Dapat bang bakunahan si Maria?
Ano ang ibibigay sa kanya kung pwede syang bakunahan? Ano ang inyong maipapayo sa nanay ni Maria?

41 Sagot sa case 3 Oo, walang kontraindikasyon si Maria sa pagbabakuna.
HepB3 Maaaring painumin na gawang ORS sa bahay (1 L ng tubig + 2.5ml ng rock salt ml ng asukal) habang patuloy pa rin ang pagtatae. Painumin lang ng gawang ORS na kasing dami ng idinudumi ng bata. Bumalik sa center o dalhin sa ospital ang bata kapag mahina na o hindi na ito dumedede.

42 Record ni Maria Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat
Pangalan : Maria Edad: 6 buwan Weight: 5.5 kg Temp: 36.8 C Problema o sakit ng bata: Diarrhea # ng pagbisita: 4 Assessment: (bilugan ang naaangkop) Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat Masakit na tenga Malnutrisyon Anemia Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ___Hep B2 ____Hep B3 ___ DPT1 ___DPT ____DPT3 __OPV0 __OPV ___ OPV2 _____ Measles

43 CASE 4 Si Justin ay isang 2 buwang gulang batang lalaki. 4.5 kilo ang kanyang timbang. Nabakunahan sya ng DPT2 kahapon. Dinala siya muli ng kanyang ina sa health center dahil sa nilalagnat ito. Ano ang maipapayo mo sa ina ni Justin?

44 Sagot sa case 4 Ang paglalagnat matapos bigyan ng DPT ay normal at nangangahulugang gumagana ang bakuna. Maaring bigyan ng Paracetamol (250mg/5ml) 1 ml o (125mg/5ml) 2ml ang bata kada 4 na oras habang may lagnat ang bata. Bumalik sa center o dalhin sa ospital kapag hindi nawawala ang lagnat ang bata kahit nabigyan na ito ng Paracetamol.

45 CASE 5 Si Ana ay isang 1 buwang gulang na batang babae. 3.4 kilo ang kanyang timbang. Ito ang kanyang unang bisita sa health center dahil sa paulit ulit na kumbulsyon dahil sa mataas na lagnat. Wala pang bakuna si Ana. Bilang isang responsableng BHW, anong mga bakuna ang ibibigay mo kay Ana? Anong bakuna ang hindi maaring ibigay sa kanya? Ano ang maipapayo ninyo sa ina ni Ana?

46 Sagot sa case 5 BCG, OPV1, HepB1 DPT
Kapag naulit pa ang kumbulsyon, ipatsek-up na sa doktok ang bata.

47 Record ni Ana Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat
Pangalan : Ana Edad: 1 buwan Weight: 3.4 kg Temp: 37.2 C Problema o sakit ng bata: Kombulsyon # ng pagbisita: 1 Assessment: (bilugan ang naaangkop) Ubo? Hirap sa paghinga? Pagtatae? Lagnat Masakit na tenga Malnutrisyon Anemia Mga Bakuna ng Bata: (Lagyan ng tsek ang naibigay, bilugan ang kulang na bakuna) __ BCG __ Hep B1 ___Hep B2 ____Hep B3 ___ DPT1 ___DPT ____DPT3 __OPV0 __OPV ___ OPV2 _____ Measles

48 Maraming Salamat!


Download ppt "IMCI Instructional Module"

Similar presentations


Ads by Google