Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
Published byGeoffrey Stevenson Modified over 6 years ago
1
Ano ang mga Basic Ecclesial Communities (BEC)
2
Ayon sa pagkakasunod-sunod ng kataga
(Nomenclature) Basic Batayan Pangunahin Simula Ugat Munti maliit Bilang Lugar sa lipunan
3
Ecclesial Pagiging Simbahan
Gw. 2:42-47 Gw. 4:33-35
4
Nanatiling tapat sa turo ng mga Apostol
relasyon Pag-ibig Masayang Panalangin at Pagdiriwang ng buhay Pag-asa Nakasentro kay Kristo ang kanilang buhay
5
Community Pamayanan = Isang tukoy na lugar kung saan naninirahan at itinataguyod ang buhay ng nilalang kapitbahayan
6
Sa pagsusuma, ang BEC ay Mga maliliit na Pulutong ng organisadong Pamilyang magkakapitbahay na nagsisikap magsabuhay ng pagiging simbahan.
7
Gw. 2:42-47 Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipirapiraso ng tinapay at sa pananalangin. Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa kanilang tahanan at nagsasalu-salong masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.
8
Gw.4:33-35 Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng sumasampalataya at di tinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay at ang pinagbilhan ay ibinigibay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa
9
Nagkaisa sa isip at damdamin Nanatiling tapat sa turo ng apostol
kapatiran Bahaginan Organisado Kumikilos Malasakit Panalangin Mulat Nanatiling tapat sa turo ng apostol
10
Mula sa Redemptoris Mission n.51
Pulutong ng mga Kristiyano Karaniwang mga pamilya Nakabuklod upang manalangin, magnilay ng salita ng Diyos, sama-samang nag-aaral ng mga katuruan ng simbahan at nagtatalakayan tungkol sa mga matitingkad na isyung naka-aapekto sa tao at simbahan.
11
Simula ng pagbabago at paglakas ng lipunan – sibilisasyon ng Pag-ibig
Mula sa Redemptoris Mission n.51 Isinasalin sa pagkilos at paglilingkod ang bunga ng mga talakayan at aralan para sa kabutihan ng lahat. Ang mga pamayanang ito ay nagiging tanda ng muling paglakas ng simbahan Instrumento o pagkakataon para sa paghuhubog at pangangatawan sa ebanghelisasyon Simula ng pagbabago at paglakas ng lipunan – sibilisasyon ng Pag-ibig
12
Mula sa PCP II #138, 139 Maliit na pulutong Pamilya Magkakapitbahay
Magkakakilala ang mga kasapi Pinamumunuan ng Layko Kaisa ng kura paroko 7. Regular na natitipon sa gitna ng Salita ng Diyos at ng Eukaristiya 8. Nagbabahaginan hindi lamang spiritual kundi maging materyal na alalahanin
13
9. Pinapag-iisa ang pang-araw araw na pamumuhay at ang pananampalataya
Mula sa PCP II #138, 139 9. Pinapag-iisa ang pang-araw araw na pamumuhay at ang pananampalataya 10. Patuloy na tumataas ang kamalayan dahil sa regular na katesismo na nagsisilbi nilang gabay Mayroon silang matinding pagdama sa pagiging kabilang at sa pananagutan sa isa’t isa Sama-samang kumikilos para sa katarungan at tungo sa isang masiglang pagdiriwang ng buhay at liturhiya.
14
Basic Ecclesial Communities
Bagong Paraan ng Pagiging ng Simbahan Wastong Lugar ng Ebanghelisasyon Binhi sa pagpapanibago ng lipunan
15
Bagong Paraan ng Pagiging Simbahan
kapatiran Bagong Paraan ng Pagiging Simbahan bahaginan malasakit panalangin Gawa 2: Gawa 4:
16
? ebanghelisasyon Kaligtasan at paglaya Pag-ibig
Tayo ang simbahan – Tayo ang may mission Tayo ang magsasagawa/magsasakongkreto ng misyon. ? ebanghelisasyon Kaligtasan at paglaya Paghahatid ng Mabuting Balita BEC tamang Lugar ng Ebanghelisasyon Pag-ibig
17
Mulat kumikilos Malinaw na pananaw nakabuklod
18
Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.
19
Layunin sa pagbubuklod ng mga BEC na:
Lumikha ng pagkakataon upang: Ipamuhay ng makahulugan at makabuluhan ang kanilang pananampalataya (Diyos, Tao, Simbahan, Kasalanan, Kaligtasan at Daigdig)(Vision) Magkaroon ng daan ang sama-samang pagkilos at malalim na pagsasamahan ng mga kaanib. (Misyon)
20
Layunin sa pagbubuklod ng mga Munting Pamayanang Kristiyano
Magbukas ng daan tungo sa pagtutulugan at pagmamalasakitan sa loob at labas ang organisadong pulutong Sama-samang pamamahala at pagpapaunlad ng simbahan sa kanyang paglalakbay Linawin ang hamon sa mas malaking pakikilahok sa pagtugon upang tulungan ang lipunan sa kanyang pagpapalakas at pagpapanibago Pagsasabuhay o pagsasakongkreto ng misyon
21
Iba’t ibang anyo ng BEC Liturgical BEC
Ang mga BEC na ito ay nagbibigay ng tuon sa mga gawaing pangliturhiya, tulad ng: Block rosary,Bible sharing, prusisyon Mga napapanhong pagdiriwang ng mga okasyong tulad ng panahon ng kwaresma , adbiyento at iba pang mga selebrasyong katoliko Pagpapanibago at pagsasapanahon ng mga pagdiriwang ng misa at pagsasagawa ng iba pang sakramento Kadalsan umiinog ang buhay ng mga BEC sa mga gawaing pangsimbahan Pagpapalahok sa mga layko sa mga paglilingkod ng parokya
22
Developmental BEC Iba’t ibang anyo ng BEC
Binibigyan ng pansin ang kaunlarang pang-ekonomiya ng mga mananampalataya. Halimbawa dito ang: pagtatayo ng ibat ibang uri ng kooperatiba Pagtutulungan para sa pagpapadaloy ng patubig Pagtutulungan para sa pagbili ng kanilang bangka at iba pang gamit pangkabuhayan. Binibigyan pansin ang mga ito, ngunit higit na pinahahalagahan nila ang kanilang pagkakabuklod upang tugunan ang kanilang magkakatulad na interes Ngunit dahil ito ay pagiging simbahan, hindi nalilimutan ng mga organisadong grupong ito na salaminin ang kanilang pagkilos sa liwanag ng mga Salita ng Diyos
23
Liberational BEC Iba’t ibang anyo ng BEC
Ito ang mga BEC na nagbibigay na kiling sa mga usaping kinahaharap ng lipunan o lokal na kalagayan. Ilan sa mga binbigyan pansin ng mga ganitong uri ng BEC ay ang mga sumusunod a. Pakikilahok sa mga pagkilos ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang sektor b. Pagbubuklod upang upaglabang ang karapatan, tulad ng paninirahan sa paninirahan c. Pakikiisa sa mga adbokasiya ng mga kaalyadong organisasyon. Tulad ng mga naunang tipo ng BEC. Pinahahalagahan din ang mga pagkkilos ayon sa liwanag ng Salita ng Diyos
24
Ang mga BEC ay: Pamayanang kinakikitahan ng aktibong pakikilahok at pagsasabuhay ng misyon Pamayanan ng pananalig, pagmamahalan Pamayanan ng misyon na nakabatay sa gawi ng mga apostol
25
Nagbibigay ng pagkakataon upang sama-samang makibahagi at magsabuhay ng pagkilos at katangian ng pagiging simbahan Nagbibigay ng pagkakataon upang ang mga maralita, mahihina at walang kapangyarihan ay madama ang kanilang pagiging bahagi ng simbahan Kongkretong pagpapatotoo ng pagtitipong liturhikal
26
Pamayanang nakikinig at nagpapahayag ng mabuting balita
Sentro ng pagpapahayag ng Mabuting Balita Isang permanenteng pamayanan at hindi binuklod upang tumugon lamang sa mga pansamantalang pangangailangan.
27
D. Pamayanang modelo ng simbahan bilang isang angkan
Angkan ng Diyos – kapatiran ng lahat Relasyon bilang isang malaking pamilya sa pamayanan Talikuran ang pagiging mapagkunwari at makasariling katangian Pagsisikap namaging misyunero para sa iba
28
Ang mga Hindi BEC 1. Hindi simpleng pagtitipon upang magdaos ng pulong o pagtitipon, mag-usap, manalangin at gumawa. Ang pinakadiwa nito ay pagsasanib lakas nito at pakikibahagi sa buhay ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagkakapatiran.
29
2. Hindi lamang protest group
3. Hindi tanging grupong tagapagligtas o messianic group 4. Hindi simpleng discussion group, prayer meeting group, o support group. 5. Hindi organisasyong paglilingkod o samahang nagpapabanal
30
Ang mga Hindi BEC Ang BEC ay hindi himala upang bakahin ang lahat ng mga kasamaan sa lipunan at simbahan. Mayroong limitasyon at mga pagkukulang Hindi ligtas sa pagkakamali at mga kasalanan. Dapat na laging nagsusuri at nagpapanibago
31
Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.
32
Saligang paninindigan sa pagsusulong ng matatag na BEC
Natatanging pagkiling sa mga dukha Pagdanas sa realidad ng buhay Masusing pagsusuri ng realidad Pagninilay ng pananampalataya sa liwanag ng realidad Pagpaplano at Pagkilos na nakabatay sa realidad
33
Tatlong pangunahing SULIRANIN sa pagsusulong ng BEC
1. Hindi gagap ng tagapagsulong (layko man o pari) ang katuturan ng BEC at ang papel nito sa pangkalahatang misyon ng Simbahan.
34
Katuturan ng BEC Bagong paraan ng pagiging Simbahan
Binhi sa pagpapanibago ng lipunan Wastong lugar para sa ebanghelisasyon Patikim ng paghahari ng Diyos
35
Daluyan ng kolektibong kamalayan ng pagiging simbahan
Pagkakataon upang isulong ang pakikilahok ng mga mananampalataya sa gawain at paglilingkod ng Simbahan Pagkakataon upang ipahayag ang kongkretong katangian ng pagiging tagasunod ni Kristo – ang pag-iibigan.
36
2. Hindi alam kung paano. sisimulan ang gawaing. pagbubuklod, kung
2. Hindi alam kung paano sisimulan ang gawaing pagbubuklod, kung paano pamamahalaan at pauunlarin ang mga BEC.
37
Ang mga pamamaraan Maraming naririnig na paraan ng pagsusulong hal.: paraan sa rural, mga pamamaraan ng iba’t ibang institusyon (SPI, DC, Lumko, CO) Maraming BEC na nagsimula ng Block Rosary, Bible Sharing Group at hindi na nakaahon sa ganitong uri ng pagkilos.
38
Nakatuon sa mga gawaing liturhiya ang mga pagkilos sa halip na isabuhay ang kabuuang katangian ng pagiging simbahan batay sa karanasan ng mga unang mananampalataya (nag-uugat sa katapatan sa turo ng mga apostol, pagtuturingan bilang magkakapatid, pagmamalasakitan, pagbibigayan at pagdiriwang ng buhay.
39
3. Di-sapat na kakayanan ng layko at maling pagtatalaga ng tagapagsulong
40
Kulang sa kaalaman, kasanayan at wastong pagpapahalaga ang mga laykong inaasahang tutulong sa pagsusulong Takot na magsulong ng pagpapanibago dahil na rin sa takot na mawalan ng papel sa parokya Hindi na-imomodelo ng mga tagapagsulong ang mukha ng BEC sa istilo at relasyong pangunahing mukha ng BEC.
41
Ang tatlong pangunahing dahilang ito ay mabigat na salik kung bakit hindi sumusulong, dumarami at tumitibay ang mga nabuong BEC. Ito ang dahilan kung bakit matamlay ang pagsusulong ng BEC sa pangkalahatan. Maganda at malaking tulong sana ang BEC sa pagsasakongkreto ng Pananaw, layunin at mga hinahangad ng Simbahan kung makikita ang yaman at lakas na taglay ng mga organisadong BEC.
43
Ilang Halimbawa ng mga pagkilos ng BEC
Sama samang pagdiriwang ng liturhiya Bible sharing Area Mass Block rosary Novena Prusisyon Panalangin sa patay At iba pang sama samang pananalangin at pagsamba
44
2. Pagtataas ng kamalayan at kakayahan.
Pag-aaral ng mga katuruang panlipunan ng simbahan Katekesis ng pananampalatayang Kristiyano Patuloy na pagpapalalim ng kaalaman, kasanayan at mga pagpapahalaga sa BEC
45
Pagtutulungan sa pagpapaunlad ng kabuhayan
Proyektong pangkabuhayan Pagninilay at pakikilahok sa mga matitingkad na isyung kultural, pulitikal at pangkabuhayan Pagharap sa mga suliraning tulad ng demolisyon Pagtatayo ng kooperatiba at iba pang pagkilos na tulad nito Scholarship
46
4. Kapatiran, Pagmamalasakitan at pagtutulungan
Pagdalaw sa mga maysakit at pagtutulungan sa gastusin Abuluyan Sama-samang pagkilos sa mga gawaing pangkapitbahayan. Sosyalisasyon na makapagpapalalim ng kapatiran ng mga kaanib. (birthday, anniversaries, atbp. Pakikipagkaisa sa mga isinusulong ng iba’t ibang sektor
47
Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod.
Gagap ang layunin, tunguhin, papel, tungkulin, katangian mga gawain at pagkilos ng BEC Bukas sa bagong kaisipan at hindi kinamulatang pamamaraan Kakayanang umabot sa anumang kalagayan ng mga taong nilalayong buklurin Kakayanang magturo sa pamamagitan ng salita, gawa at halimbawa
48
5. May matinding pagpapahalaga sa panahon – oras 6. Magalang
Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod 5. May matinding pagpapahalaga sa panahon – oras 6. Magalang 7. Mahusay magpakita ng pagsang-ayon at pakikiisa sa kapwa 8. Mahusay sa gawaing pagpapadaloy 9. May panahong magsuma at magnilay ng kanyang mga kilos 10. Umaasa gabay ng diwang banal at marunong manalangin
49
Paninindigan ng Tagapagbuklod
Buhay na nakasentro sa Diyos at may mataas na pagpapahalaga sa tao Naninindigan sa kanyang pananampalataya at pinaniniwalaan Ganap na pagtitiwala sa kakayahan ng tao May mataas na pagpapahalaga sa pag-aaral at paggampan ng gawain Tunay na disiplinadong tao Malakas ang fighting spirit
50
PAGSUSUMA Bilang mga mulat na mananampalataya kailangang maging mapagmatyag sa palatandaan ng panahon Bukas at taglay ang tapang na harapin ang hamon ng pagpapanibago at pagsasapanahon Kahandaang talikuran ang dating gawi at harapin ang napapanahon at kongkretong pangangatawan sa pag-ibig ng Lumikha
51
Isulong ang pagpapanibago ng simbahan, isulong ang BEC – ang bagong paraan ng pagiging simbahan
Ang mga pamayanang ito ay nagiging tanda ng muling paglakas ng simbahan Magsisilbing asin, ilaw at lebadura ng ating mga parokya Pagkakataon at angkop na lugar para sa dalisay na paghahatid ng Mabuting Balita – ang walang hanggang Pag-ibig ng Diyos – ang Kaligtasan at Kaginhawahan.
Similar presentations
© 2024 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.