Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Pagpili ng Binhi at Barayti

Similar presentations


Presentation on theme: "Pagpili ng Binhi at Barayti"— Presentation transcript:

1 Pagpili ng Binhi at Barayti
Key Check 1: Gumamit ng mataas na kalidad na binhi ng rekomendadong barayti Unang Bahagi: Pag-unawa sa Sistemang Palay Check

2 Ang binhi ang pundasyon ng pagsasaka
Kung ano ang inyong itinanim siyang inyong aanihin! Kung ano’ng itinanim yun ang aanihin. Kung ano ang puno yun ang bunga! Magtanim ng de-kalidad na binhi (+ maayos na Pamamahala) = malaki at de-kalidad na ani.

3 Ano ang mataas na kalidad na binhi?
Bakit kailangang gumamit ng de-kalidad na binhi? Level with participants. Discuss questions

4 Mataas na Uri ng Binhi Mataas Mahina Kalidad
May kakayahang tumubo o mabuhay Halos puro mas kakaunti ang kalahok na buto ng damo Buo at pare-pareho ang laki ng mga butil Level with participants: how they understand these features of a high quality seeds? Libre sa mga sakit at peste mula sa binhi

5 Alin sa dalawa ang gumamit ng mataas na uri ng binhi?
Level with participants. Discuss question; make observations

6 Mga klase ng mataas na uri ng binhi Ang Breeder seeds ay produkto ng PhilRice mula sa pare-parehas na laki ng uhay (nucleus seeds). Ang Foundation Seeds ay mula sa breeder seeds na pinatubo ng PhilRice at mga piling SeedNet members. Ang Registered seeds ay mula sa Foundation Seeds na pinatubo ng SeedNet at mga piling magbibinhi. Ang Certified Seeds ay mula sa registered seeds na pinatubo ng seed growers. At ito ang ipinagbibili sa mga magsasaka. Colors represent color of tags

7 Philippine Laboratory Standards for Seed Certification
Factor BS FS RS CS Purong bihi (%) 99 98 Ibang uri ng binhi (butil/500g) 2 5 20 Damo/Ibang uri ng buto (%) 0.05 0.1 Di gumagalaw na mga bagay (%) 1 Pulang Bigas (butil/500g) Pagtubo (% min) 85 Porsiyento ng halumigmig (%) 14 Hindi 100% na puro! Emphasize that it’s not 100% pure!

8 Ang mga magsasaka ay maari ring makapagtanim ng de-kalidad na binhi mula sa kanilang ani.

9 Ang Kahalagahan ng Key Check 1
Kapag de-kalidad na binhi ang ginamit: Higit na kapaki-pakinabang na pag-aani Kakaunti ang peste Higit na kapakipaki- nabang ang gawaing pagtatanim Kakaunti ang gamit na binhi pero mas malulusog at pare-parehas ang laki ng sibol (discuss extensively; encourage participation of those with experience in farming; ask WHY for each info in the box, for example, why would the use of high quality seeds result in less pest problem) 10-15% dadag sa ani

10 Ang mga inirekomendang binhi ay angkop sa lugar :
Bakit kailangang gamitin ang inirekomendang binhi? Ang mga inirekomendang binhi ay angkop sa lugar : Nababagay sa kapaligiran. Matibay laban sa mga peste at masamang kalagayan (halimbawa: pagkatuyo, baha) sa lugar. Nasubukan na nakapagbigay ng mataas at de-kalidad na ani. Tanggap ng mga magsasaka at ito ang hinahanap sa lokal na pamilihan.

11 TRIVIA sa Barayti PSB Rc ay nangangahulugan ng Philippine Seed Board Rice. Ang NSIC ay National Seed Industry Council. Ang NSIC, na dating PSB, ang nag-a-apruba ng paglalabas ng mga bagong binhi. Ang mga barayti na pinangalanan ng numero na walang kapares (Odd-numbered) tulad ng PSB Rc1 ay para sa mataas na lugar. Ang mga barayti na pinangalanan na may numerong kapares (even) tulad ng NSIC Rc216 ay para sa mababang lugar na may patubig. Ang mga malagkit na barayti ay nilagyan ng odd number (1,3,5, 7, atbp)

12 TRIVIA sa Barayti 4. Hanggang 2001, ang mga barayti para sa mababang palayan ay isinunod ang pangalan sa mga ilog, (Pagsanjan, PSB Rc10) samantala ang mga pang-mataas na palayan na barayti ay isinunod sa mga bundok (Apo, NSIC Rc9). Ngayon, ang mga pangalan ng mga barayti ay: Saline-prone - Salinas Glutinous - Malagkit Aromatic- Mabango Flood-prone – Submarino Tungro-resistant - Matatag Inbred – Tubigan Hybrid – Mestiso Upland varieties – Katihan Rainfed - Sahod-ulan Cool-elevated - Cordillera

13 Pagtaya sa Key Check 1 Ang mga binhi ay sertipikado ng National Seed Quality Control Services (Hal. kung certified, may nakakabit na asul na tarheta) o mula sa pinagkakatiwalaang magbibinhi (Hal. PhilRice, akreditadong magbibinhi) Kung ang mga binhi ay hindi sertipikado gaya ng mga binhing natira ng nakaraang panahon o mula sa ani ng magsasaka, ang mga ito ay dapat sumailalim sa pagsubok ng pagsibol o germination test.

14 Pagtaya sa Key Check 1 Ang barayti ay angkop sa kapaligiran (hal. pinatutubigan, sahod ulan, maalat na lugar, atbp); tumutukoy sa karaniwang problema sa bukid (Hal. matatag sa tungro); o maayos na naisakatuparan ng dalawa o mahigit pang panahon ng pagsubok kung angkop (sumangguni sa PhilRice, local DA office). Mestiso 20 (NSIC Rc 204H) Inirerekomenda para panag-araw at panag-ulang pagtatanim (DS & WS) sa Nueva Ecija, Isabela, Cagayan, Davao del Sur & del Norte, General Santos, Bukidnon, at katulad na mga lugar.

15 Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1
Kadalasan, ginagamit ng mga magsasaka ang mga bagong barayti sa paniniwalang ang mga ito ay makapagbibigay ng mas mataas na ani. Subalit ang isang barayti ay maaari lamang ilabas batay sa ibang mga dahilan hindi lamang sa dami ng ani. (Hal: magandang kalidad ng butil at matibay sa peste). PSB Rc56 ay nagbibigay ng 106 kaban kada ektarya samantala ang PSB Rc58 ay nagbibigay ng 98 kaban kada ektarya. Subalit ang PSB Rc58 ay matatag sa bacterial leaf blight (paltik). Dahil dito, pumili ng barayti na makapagbibigay ng mas mataas na ani, mabibili sa merkado, at sumailalim na sa pagsubok sa bukid. Alamin ang kakayahan ng barayti!

16 Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1
Kung may nakakabit na tarheta ng NSQCS, suriin kung ito ay balido. Hangga’t maaari, ang pinagmulan ng binhi ay dapat nakalista na akreditadong seed grower. Kung walang akreditadong magbibinhi sa lugar, o binhi mula sa mapagkakatiwalaan na magsaka sa lugar (Hal. mga bukid na namamareho ang pagkalago ng palay) o nakakapagbinhi ng mataas na kalidad ayon sa tamang pamamaraan lalung-lalo na sa pagtatanggal ng di katulad na palay.

17 Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1
10 Hakbang para magkaroon ng De-kalidad na binhi 1. Pumili ng malusog na bahagi ng bukid at panatilihin na walang damo. 2. Gumamit ng malinis at magandang kalidad na binhi. 3. Araruhin, suyurin, at pantaying mabuti ang bukid.

18 10 Hakbang para magkaroon ng De-kalidad na binhi
4. Kung lipat-tanim, magtanim ng batang punla (21-25 araw) mula sa malusog at hindi madamong pasibulan 1-3 kada tundos sa agwat na 20 sentimetro (sm) x 20 sm kung tag-ulan at 20 sm x 15 sm kung tag-araw . Maghulip sa loob ng 7 araw pagkatapos magtanim. Maglagay ng balanseng sustansiya (N, P, K, S, Zn) ayon sa pangangailangan ng palay. Panatilihin na ang palayan ay hindi madamo, walang insekto, peste, at mga sakit. Sa kasagsagan ng pagsusuwi at pamumulaklak, tanggalin ang mga di kauri (ayon sa taas, itsura, panahon ng pagbulaklak, atbp.) at mahina, may sakit o sirang halaman, o nangungupas na uhay. We have a techno bulletin on this..pls check if consistent. This is from IRRI RKB.

19 Roguing o pag-aalis ng lahok na halaman
Taas ng halaman: Tanggalin ang mga halaman na may di karaniwang taas o igsi kaysa sa karamihang halaman. Panicle: Tanggalin ang mga halaman na may bahagyan ng nakasulpot na uhay dahil sa panahon ng pagsapaw ang mga ganitong kakaibang klase ay maaaring maging maaga o huli ang pagsulpot ng uhay. Binhi o Butil: Kung karamihan ng mga butil ay may sungot tanggalin ang mga walang sungot (at kabalikan/vice-versa).

20 Pag-aalis ng nakalahok na kaibang palay
FLAG LEAF Anggulo ng banderang dahon: Tanggalin ang mga halaman na may nakatuwid na banderang dahon na nakatuwid pataas (A) o nakabaluktot (B) na kakaiba sa karamihan ng halaman A A B Kulay ng dahon, talukap, tangkay: Tanggalin ang mga halaman na may kupas na dahon o may naiibang kulay na dahon.

21 10 Hakbang para magkaroon ng de-kalidad na binhi
Anihin ang palay kapag husto na ang gulang (80-85% kulay dayami na ang butil). Giikin, linisin, at patuyuin (12-14% na halumigmig), graduhin, at markahan ang inaning binhi. Iimbak ang minarkahang binhi sa isang selyado at malinis na lalagyan sa malamig, tuyo, at malinis na lugar. How to grade?

22 Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1
Kung ang barayti ay hindi pa nasusubukan sa lugar, magsagawa ng mga pagsubok kung may kakayahang maka-angkop sa lugar na hindi kukulangin ng dalawang panahon ng taniman. Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng susubukang barayti Panahon ng pagtatanim- tag-ulan o tag-araw Kasaysayan ng bukid- sakit at mga problema ng lupa Paggulang- maaga, kainaman, o huli Tipo - inbred, hybrid, espesyal na bigas Dami ng ani– mahina/mataas na potensiyal Katatagan sa mga pangunahing peste sa lugar Kalidad ng butil – sa kagustuhan ng merkado/magbibigas.

23 Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1
Sa panag-ulan, bigyang pansin ang mga kumakalat na peste sa lugar at isaalang-alang din ang pagkalugas at pagdapa na katangian ng isang barayti. Sa panag-araw karamihan sa mga hybrid na barayti ay maganda ang ani. Sa mga lugar na sahod-ulan, inirerekomenda na pumili muna ng mga barayti na naka-disenyo para sa sahod-ulan. Isaalang- alang din ang mga tradisyunal o barayti para sa sahod-ulan sa dahilang ito ang mas angkop sa lugar.

24 Gawain - Resulta - Pakinabang
bumili ng sertipikadong binhi sa mapagkakatiwalaang magbibinhi o magbinhi galing sa sariling ani; sumunod sa resulta sa isinailalim na pagsubok. gumamit ng sertipikadong binhi ng inirekomendang barayti. mataas na ani, magandang kalidad ng butil, mataas na kita, di gaanong nakapinsala sa kapaligiran Ask participants how the outcomes are achieved by using certified seeds

25 Ang binhi ang pundasyon ng pagsasaka.
Kung ano ang inyong itinanim, siyang inyong aanihin! Mataas na uri ng binhi (+ maayos na pamamahala) = malaki at de-kalidad na ani

26 Gumamit ng mataas na uri ng binhi ng rekomendadong barayti
Tandaan ang KEY CHECK 1! Gumamit ng mataas na uri ng binhi ng rekomendadong barayti

27 CREDITS Instructional presentation designer: Dr. Karen Eloisa Barroga Sources of technical content/reviewers of presentation: Ms. Thelma Padolina; Dr. Gerald Ravelo; Ms. Emily Arocena; Ms. Susan Brena; Mr. Manny Alejar, IRRI; Ms. Eleanor Ayos, BPI; Ms. Joventina Elep, BPI; Mr. Alvaro Pamplona, IRRI Note: Adapted from powerpoint presentations developed by: Mrs. Thelma Padolina; Ms. Susan Brena You may use, remix, tweak, For more information, visit: & build upon this presentation non-commercially. However, always use with acknowledgment. Unless otherwise stated, the names listed are PhilRice staffers. Produced in 2011 Text:

28 Mga lugar taniman ng palay(rice environment)
Source: IRRI Ang apat na pangunahing lugar taniman ng palay ay ang lupang pinatutubigan; sahod-ulan sa mababang lugar; bahaing lugar; at lupang kataasan.

29 Mga lugar taniman ng palay
Mga halimbawa ng barayti para sa bawat lugar taniman: Katihan (Upland): PSB Rc7, NSIC Rc9 Pinatutubigan: NSIC Rc160, Rc210H medlibrary.org Sahod-ulan sa mababang lugar: PSB Rc12, Rc14 Bahaing lugar: NSIC Rc194

30 Paano magsagawa ng pagsubok o pagtantya sa kakayahang sumibol ng binhi (viability)
Ikalat ang 100 butil ng binhi sa paper towel (o sa lumang puting kamisetang pinutol sa kalahati) na binasa sa tubig. Takpan ang mga binhi ng paper towel (o ng kaputol na kamiseta na pinagkalatan ng binhi). Irolyo ang paper towel na may binhi sa loob at iimbak sa lilim ng araw. Panatilihing basa sa buong panahon (Lagyan ng stick o patpat ang nakakalat na binhi kung kamiseta ang gagamitin at saka irolyo). Ikalat ang mga binhi ng pantay Takpan ang mga binhi IImbak ang inirolyong binhi sa loob ng 1 linggo Source: IRRI (some modifications made)

31 Gumawa ng 4 na pangkat na may tig 100 na butil ng binhi.
Paano magsagawa ng pagsubok o pagtantya sa kakayahan ng binhi na sumibol Bawat pangkat ay dapat na mayroon di mababa sa 85% na sibol o 85 na punla. Gumawa ng 4 pangkat na may tig 100 na butil ng binhi . Gumawa ng 4 na pangkat na may tig 100 na butil ng binhi. Pagkalipas ng 7-10 araw, bilangin ang mga sumibol ng normal na punla (hal. may mayabong na ugat o supang).

32 Paano magsagawa ng pagsubok o pagtantya sa pagpapasibol ng binhi
Ang bilis ng pagsibol ay hindi mababa sa 85%. Pagtaya sa bilis ng pagsibol Pagsibol (%) = Bilang ng binhing sumibol x Bilang ng binhi sa tray Hal: Kung 85 ang sumibol na binhi sa tray na may 100 na butil pagkalipas ng 10 araw, ganito : 10-araw na pagsibol (%) = x = 85% For more information contact Agricultural Engineering Unit IRRI, DAPO Box 7777, Metro Manila, Philippines Tel.: (63-2) , Fax.: (63-2) IRRI International Rice Research Institute


Download ppt "Pagpili ng Binhi at Barayti"

Similar presentations


Ads by Google