Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

A project proposal of UP One Earth Bona Rae Villarta – project head

Similar presentations


Presentation on theme: "A project proposal of UP One Earth Bona Rae Villarta – project head"— Presentation transcript:

1 A project proposal of UP One Earth Bona Rae Villarta – project head
Zero Styro A project proposal of UP One Earth Bona Rae Villarta – project head

2 All About Styrofoam Tinatawag din itong polystyrene, ang siyang pangalang pangkalakal nito Siyamnapu’t limang porsyento (95%) ng polystyrene ay gawa sa hangin. It ay isang uri ng materyal na magaan at may mabuting katangiang pang-insulasyon. Ito ay matatagpuan sa peanuts, foam, at food containers

3 Consequences of using Styrofoam on the Environment
Ang mga nakalalasong kemikal na taglay nito ay lumalabas papunta sa pagkaing taglay nito (lalu na kapag pinainit sa microwave).  Ang mga produktong ito ay gawa sa petroleum, isang materyal na hindi nare-recycle at malaki ang kontribusyon sa polusyon. Itinatapon lamang sa kapaligiran ang polystyrene foam bilang kalat. Kilala ang materyal na ito bilang isang bagay na nagkakapirapiraso at nakakapanakal ng mga hayup at bumabara sa kanilang digestive system. Tinatayang kakailanganin ng kulang-kulang isang libong taon bago mabulok ang styrofoam.

4 Consequences of using Styrofoam on the Environment
Ang paggamit ng hydrocarbons sa paggawa ng polystyrene foam ay nagiging paraan upang makalabas ang mga hydrocarbons na ito sa hangin sa ground level; dito, kapag humalo ito sa nitrogen oxides sa presensiya ng sinag ng araw, ay nakakabuo sila ng tropospheric ozone – isang malalang uri ng polusyon sa hangin sa ground level. Ang ozone ay di maikakailang isang mapanganib na bagay na malalang nakakadulot ng polusyon. Ang isang matagal na pagkakalantad sa atmospheric ozone ng higit sa legal na hangganan ay maaasahang makakapinsala sa immune system ng ating katawan.

5 Consequences of using Styrofoam on Human Health
Pagkakalantad sa styrene, pangunahing elemento o sangkap ng Styrofoam: Kabilang sa acute health effects o epekto sa kalusugan nito ay: iritasyon ng balat, mata, at nakatataas na daluyan ng hangin at maaari ring mga epekto sa daluyan ng pagkain sa katawan o gastrointestinal effects. Ang chronic o talamak na pagkakalantad dito ay nakakaapekto naman sa central nervous system o sa utak, kung saan makikita ang mga sintomas o symptoms tulad ng depresyon, pagsakit ng ulo, pagkapagod, pagkahina, at may mga kaunting epekto pa sa ating kidney o bato at sa ating dugo. 

6 Consequences of using Styrofoam on Human Health
World Health Organization’s International Agency for Research on Cancer. Ang matagal na pagkakalantad sa maliliit na dami ng styrene ay pinangangambahan ding nagdudulot ng: – mababang platelet counts o hemoglobin values sa dugo; – mga tiwali o abnormalities sa chromosome at lymphatics; – nakalalasong epekto dulot ng pagiipon ng styrene sa utak, spinal cord, at peripheral nerves, na maaring magresulta sa pagkapagod, pagkanerbiyos, hirap sa pagtulog, at iba pang problemang pangkalusugang konektado sa tatlong nabanggit. Dahil sa mas malubha ang mga epektong ito sa mga katawang nagde-develop pa, labis na pag-iingat ang ipinapayo sa mga inang nagdadalang tao (o nagiisip na magdalang tao sa hinaharap) at sa mga batang hindi pa tumutuntong ng pagbabagontao o puberty.

7 The State of the Campus Regarding Styrofoam Usage
Isang tindahan sa GAB cafeteria ang gumagamit ng banana leaves para sa “presentation” o kabuuang paghahain ng kanilang tinda. Isang tindahan sa GAB cafeteria ang sumisingil ng karagdagang bayad na P5/paper plate and P2/utensil. Mababa lamang ang bilang ng mga estudyanteng nagdadala ng baon sa paaralan (mas mababa sa singkwenta o 50 para sa buong campus).

8 Alternatives to Styro Pagdadala ng baonan
Divisoria – may mga nabibiling baonan na may “prints” Ang paggamit ng baonan ay karaniwan sa mga estudyante sa grade school bilang isang paraan upang maitaguyod ang tamang nutrisyon at ang kanilang mga panlasa. Isang Problema: Maraming estudyante ang nagtuturing dito bilang sagabal lalu pa’t nakakapagdagdag ito sa mga kailangang dalhin sa araw-araw at nakapagpapataba ng bag.

9 Alternatives to Styro Plastic plates o mga Platong Plastik (reusable o muling nagagamit) – may kaakibat na deposito na ibabalik sa gumamit kapag naibalik ang mga plato sa mabuting kundisyon Isang Problema: Hindi hinahayaan ng UPM Administration na maghugas ng mga kasangkapang plato, atbp. ang mga konsesyonaryo.

10 Alternatives to Styro Lalagyang Karton o Basong Papel, platong papel:
Isang Problema: gastusin o expenses Isang Solusyon: gumawa ng sariling sisidlang papel o paper container sa chocolate facory

11 Alternatives to Styro Dahon ng saging
Ginagamit sa mga binalot-style na kainan Pagtatapon: Ilagay sa balaong o basurahang pam-biodegradable at bago matapos ang araw ay ilagay sa isang compost pit. Isang Problema: Paghahanap ng taniman ng saging na panggagalingan ng mga dahon ng saging

12 Policies Karagdagang P4.00+ para sa styrofoam (P5.00? P10.00?)
Palakasin ang libreng pagpapatalastas o free advertising (Tatak One Earth) Pagkampanya para sa mas malawak na kamalayan Kilalanin at bigyang parangal ang mga estudyanteng nagdadala ng kanilang baon sa paaralan. Lagyan ng deposito ang mga platong plastik para sa kanilang maintenance o pagpapatuloy.

13 Sources


Download ppt "A project proposal of UP One Earth Bona Rae Villarta – project head"

Similar presentations


Ads by Google