Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

Rhina Alvero-Boncocan Bahay ni Rizal Setyembre 15, 2010

Similar presentations


Presentation on theme: "Rhina Alvero-Boncocan Bahay ni Rizal Setyembre 15, 2010"— Presentation transcript:

1 Rhina Alvero-Boncocan Bahay ni Rizal Setyembre 15, 2010
Mga Samahang Itinatag ng mga Pilipino sa Labas ng Pilipinas noong Ika-19 na Dantaon Rhina Alvero-Boncocan Bahay ni Rizal Setyembre 15, 2010

2 Introduksyon: Layunin ng papel na:
Suriin ang naging ambag ng mga samahang itinatag ng mga Pilipino sa labas ng Pilipinas noong ika-19 na dantaon sa pagsulong ng proyektong pagkabansa ipakita ang naging papel ni Rizal bilang kasapi ng mga samahang repormista sa loob ng Kilusang Propaganda

3 Konteksto: Matapos ang kaguluhan ng 1872 bunga ng Pag-aalsa sa Cavite, kasama na ang paghuli sa mga Pilipinong liberal at ang pagbitay sa tatlong pari, ang panahon hanggang 1896 ay di na kakikitaan ng mga pag-aalsa. Sa halip, ang pagkilos laban sa kolonyalismong Espanyol ay mababaling sa kilusan para sa reporma sa pamamagitan ng propaganda o pamamahayag na isusulong ng mga Pilipinong nasa Europa. Nagtayo sila ng mga samahang may pangkalahatang programa ng ASIMILASYON.

4 Kilusang Propaganda: Ang Kilusan ay binuo ng mga sumusunod na grupo:
mga ipinatapon noong 1872, karamihan ay mestisong Kastila at mga creole; kabataang estudyante, anak ng mayayamang katutubong principalia o mestisong Tsino o Kastila mga pinagdududahang filibustero na tumatakas mula sa rehimeng Kastila (Cf. Constantino, A Past Revisited.)

5 Mga Kasapi ng Kilusang Propaganda:

6 Si Rizal at Kilusang Propaganda:
3 Mayo 1882—umalis si Rizal patungong España; makakasama niya ang mga kapwa ilustrado at magiging aktibo sa mga pagkilos para sa paghingi ng reporma sa España

7 Mula 1880 – 1882, makikita ang pagsisimula ng pagbubuo ng isang kilusang nasyunalista. Nagsimulang ipahayag ang kamalayang makabansa ng mga Pilipinong nangibang-bayan mula sa kaisipang sila ay hindi lamang alipin o sakop ng Espanya, kundi isang pantay na komunidad, may sariling katangiang pambansa at minimithing tanggapin bilang kapantay na mamamayang kastila.

8 Sa kagandahang loob ni Prop. Michael Chua
Hangarin ng Kilusang Propaganda Hangaring Pampulitika Pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya Pagkapantay-pantay ng mga Filipino at Espanyol sa harap ng batas Pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Cortes ng Espanya Paghirang ng mga Filipinong paring sekular sa mga parokya at pagpapaalis sa mga prayle Sa kagandahang loob ni Prop. Michael Chua

9 Sa kagandahang loob ni Prop. Michael Chua
Hangarin ng Kilusang Propaganda Hangaring Pang-ekonomiya Pagpapatibay ng patakaran ng “malayang kalakalan” sa Pilipinas at pag-aalis ng paghihigpit sa negosyo Paghahanap ng paraan na mabigyan ng matatag na pamilihan ang mga produkto ng Pilipinas Mabilisang hakbang para sa liberalisasyon ng ekonomiya ng bansa Sa kagandahang loob ni Prop. Michael Chua

10 Sa kagandahang loob ni Prop. Michael Chua
Pangunahing Gawain ng Kilusang Propaganda Circulo Hispano-Filipino España en Filipinas Exposición de Filipinas Asociacion Filipino-Hispano La Solidaridad Masoneria Sa kagandahang loob ni Prop. Michael Chua

11 Maikling timeline: Sucesos de las Islas Filipinas
(may anotasyon ni Rizal) La Solidaridad (Masoneria) 1890 Los Dos Mundos El Imparcial Diario de Manila 1889 La Solidaridad Asociacion Hispano- Filipino Indios Bravos Circulo Hispano-Filipino 1882 1891 El Filibusterismo 1887 España en Filipinas Noli Me Tangere Exposicion de Filipinas 1892 La Liga Filipina

12 Circulo Hispano-Filipino
Unang gawaing kolektibo ng komunidad ng mga Pilipino sa Madrid; nagmula sa piging para sa publikasyon ng aklat ni Gregorio Sanciangco noong 1881 na El Progreso de Filipinas na nagtalakay sa dekreto na nagtakda ng pag-alis sa monopolyo ng pamahalaan sa tabako; naging simbolo ito ng progresibong pagbabago o repormang liberal na kahilingan sa gobyerno.

13 Circulo Hispano-Filipino
Abril 1882 – itinatag ang Circulo Hispano-Filipino sa ilalim ng pamumuno ni Juan Atayde, isang insular at retiradong opisyal ng sandatahang lakas Ayon kay Schumacher, sa unang bahagi, ang organisasyon ay isa lamang itong social club, pero sa pagdating ni Rizal sa Madrid noong Setyembre 1882, nakita niya ang organisasyon na posibleng instrumento para mapagkaisa ang mga Pilipino.* Naglabas ang samahan ng isang pahayagan, Revista del Circulo Hispano-Filipino upang ipahayag ang pangangailangan ng Pilipinas ng reporma. Schumacher, the Propaganda Movement, , p. 32.

14 : Kilusan sa Panulat 1884 – nagsulat ang ilang Pilipino para humingi ng reporma sa kolonya sa mga sumusunod na pahayagan: Los Dos Mundos, El Imparcial, El Liberal, Diario de Manila, La Publicidad Naki-ugnay ang mga Pilipino sa mga repormistang Kastila (Liberal o Republikano) gaya nina Miguel Morayta, Francisco Pi y Margall at Rafael Labra na bumatikos sa monarkiya at nagpalaganap ng anti-klerikong sentimyento

15 España en Filipinas: 1887 – naglathala ang mga Pilipino sa Madrid ng pahayagang España en Filipinas Ang pahayagan ay pumapagitna (moderate), pinamunuan ni Eduardo de Lete bilang patnugot; binuo ng mga mestiso at creole ang patnugutan at nagsulong ng programa ng asimilasyon Nagtuon sa kalagayan ng Pilipinas, sa ekonomya at pulitika; may diin sa masamang epekto ng patakaran ng pamahalaan sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas at ng kalakalan nito sa Espanya tinukoy ang pagkakaroon ng representasyon ng Pilipinas sa Cortes bilang solusyon.* Marahil nahikayat upang sagutin ang mga artikulo na mapang-insulto sa Pilipino ng isang nagngangalang Quioquiap. * Schumacher, p. 70.

16 España en Filipinas: Nagprotesta laban sa Exposicion de Filipinas na nagtampok sa mga katutubong Pilipino bilang eksibit; nagkaroon ng pakikiisa sa mga Igorot at Moro ang mga ilustrado, panggitna o mataas na uring Pilipino na nasa Madrid; nagpalakas din ng anti-prayle na sentimyento, tinukoy ang kawalan ng edukasyon bilang dahilan ng mababang kabihasnan ng mga katutubo Hindi rin nagtagal dahil sa pagkakaiba ng pananaw ng mga kasapi.

17 Sa kagandahang loob ni Prop. Raymund Abejo
Exposición de Filipinas

18 Asociacion Hispano-Filipino
itinatag ng Hulyo 1888; binuo ng mga Pilipino at ilang Kastila na may layuning paunlarin ang sangkapuluang Pilipinas sa pamamagitan ng legal na propaganda, upang maimpluwensyahan ang opinyong publiko para makamit ang mga layuning pagbabagong pulitikal at administratibo sa pmahalaan at sa Cortes. Kabilang sa mga hinihinging reporma o pagbabago ay ang sumusunod: pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng eskwelahan sa Pilipinas; pagpigil sa flogging bilang parusa; pag-alis sa ilang mga buwis; pagpapaunlad ng produksyon ng bulak, cacao at indigo; pagtatayo ng mga bangkong agrikultural; pagtatayo ng mga kalsada at riles ng tren, at mga reporma sa pamamahala.

19 Indios Bravos: Samahang binuo ni Rizal sa Eksposisyon sa Paris ng 1889; naglayong isulong ang dedikasyon ng mga Pilipino sa Europa at edukasyon para sa Pilipinas Ginamit ang pangalan bilang parangal sa mga Indiong Amerikano na nasa Wild West exhibit. Sa halip na ikahiya ang katawagang “indio”, dapat ipagmalaki ang lahi; tawagin ang mga kasaping Indios Bravos; paghusayan ang pag-uugali upang mabago ang pananaw ng Kastila sa indio; magpalaganap ng kaalamang siyentipiko, artistiko o literaryo at pag-aaral ng lupang tinubuan; at pairalin ang pagtutulungan ng mga kasapi.

20 La Solidaridad: Karamihan sa mga manunulat ay Pilipino: Jose Rizal, M.H. del Pilar, Eduardo de Lete, magkapatid na Luna, Jose Ma. Panganiban, Mariano Ponce, Isabelo de los Reyes, Dominador Gomez, Pedro Paterno atbp., gayundin si Ferdinand Blumentritt at mga Kastilang liberal.

21 Ang Pahayagang La Solidaridad
pahayagan ng Kilusang Propaganda; unang lumabas noong Pebrero 15, 1899 sa Barcelona; inilipat sa Madrid noong Nobyembre 15, 1889

22 La Solidaridad: mga artikulo ukol sa kalagayang pulitikal, panlipunan at ekonomiko sa Pilipinas; gayundin sa mga usapin sa iba pang kolonya ng Espanya. Nagtaglay ng mga adhikain ng mga Pilipinong ilustrado, ang kanilang kahilingan para sa reporma at pagbabago, at sa huli, ang kanilang pagkabigo sa pagkamit ng pagbabago sa mapayapang paraan naging suliranin ang kakulangan ng pondo para ipagpatuloy ang pahayagan.

23 La Liga Filipina 3 Hulyo 1892—Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa kanyang pagbabalik sa Filipinas. naglayong pagsama-samahin ang kapuluan sa isang katawan, proteksyon para sa lahat, pagtatanggol laban sa kaguluhan at kawalan ng katarungan, pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at pag-aaral at pagsasagawa ng mga reporma. Ayon kay Floro Quibuyen, dito ninais na isakatuparan ni Rizal ang kanyang konsepto ng bansa (Cf. A Nation Aborted).

24 Paglalagom: Ang mga samahang itinatag ng mga Pilipino sa labas ng Pilipinas ay kumatawan sa mahabang kampanya para sa mga reporma at pagkilos tungo sa asimilasyon ng Pilipinas sa Espanya Sa mga samahan, malinaw ang pag-kritika sa kolonyalismo at pakikiisa sa iba pang mga kolonya ng Espanya para sa paghingi ng mga karapatang pulitikal at sibil gaya ng representasyon sa Cortes at kalayaan sa pamamahayag Nagpalakas ng sentimyentong anti-prayle at sekular, at mga kaisipang liberal .

25 Paglalagom: Kasabay ng pagyakap sa mga kaisipang kanluranin gaya ng liberalismo, pinahalagahan ang sariling kalinangan at kasaysayan Sa simula, pangunahin si Rizal sa pagsusulong ng mga layunin ng mga samahang liberal – repormista; naging aktibo sa pakikilahok sa mga samahan. Subalit sa huli, nakita niya ang limitasyon ng programang asimilasyon at nagsulong ng pagtatatag ng pambansang komunidad na hiwalay sa Espanya.

26 Mga Sanggunian: Chua, Michael, Hamon at Tugon: Conquista at Reaksyon ng Bayan Tungo sa Pambansang Himagsikan, powerpoint presentation. Constantino, R. The Philippines: A Past Revisited, Tala, Quezon City, Corpuz, O.D. The Roots of the Filipino Nation, Aklahi Foundation, Inc., 1989. Quibuyen, F. Rizal, American Hegemony, and Philippine Nationalism, Ateneo de Manila University Press, 1999. Rajaretnam, M. Jose Rizal and the Asian Renaissance, Institut Kajian Dasar, K.L., 1996. Schumacher, J. The Propaganda Movement , Ateneo de Manila University Press, 1997. HAMON AT TUGON Conquista at Reaksyon ng Bayan Tungo sa Pambansang Himagsikan


Download ppt "Rhina Alvero-Boncocan Bahay ni Rizal Setyembre 15, 2010"

Similar presentations


Ads by Google