Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Di gaanong bumababa ang ani dulot ng peste
Key Check 7: Di gaanong bumababa ang ani dulot ng peste mga pesteng insekto, mga sakit, mga daga, mga ibon, golden apple snails
2
Pamamahala sa pagsugpo ng Golden Apple Snail (GAS)
Unang bahagi: Pag-unawa sa Sistemang Palay Check
3
Pagsasanay: Pagbilang ng mga itlog ng GAS
4
Kaya sa palagay mo ay dapat nating pamahalaan ang GAS?
Tumpok na itlog ng GAS ISIPIN ITO: Karamihan ng mga itlog (80%) ay nagiging mapaminsala na kayang makaubos ng mga batang puno ng palay sa magdamag! Kaya sa palagay mo ay dapat nating pamahalaan ang GAS? Flash the answers to the question after the participants have given theirs. You may add something that has not mentioned but the participants did. Ang mga GAS ay: maraming mag-anak matakaw
5
Kilalanin kung ano ang GAS
Tubig-tabang na gastropoda na katutubo ng South America 3 ruta ng pagkakadala sa Pilipinas Mula Taiwan dinala sa Lemery, Batangas, noong 1982 Mula Florida, USA dinala sa Makati, Metro Manila, 1983 Mula Argentina dinala sa Asturias, Cebu noong 1984 Nakilala bilang pagkakakitaan at dagdag na mapagkukunan ng protina na kailangan ng katawan. Pagkalipas ng 6 na taon ng pagkakadala nito, 3.6% ng kabuuang palayan ang sinakop o dinagsa ng GAS (Rejesus et. Al., 1988)
6
Kilalanin kung ano ang GAS
Nabubuhay ng 2-6 taon at mabilis dumami Kulay maputlang kayumanggi ang shell nito, ang laman ay kulay gatas na malarosas o dalanda Ang laki at sukat ay depende sa dami ng nakakain nito Ang pinakamapaminsalang panahon ay kapag lumaki ng 10 mm-40 mm o sinlaki ng 5 pesos na barya.
7
Tirahan ng GAS mga dagat-dagatan, latian, bukid na tubigan, kanal at mga lugar na may inimbak na tubig Nakabaon sila sa basang lupa kapag tag-araw, Kayang mabuhay ng walang pagkain sa loob ng 6 na buwan , at nagiging aktibo muli kapag ang lupa ay lubog sa tubig.
8
Kilalanin ang GAS: Ang Itlog
Ang mga itlog ay iniitlog sa gabi sa kahit na anong halaman, pilapil, at mga bagay (Hal. sanga ng kahoy, tulos, atbp.) sa ibabaw ng tubig Ang kumpol ng itlog ay matingkad ng pula na malarosas na nagiging maputlang rosas kapag mapipisa na Ang mga itlog ay napipisa sa 7-14 araw
9
Pagsasanay: Pagtukoy sa kasarian ng GAS
10
Kilalanin ang GAS: Ang matandang GAS
Ang talukap ng babaeng GAS ay malukong at ang sa lalaki ay maumbok lalaki babae
11
Kilalanin ang GAS: Ang matandang GAS
Ang mga matatanda ay nagtatalik ng 3-4 oras anumang oras sa mga nagsisiksikang halaman kung saan mayroong suplay ng tubig sa buong taon. Mabilis dumami at kayang mangitlog ng itlog sa 1 buwan.
12
Kilalanin ang GAS: Matakaw kumain
Ang mga napisang itlog ay mabilis lumaki at gumulang. Ang GAS ay nanginginain sa pinaka puno ng batang punla. Kaya nilang ubusin ang mga batang halaman ng isang buong pinitak sa magdamag. Mas gusto nila ang batang halaman dahil ang ginagamit lang nila ay ang magaspang na dila sa pagkaskas sa balat ng halaman.
13
Pinsala Mga nawawalang tundos Lumulutang na putol na dahon
1 GAS/m sentimetrong taas = 19% na pagbaba ng ani sa loob ng 30 araw pagkatapos makapagtanim
14
Kilalanin ang GAS: Ang matakaw kumain
Marami silang kinakain tulad ng azolla at iba pang halaman na matubig ang dahon. Kumakain din sila ng mga nabubulok na bagay.
15
Ang Problema ni Manong Fred
Alam ni Manong Fred na inatake ng Golden apple snail ang kanyang palayan noong nakaraang taniman. Para di na maulit, binalak nya na magtanim ng maraming punla upang may sapat na matira kung sakali at makain ng GAS ang ibang halaman. Nais din niya na pabahaan ng tubig ang bukid para mapatay ang mga GAS sa pagkalunod; ang paraan ng pagtatanim na gagawin nya ay wet-bed. Tama ba ang desisyon ni Mang Fred?
16
Pamamahala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
A - Pang-akit at pamumulot Bago maghuling suyod, mamulot ng GAS sa umaga at hapon kung kailaan sila ay aktibo at madaling makita. Gumamit ng mga patibong, pang-akit/kahaliling pagkain tulad ng mga dahon ng gabi, saging, papaya, trumpet flower, kangkong at kamote (75% kabawasang pinsala sa punla ng palay) Ang mga lumang dyaryo ay nakaka-atrak din ng GAS.
17
Pamamahala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
B – Pagsugpo gamit ang may buhay, Botaniko Ang mga pulang langgam ay nangangain ng itlog Ang mga ibon ay kumakain ng itlog at bagong pisang kuhol Ang mga itik ay kumakain ng laman ng batang kuhol Ang mga daga ay nangangagat ng shell at kumakain ng laggam Ang mga tao ay kumakain ng laman kapag maayos ang pagkakaluto (sopas, inihaw, curries, prito o barbecued) Ang mga tipaklong ay nangangain ng GAS sa palayan
18
Pamamahala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
C - Pangungolekta, Kanaleta, Kemikal bilang panghuling solusyon Sa huling pagsusuyod, gumawa ng malalim na hukay (di kukulangin sa 25 sentimetro ang luwang at 5 sentimetro ang lalim) sa mga pinitak. TEKNIK: Hatakin ang 1 sako na may laman sa loob na mabigat na bagay para makagawa ng maliit na kanal
19
Pamamahala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
C - Pangungolekta, Kanaleta, Kemikal bilang huling solusyon Lagyan ng kawad o lalang screen sa daanan o pasukan at labasan ng tubig para maiwasan ang pagpasok ng mga inakay at mga matatandang kuhol.
20
Pamamahala ng pagsugpo GAS: ABCDE
C - Pangungolekta, Kanaleta, Kemikal bilang huling solusyon Maglagay ng mga kawayang pangtulos sa mga lugar ng pinitak na matubig o sa malapit sa kanal para sa maginhawang pangungolekta; ang mga tulos ang magsisilbing paitlugan Kolektahin, lutuin, at kainin ang GAS o durugin at ipakain sa mga itik at baboy.
21
Balita!!! Ang recipe ng Chicharon golden apple snail ay pinagbuti.
Ang GAS ay masustansya!! Ang 1 kagat na laki ng GAS ay nagtataglay ng mga sumusunod: Potassium mg Riboflavin mg Niacin mg Other food values are Vitamin C, Zinc, Copper, Manganese and Iodine Food energy 83.0 cal Protein g Fat g Carbohydrates g Ash g Phosphorous mg Sodium mg Balita!!! Ang recipe ng Chicharon golden apple snail ay pinagbuti.
22
Pamamahala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
C - Pangungolekta, Kanaleta, Kemikal bilang huling solusyon Kapag ang ibang paraan ay di nagkabisa: Gumamit ng mga kemikal: Molluscisides
23
Pamamahala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
D - mga paghahanda ng tuyong lupa na tataniman, pagpapalabas ng tubig o draining Ipastol agad ang mga itik sa pinitak pagkatapos mag-anihan hanggang sa huling pagsuyod para sa susunod na taniman.
24
Pamamahala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
D - mga itik, paghahanda ng tuyong lupa na tataniman, pagpapalabas ng tubig Sa pamamagitan ng paggamit ng 900 na itik /ektarya (Vega 1991) napansin ang 74-84% na pagkabawas ng GAS sa bukid pagkatapos ng anihan. Ang pagpastol ng itik bago magtanim ang mas mabuti kaysa pagpapastol araw at 1 buwan pagkatanim.
25
GAS Management: ABCDE D - mga itik, paghahanda ng tuyong lupa na tataniman, Pagpapalabas ng tubig o Draining Ang pagkontrol gamit ang mga itik ay mas mabisa kaysa gumamit ng molluscisides Tumatagal lang ng 2-3 araw Mas nakamamatay sa mga di nakakapinsalang kuhol Di mabisa dahil gumagapang palabas kapag di maayos ang pagpapalabas ng tubig Ang Endosulfan (organochloride) ay pumapasok sa laman ng GAS at maaring ma-biomagnified kapag nakain ng tao (PCARRD Monitor, 2000)
26
Pamamahala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
D- mga itik, paghahanda ng tuyong lupa na tataniman, Pagpapalabas ng tubig o Draining Ang paghahanda ng tuyong lupa na tataniman ay naglalabas ng mga nakalubog na GAS at nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga ito. Pag-iiga (Kondisyon: dalawang 25 mm GAS/m2) 21 DAS - 100% alive plantation 14 DAS – 90% alive plantation 10 DAS – 70% alive plantation 7 DAS – 18% alive plantation
27
Pamamahala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
E- Palakasin ang bukid Para maprotektahan, palakasin ang bukid! Sundin ang mga rekomendasyon sa Palay Check Sundin ang batayan ang dami ng binhi at agwat upang magkaroon ng matibay na katawan ang mga halaman. Ang mga uri ng palay na di masyadong gusto ng GAS: PSB Rc36, Rc38, Rc40, at Rc68. Maglipat-tanim ng mas ma-edad na punla na madaling anihin na palay (lalo na sa mababang lugar).
28
Pamamala ng pagsugpo ng GAS: ABCDE
E- Palakasin ang bukid Upang ma-protektahan, palakasin ang bukid! Sundin ang mga rekomendasyon sa Palay Check Ang paghahalo ng complete fertilizer at urea sa lupa ayon sa rekomendang dami habang nagsusuyod ay nakakabawas ng dami ng GAS ng 54%. Pamalagiin na mababaw ang tubig (2-3 sentimetrong babaw) mula 3 araw pagkatanim. I-drain/Patubigan ang bukid paminsan-minsan para malimitahan ang galaw at panginginain ng GAS.
29
ABCDE sa Pamamahala ng pagsugpo ng GAS
A Pang-akit at pamumulot B Pagsugpo gamit ang may buhay, Botanikal C Pangungolekta, Kanaleta, Kemikal bilang huling solusyon D mga itik, Patuyong paghahanda ng lupa, Pagpapalabas ng tubig o pag-iiga E Pagpapalakas ng bukid
30
Ang patuloy na pagkilos ng komyunidad ay napakahalaga
Malaki ang ibaba ng ani kapag 10% o higit pa ng bukid ay napinsala ng GAS (nawawalang tundos, etc.) Sa 1 ektaryang bukid, humigit kumulang mga 1,000 metro kuwadrado ang napipinsala. Ang patuloy na pagkilos ng komyunidad ay napakahalaga
31
Mrs. Annie Antonio, Mr. Mario Dela Cruz, Mr. Rolando San Gabriel
CREDITS Instructional presentation designer: Ms. Ella Lois Bestil Sources of technical content/reviewers of presentation: Mrs. Annie Antonio, Mr. Mario Dela Cruz, Mr. Rolando San Gabriel Note: Adapted from a powerpoint presentation developed by: Mr. Glenn Ilar, Mrs. Marissa Reyes You may use, remix, tweak, For more information, visit: & build upon this presentation non-commercially. However, always use with acknowledgment. Unless otherwise stated, the names listed are PhilRice staffers. Produced in 2011 Text:
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.