Download presentation
Presentation is loading. Please wait.
1
Jose Rizal Kamatayan Group 4
De Luna, Gomez, D., Musngi, Ramirez, Sundiang, Tan-Palanca, Torres, Villa
2
LAYUNIN Sa katapusan ng pag-uulat, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1.) Matukoy ang mga mahahalagang kaalaman at pangyayari ukol sa kamatayan ni Jose Rizal at; 2.) Mabigyang halaga ang paghihirap at pagkamatay ng ating Pambansang Bayani para sa ating bayan.
3
PAGKAKAKULONG NI RIZAL
DAPITAN - Noong Hulyo 7, 1892, ipinaaresto at ipinatapon sa Dapitan si Rizal ni Gobernador-Heneral Despujol dahil sa pagsulat ng mga libro at artikulo laban sa Espanya at Simbahang Katolika. - Sa Dapitan, si Rizal ay nanggamot ng mga may sakit at hinumok na magtayo sila ng paaralan.
4
Sigaw sa Pugad Lawin (Agosto 26, 1896)
Inutos ni Andres Bonifacio na punitin ng mga Pilipino ang kanilang sedula upang ipakita ang pagsuway nila sa mga Kastila. Ito ay ang simula ng Rebolusyong Pilipino. Nakita ng mga Kastila na may ugnay si Rizal sa pangyayaring ito at kinulong siya.
5
PAGKAKAKULONG NI RIZAL (Nobyembre 3, 1896 - Disyembre 30, 1896)
Fort Santiago Nobyembre 3, 1896 – Inilipat si Rizal sa Fort Santiago Nagkaroon ng “mock trial” ang mga Kastila at si Rizal ay inakusahan ng paghihimagsik, sedisyon, at pagbubuo ng illegal na samahan.
6
PAGKAKAKULONG NI RIZAL
HUKUMANG MILITAR - Disyembre 26, 1896 ; Cuartel de Espana - Abogado ni Rizal: Tinyente Luis Taviel Andrande - Akusado: Dr. Jose Rizal - Huwes Tagapagtanggol: Kapt. Rafael Dominguez - Tagapag-usig: Ten. Enrique de Alcocer Disyembre 2, 1896 - Nilagdaan ni Gobernador-Heneral Camilo Polaviejo ang utos sa pagpatay ni Rizal.
7
ANG MGA HULING ORAS * Disyembre 29, 1896; Fort Santiago Ika-6 ng umaga
- Dumating si Kapitan Rafael Dominguez upang basahin ang kautusan ukol sa kamatayan ni Rizal. Ika-9 ng umaga - Kinumpirma ni Rizal na tama si Padre Federico Faura nang siya’y dumating, na mapupugutan siya ng ulo dahil sa Noli Me Tangere.
8
ANG MGA HULING ORAS * Disyembre 29, 1896; Fort Santiago
Ika-10 ng umaga - Binisita siya ni Padre Jose Villaclara, ang kanyang guro sa Ateneo at si Vicente Balguer, isang misyonaryong Heswita sa Dapitan Ika-12 hanggang ika-3 ng hapon - Sa panahong ito, sinulat ni Rizal ang tanyag ng tulang “Mi Ultimo Adios,”na nagtatala ng kanyang pagmamahal sa kanyang bayan at kababayan. - Itinago niya ito sa lutuang alkohol
9
ANG MGA HULING ORAS * Disyembre 29, 1896; Fort Santiago
Sumulat si Jose Rizal ng mga liham para kay Ferdinand Blumetritt, isa niyang matalik ng kaibigan at kay Paciano, kanyang kapatid. Sa liham niya para kay Blumentritt, nagpaalam siya sapagkat siya ay babarilin at mamamatay nang may malinaw ng budhi Para kay Paciano, siya rin ay nagpaalam at ibinilin sa kanya ng sabihin sa kanilang ama na inalala niya siya at ang pagmamahal Ipinag-alam din ni Rizal sa sulat para kina Paciano at Blumentritt na wala siyang kinalaman sa krimen ng rebelyon.
10
ANG MGA HULING ORAS Ika-8 ng gabi
* Disyembre 29, 1896; Fort Santiago Ika-4 ng hapon - Dumating ang kanyang ina at si Trinidad. - Ibinigay ni Rizal kay Trinidad ang lutuang alkohol habang ibinulong sa kanya, “May laman sa loob.” Ika-8 ng gabi - Sa harap ni Kapitan Dominguez, pinatawad niya ang mga nagkasala sa kanya pati na rin ang kanyang mga kaaway.
11
ANG MGA HULING ORAS * Disyembre 30, 1896; Fort Santiago Ika-3 ng umaga
- Si Rizal ay nagmisa at nangumpisal Ika- 5 ng umaga - Sumulat siya ng liham para sa kanyang pamilya Ika-5:30 ng umaga - dumating ang kanyang asawa, si Josephine Bracken kasama si Josefa. - Ibinigay niya kay Josephine ang libro ni Kempis, “Imitacion de Cristo.” Nilagdaan ni Rizal ito ng: “Sa aking mahal at nalulungkot na asawa, Josephine.” Ika-6 ng umaga - Isinulat niya ang pinakahuling liham para sa kanyang ama at ina upang makahingi ng tawad sa kanila.
12
KAMATAYAN * Disyembre 30, 1896; Fort Santiago Ika-6:30 ng umaga
-Naghanda nang umalis si Rizal kasama ang kanyang apat na bantay patungong Bagumbayan. - Siya ay nasa pagitan nina Tinyente Luis Taviel Andrande, Padre Villaclara at Padre March. - Siya ay nakasuot ng itim na kurbata, itim na sombrero, itim sa sapatos, at puting tsaleko (vest). BAGUMBAYAN - Nagpaalam si Rizal sa mga mananaggol at pari. - Itinanggi ng kapitang Kastila ang kanyang hiling na barilin siyang nakaharap, ngunit pinagbigyan ang kanyang hiling na barilin siya sa puso sa halip na sa ulo. - kinuha ni Dr. Felipe Ruiz Castillo ang pulso ni Rizal at sinabing ito ay normal parang hindi mamamatay.
13
KAMATAYAN Ika-7 hanggang 7:03 ng umaga
* Disyembre 30, 1896; Bagumbayan Ika-7 hanggang 7:03 ng umaga - Tinalikuran niya ang mga kastila at humarap siya sa karagatan. - Ang kapitan ay sumigaw ng “Preparen!” upang maghanda na ang mga sundalo. Sumunod ang “Apunten!” para ihanda ang mga baril. Ang panghuling isinigaw ng kapitan ay “Fuego!” upang barilin na si Rizal - Ang huling salita ni Rizal : “Consummatum Est!” - Nang ibaril siya, pinilit niyang ipakanan ang kanyang katawan upang nakaharap siya sa sumisikat na araw. - Sa kanyang kamatayan, sumigaw ang mga Kastila nang, “Viva España!”
14
Libingan sa Paco May isang oras nang nakalipas nang ilipat ang bangkay ni Rizal mula sa Ospital ng San Juan de Dios patungo sa sementeryo ng Paco. Ang bangkay ay nasa karaniwang kabaong. Pamilya at malapit na kaibigan lamang ay maaaring lumapit sa paglilibingan. Sa puntod nito nakasulat ang (RPJ) ang unang titik ng pangalan ni Rizal, Jose Protacio Rizal, ngunit nakabaliktad, upang hindi kunin ng mga Pilipino at gawing propaganda.
15
Puntod ni Rizal
Similar presentations
© 2025 SlidePlayer.com. Inc.
All rights reserved.